webnovel

Denying Beauty (Tagalog Version)

Lahat ng babae pinapangarap ang magkaroon ng magandang mukha—ngunit hindi si Eva. Isang sumpa ang salitang maganda sa kaniya, dahil ito ang dahilan ng hirap na dinanas niya.

GiocosaRagazza · Urbano
Classificações insuficientes
9 Chs

Kabanata I

"Kumain ka na ba, Eve?" tanong sa akin ni tita.

"Ahm, hindi na po ako kakain, ta. Mali-late na po ako, first day ko po ngayon eh."

"Ganun ba? Sige, saglit lang at pagbabaunan nalang kita."

Pagkatapos iabot sakin ni tita ang pagkain ay agad na akong umalis. Mahigit dalawang taon na akong naninirahan dito kay tita simula nang masunog ang baryo namin. Sa kasamaang palad ay ako lang ang nakaligtas sa pamilya namin. Ang iba pang nakaligtas ay hindi ko na alam kung nasaan na. Simula noon ay si tita na ang tumayong ama't ina ko. Namatayan din kasi ng anak si tita at biyuda na. Ngunit base lang iyon sa mga kakarampot kong naaalala. Mayroon pa, may nakakalimutan pa akong detalye at sa palagay ko ay napakahalaga n'iyon.

"Para po!"

Ngayon ang unang araw ko sa Arden International University. First year college na ako, at oo, scholar ako sa prestihiyosong paaralang ito. Bago ako pumasok sa gate ay huminga pa ako ng malalim at inayos ang suot kong salamin. Kaya mo yan, Eva!

"Pa-scan nalang po ng I.D, maam." Saad sakin ng guard.

"O-okay po."

Pagkatapos mag-scan ay tuloy-tuloy na ako sa pagpasok. Bawat hakbang ko ay grabe ang kabog ng dibdib ko. Habang padami ng padami ang mga nakakasalubong kong estudiyante ay mas nanliliit ako sa mga tingin na ibinibigay nila. Sanay naman na ako sa mga ganiyang tingin sa akin ng mga tao, kaso parang mas nakakahiya pa ang paraan ng pagtingin nila sakin. Na para bang nasa isip nila ay kung paano ako nakapasok dito.

Napapatungo nalang ako at napapakagat-labi habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay ko.

"Ouch! What the? Look at what you've done!"

Agad akong napalingon sa di kalayuan sa akin. Kita ko ang babaeng nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa binatang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. Basa ang damit ng babae at patuloy naman sa paghingi ng patawad ang natatarantang binata. Akmang pupunasan ng lalaki ang damit ng nagngangalit na babae nang tapikin ito ng huli.

"Pervert!"

Napailing nalang ako at itinuloy ang paglalakad ko. Pangkaraniwan na ang pangyayaring iyan sa mga istoryang nabasa at binabasa ko. Ang queen bee at ang kawawang estudiyante. Gusto ko man siyang tulungan ay ipinagsawalang-bahala ko nalang. Baka madamay pa ako sa gulo. Mahirap na lalo na't baguhan palang ako.

Mahaba pa ang nilakad ko bago ko marating ang room ko. Sa unahan nalang ang may bakanteng upuan. Hindi naman ako nag-alangang pumasok sa kadahilanang wala namang nakakapansin sa akin dahil may mga sari-sarili silang mga ginagawa.

Inilabas ko nalang muna ang libro ko at nagbasa. Wala pa namang prof.

"Tsk. Nerdy." Bulong ng katabi kong lalaki.

Napapakagat-labi na napatungo nalang ako.

Hindi rin nagtagal ay dumating na din ang prof. Wala naman masyadong ginawa. Lumipas ang buong klase na ang kalahati ng oras ay ibinigay na niya sa amin. Hindi siya katulad ng mga istriktong propesor, o baka ganyan lang siya dahil unang pagkikita palang naman.

Mag-iisang linggo na ako dito at sa kabutihang palad ay mabuti naman ang takbo ng buhay ko dito. May mga taong grabe kung makatingin, mapalalaki man o babae, pero ayos lang yun.

Maayos naman ang mga nagtuturo dito. Yun nga lang, lagi akong napag-uutusan. Gaya ngayon. Kaya binansagan nila akong teacher's pet. Nag-checheck ako ngayon ng mga pinaquiz ni Maam Oliveros sa ibang section.

