webnovel

Death University [BOOK 1]

Si Hayden Zyrienne Reduxes ay isang babae na naniniwala na walang magbabago sa kanya at hindi niya matatakasan ang madilim na mundo kung saan nakasanayan niya. Atensyon sa pamilya ang gusto niya kaso hindi sa kanya naibigay dahil sinisi siya ng mga magulang niya sa pagkawala ng kapatid niya. Not until, na mapunta siya o pumasok siya sa school na tinatawag na Death University. Sa pagpasok niya dito ay makakaharap niya ang bagong pagsubok na kung saan kailangan ang katatagan. Magagawa niya ba ang katatagan kahit na wala siyang pakialam sa paligid niya?

missHYchii · História
Classificações insuficientes
14 Chs

Prologue

Death University school of death. Isang paaralan na tinayo nang nakaraan ng mga ilang dekada. Nanatili itong maganda at marami ang pumapasok na mga estudyante rito, kasi raw ang pangalan lang daw 'yung nakakatakot pero 'yung mismong paaralan ay hindi. Ang iba, kaya sila pumasok dito kasi 'interesting' daw.

Sa bagong yugto ng buhay, bagong yugto ng panahon at tao.

Ang imahe ng paaralang ito ay biglang magbabago.

May isang section ang sasabak sa isang laro.

Isang larong, hindi pangkaraniwan.

Isang larong, buhay ang nakataya.

Isang larong, kailangang gamitan ng isip at puso.

Kung gagamit ka ng isip. Maiisip mo kung bakit 'to nangyayari at sino ang may gawa ng lahat ng karumaldumal na sinapit ng lahat. Ano ba ang rason niya kung bakit niya ginagawa ang mga ito? Mapapa-isp ka rin na, ano ang una mong iligtas? Sarili mo o 'yung ibang tao na naging parte na ng buhay mo.

Kung gagamit ka ng puso. Hindi mo maisip ang sarili kasi mas inuuna mo ang kapakanan ng ibang tao katulad ng mga kaibigan mo.

Bakit kailangang may madamay?

Ikaw? Anong gagamitin mo?

Utak o puso?

Choose wisely.

Because...

One wrong move, everyone's life might put in danger.