webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · História
Classificações insuficientes
33 Chs

Kabanata 12

Kabanata 12: That Person

#Death University

#Truth

****

(Shana Pov)

Naglilibot ako ngayon sa may field ako lang mag isa hindi ko sinama sila Beatrice. Mga 4:00 pm na rin ang oras. Kaya nag isip isip ko na maglibot. May nakita akong gubat sa may field kaya pumunta ako ron. Curios lang ako kung ano ang nandon.

May naanig akong tao na nag- uusap sa may gubat kaya agad akong nagtago sa may malaking puno. Malay mo may plano o problema sila.

"Sigurado ka bang walang nakakita sa iyo sa pagpatay mo kay Chanelle?"

Teka sila ang pumatay kay Chanelle? Kaklase lang pala namin atsaka dalawa pa sila. Mga traydor. Hindi ko akalain na kaya nilang pumatay ng tao.

"Oo naman kaya lang may nakakita sa akin na nakatingin sa bangkay ni Chanelle"

May nakakita sa pumatay kay Chanelle sino naman iyon?

"Sino ang nakakita sa iyo?"

Ito na malalaman ko na. Gusto kong malaman kung sino nakakita sa kanila.

"Hindi ko alam"

Hindi niya alam. Sumilip ako at nakita ko ang taong pumatay kay Chanelle. Nabigla ako diba Sila? Pero ang babait nila paano nila nagawang pumatay ng tao.

Mga hayop sila. Ang killer naman ay hindi natin mai-babase sa mukha.

"Sinong papatayin natin?"

May next target pa sila. Sino naman kaya.

"Secret pero paano kung unahin muna natin ang nakikinig sa usapan"

Alam nila may nakikinig sa kanila. Dapat malaman ito ng mga classmate ko. Tatakbo na sana ako kaso may humila sa buhok ko. Hinarap nila ako sakanila.

Mga demonyo sila. Hindi ko

"Paano niyo nagawang pumatay? Mga traydor"

Ilalabas ko ang galit ko sakanila. Masyadong masama ang ginawa nila. Lalong-lalo na kay Chanelle na walang ginawa sa kanila.

"Alam mo. Kung mananahimik ka sasabihin namin sayo ang dahilan"

Ang sama nila. Alam ko na pagkatapos nilang sabihin sa akin ay papatayin rin nila ako. Kaya hindi ako mananahimik.

"Kapag sasabihin rin namin sayo ang dahilan hindi mo maunawaan"

Hindi maunawaan? Bakit ano ba ang rason? Paano naman nila nasabi na hindi ko maunawaan kung hindi ko alam. Ano iyon advance sila mag-isip.

"Bakit kayo ganito ha?"

Please. I need to know the truth. Kahit patayin niyo na ako.

"Gusto mong malaman?"

"Oo"

Tumango pa ako. Nakita ko ang bahagyang paglungkot nung nagsasalita sakanila. Tahimik lang ang isa.

"Kasi anak kami ng dating may- ari nitong paaralan"

Dating may-ari ng paaralan? Nang dahil doon lang.

"Magkapatid kayo? Anong nagawa naming kasalanan?"

Umirap naman yung isa. Yung nagsasalita.

"Masyadong kang maraming tanong. Oo magkapatid kami haha. Tumakas ka na!" Hindi niya sinagot ng maayos ang tanong ko.

Agad akong tumakbo dapat malaman nila ito. Nang may humila sa buhok ko

Katapusan ko na.  Nahuli na ako.

"Not so fast. Ano ka sinuswerte matapos mo marinig ang lahat hahayaan ka namin makatakas. Masisira ang plano pagnagkataon"

Napaiyak nalang ako. Sana hindi ko pa katapusan. Pero i need to accept my fate.

"Mga demonyo kayo"

Please pakawalan niyo ko.

"Mas demonyo sila" sabi nung isa at sinaksak ako sa bandang dibdib ng kutsilyo

Ramdam ko ang sakit at ang pagpatak ng dugo. Sinong sila.

"Mga demonyo silang lahat" saksak sa akin ng isa sa bandang kabila ng dibdib ko.

Ang hina ko na. Kailangan ko to sabihin.

"Patawarin niyo kami kung ano man ang ginawa namin" Bago bumagsak ang katawan ko sa lupa. Ay

Nakita ko tumulo ang luha nila. Alam ko napipilitan lang sila gawin to. Kasi may nagpilit sakanila na gawin ito.

****

(Alyssa Pov)

Ang tagal naman ni Shana sabi niya maglibot-libot siya sa field. Malapit na kaya ang oras. Saka baka patayin siya ng lalaking nakamask dahil nasa labas pa siya.

Pumasok ako sa room nang tumunog ang kampana ng orasan udyat na magbubunot na naman kami ng card. Paulit-ulit nalang ito.

Pumasok sila Beatrice pero mukhang kumpleto na sila  wala si Shana. Nasaan kana Shana?

Bumunot na ako ng card ng magsalita na yung babae mukhang manika na pwede na daw bumunot ng card. Ang raming card dito infairnes ha.

Agad kong tiningnan ang nabunot kong card. 'You can Continue Your day' yang ang nakasulat. YES! ligtas ako ngayon.

