webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Urbano
Classificações insuficientes
69 Chs

Chapter 63

Its almost three weeks and she's feeling more anxious by the second. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ulit nakabalik si Bryan para bisitahin siya sa bahay ng mga magulang.

Though, nakatanggap naman siya every other day ng same bouquet na pinapadala nito and nagtitext din ito sa kanya paminsan-minsan ay hindi pa rin naging panatag ang loob niya. His texts are just common greetings, like good morning, good afternoon, good night, tapos may heart lang. Kagabi nag send din ito sa kanya ng picture ng langit na mukhang galing sa balcony sa mansion. Tapos may 'wish you were here with me.'

Ano kaya 'yon?

Hindi niya tuloy ito nirereplyan. Nakakaramdam siya ng tampo eh tapos ang dami ng pumapasok sa isip niya. Nagsisimula na nga siyang mag overthink lately.

Pero ganoon ba talaga ang pag-aakyat ng ligaw? Parang hindi naman kasi ganoon ang nangyayari sa mga movies and teleseryes na napanood na niya, kahit sa mga librong nabasa niya.

'Di ba dapat pupunta ito dito sa kanila? Tapos haharana sa kanya? Tapos ito mismo dapat ang magdadala ng mga regalo sa kanya 'di ba? Hindi 'yong magpapadeliver lang?

O baka busy ito?

Hays.

Nawala na tuloy ang excitement niya at napalitan na ng totoong kaba, because what if nagbago na ang isip nito pagkatapos niya itong itaboy ulit? Baka nga ganoon kaya hindi na ito pumunta sa kanila.

Sinisisi niya tuloy ang sarili kung bakit naisipan niya pang magpakipot at magpabebe. Akala naman kasi niya baby-hin din siya nito.

So much for expecting and hoping for something extraordinarily special from Bryan. Eto tuloy at nalulungkot siya dahil hindi nangyari ang inaasam niya pagkatapos niyang magdesisyon na pumayag sa panliligaw nito.

Ilang beses tuloy siyang napabuntong-hininga habang nakaupo sa paborito niyang spot ng clubhouse ng subdivision nila. Nandito na naman siya kada hapon hanggang 5:30pm para maiwasan muna ang lungkot niya kahit papano. Kapag nandoon kasi siya sa bahay nila ay parang magkakaroon na siya ng stiff neck kakalingon sa pintuan ng bahay nila, sa gate, sa bintana ng sala nila, at kahit sa labas ng bintana ng kwarto niya kung makarinig siya ng ugong ng sasakyan. Hindi kasi siya mapakali.

Hays.

Pasimple niya lang naman ginagawa 'yon, pero mukhang nakakahalata ang mga magulang niya. Ilang beses na niyang nakikita ang pagnigiti ng mga ito pagkatapos niyang manlumo kapag walang Bryan na dadating sa kanila. Gusto niya sanang magtanong sa mga magulang kaso nahihiya naman siya, tapos parang ayaw din magsalita ng mga ito. Ni wala ring update sa mga social media accounts nito at bagong news tungkol dito kaya wala din talaga siyang kaalam-alam.

Feeling nga niya ay nag-uusap pa din si Bryan at ang daddy niya kasi wala naman itong minemention sa kanya. Ay ewan. Sana huwag lang siya ibuking ng daddy niya dito tungkol sa pag-aantay niya at sa naging desisyon niya tungkol sa panliligaw nito.

Nakaramdam siya ng sobrang pagod sa araw na 'yon kahit wala naman siya ginawang nakakapagod ngayong araw. Kaya pagkatapos niyang mag dinner at magpahinga ng kunti bago uminum ng gatas ay umakyat na siya sa kwarto niya para maghanda sa pagtulog.

"Baby ko, sleep tayo early ha? Napagod si mama, siguro dahil inaantay niya si dada dumating. Pero huwag kang mag-alala, baby, dadating si dada. B-Baka busy lang.. I love you." Kausap pa niya sa anak niya habang hinihimas ang tiyan niya ng paulit-ulit.

Naghahum pa siya ng kanta para dito at hindi niya namalayang nakatulog na siya ng tuluyan. Nakalimutan pa niyang magkumot at medyo malamig din ngayong gabi, pero parang hindi siya nakaramdam ni kunting lamig man lang.

