webnovel

Destined To A Virtual Hottie (Filipino/Tagalog)

Pzyon · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Chapter 1: Ang Simula

Kizo Pov

"Kriiinnngggg!" Malakas na tunog ng alarm ang biglang umalingawngaw sa buong sulok ng maliit na bahay.

"Ooohhh, 5 minutes pa please!" Sambit ko dahil antok na antok pa ako.

Ngunit nang maalala ko ang petsa at araw ngayon ay halos magising ang diwa ko.

"May enrolment pa pala kami, naman oh!" Sabi ko nang maalala kong magpapa-enrol pa pala ako sa isang eksklusibong paaralan.

Agad kong hinanap ang salamin ko na may grado at tiningnan ko ang aking sarili kung may mga muta o ako sa aking mata. Kinapa-kapa ko pa kung meron man at nang makita kung wala naman ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Una sa lahat ipinapakilala ko ang aking sarili sa buong mundo o buong kalawakan, ako si Kizo Ryle Ramirez na panganay sa tatlong magkakapatid. Ang pangalan ng aking mga kapatid na kambal ay si Kent David Ramirez at Kyle Raze Ramirez na parehong mga atleta sa kanilang paaralan. Hindi kami mayaman at ang totoo niyan ay mahirap lang kami. Ulila na kaming lubos sa magulang namin. Wala kaming inaasahan sa alinmang kadugo ng aming mga magulang dahil sa pagiging ganid at materyalistiko ng mga ito. Halos lahat ng mga ari-arian na sana ay nasa pangangalaga ng aming magulang ay sa kanila napunta. Ano pa ba ang magagawa naming magkakapatid kundi ang tanggapin ang hindi makatarungang pagtrato sa amin. Isa pa ay menor de edad pa lamang kami maging ang mga dukomento ng aming mga properties ay nasa pangangalaga ng pamilya nina papa at mama. Pero di na importante iyon dahil nangyari na ang dapat mangyari.

Siya nga pala,isa ako sa tatlong pinalad na maging iskolar sa Don Giovanni Benedict International High School. Isang International School for Elite yun at masasabi kong hindi ako handa para magpa-erol or what pero para sa pangarap na makatapos at makahanap ng magandang trabaho ay kakayanin ko to.

Nakita ko ang repleksiyon ko sa salamin. May kulay brown akong mata na natatabunan ng malaki at napakakapal na grado ng aking malabong salamin isama pa ang makapal kong pares na kilay. May matangos akong ilong na minana ko sa yumao kong ama. May pares Ang buhok ko ay parang buhok ng ginahasang pusa dahil sa kapal at haba nito. Siguro ay malapit ng mag-iisang taon noong nagpagupit pa ko dahil kung magpapagupit man ako ay hindi ko ito pinapagupitan ng maikli kung kaya't hindi maiiwasan na matukso ako na isa daw akong buhay na maligno. Wala rin naman akong paki sa sasabihin nila dahil nasanay na rin naman ako simula pa noong elementarya pa lamang ako dahil isa ako sa naging tampulan ng tukso ng mga kapwa ko estudyante.

Hindi ko namamalayan na masyado na pala akong nag-iisip ng malalim. Naalala ko naman ang masalimuot na pangyayari noong nakaraang taon lamang nangyari. Isa ito sa sumubok sa buhay naming magkakapatid. Pumatak ang mga luha sa aking mga mata at agad kong pinahid ito. Agad kong tiningnan ang dalawa kong kapatid na kambal na natutulog sa isang papag na gawa lamang sa pinagtagpi-tagpi na kawayan. Mabuti lamang at pinagawan kami ni tita na siyang matalik na kaibigan ng aming ina ng mumunting bahay na parang kubo lamang ang laki na sapat lamang para sa aming magkakapatid. Lubos akong nagpapasalamat sa aming tita na nagngangalang Lily. Kahit na may asawa at anak na ito ay sinusuportahan pa rin kami nito kahit na hindi naman kami magkadugo. Minsan ay nahihiya na rin ako kay Tita Lily kung kaya't maaga akong nagising ngayon upang maghanap ng magpaenrol at maghanap ng mapapasukang part-time job.

Agad kong iwinaksi ang aking iniisip at nagwika.

"Fighting!" Sambit ko sa aking sarili upang palakasin ang kaniyang loob.

Agad kong inihanda ang aking sarili upang sumabak sa panibagong yugto ng aking buhay kasama ang aking mga kapatid. Magpapadala kami sa agos ng buhay kung saan ay pipilitin naming lumaban at bumangon sa mga darating problema. Siguro ay darating ang mga mabibigat na suliranin at hindi maiiwasan ang mapagod ngunit para sa akin ay normal lamang iyon.