Tuloy-tuloy lang ang pagcheck ko nang mapansin kong may magkatulad na sagot. Hindi ako pwedeng magkamali. Hinanap ko ang kagayang papel at pinagkumpara. Pati ang penmanship ay magkatulad. Pwede ko naman itong hayaan. Ang kaso nga lang, ako naman ang mayayari kay maam dahil chinecheck niya din ito. Masyado siyang istrikto at walang pinalalagpas na estudiyante. Inihiwalay ko muna itong dalawang papel at itinuloy na ang pagchecheck.

"May nagkopyahan?" Taas-kilay na tanong ni Maam.

"Opo maam."

"Ang mga batang yun. Patingin ako!" Ibinigay ko kay Maam ang mga papel at hinayaang suriin niya ito. Pansin ko ang napakabigat na paghinga ni Maam matapos niyang suriin ang papel. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Thank you for telling this to me, Ms. Maria. Thank you for being honest. Sa lahat ng mga inuutusan ko sa pagchecheck, ikaw pa lamang ang gumawa nito."

"Po?"

"Nevermind. Sige na, umuwi ka na."

"Sige po."

"Siya yan diba?"

"Oo siya nga."

"Naku, napakasipsip. Yare talaga siya kay Dara. Ahmp!"

Nakatungo lang ako habang naglalakad. Hindi ako tanga para hindi mapansin na ako ang pinag-uusapan nila. Isa pa, kilala ko ang Dara na yun. Isa siya sa mga babaeng chinekan ko ang papel. Yung babaeng nangopya o nagpakopya. Ang hindi ko lang alam ay sikat pala ang babaeng yun. Kung ganun, malaking tao pala ang nakabangga ko.

Nasa kalagitnaan ako ng klase nang may kumatok.

"Excuse daw po kay Maria."

"Ms. Maria."

Tumayo na ako at sinundan yung babaeng nag-excuse sa akin. Masama ang kutob ko sa kaniya. Isa lang din naman siyang estudiyante, at may hinala na ako kung bakit ako pinatawag. Tahimik lang siya at hindi ko din naman gustong magtanong. Ganunpaman, pansin ko ang madalas na pag-irap niya sakin. Nakumpira ko ang hinala ko nang mapadpad kami sa isang bakanteng silid at doon naghihintay ang grupo ng mga kababaihan. Sa gitna noon ay ang hinihinala kong si Dara.

Nakatingin lang ako sa sahig habang nararamdaman ko ang nanlilisik nilang tingin sa akin. Hindi naman ako kinakabahan pero ayokong maramdaman nila yun dahil baka mas magalit pa sila sa akin.

"So, ikaw yung nag check ng papel ko. Ikaw yung sipsip na nagsabing nangopya ako?" Nakangiti siya ngunit masyadong sarkastiko ang ekspresyon niya.

"Ikaw si Eva Maria, tama ba?"

Hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong tahimik. Masyadong pantanga ang tanong niya. Hindi niya naman ako ipapatawag kung alam niyang hindi ako ang hinahanap niya. Kaya hindi na ako nagtataka.

"Alam mo naman na siguro kung bakit kita pinatawag diba?" Hindi pa rin ako sumagot.

"Ano? Pipe ka ba?" Inis niyang tanong sa akin.

"Sige. Dahil mukhang wala ka namang balak sagutin ako. Gusto ko lang sabihin sayo na nagkamali ka ng taong kinalaban. Hindi ako cheap para kaladkarin ka at sabunutan sa isang mataong lugar. Hindi ako fond ng mga catfight. Marahil nga na kakampi mo si Maam Oliveros, pero ang iba? Hah! Maghanda ka, papahirapan kita. Ako ang una sa hanay ng mga babae ni Vaughn Arden, at hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo sa akin."

"Sige na Annie. Ilabas mo na ang talampasang babaeng yan."

Habang papalabas kami ay narinig ko pa ang usapan nila.

"Dara, si Vaughn. May idinagdag nanamang bagong babae sa hanay."

"Ayos lang. Ako parin naman ang una."

Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa klase. Natigil nanaman si Sir nang may kumatok muli. Nilabas niya ito at hindi nagtagal ay sabay na silang pumasok sa silid.

"Maupo ka na." Dahil sa gilid ko nalang naman may available na upuan ay sa akin na siya tumabi.

"Hi." Kaway niya.

"Hello." Bati ko at tipid na ngumiti.

"Aela." Siya, at nakipagkamay sa akin.

"Eve."

Nagpatuloy na sa pagtuturo si Sir at hindi na din naman nagsalita si Aela. Di nagtagal ay nagring na ang bell, hudyat na oras na para sa break time.

