webnovel

Destined To A Virtual Hottie (Filipino/Tagalog)

Pzyon · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Chapter 2

Kizo Pov

Dala ang aking mga importanteng papeles ay mabilis naglakad papuntang labasan kung saan ay maraming sasakyang di pampasahero kagaya ng tricycle, jeep, taxi at bus.

Mas pinili kong sumakay na lamang sa bus dahil madadaanan nito ang paaralan namin kaysa naman mag jeep o kaya ay tricycle na dalawang magkaibang sakay pa ang aking gagawin na siyang mag-aaksaya ng oras ko. Mas mura pa at mabilis na makakarating sa paaralan kung bus lamang.

After 5432109876, sa wakas ay natatanaw ko na ang Don Giovanni Benedict International High School. Medyo malayo pa ito ngunit kitang-kita ko ang taas at laki nito kumpara sa mga establishimentong nakatatag malapit dito.

"Wow!" mangha kong pagkakasabi ngunit agad kong tinakpan ang aking bibig ngunit ng lingunin ko ang loob ng bus ay nakita ko ang lahat ng mga mata ng mga pasahero ay nasa akin nakapukos.

"Sorry po, napalakas po ata..."Sambit ko na pahina ng pahina ang boses. Nahihiya akong iniba ang aking atensyon.

Agad akong nilapitan ng konduktor ng bus kung saan ay tinanong.

"Boy, saan ka ba bababa?" Sambit ng konduktor sa kasuwal na paraan ng pagtatanong.

"Sa Don Giovanni Benedict International High School po manong!" Masigla kong pagkakasabi.

"Talaga ba, sa tingin ko sayo bata parang may sira ka yata sa ulo. Sa itsura mong yan siguradong di ka tatanggapin ng alinmang eskwelahan at mas lalong hindi ka tatanggapin ng DGBIHS hahaha!!!" Malakas na pagkakasabi ng konduktor na animo'y hindi naniniwala sa akin.

Halos lahat ng mga pasahero ay tumingin sa aking direksiyon na animo'y hindi rin naniniwala sa akin.

Napuno ng halakhakan ang loob ng bus partikular na ako ang center of attraction.

"Bata, College na ko ngunit kahit mag-apply pa ko ng ilang libong beses ay sigurado akong hindi ako makukuha ng paaralan na yan!"

Hindi ko pinansin ang sinabi ng College Student na lalaking ito.

"Di ka nakakain ng ilang araw kuya?! mga Elite Students lamang ang maaaring makapasok diyan. Sa itsura mong yan mukhang ikaw ay isang Ultimate Elite---"

"Wow, salamat naman sa------."

"Patapusin mo muna ako kuya, ikaw ang Ultimate Elite Evolution ng Homo Erectus, diba guys?!" Sambit ng isang High Quality Students sa kaklase niya.

Nang marinig ito ng mga tao sa loob ay halos hindi sila makahinga sa biro ng isang High School Students na babae.

Maraming pa akong naririnig na mga panlalait at mga masasamng komento tungkol aa akin at sa pagpasok ko sa Elite School ng DGBIHS Kung kaya't pinabayaan ko na lamang ito muna.

Hindi ko alam na mukhang mga imbestigador at likas na tsimoso at tsismosa ang mga tao sa kasalukuyan.

Siguradong kapag sinabi kong magpapaenrol na ako sa Don Giovanni Benedict International High School ay sangkaterbang masasamang salita ang ibubunton sa akin ng mga taong nakasakay sa bus. Sigurado akong ipapalabas ako ng mga tao ng wala sa oras.

Mabuti na lamang at Bus Stop ang paaralan kung kaya't malaya akong makakababa sa bus.

Na sa aktong isang hakbang nalang ay bababa na ako ng bigla kong nilingon ang mga taong nasa loob ng bus.

"Paalam sa inyo at salamat sa masasamang pabaon niyo sa akin. Enrolment ko na pala dito." Sabay pakita ko ng aking formal Logo na siyang Pass ko para makapasok sa loob ng school.

"Atsaka hindi kayo masyadong judgmental noh?!" Dagdag kong sabi sa kanila habang sila ay nakaawang parin ang kanilang bibig.