Nagulat ako ng lumabas sa room sina Zamien at Rain. Mukhang sila na ang sunod. Bakit kaya kailangan pa nilang lumabas? Eh mukhang walang sinabi yung killer na lumabas sila.

Hindi na namin alam ang sunod na mangyayari hindi kasi kami makalabas sa room. Agad na bumukas ang pinto at lumabas na kami ang bilis nilang pumatay mukhang excited eh. PERO  isa lang ang kinababahala ko

Nasaan na si Shana? Bakit ang tagal niya dumating?

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Alam ko na kung sino ang traydor basi sa hula ko at nakita ko na bagay. Ang galing niya mag-pretend.

Habang naglalakad ako ng may nakita akong babae na nakatayo sa may puno agad ko siyang nilapitan.

Naka-uniform rin sya tulad namin mataas ang kanyang buhok. Siya ang taong laging nagpapakita sa akin at tumutulong.

"Mag-iingat ka. Kung akala mo kakampi mo siya nagkakamali ka" Alam ko kung ano pinahihiwatig niya.

Pamiliar sa akin ang mukha niya at boses. Pero hindi ko maalala. Saan ko ba siya nakita?

"Tulungan mo kami makalabas dito unti-unti na kaming nauubos" 

Tumingin naman siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Tutulungan kita hanapin ang libro basta alamin mo ang lahat" Paano ko aalamin eh wala akong clue.

Aalamin ko ang lahat? Kayanin ko kahit na hindi ko alam.

"Lahat?"

Tumango lang siya. Tumalikod siya sa akin. Saka nagpatuloy magsalita.

"Atsaka isa pa ikaw lang ang makakatulong sa mga kasama mo. Hanapin mo ang traydor sa inyo" Naglaho siya bigla.

Tama siya hahanapin ko ang libro at ang traydor pero alam ko na ang traydor na isa at hindi ko alam kung nasaan ang libro. Nabigla ako ng may humampas sa likod ko

Habang naglalaro ang tingin ko ay nakilala ko kung sino ang traydor. Tama nga ang hula ko

"What a pretender" Ang nasabi ko bago mawalan ng malay.

****

(Crissa Mae Pov)

Kanina pa namin hinahanap si Hayden at si Shana at hanggang ngayon hindi pa namin sila nakita. Nasaan na sila?

Ano na kaya ang nangyari sa kanila?

Pumunta kami sa may gubat ng may maamoy kaming mabaho na parang amoy patay.

Lumapit kami doon at may nakita kaming bangkay ng babae. Sinaksak siya sa magkabilang dibdib pero hindi ito si Hayden kundi si Shana Ito.

Nasaan ka na Hayden? Sino ang maya gawa nito kay Shana?

Nabigla kami ng lapitan ito nila Alyssa. Oo nga pala kaibigan pala nila si Shana.

"Sino ang gumawa nito sa kanya?" Umiiyak na sabi ni Beatrice. Habang nakaluhod.

Tama nga pala hindi nakabunot kahapon si Shana pero ang tanong.  Bakit siya pinatay? Isa lang ang nasa isip ko.

Iba ang gumawa nito sa kanya. Pero sino?

"Kathleen. Nahanap niyo ba si Hayden?"

Hindi mamatay si Hayden siya lang ang matalino sa amin. Kahit na ganun ang ugali niya ay kaibigan at mahalaga  siya sa amin.

"Hindi eh" Malungkot na sabi ni Kathleen. Hindi nga namin alam kung patay na siya o hindi?

Kung sino man ang dumukot sa kanya mukhang kasabwat ito sa pumapatay dito.

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Nagising ako ng may naramdaman ako bumuhos sa akin ng malamig na tubig. What the fuck. Gumising ako.

"Gumising ka na. Sleeping beauty"

Tama nga ang hula ko. Tsk Langyang babaeng to.

"Why are you doing this? What are the reason?"  I need to know the fucking reason.

Tumawa lang siya sa tanong ko na parang walang kwenta ang tanong ko.

"Surprise haha. Ang galing ko mag-acting. Mamatay kayong lahat"

Ngumisi ako. Are you fucking sure? Hindi mo hawak ang kapalaran namin bitch.

"Naalala ko kaya pala gusto mo kaming pag-aralin sa Death University dahil may plano ka"

Tama nga ang hula ko. Tsk masyado siyang kinaibigan nila Kathleen.

"Oo matalino ka pala. Pero mamatay ka rin"

Ngumisi lang ako. Asa siya.

Maya-maya lumabas ang isa pa niya at ang babaeng mukhang manika. Tinanggal ng babae ang kanyang maskara at nagulat ako. Sh*t kilala ko siya.

"Ikaw?"

"Paano mo to nagawa sa amin Ha! Wala kaming ginawang masama sa yo"

Masama siyang tumingin sa akin.

"Akala niyo lang wala kayong ginawa. Pero meron naman talaga. Akala mo mga inosente kayo. Yun pala mga demonyo" Tumawa siya ng tumawa na parang witch.

"Paano mo nasabi na demonyo kami? Kahit na mas demonyo ka na pumapatay ng tao"

Pero imbis na sagutin kami ay nagsalita siya.

"History Repeat itself"

What does she mean? Nangyari na ito dati?

****

-@missHYchii