"Sabay tayong kumain pwede? Ikaw palang kasi ang kakilala ko eh." Napapakamot niyang sabi.

"Sige." Sagot ko at pumunta na kami sa Cafeteria.

Habang kumakain ay nagkekwentuhan kami. Madaldal pala siya at maraming sinasabi tungkol sa buhay niya. Pati ang pagkakasira nila ng nobyo niya ay naikwento niya rin. Hindi niya lamang sinasabi kung bakit, pero halatang mahal niya ang lalaking ikinikwento niya. Nakapagtataka na sa mga oras na ito ay walang kahit isang tao na binibigyan ako ng masamang tingin.

"Oh! Si Nerdy at ang bagong babae sa hanay ay nagsama."

Tinignan ko ang nagsalita at si Dara pala. Bagong babae sa hanay? Si Aela?

"Hah! Bagay na bagay. Bumababa na yata ang panlasa ni Vaughn. Anyway," Inilapit niya ang labi niya sa kanang tenga ko at bumulong.

"Wala pa akong ginagawa sa ngayon... Pero maghanda ka parin." Tumayo siya ulit ng tuwid at seksing naglakad papaalis. Lahat ng lalaki ay napapatingin sa gawi niya.

"Sana hindi mo 'ko layuan." Kunot-noo akong napatingin kay Aela nang sabihin niya yun sakin.

"Nang malaman kasi nilang isa ako sa hanay ng mga babae ni Vaughn ay wala nang nagbalak na lumapit sa akin. Magtatanong ako pero nakatungo silang sasagot. Kaya naman napakasaya ko nang sinamahan mo akong kumain at nakinig ka pa sa mga kwento ko. Ngayong alam mo na, lalayuan mo na rin ba ako?"

"Gusto mo ba akong lumayo?"

"A-ano? Siyempre hindi!"

"Yun naman pala eh. Edi hindi." Kibit-balikat kong sagot.

"T-talaga?! E-ehem. Siya nga pala, total alam mo na din naman na isa ako sa hanay ng mga babae ng prinsipe. Ang dahilan, kung bakit, ang dahilan kung bakit kami nagkasira ng boyfriend ko ay si Vaughn."

"Vaughn? Yung lalaking makati?"

"What? Haha! Oo, pero sshh ka lang. Baka dumugin tayo dito kapag may ibang nakarinig sayo niyan. Or worst, bumulagta ka nalang bigla diyan dahil may bumaril sayo. At wag ka ring magkakamaling banggitin ulit ang pangalan niya dahil ang mga babae lang sa hanay at ang mga kaibigan ng babaeng nangunguna sa hanay ang pwedeng tumawag sa pangalan niya."

"A-ano? Ang o.a naman." Paangil kong komento.

"O.a nga. Pero seryoso Eve, wag kang magkakamaling gawin yun ulit. Teka nga, ba't ba parang hindi mo alam ang mga bagay na iyon? Mukhang mas matagal pa akong nag-aral dito kesa sayo."

"Hindi naman kasi ako interesado sa mga ganoong bagay."

"Ganoon? Saan ka lang ba interesado?"

"Sa pag-aaral?"

"Napakahuwaran mo namang estudiyante."

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Aela. Na pati ang pagbibigay niya ng sarili sa last boyfriend niya naikwento niya rin. Mahal na mahal niya daw kasi talaga.

"Sana nga lang makita na ni Vaughn ang babaeng hinanap niya para pakawalan niya na ako."

"Babae? Sinong babae?"

"Pati yun hindi mo alam? Anyway, hindi rin ako sigurado eh. Basta ang alam ko lang, hangga't hindi niya nahahanap ang babaeng yun, patuloy siyang magdadagdag ng mga babaeng papawi sa makamundong pagnanasa niya."

"Ibig mong sabihin- S-sorry."

"Ayos lang. Buti na nga lang talaga naibigay ko na ang sarili ko sa boyfriend ko. Isa pa, wala pa namang nangyayari samin. At sana, wala talagang mangyari."

"Kamusta Eve?"

"Ayos lang po tita. Ah, tita dadalaw daw po pala dito si Aela."

"Ganun ba? Kailan ba yan at nang makapaghanda naman ako. Mayaman yun diba?"

"Ngayong sabado po."

"Oh sige. Magbihis ka na muna sa taas at ako ay maghahain na."