Naalimpungatan yata siya or baka nananaginip lang siya? Ewan. Kasi pagkamulat niya ng mga mata ay ang hubad na pandesal ng taong namimiss niya ang nakikita niya. Nakaunan siya sa braso nito at nakayakap ito sa kanya ng mahigpit.

Siguro sobrang miss niya lang talaga ito kaya napanaginipan na niya. Napaangat siya ng tingin dito at agad na bumungad ang napakapoging itsura ni Bryan na natutulog. Kahit medyo dim na dahil lamp shade na lang ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto niya ay naaninag pa din talaga niya ang kapogian nito.

It felt so real, though. Dinig na dinig niya kasi ang paghilik nito tapos ang tibok ng puso nito ay ramdam din niya.

'Sana, hindi 'to panaginip.' Usal niya sa isip at hindi na napigilan ang sarili na damhin ang pisngi nito.

'Ba't parang totoo? Panaginip ba talaga 'to?' Naguguluhang sabi niya sa sarili.

She used her finger to trace the whole face of the person she misses the most. Nag-umpisa muna siya sa talukap ng mga mata nito, tapos sa pilikmata, tapos sa ilalim ng mata nito na medyo nangingitim, tapos sa bridge ng ilong nito, sa mga labi nitong mapupula, sa baba nitong may kunting balbas na, at binalik niya ulit ang daliri sa mga labi nito.

Hindi na rin niya napigilan talaga ang sarili, total naisip naman niyang panaginip lang naman ito. Inangat niya ng kunti ang ulo at inabot ang mga labi nito.

'Shocks! Ba't parang totoo 'to?' Tanong pa niya sa isip pero inulit naman ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi nito.

Ghad! She missed his lips so much at patuloy lang siya sa pagdampi ng mga labi niya doon. Kinikibot-kibot pa niya ang mga labi like she's urging him to kiss back. Pero ng tumugon nga ito ay napatili naman siya. Lalo na ng bumukas ang mga mata nito.

"Wife.." Namamaos na tawag nito sa kanya.

Akmang babangon sana siya pero mas hinigpitan pa lalo ni Bryan ang pagyakap nito sa kanya.

"Y-Y-You're real?!!" Nagugulantang na sabi niya dito.

"Uh-huh. Sleep, wife.." Parang pagod na boses na sabi nito tapos ay hinawakan ang likod ng batok niya para idikit ulit 'yon sa dibdib nito. Naramdam din niya ang pagpatak nito ng isang halik sa sentido niya bago niya narinig ang paghilik ulit nito.

My gosh! Hinalikan pa niya ito! Siya pa talaga ang nag initiate! Jusko! P-Pero baka panaginip lang naman ito! Sana, panaginip lang!!

Pinikit niya ulit ang mga mata. Nagbilang pa siya hanggang 10 tapos minulat ulit 'yon pero pareho pa rin! Pandesal pa din ni Bryan ang nakikita niya. Sinubukan din niya kurutin ang palad, pero shocks! Totoo talaga 'to!

Bryan is here! Inside her room! Sleeping beside her in her own bed!!

Hinalikan pa niya ito! Juskolerd naman! Nahihiya tuloy siya sa ginawa niya! Nasaan na ang pabebe mode mo, Kyra Mae?!

At bakit kasi 'to nandito? Ba't nakapasok 'to?! Pinayagan ng mga magulang niya? Oh em gee!

K-Kaso.. Ba't parang pagod na pagod ito? Tapos ang itim pa ng eye bags nito...

Hindi niya tuloy naiwasang i-angat ulit ang mga mata para tingnan ang mukha nito.

Bryan looks very exhausted. Tapos may stubble din ito... He may look haggard and all, but shocks, ang pogi pa din ng halimaw.

Total hindi naman na siya makawala sa mga bisig nito, might as well give in to her current situation. Sino ba naman kasi ang maloloko niya? Sarili niya? Eh nagsusumigaw na ang buong pagkatao niya ng pagkakamiss dito.

Pero sana lang talaga..

Hindi nito maalala ang ginawa niyang paghalik dito.

Ang agresibo niya masyadow! Nakuw!