Walang pasabing nilisan ko ang bus at walang lingong likod kong tinahak ang daan papunta sa gate ng paaralan.

Nang makita ko sa malapitan ang napalaking gusali ng paaralan at sa malaking gate nito ay halos malula na ako sa laki nito.

"Ibang-iba pala ito sa malapitan." Mahina kong sambit sa aking sarili bago sinubukang lapitan at itulak ang gate.

"Hoy bata, ano ang ginagawa mo sa gate. Magnanakaw ka ba ha?!" Sambit ng malaking boses na animo'y Nakakatakot.

"Ha?! May maligno ba dito? Sino yung nagsasalita please magpakita ka at nang matulungan kita!" Sambit ko na nanginginig.

"Sa itsura mo bata, natakot ka pa sa maligno?!" Sambit ulit ng malaking boses na agad kong hinanap ngunit hindi ko makita. Nagsisimula na akong kabahan sa kakaibang pangyayaring ito. Siguro ay ipapa-KMJS ko to dahil sa di umano'y mga kababalaghan ng eskwelahang ito. Halos matakot ako dahil parang malaking nilalang ito katulad ng kapre o higit pa.

"Parang natatakot ka ata bata. Walang maligno dito, yung kasama kong guard yung nagsasalita. Ano ang maipaglilingkod namin sayo?!" Sambit ng magandang tinig mula sa loob habang nagpipigil ng tawa sa huli.

Agad ko namang inayos ang aking sarili at nagwika.

"Enrolment po ngayon di po ba?! Magpapaenrol po sana ako."

"Ha?! Mamayang alas otso ng umaga pa yung enrolment niyo eh. Magnanakaw ka ba?! Sambit ng malaking boses.

"Hindi po ah, sa katunayan ay dala ko po ang mga papeles ko sa paaralan at may logo pa po ako." Tapat na pagkakasabi ko lalo pa't parang pinaglihi sa sama ng loob ang lalaking guard daw. Ayoko namang maging bastos.

Agad kong tiningnan ang luma kong relo at nang makita ko ay 6:40 palang ng umaga.

"Napaaga yata ako huhu..." Sambit ko sa aking isipan ng mapagtanto kong totoo ang sinabi ni manong guard.

"Sige bata itapat mo yan sa isang sensor na malapit sa doorbell ng malaman namin kung estudyante ka nga ba." Malumanay na pagkakasabi ng babaeng tinig upang bigyan ako ng instructions.

"Sige po Ate Guard." Magalang kong pagkakasabi habang hinahanap ang sinasabi nitong sensor.

Agad kong nakita ang sensor na animo'y para sa ID. Nakita ko na ito kapag bumibili ako sa 7/11 kung kaya't agad kong in-insert ang kaniyang pass card na kulay gold.

Agad ring bumukas ang malaking pintuan ng gate at bumungad sa aking mga mata ang napakalaking estruktura ng Don Giovanni Benedict International High School. Maging ang napakagandang man-made na landscapes ay hindi nakaligtas sa mangha-mangha kong mga mata. Isa lang masasabi ko sa Mataas na paaralang ito. Isang paraisong hindi maaabot ng sinuman ngunit ako, makakapag-aral dito. May galak sa aking puso dahil matutupad rin sa wakas ang aking pangarap. Tsaka pinili ko ang eskwelahan na ito dahil na rin sa mataas nitong kalidad nito sa pagtuturo.

"Hindi ko aakalaing ang mukhang magnanakaw na katulad mo ay isa palang bagong estudyante ng Don Giovanni Benedict International High School." Sambit ng malalim na boses sa aking likod na siyang sumira sa maganda kong iniisip.

Agad akong lumingon at bumungad sakin ang dalawang nakauniforming pang-guard ngunit with class dahil masasabing napakamahal ng tela ng mga suot nila maging ang mga badges nila na suot-suot ay gawa sa pilak at ginto. Mayroon ding nakaburdang logo ng paaralan sa kanilang uniporme sa kaliwang dibdib nila.

Ang lalaking guard ay may apilyedo na Romualdo at ang babae naman ay Cruz.

Ngunit agad na napangiwi ang mukha ng lalaking guard ng tinampal siya ng malakas sa braso nito ng babaeng guard.