Pumunta na ako sa taas at gaya ng sinabi ni Tita ay nagbihis na ako. Habang nagsusuklay ay pumasok sa isipan ko ang lalaking napag-usapan namin ni Aela, tatlong araw na ang nakakaraan. Ni minsan ay hindi ko pa nakita ang lalaking iyon. Pero sabi naman ni Aela ay madalas siyang pagala-gala sa campus. Bigla-bigla nalang din daw siyang sumusulpot kung saan-saan lalo na kapag may problema ang mga babae niya. Ahmp. Bakit ko ba iyon iniisip? Bababa na sana ako para kumain nang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello Aela?"

"Eve! Tignan mo yung page ng school natin. Pinost ni Sir yung mga bagsak sa exam at kasama ka dun!"

"A-ano? Paano? Anong nangyari? Sigurado ako sa mga sagot ko!"

"Iyon na nga eh. Hindi rin ako makapaniwala na, ikaw? Babagsak sa exam? Eh halos matalo mo nga si Sir sa pagtuturo eh. Eve, kailangan mong kausapin si Sir."

"Sige, kakausapin ko si Sir."

"Eve, sorry. Gusto sana kitang samahan kaso, si Vaughn kasi.."

"Hindi, ayos lang. Kaya ko na 'to."

"Sige Eve."

"Sige, bye.."

"Wala ang papel mo sa mga nachekan ko Ms. Maria."

"Po? Eh saan po yun napunta? Pinasa ko po yun, sir!"

"Aba malay ko? Basta, wala ang papel mo sa mga nachekan ko."

"Pero sir! Nandun po talaga yun. Ako po iyong unang nagpasa."

"I'm sorry Ms. Maria pero wala ka talagang record ng exam sa akin. Umalis ka na, marami pa akong ginagawa. Bumawi ka nalang sa susunod."

"Pero sir-"

"Kailangan ko pa bang ulitin, Ms. Maria?"

Wala na akong nagawa at tumalikod na. Hindi pa ako ganung nakakalayo kaya narinig ko pa ang ibinulong niya. "Sa lahat naman kasi ng kakalabanin."

Kung ganoon, siya ang dahilan kung bakit ito nangyayari. Sa lahat ng pupuntiryahin, ang grades ko pa talaga. Hindi siya patas lumaban. Paano ko ito sasabihin kay tita?

Sa cafeteria muna ako pumunta para sana magpalipas ng oras nang makita ko naman dun ang grupo ni Dara. Kung minamalas ka nga naman talaga. Tatalikod na sana ako nang mapansin ako ng isang kagrupo nila at pasimpleng itinuro ako kay Dara.

"Eva Maria, kamusta?" Mapang-asar na saad ni Dara habang lumalapit sakin. Tatalikod na sana ako nang hilahin niya ang braso ko.

"Kinakausap kita, wag kang bastos!"

"Ayoko ng gulo."

"Sana naisip mo na 'yan bago ka pa nagpakasipsip kay Oliveros. Isa pa, nakalimutan mo na ba na ayoko sa mga catfight? Nga pala, iyong tita mo, nagtatrabaho pala as entertainer. Singer siya dun diba? Mm.. Singer nga lang ba? O may extra service?"

"Pakiusap, wag mong idamay ang tita ko. Marangal ang trabaho niya."

"Marangal? Hah! Hindi ko alam, pero sa tuwing nakikita ko ang mukha mo, nanggigigil talaga ako. Nakakagigil ang kapangitan mo. Tama girls?"

"Mawalang-galang na pero aalis na ako."

Akma na akong tatalikod nang hilahin niya naman ang buhok ko. Hindi na ako nakapagpigil at bigla ko siyang naitulak. Akma pa sana siyang gaganti nang may mga bisig na yumakap sa kaniya patayo.

"Ayos ka lang?" Napakalalim ng boses niya at damang-dama din ang napakabigat niyang presensiya.

"V-vaughn." Usal ni Dara.

Itinayo ni Vaughn ng maayos si Dara, tiyaka palang siya tumingin sakin. Para bang sa tingin niya ay nakikita niya pati ang kaluluwa ko at ang pinakatatago kong sekreto. Nasa gilid din pala niya si Aela na bakas ang pag-aalala para sakin.

"Bitch." Blangko ang tingin niya sa akin nang sabihin niya ito. Sa totoo lang ay kanina pa kong walang nakikitang ekspresyon sa kaniya. Kahit nang itayo niya si Dara ay parang wala pa ring pag-aalala. Teka, ako lang ba o pamilyar talaga ang boses niya?