Magtatatlong linggo ng hindi nakakatulog ng maayos si Bryan at pagod na pagod din siya but it was all worth it. Lahat ng ginawa niya sa nakalipas na mga araw ay ang mga bagay na pinlano niyang gawin para sa kanilang pamilya, sa asawa niya.

Naalala niya tuloy ang pag-uusap nila ni Georgina noong nagmakaawa ito at pati na rin si Cindy na mag-usap daw muna sila. Alam niyang naaawa lang si Cindy kay Georgina, lalo pa't best friend nito ang huli. He met Cindy first dahil ex ito ng manager nila and they became friends. Ito rin ang nagpakilala sa kanila ni Georgina kaya mas lalo silang naging close dalawa. Kaya kahit ayaw niya ay pumayag na din siyang makipag-usap kay Georgina sa presinto.

Georgina begged him na umatras na sa kaso. Gusto lang daw nitong magkabalikan sila kasi mahal pa rin siya nito kaya nagawa daw nito 'yon sa asawa niya. Hindi man lang ito naawa sa asawa niya. He didn't feel any remorse on her noong binanggit nito ang ginawa nito kay Kyra. Parang umaasa pa nga itong nakunan ang asawa niya.

Fuck!

Kaya hindi talaga nagbago ang isip niya. Habang nagmamakaawa ito sa kanya ay doon na niya na sigurado sa sarili na ang naramdaman niya dati kay Georgina ay wala pa sa kalahati ng nararamdaman niya sa asawa niya.

At mas lalo pa siyang nagalit ng lumabas na ang taong responsable sa pag kuha ng pictures at video ng asawa niya at ni Arthur at ginawang ebidensiya na manloloko daw ang asawa niya. Pinadakip niya ang taong 'yon sa pulis at umamin din ito sa ginawa. Georgina asked that person's help in exchange of a porn video na pagbibidahan daw ni Georgina. Kaya pala ang busy nito masyado noong sila pa kahit wala itong gigs sa modeling, 'yon pala ay may side job ito!

Damn her!

Ang taong inutusan nito ay isang amateur porn videographer at dati na daw nagtatrabaho si Georgina dito pero nakatakip lang ang buong mukha nito. This time ay gusto na niyang ipakita sana ang mukha ni Georgina sa video, pumayag nga 'yong babae basta daw ay gawin nito ang inutos ni Georgina.

Nandiri siya sa sarili dahil sa nalaman.

Paano niya nagawang pakisamahan ang babaeng 'yon na inakala niyang minahal pa niya ng dalawang taon?

Pinaglaban pa niya ang relasyon nila sa ama niya at sa mga kaibigan niya! Sa huli ay malalaman niyang niloloko lang pala siya nito at ang dami pala nitong tinatago sa kanya. He fucking wasted his life just to fight for something that he thought was right, but it turns out the opposite! Pilit pa nga niyang nilabanan ang nararamdaman niya sa asawa niya sa pag-aakalang mahal niya talaga si Georgina! Naguilty pa siya sa pakikipagbreak dito, 'tangina!

Noong pinamukha niya dito ang inamin ng videographer ay muntik ng dumilim ang paningin niya at masasaktan na sana niya si Georgina, but the face of his wife have kept him sane. Kung masasaktan niya ito ay paniguradong makakagawa din ito ng paraan para kasuhan siya. At ayaw na niyang dagdagan ang mga ginagawa niya, lalo pa't gusto na niyang matapos ang lahat ng 'to para makafocus na lang siya sa asawa.

"Congratulations for finding out the truth, honey! You're not that super stupid naman pala!" Painsultong sabi nito sa kanya sabay tawa.

"W-What?"

"You really thought that I love you, honey? Well, guess what! I don't!" Sabi pa nito sabay tawa. "I'm just fucking using you because you're one hell of a stupid, ignorant, petty, and naive celebrity! I was only putting up with you because you have the money and fame! And.. you have that huge dick, too. You're just a puppet to me who's willing to kneel-"

"Fuck you!" Hindi na niya napigilang isagot dito na tinawanan lang nito.

Gustong-gusto niyang saktan talaga ito pero mas pinili na lang niyang talikuran ang taong muntik ng sumira sa buhay niya at ng pamilya niya. She's not worth his time anymore, but she deserves to rot in jail.

Pagkatapos niyang umalis ng presinto ay hindi niya naiwasang pumunta sa sementeryo sa araw ding 'yon para bisitahin ang ama at magpasalamat dito.

