webnovel

Death University [BOOK 1]

Si Hayden Zyrienne Reduxes ay isang babae na naniniwala na walang magbabago sa kanya at hindi niya matatakasan ang madilim na mundo kung saan nakasanayan niya. Atensyon sa pamilya ang gusto niya kaso hindi sa kanya naibigay dahil sinisi siya ng mga magulang niya sa pagkawala ng kapatid niya. Not until, na mapunta siya o pumasok siya sa school na tinatawag na Death University. Sa pagpasok niya dito ay makakaharap niya ang bagong pagsubok na kung saan kailangan ang katatagan. Magagawa niya ba ang katatagan kahit na wala siyang pakialam sa paligid niya?

missHYchii · História
Classificações insuficientes
14 Chs

Kabanata 2

(Hayden Zyrienne's POV)

Ako na ang magpakilala. Tumingin ako sakanila ng blanko.

"I'm Hayden Zyrienne Reduxes." ikli kong pagpapakilala.

Aalis na sana ako sa harapan para maka-upo na nang may naririnig akong mga bulong-bulungan na tungkol sa pangalan ko. Ang sakit sa tainga. Parang tunog kasi ng bubuyog.

"Hayden ang pangalan niya?"

"Oo nga ang weird."

Bakit ang sarap manapak ngayon ng tsismosang bubuyog? What's their deal about my name? Pangalan ko 'to kaya wala silang pakialam kung bakit ganito o kung ano ang pangalan ko.

Hindi naman sila ang nagpangalan sa'kin. Dinaanan ko ng tingin ang dalawang tsismosa na pinag-uusapan ako at 'yung isa ay pahawak-hawak pa sa cellphone at na parang maarte at 'yung isa naman ay sinamaan ako ng tingin.

Umupo na ako sa upuan at tiningnan ang prof namin na maraming announcement. Pagkatapos niyang sabihin ang rules and regulations ay umalis na siya. Nang umalis na ang prof naming sa room, bigla na lang silang nagtayuan para lumipat ng upuan para makipag-chika.

"Girls. Ako nga pala si Michael, anong pangalan niyo?" Tiningnan ko ang bading na kulang nalang ay maging clown sa sobrang kapal ng make-up.

Ngumiti si Crissa sa kanya at lumapit naman si Kathleen at Micca sa kanya at nagpakilala sa isa't- isa.

Hindi ba siya nakikinig kanina? See? Walang kwenta rin 'yung pagintroduce-introduce namin.

"Ako si Crissa. Sila si Micca, Kathleen, Jeseryll at Hayden." sabi ni Crissa.

Mabuti naman may sumagot sa kanya. Hindi niya kasi muna tiningnan kung friendly ba ang taong kinakausap niya o hindi.

Me? Choosy ako pagdating sa kaibigan. Why? kasi mas mabuti pa 'yung choosy ka para makilala mo muna siya ng lubusan kaysa naman sa kakaibiganin mo ang taong kakilala mo pa lang pero parang may masamang intensyon pala sa'yo o bad influence lang sa'yo. Mabuti na 'yung sigurado.

Nagkuwentuhan lang sila ang iba nakipag-batuhan pa ng papek. Pfft mga isip bata. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Wala na bang papasok na teacher?

So, ano lang 'yung tuition na binabayad dito? Design? I-uuwi nila sa bahay nila?  Ang mahal pa naman ng tuition dito.

Habang hinihintay namin ang prof na kung sakali may pumasok. Hindi ko maiwasaang isipin na, ano kaya ang gagawin ng magulang ko kapag wala ako sa bahay ngayon? O mawawala ako katulad ni ate?

Mag-alaala ba sila o hindi? O masaya sila kasi nawala ako kasi ako rin naman ang dahilan ng pagkawala ni Ate kaya siguro gustuhin din nilang mawala na rin ako. Tutal parang patay na rin naman ako sa kanila. Ayaw na rin nila akong makita.

Napabuntong hininga naman ako ng maisip ang mga katagang 'yon. Tiningnan ko muna ang wrist watch ko. 6pm na pala pero wala pa ring pumapasok na prof at ingay pa rin ng mga kaklase ko. Maka-idlip nga muna.

Kinuha ko ang earphones ko at sinalpak sa tainga ko.

3 hours later...

Naalimpungatan ako kasi parang yumuyugyog 'yung tinutulugan ko. May earthquake ba? Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa harapan ko ang mukha ni Crissa. Napapikit naman ako ng mariin at napakamot. Kahit kailan tung babaeng 'to napakahilig mambulabog ng tulog.

Bumangon ako mula sa pagka-idlip. Medyo nangangalay na 'yung mga kamay ko.

"Ano dzae? Dito na lang tayo matutulog? Sleep-over sa room?" sarkastikong sabi niya.

Napa-irap naman ako sa sinabi niya at lumabas ako ng room at sumunod naman sila Crissa.

Habang naglalakad kami, nagulat ako nang huminto sa harapan namin si Crissa.

"Guys, maglibot muna tayo. Mukhang exciting." nakangiting sabi ni Crissa.

Exciting? Sounds like a trash. Aalis sana ako kaso hinawakan ng bwiset na mukang asong ulol ang kamay ko. Tiningnan ko siya ng blanko pero ngumisi lang siya.

Ano bang problema nito?

"Oo nga guys para naman makilala natin ang mga kaklase natin." nakangiting ani ni Micca.

Sumang-ayon naman ang iba.