Nanatili lang akong tahimik para hindi na lumala pa ang mga pangyayari. Kitang-kita ko rin ang pagngingisihan ng mga kaibigan ni Dara. Dahan-dahan ring lumapit sa akin si Vaughn, sanhi ng paglakas ng kabog ng dibdib ko. Napatingin ako kay Aela at umiiling na siya ngayon.

"V-vaughn, mas mabuti siguro kung-"

"Shut up. This bitch has to know her place." Mapanganib ang tonong sinabi niya ito.

Ilan pang hakbang ang ginawa niya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa akin. Sunod na naramdaman ko ay ang hapdi ng kaliwang pisngi ko at ang pagtama ko sa lamesa. Napasinghap ang lahat ng nakakita pero mas nagulantang ako nang sugudin ni Aela si Vaughn at sinampal ito. Maging siya ay nabigla din sa ginawa niya.

"W-wala kang karapatang s-saktan ang kaibigan ko!" Halata ang kaba sa mukha ni Aela pero pilit niya itong itinatago.

Nakapaskil naman ang ngisi sa mukha ni Vaughn. Tila ba aliw na aliw siya sa ipinapakitang tapang ni Aela. Ni hindi niya manlang ininda ang sampal ng huli.

"Mmm.. Ang bagong babae sa aking hanay. Masyado naman yata ang pagmamahal mo sa kaibigan mo. Ayaw ko pa namang nag-aalala ang aking mga babae."

"K-kung ganun, l-layuan mo ang kaibigan ko!" Suhestiyon ni Aela. Napailing lang naman si Vaughn habang nakapaskil parin ang ngisi tiyaka siya lumingon sa gawi ko. Halata ang panghahamak sa tingin niya habang tinitignan niya ako na hirap tumayo.

"Hindi mo talaga alam kung saan ka dapat lumugar. Ang isang katulad mo ay hindi dapat nakikipagkaibigan sa mga matataas kong kalidad na babae." Nakataas-kilay niyang sambit sa akin. Lumingon muli siya kay Aela at hinaplos ang pisngi nito. Dalawang magkasunod na palakpak ang iginawad niya bago may mga nagsidatingang lalaki.

"Sinampal ako ng aking babae dahil sa mababang uring babaeng yan. Dalhin niyo siya sa silid ng pagpaparusa. Dalhin niyo naman sa silid parausan ang aking bagong babae, kailangan niyang matuto ng leksiyon na hindi dapat ako sinusuway. Gusto kong hubad siya kapag dumating na ako. Samantalang dadalhin ko naman ang aking unang babae sa silid pagamutan." Ipinangko niya si Dara matapos niyang sabihin iyon. "Ah, siya nga pala, itali niyo lamang ang mababang uri na 'yan. Susunod ako matapos namin magsiping ng aking bagong babae." Sambit niya na ikinasimagot ni Dara.

"Bakit kailangan niyo pang magsiping? Ahmp." Pagmamaktol ni Dara.

"Mahina ka pa. Sa susunod na."

"Kaya ko pa naman ha." Sagot ulit ni Dara. Napabuntong-hininga naman si Vaughn na parang problemado na siya kay Dara na siyang nagpatahimik sa babae.

Madilim. Napakadilim ng silid na pinagdalhan nila sa akin. Ni wala akong makita kahit isang pigura, at gaya ng sinabi ni Vaughn ay iniwan nila akong nakatali sa silid. Nag-aalala na din ako dahil hindi ako nakapasok sa klase. At mas nadadagdagan pa ang pag-aalala ko dahil kay Aela. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Nang dahil sakin napahamak siya...

Mahigit tatlumpong minuto na akong nandito. Buti nalang talaga at sanay ako sa madilim lalo na kapag nangangahoy kami dati sa baryo. Ang baryo... Simula nang umalis ako dun, ni minsan ay hindi na ako bumalik. Masyadong mapait ang nangyari sa akin doon. Nang dahil sa lalaking iyon, nawala sa akin ang lahat. Ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Hinding-hindi ko siya mapapatawad at hindi ko na rin nanaising makita pa siya. Dahil bukod sa nag-uumapaw ang galit ko sa kaniya, matindi rin ang takot na nararamdaman ko. Siya, siya ang nagpatunay na ang bangungot ay hindi lamang nangyayari sa pagtulog. Maging sa realidad ay pwede itong maranasan. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa unti-unti na akong nilamon ng antok.

