Dear Future Boyfriend,
Three days straight na akong pumupunta kina Ashton para manuod ng band practice nila. Sa tatlong araw na 'yon, mas nagiging close na kami sa isa't-isa. Sa tuwing tumutugtog siya, hindi ko maiwasang isipin na ako ang tinutugtugan niya. Ang sarap niyang panoorin. Ang cool kasi niyang tingnan habang tumutugtog ng gitara.
Pero hindi ko maiwasan na hindi magselos kay Trisha. Ang dikit kasi niya kay Ashton tuwing tumutugtog sila. Mukha silang love team ng banda. Kinakain talaga ako ng selos ko minsan, pero pagkatapos naman nila tumugtog, inihahatid ako ni Ashton sa bahay namin kaya bawing-bawi ang selos ko. Napapasaya niya kasi ako palagi. Alam mo 'yung feeling na ramdam na ramdam mo na mahalaga ka sa kanya? Na concerned sya sa'yo? Kahit di niya aminin sa akin na siya si Mr Creeper, okay lang, kasi pinapatunayan naman niya na hindi masasayang ang feelings ko sa kanya.
Ngayon palang kasi pinapatunayan niya na, na worthy siya na magustuhan. Na he's worth falling for. Na he's willing to catch me when I fall. Ang cute niya talaga! Lalo na kapag ngumingiti siya sa akin, kumikislap kasi 'yung mga mata niya. Feeling ko talaga dahil sakin kaya ganon ang mga mata niya. Ang haba ng buhok ko! Ang fluffy sa pakiramdam. Para akong napupuno ng cotton candy. Hindi ko alam kung bakit cotton candy. Haha! Basta ang sweet kasi namin. Kinikilig ako. Kung ikaw si Ashton, ipagpatuloy mo lang 'yan ha! Pero I'm sure, ikaw siya! Kasi sasagutin ko siya kapag nanligaw na siya. I love you!
Love,
Kayleen