webnovel

Deep Within the Crazy Runaway of Emperor Shi

"Hulaan mo sino ako." sabi niya mula sa madilim na bahagi sa hagdan. ... "Hahaha. Just guess maybe you can get it right." ... "Anu ako ulol buti kung nasa laro ako sa tv at may premyo baka hulaan ko pa kahit na Hindi naman ako kalahi ng mga mangkukulam o manghuhula siguro." Sabi ko sa isip ko na medyu malakas kasi mukang narinig nya. "Hmmm if you want a reward I could grant you one wish." ... Pointed nose, masculine jaw line dark brown eyes silver hair na bagay naman sa kanya. Ngayun na umalis sya mula sa madilim na bahagi ng hagdan at naglakad palapit sa akin. Makikita Ang tunay nyang kagwapuhan. Di kagaya kahapon yung aura nya. Mas bagay ang sa ngayun hindi Yung ... "Bitiwan mo nga ako." Sabi ko dahil kinuha niya ang kamay ko at tinitigan ako. Di naman siya nagsalita pero hawak niya parin ang braso ko. "Let's eat." "Ayaw ko sumama sayo. Aalis nga ako dito taz dadalhin mo pa ako pabalik..." Sabi ko dahil hinihila nya ako papunta sa malapit na pinto ng floor na eto. Tinignan nya ako ulit ng seryuso kaya tumingin din ako sa mata nya ng seryuso ano akala nya matatalo nya ako sa walang pikitan ng mata. Hmp... Ng bigla nya akong kinarga sa balikat nya na parang sako ng bigas!!!! ... Ohmygassssss antigasssss... "Will you stop struggling. I'll kiss you if you don't stop." Syempre dahil nga matigas...Ang init na ng mukha ko... matigas ang ulo ko... Ahem... Bat ba nag iinit mukha ko sa... Matigas ... Ahem... anubayan!!! Sobrang pula ko na siguro. Ah basta di ako nakinig sa kanya at nagpumiglas parin. "Titigil ka o titigil ka?" "No!!! just let me go!!!! Ibaba mo ako!!!!" Tumigil sya sa paglakad pero segi parin ako sa paghampas sa likod nya "Or do you prefer na dalhin kita sa kwarto ko at kakainin na lang kita."...

TanzKaizen24 · Geral
Classificações insuficientes
36 Chs

Chapter 27 Time

Hapunan na ng magising ulit si Wei. Palaging timing sa pagkain. Wala naman siya balak iwasan ang pinsan niya pero hindi siya marunong magpaliwanag. Kumain lang silang dalawa ng mga natirang pagkain ng tanghalian dahil walang nagluto at hindi umuwi sina Graesia at Majirica. Pagkatapos kumain ay nag usap ulit silang magpinsan.

'Mas mabuti kung si Destro mismo ang magpaliwanag! Tsaka ano sasabihin ko kay Kuya Rhino na nagpatangay lang ako sa agos ng buhay tapos next time ang balita na malalaman niya ay meron na ako anak? Ngayon na pinaguusapan namin ang tungkol sa kasal... ano kaya magiging reaction nina Mom at Dad?'

"Alam mo baby Wei... hindi habang buhay tatakasan mo lang ang bagay na to. Sorry if I over reacted, but what will your mom and dad will think about this." Kalmado na si Maximo dahil di niya makakausap ang pinsan pag galit siya. "Maghiwalay kayo ng lalaking yan Wei..."

"No!!! He's mine Kuya!!! Never even in my dreams na mangyayari yan!!!" pagputol agad ni Wei sa pinsan. "I'll present him to mom and dad. I will let you meet him too."

"May nangyari ba sa inyo?"

"Wala!!!" 'sana nga meron eh! tsaka di ko pwede pamigay ang silvanas factory ko!!!'

Gusto man agad-agad ipakilala ang asawa niya sa magulang at sa pamilya ay di niya magawa dahil hindi niya alam kung papaano tawagan o sulatan si Orion. Hindi man niya aminin sa sarili pero ang totoo pagkasama niya si Orion ay hindi mapakali ang puso niya. 'Paano kaya ito? How can I contact my own husband?!'