"Hoy Gilbert, wag mo ngang awayin ang bagong estudyante ng paaralang ito. Isusumbong na talaga kita sa Admin ng eskwelahang ito!" Sambit ng babaeng guard na hindi ko pa kilala. Nakasimangot itong nakatingin ng masama sa lalaking guard na nagngangalang Gilbert.

"Ano ka ba Lina, sinabi ko lang ang totoo dahil sa anyo niya. Hindi siya bagay sa lugar na ito. Tingnan mo nga ang kabuuang itsura niya. Mukha siyang pulubi na magnanakaw!" Pasigaw na pagkakasabi ni Ginoong Romualdo sa babaing si Binibining Cruz.

"Isa nalang talaga Gilbert at makakatikim ka na talaga sa akin. Patakaran ng eskwelahang ito na maging pantay ang sinumang estudyante dito.

"Okay lang naman yan Lina, bulag ka ba ha. Alam kong magiging tampulan siya ng mga bullies dito. Siguradong aalis rin at magda-drop ang bagong estudyante na ito." Sambit ni Gildert sa napakalaki nitong boses pero makikitaan ng pagiging prangka nitong sabi.

Makalipas ang 123456789054321 ay hindi matigil na bangayan pa rin ang maririnig sa kinaroroonan ng dalawang guard.

"Mawalang-galang na po mga kataas-taasang mga Royal Guards, pwede na ba akong makaalis dito upang pumunta sa Registration Area?!" Sambit ni Binibining Cruz.

"Bago yun magpapakilala muna kami sayo Ginoo, ako si SPO3 Adelina Jei Cruz aka Miss Lina at ito naman ubod ng sungit na si Gilberto Dominador Romualdo. Kami ang in-charge na guards sa malaking paaralan na ito. Welcome to Don Giovanni Benedict International High School!" Masayang sambit ng babaeng guard.

"Thank You Po Miss Pretty Guard!" Buong galang kong pagkakasabi ng tapat sa babaeng guard. Totoong napakaganda ng babaeng guard lalo na sa malapitan.

"Hmmmp! Napakasama ng panimula sa akin Lina huhu!" Pagmamaktol ng lalaking guard na nagngangalang Gilbert habang nakasimangot.

"Buti lang yan sayo noh. Napakasama ng trato mo sa batang estudyante na ito. Mapanghusga ka kasi kung kaya't nababagay lamang sa iyo iyan, hmmp!" Masungit na pagkakasagot ni Miss Lina na may kasamang irap.

Agad akong tiningnan ng magandang guard na si Miss Lina aka Miss Pretty Guard.

"Umalis na tayo dito at iwan ang masungit na guard na ito. Nakakasira ng magandang umagang ito ang ugali niya diba?!" Sambit ni Miss Pretty Guard sa akin.

"Oo nga Miss Pretty Guard pero mabait naman siguro si Kuya Guard. Sino nga ba ang magtatrato sakin ng tama sa itsura kong to." Sambit ni Kizo ngunit kakikitaan ng lungkot sa boses.

Natigilan din si Miss Pretty Guard sa sinabi ko at tiningnan ng masama si Ginoong Gilbert. Hindi nakaligtas saking paningin ang masakit na pagtingin sa kanya ni Miss Pretty Guard.

"Pabayaan mo lang iyon. Oh siya, umalis na tayo rito upang ipasyal ka muna sa mga lugar dito. Ituturo ko sayo ang mga silid na madadaanan natin in short ay ako ang magigong tour guide mo ngayon. Okay ba yun---?" Masayang pagkakasabi ni Miss Ate Guard sa akin.

"Kizo po ang pangalan ko Miss Pretty Guard." Nahihiyang sambit ko habang nakayuko.

"Kay guwapong pangalan naman ang pangalan mo. Oh Kizo, ready ka na ba for the tour?!" Nakangiting sambit ni Miss Ate Guard sa akin habang nagtatanong.

"Ah ... Eh... Opo! Kaso siya po?!" Sambit ko ng nahihiya habang tinuturo ang lalaking guard na nagngangalang Gilbert.