Masakit. Napakasakit sa mata ang bigla-bigla nalang paglamon ng liwanag sa buong silid. Ilan pang bukas-sara ng mata ang ginawa ko bago naging malinaw ang paningin ko. Sa harap ko ay kita kong naglalakad papalapit sa akin si Vaughn. Isang hakbang nalang ngayon ang layo niya sa akin. Tagilid ang leeg niya habang sinusuri ako. Nakataas din ang kilay niya at nanghahamak ang tingin. Sa huli ay napailing siya.

"Paano ka naging kaibigan ng aking babae gayong napakalayo ng agwat niyo?" Hindi ko siya sinagot at nanatili lang tahimik.

"Ah, mukhang wala kang balak sumagot." Blangko ang tingin niya. Humarap siya sa kanan at may kinuha. Tiyaka ko lang nakita ang lamesa na may lamang mga pang-inject. Napalunok ako. Hindi kaya? Nag-umpisa nang manginig ang katawan ko.

"Bigla ka nalang sumulpot sa kung saan. Kinalaban mo ang una sa hanay ng mga babae ko at nang dahil sa iyo sinaktan ako ng aking bagong babae." Ni hindi niya manlang tinatawag sa pangalan sila Aela. Lagi nalang mga babae.

"A-anong gagawin mo?"

"Pampagana ang isang to."

"P-pampagana?"

"Hahayaan kong ang tauhan ko ang gumalaw sa iyo. Wag kang mag-alala, magugustuhan mo din. Pagpipyestahan ng mga tauhan ko ang katawan mo at wala kang ibang gagawin kundi ang humiyaw sa sarap. Pero pagkatapos noon, pag nawala na ang epekto ng gamot, manliliit ka. Pagsisisihan mo na dito ka pa nag-aral. Ang mababang uring katulad mo ay magiging basura nalang. Isang beses na naging parausan ng napakaraming lalaki."

"H-hindi! Pakiusap wag!" Tigmak na ng luha ang pisngi ko. Dahan-dahan niya pa itong inilalapit sakin at inaamba na para bang nang-aasar. Napapikit na lamang ako nang dumampi na sa balat ko ang karayom at bumabaon na.

Napamulat ako nang makarinig ako ng magkakasunod na tawa. Kasabay noon ay ang pag-alis niya ng karayom.

"Sa susunod ay tototohanin ko na ang lahat ng aking banta kaya mag-ingat ka. Pero ngayon," Ang sumunod ay may pumasok na dalawang lalaki. Ang isa ay may dalang bakal na nagbabaga ang hugis ekis na dulo. Tumabi si Vaughn at hinayaang itagilid ng isa pang lalaki ang leeg ko.

"Hindi, wag! Wag! AAAAHHHHH!" Damang-dama ko ang sakit ng nagbabagang bakal sa leeg ko. Halos mawarak ang leeg ko sa pagkakabuka. Kasabay nito ay ang mas paglandas ng aking luha. Magkakasunod na mabibigat na hininga ang pinakawalan ko pagkatapos noon. Tinanggal nila ang pagkakatali ko at nanlalambot na napasandal na lamang ako sa upuan. Umalis na ang dalawang lalaki at naiwan nalang ulit kaming dalawa. Sa silid ay magkakasunod na hikbi ko lamang ang maririnig hanggang sa nagsalita siya.

"Ang simbolong 'yan ang nagsasabing ikaw ang pinakamababang babae dito. Bawal kang gumamit ng ano mang magtatakip diyan. Kapag ginawa mo, asahan mong mangyayari ang sinabi ko kanina." Naglakad na siya paalis sa silid. Bago siya tuluyang makaalis pinatay niya pa ang ilaw tiyaka nagsalitang muli.

"Wag mong sagadin ang pasensiya ko. Mabait pa ako sa lagay na yan. Kaya mag-ingat ka." Yun lang at tuluyan na siyang umalis.

May halong pinalidad at pagbabanta sa tono ng boses niya. Pero hindi yun ang dahilan ng lalo pang panlalambot ko. Unti-unti nanamang binalot ng kakaibang takot ang sistema ko. Bumalik nanaman sa isipan ko ang nakaraan. Ang pighati. Ang oras kung kailan ko naranasan ang magkakasunod na trahedya sa buhay ko.

Siya. Siya ang lalaking yun. Ang lalaking gustong-gusto ko nang ibaon sa limot. Ang lalaking kinamumuhian ko. Kinatatakutan ko. At ang lalaking nagparanas kung gaano ako kababa. Siya parin. Siya nanaman. At wala nanaman akong magawa.

***

-GiocosaRagazza

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 😊😊