webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Urbano
Classificações insuficientes
156 Chs

Entry #46

Dear Future Boyfriend,

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pamilya nina Ashleen. Kung bakit kinailangan umalis ng bahay ni Ashton at magpunta rito sa Baguio. Halata na may iniiwasan sya sa pamilya nya. Nagkagulo raw kanina sa bahay nila sabi ni Ashleen. Bandmates? College?

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang makita ko si Ashton sa terminal ng bus. Wala syang ibang dalang gamit kundi ang gitara nya lang. Hindi naman sya mukhang kawawa kahit na nag-iisa sya na bumyahe. Hindi sya mukhang nawawalang bata na hindi alam ang gagawin. Hindi sya helpless kid katulad nang naiimagine ko. Mukha lang syang pagod pero determinado. Para bang ready sya sa kahit na ano na sasalubong sa kanya. Nakalimutan ko tuloy kung gaano sya kabata. Ganon lang kasi si Ashton, kung minsan bully, kung minsan naman parang forty years old na.

Hiniling ko kanina na sana hindi ko sya makita kasi ang ibig sabihin non uuwi sya sa kanila. Hiniling ko rin na sana makita ko sya para maiwasan ang pag-aalala ni Ashleen sa kapatid nya. Halata na nagulat sya nang makita ako kasama si Kuya Dylan sa terminal na naghihintay sa kanya. Hindi nya siguro alam na sinabihan ako ng Ate nya. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko sya. Narealize ko nalang na pati pala ako nag-alala sa kanya. Hindi man kami close pero may pakialam naman ako sa kanya.

Gusto kong malaman kung ano ang nangyari pero katulad nga ng sinabi ko hindi kami close kaya nahihiya ako na magtanong. Ayokong lumabas na isa akong chismosa. Kung sasabihin nya sakin, makikinig ako, kung hindi naman, hahayaan ko nalang sya (siguro?). Mas mabuti siguro kung sila ni Kuya ang mag-usap kasi pareho silang lalaki, baka hindi ko sya matulungan?

Natutulog sya sa katabing kwarto ko. Ang tahimik nya. Naalala ko tuloy noong nag-sleepover ako sa kanila, mga ganitong oras pero tumutugtog parin sya ng gitara nya. Napagod siguro sa byahe.

Kung magkakaron ka ng problema, sasabihin mo naman sakin diba? Promise makikinig ako at susubukan ko na tulungan ka. At hwag kang biglang mawawala, okay?

Love,

Kayleen