"Pabayaan mo siya tsaka may isang oras pa tayo upang libutin ang paaralan para naman hindi ka maligaw. Bibilisan lang natin hehe." Kalmadong pagkakasabi ni Miss Pretty Guard habang hinihila na siya papasok sa malaking gusali.

Third Person POV

Marami akong nalaman ukol sa mga lokasyon ng mga silid kagaya ng silid-aklatan, Registration Office, Dean Office, Guidance Office, Computer Room, Waiting Area, Canteen at marami pang iba. Parang mga Royal Family ang nakaaral dito at halos manliit siya sa kaniyang sarili. Binilisan namin aming lakad para na rin mabilis kaming makapunta sa susunod na mga pasilyo.

Ang mas nakakamangha ay ang napakalawak nilang Football field at Gymnasium na ilang libong katao ang pwedeng makaukopa dito. Mayroon din silang mga special na pasilidad kagaya ng mga Gaming Room which is exclusive for VIP Elite Gamers, Gym Room for Elite Athletes, Hotel Rooms for Top Elite Members lamang at marami pang iba.

Mayroon din silang condominium rooms for all Elite Students as well as mga Scholars.

Nang marinig ito ni Kizo ay napanganga siya. Agad siyang napatanong kay Lina Cruz aka Miss Pretty Guard

"Scholar po ako dito Miss Pretty Guard, ano po----?!"

"Ano?! Bakit di mo sinabi bata este Kizo?!" Sambit ni Miss Pretty Guard halatang nagulat ito. Mayroong kung anong bumabagabag sa isip nito ngunit agad din nitong ikinubli sa kanyang ekspresyon sa mukha.

"Bawal kasi kaming makialam sa mga Scholars Students dito. No special treatment for scholars dito pero dahil sa napakabait mo at napakagalang mo is consider this as a gift tour." Sambit ni Miss Pretty Guard kay Kizo ng nakangiti sa huli.

"Hanggang dito na lamang ang itutulong ko sa iyo knowing na may hahandle sa inyo especially dahil yung Headmaster ng eskwelahan mismo ang hahandle sa inyo p----."

"Ano?! Bakit yung Headmaster ng school ang hahandle sa amin Miss Pretty Guard?!" Sambit ni Kizo na puno ng kuryusidad.

"Sa totoo lang ay hindi namin alam ang rason. Isang leak info lang iyon mula sa faculty ng mga guro." Sambit ni Miss Lena Cruz kay Kizo.

"Okay po, salamat po sa masayang tour na ito. Nag-enjoy po ako Miss Pretty Guard." Sambit ni Kizo na ipinakita ang malapad na ngiti nito kay Lena Cruz.

"Oh siya, walang anuman tsaka siguradong bukas na ang Registration Office kung kaya't kailangan nating magmadali para hindi ka maghintay ng matagal." Sambit ni Lena Cruz habang tinitingnan ang mamahaling relo nito.

Agad ding tiningnan ni Kizo ang napakaluma niya ng relo na medyo kupas na ang kulay nito lalo na ang malabo nitong glass ng relo. Nakita niya na 8:07 am na kung kaya't siguradong bukas na ang Registration Office o Registrar's Office.

Sige po Miss Pretty Guard!" Sambit ni Kizo.

Agad na silang umalis sa lugar na papasok sa malaking condominium. Agad nilang tinahak pabalik sa dinaanan nila kanina.

"Oh siya Kizo, diretsuhin mo na lamang ang daan na ito tsaka lumiko pakaliwa and then lumiko ka pakanan para makapunta ka sa Registrar's Office. Good Luck!" Sambit ni Lena Cruz habang nakikita tinuturo ang daan na papunta sa Registrar's Office.

"Maraming Salamat po Miss Pretty Guard, hanggang sa muli!" Sambit ni Kizo habang sinimulang tahakin ang daang tinuro sa kanya ni Miss Lena Cruz.

"Sana ay makatagal ka sa paaralang ito Kizo." Simpleng sambit ni Miss Lena Cruz habang may makahulugang inilalaman ang kaniyang sinabi. Agad na rin siyang umalis sa lugar upang tahakin ang kabilang daan papunta sa labas ng eskwelahan papunta sa Gate.