Ilang minuto lamang ay natapos ko na ang dapat kong gawin maging ang paghahanda sa aming agahan at natapos ko na. Nakakain na rin ako ng agahan namin na limang piraso ng pandesal, tatlong piniritong itlog at fried rice. Mabuti na lamang at libre ang pagtira namin dito nang pinalayas kami sa sarili naming pamamahay.

"Tama na ang drama Kizo!" Paalala ko sa aking sarili.

Agad kong nilapitan ang natutulog na kambal kong kapatid at niyugyog upang gisingin.

"Bangon na kayo Ken-ken at Kyr-kyr, may pasok pa kayo. Male-late na kayo oh!" Sambit ko ng may paalala ngunit hindi magising-gising ang magkambal dahil antok din siguro ang mga ito dahil sa pagtulong nila sa maliit na restaurant na pagmamay-ari ni Tita Lily.

"Antok pa ko kuya eh, pwede maya nalang po." Sambit ni Kent david na ang palayaw ay ken-ken

"5 minutes pa po 'Pa please!" Sambit ni Kyle Raze na ang palayaw ay Kyr-kyr na siyang papa's boy sa kanilang tatlo. Siguro ay nananaginip pa ito habang inaakala ay ang papa nila ang gumigising sa kanya.

"Alam niyo ba kung anong oras na? Alas nuwebe pa lang naman eh. Sige ----------"

"ANOOOO!!!! WAHHHHHHHH!" Sigaw ng magkambal ng sabay habang nakatingin sa akin na parang gulat na gulat.

Halos mag-unahan ang dalawa sa pag-alis sa kanilang higaang papag na gawa sa kawayan at nag-unahang pumasok sa banyo na sementado ngunit unang nakapasok si Kyle kaysa kay kent.

Kuya naman eh, bakit di mo sinabi agad? Alam mo namang istrikta yung adviser namin ngayon huhuhu!" Sambit ni Ken-ken na siyang bunso nilang kapatid. Nakanguso ito habang kinukusot-kusot ang mata nito. Napaka-cute nitong tingnan lalo pa't napakataba ng pisngi nito na siyang palaging pinipiga ng mga kaibigan nito maging kami ay hindi din maiwasan.

Maririnig sa labas ang buhos ng tubig mula sa detabo na siyang pinagsasandok ng tubig sa balde ni Kyle.

"Sigurado akong di niya maririnig ang pag-uusapan namin hehehe! It's time" Pilyong sabi ko sa aking isipan.

"Tingnan mo ang orasan ken-ken bago ka magreklamo." Sabi ko ng paseryoso habang nagpipigil ng tawa.

"Wahhhh!!!! Kuya naman eh!!!" Maktol ng aking kapatid na si Kent habang humihikab-hikab ito.

"Ayaw niyo pang gumising eh, mabuti na nga yan at nang hindi kayo mahuli sa klase niyo. Tumulong na lang kayo sa pagbubukas ng restaurant ni tita Lily para may pandagdag allowance kayo." Mahabang pagkakasabi ko sa aking kapatid na si Ken. Sigurado akong magtatampo ito pero sigurado naman akong para sa kanila rin ito para masanay sila na magbanat ng buto.

Laging kong ipinapaalala sa kanila noon pa man na kailangan nilang maging masipag sa pag-aaral at pagpa-part time job para hindi sila lumaking tamad. Tsaka para may magastos sila kung may dapat silang bilhin o panggastusan.

"Ginising ko kayo dahil magpapaenrol pa ko. Maya-maya pa ko babalik. Andyan na din sa ibabaw ng lamesa ang pang-agahan niyo na tinakluban ko baka kasi langawin." Sambit ko kay kent habang pinapaalalahanan ko ito.

Agad kong inayos ang aking gamit na dadalhin maging ang mga papeles na kinakailangan ko upang maghanap ng trabaho ay maayos kong inihanay at dinala.

Malapit na ko sa terrace ng biglang nilingon ko ang aking bunsong kapatid.

"Remember Rule number 4." Sambit ko sa kapatid kong nakangisi.

"Oo na kuya kong pangit hehe... Di kami matutulog pagkaalis mo. Ingat ka kuya kong pangit, We love you, muah!!!" Sambit ni Ken-ken at pinuntahan ako upang halikan ako sa aking pisngi.

Masasabi kong napakasuwerte ko dahil may napakalambing kong bunsong kapatid. Suwerte din ako kay Kyr-kyr dahil responsableng kuya din siya kay Ken at napaka-overprotective din nito lalo na kay Ken. Sa madaling salita, masuwerte ko kasi kapatid ko sila.

Umalis ako sa munting bahay naming may ngiti sa labi.