Sumali na rin ako kahit na nakakapagod. Bwiset kasi 'yung mukang asong ulol. Nagsimula na kaming maglibot. Pumunta kami sa playground, field gym at ang huli ay sa fountain. Marumi na ang tubig. Halatang matagal na itong naitayo.

May nakita akong cellophane na may lumot pero hindi ko nalang pinansin. Bumalik na rin kami sa pinanggalingan namin. Sana maisipan nila na magpahinga. Napapagod na 'ko sa kakalakad.

Nakaupo kami sa may bench. We need to take a rest because we really damn tired. Ilang oras na rin kaming naglilibot sa buong school. Mga ilang minuto pa ay may isang kotse na dumating sa di kalayuan.

Tiningnan ko ito. AKala ko kotse 'yun naman pala ay  van.

Akala ko ako lang ang nakapansin sa van.

"Kaninong sundo 'yun?" tanong ni Kathleen kaya napatingin naman sila sa kinaroroonan ng van

"Ewan ko." sabi ni Mhia yata. Napakibit-balikat naman ang iba.

Mga ilang minuto pa ay bumaba ang sakay ng kotse at lumabas ang mga lalaking may suot na mask. Naka-all black pa sila at may dala silang syringe.

Tiningnan lang namin kung ano ang gagawin nila. Lumapit 'yung isang lalaki sa classmate ko na lalaki. Baka 'yan ang sundo niya? Pero, mukhang hindi naman niya sundo kasi nagtatakha 'yung mukha niya.

Pagkalapit niya sa lalaki ay agad siyang tinurukan ng syringe. Napahiga naman ang classmate namin at binuhat nila.

Umatras ako at tumakbo ng mabilis. Kailangan namin pumunta sa gate para makatakas baka kami na ang isusunod.

"Guys ito lang ang masasabi ko. TAKBO NA!" sigaw ng isa naming kaklase at agad din naman silang tumakbo at tumakbo na rin ako palayo sa mga lalaking may dalang syringe.

Lumiko ako sa kanan at nakita ko na ang gate sa hindi kalayuan. Tatakbo na sana ako palabas nang may narinig akong sumisigaw na babae kaya napatigil ako kasi parang pamilyar ang boses ng babae.

"TULONG! SAKLOLO! TULUNGAN NIYO AKO!"

Nakita ko na tumatakbo nang mabilis si Micca habang hinahabol ng mga siraulong lalaki.

Tatakas ba ako o tutulungan ko siya? Kasi ito na 'yung chance na matakas ako pero kaibigan ko si Micca at kailangan niya 'ko.

Bumalik ako sa loob para tulungan si Micca. Habang tumakbo ako napansin kong may kahoy sa gilid ng hallway. Kinuha ko 'yon para 'yon ang panglaban ko sa lalaki.

Papalapit na 'ko sa lalaki, hindi niya 'ko napansin kasi nakatalikod siya sa'kin at nang nakahanap na 'ko ng tyempo ay pinalo ko ito ulo at napatumba naman siya kaya agad naman kaming tumakbo ni Micca. Nang may naramdaman akong may pumalo sa likod ko na 'yun ang dahilan ng pagkawala ng malay ko.

Bago ko pa naman maisara ang mga mata ko. Nakita ko si Micca na tumakbo palayo sa lalaki.

(Third Person's POV)

Dinala ng mga lalaking nakasuot ng mask ang mga nadakip nilang estudyante sa isang silid. Nandito parin sila sa paaralan. Kinabitan nila ng relo ang bawat estudyante. Napatigil ang mga lalaki sa bilang pagpasok ng isang babae ng naka suot ng itim na gown. Bakas sa mukha niya ang saya.

"Boss."

Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng kanyang tauhan at lumapit sa mga tulog na estudyante kaya napangiti naman siya.

"Welcome to Death University: School of Death. Are you ready for the survival game?" ani niya sa mga estudyanteng nakatulog dahil sa gamot na itinurok sa kanila.

Pagkatapos nitong magsalita ay lumabas siya ng silid.

"Death will never leave our side." Makahulugang sabi nito habang hindi nabubura sa bibig niya ang ngiti ng pagkasabik.

1:20 am na ay nagising ang ilan sa mga estudyante and iba naman ay nagkamalay na. Nagulat sila kasi kumpleto sila pero may mga nakakabit na relo sa mga kamay nila

"Nasaan tayo?" tanong ni Mhia habang hinahawakan ang ulo niya.

Nilibot nila ang tingin nila sa isang silid.

"I don't know." sagot naman ni Jeseryll tsaka napahawak sa braso niya.

"Guys, bakit may nakakabit na relo sa kamay natin?" takang tanong ni Arth.

"Hindi ko rin alam then pare-pareho tayo ng design ng relo." sagot naman ni Kathleen. Tiningnan din nila ang mga relo nila.

Tama nga, pare-pareho sila pero ang pinagtataka nila kung para saan ba 'to?

"Goodmorning to all of you, students. It's pleasant to meet all of you, my dears. Enjoy and welcome to Death University school of death."

Nabigla ang lahat nang may nagsalita sa speaker ng school. Boses ng isang babae pero paiba-iba.

"Ang creepy ng boses niya." sabi ni Tiffany at nagsitaasan ang kamay balahibo kaya niyakap naman niya ang sarili niya.

"Guys, labas na tayo.  Ayaw ko na rito." sabi ni Crissa. Bakas sa tono ng pananalita ni Crissa ang takot.