"Sagutin mo nga ako ng mabuti. Mahal mo ba siya?" naka tingin sa mga mata ni Wei ang mga mata ni Maximo

"Kuya Rhino, hindi ko masasagot yang tanong mo. Tsaka wala po ako idea sa mga bagay na yan. Masasabi ko lang kaya niya ibigay lahat ng gusto ko. Isa pa Kuya kung masama siya edi sana malaki na ang tyan ko." sagot niya at umiwas ng tingin. 'Ayyyy nakuuu Wei!!! bakit ang hirap talagang intindihin ka. Kunsabagay kung may alam ka sa bagay na iyan edi sana nakita mo na may gusto sayo ang kaibigan mo.'

May alam naman si Wei sa nararamdaman ng iba sa kanya. In denial lang kasi siya sa sarili sa

totoong nararamdaman kay Orion. "Kuya just give my husband some time. Magpapakilala din po siya, tsaka busy po siya sa trabaho niya ngayon kaya ayaw ko siyang disturbohin." 'Teka ano sasabihin kung trabaho ni Destro? Waaaa problema na naman to. Tatahimik na lang ako kasi "the more I talk the more I might spill something I shouldn't" kagaya kanina.'

Natapos din ang usapan ng dalawa at umuwi na si Maximo naiwang magisa si Wei sa bahay nila dahil hindi pa din umuwi ang dalawang kaibigan. Nagpahangin na lang siya sa veranda at may malalim na iniisip. 'Paano pala ako magpapasundo last time kun tinuloy ko yung sa sulat na iniwan ko sa kanya? Tapos buti birthday ko kahapon kaya nagkita kami. Kailan kaya uli kami magkikita. Kailan niya kaya ako bibisitahin ulit?'

Matagal na panahon ang lumipas para kay Wei. Kahit isang linggo pa lang ang nagdaan para sa kanya ay isang taon ang lumipas sa sobrang tagal ng paghihintay niya. Kahit malapit na ang exam nila ay hindi pa rin siya sumeseryuso halos cutting classes siya palagi kung hindi cutting absent siya. Busy sa pag rereview ang kasama niya sa bahay kaya di nila napapansin si Wei. Hindi ibig sabihin nun ay walang nakapansin, isa pa nag aalala din siya dito. "Ayaw ko man na nandito si Master ay kailangan masabihan ko siya. Yan ba ang epekto ng love sickness?" bulong ni Sinco.

Sumipol siya para tawagin ang alagang ibon na Faleag. Uri ng ibon na makikita lang sa Yfel, mixed breed ito ng falcon at eagle. Ang ibon na ito ay loyal sa kanilang handler at may mahaba silang lifespan. Sa oras na mamatay ang handler nito ay hindi ito umaalis ng mahabang panahon sa himlayan ng handler. May inilagay na sulat si Sinco sa claw nito. "Go, delivery this to our master."

Last box ng silvanas ni Wei ang dumating ng araw na iyon ng may mapansin siyang bagay kalakip ng box. Isang susi at card.

"C estates. Our Home. Feel free to visit or stay there. - Your Husband"

Kinikilig at na e excite si Wei habang naghahanda umalis ng bahay. Gusto niya makita ang magiging bahay nila. Ang lugar kung saan bubuo sila ng sarili nilang pamilya.

Ng makarating si Wei sa lugar. Malayo pa ang pag drive niya mula sa gate bago makarating sa bahay mismo. Mix ng modern at classic ang style ng bahay at simple lang ito napapalibutan ito ng mga magagandang bulaklak at iba't-ibang halaman. May mga pine tree ang daan mula sa gate hanggang sa palibot ng fountain sa harap ng bahay. Ang statue ng fountain ay isang anghel na naghahanda lumipad nakabukas ang mga pakpak nito. Pagpasok ng bahay nagulat si Wei na sobrang nagustuhan niya ito.

"Welcome Lady Wei." mas nagulat si Wei ng marinig ang boses na matagal niya ng hindi narinig.