His dad saved him!

He always does and he was too late to realize it. Kasi mas inuna niya ang init ng ulo at ang katangahan niya. But this time he will make everything right not just for his father but also for his family, especially to his wife who deserves it. And he knows that the only way to make it up to his father is to win back his wife and be a good and loving husband to her, and father to their future children.

Another thing that he's been busy of lately is the status of his career. Sinermonan na naman siya ng manager nila at ng presidente dahil sa lumabas na balita tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa. Kumalat kasi ang balita at ang mga pictures at videos niya noong nasa hospital siya kasama ang asawa niya.

Pagkatapos niyang ihatid ang asawa sa bahay ng mga in-laws niya ay nakiusap na siya sa kompanya na kung pwedeng matanggal ang clause sa contract niya na pinagbabawalan silang magkaroon ng relasyon o asawa. Pero mariing tumanggi ang mga ito sa pakiusap niya. The company is planning to file a lawsuit against him, kaya mas lalo siyang naubusan ng oras para puntahan ang asawa sa bahay ng mga in-laws niya.

He already contacted his personal lawyer, and also Arthur, to help him out, and he's also willing to breach his contract with the company. He's willing to pay the damages of his actions, at sigurado siya sa sarili na hinding-hindi siya makakaramdam ng pagsisisi dahil doon. He's willing to take the risks wherever his wife and his family is concerned.

And he's very thankful for his friends, as well, kasi kahit ang mga ito ay todo ang suporta sa naging desisyon niya. Ang mga ito pa nga ang nagpumilit sa kanya na gawin ang plano.

Masakit sa kanya ang ginagawang pagtalikod sa mga tao at sa kompanyang naging rason kung bakit siya natutong mamuhay mag-isa sa loob ng isang dekada. But if he were to choose between his career or his wife and child ay walang dudang pipiliin niya ang huli.

Isa pa palang bagay na pinagkaabalahan niya sa loob ng tatlong linggo ay ang mga kompanyang iniwan ng ama niya sa kanya. He's trying to learn the basics, and all of the board members and employees of his father are willing to teach him everything. Oras na para magtake over sa kompanya na alam niyang pinaghirapan ng ama niya. Dahil lahat ng 'yon ay iniwan nito sa kanya at sa asawa niya base sa sinabi ni Arthur.

Hindi pa nasasabi ni Arthur ang kabuuan ng last will ng ama. Nakiusap kasi siya dito na antayin na maging okay sila ng asawa niya para mag-iisang session na lang ng pagbabasa nito. May nilalaman pa daw kasi ang last will ng ama niya na kailangan ang presensiya nilang dalawa ng asawa.

Ina-update niya ang mga in-laws tungkol sa kanya at dito na rin siya nagtatanong sa mga ito tungkol sa asawa niya. Ayaw niyang mastress ito kaya nakiusap siya sa mga in-laws na huwag sabihin dito ang mga ginawa niya at ang mga kinakaharap niyang problema.

Nagsesend din ng pictures at videos ng asawa niya ang father-in-law niya sa kanya na pasikreto nitong kinukunan. Kaya 'yon ang ginawa niyang pampatulog aside sa wedding picture nila na pinaframe na niya at nilagay sa pader ng kwarto nila at bedside table. Nandoon na rin ang video ng kasal nila pero plano niyang panoorin 'yon kasama ang asawa.

Ang sabi niya sa sarili ay hinding-hindi muna siya pupunta sa asawa habang hindi pa naayos ang lahat ng problema niya pero hindi na niya kaya. He's very exhausted and he really can't sleep that night kaya laking pasalamat niya na pagkatawag niya sa father-in-law niya ay gising pa ito at pinayagan siyang pumunta sa bahay ng mga ito at matulog sa tabi ng asawa niyang natutulog na.

His tears immediately fell upon seeing his wife sleeping soundly on her bed. Nakita 'yon ng father-in-law niya kaya tinapik-tapik nito ang balikat niya.

Ngayon lang din niya napansin sa sarili na sobrang naging iyakin na siya simula ng nag-asawa siya. Damn! But he doesn't care at all. He's being emotional because of his wife, at hindi nakakabawas ng pagkalalaki ang pag-iyak.

"Tumabi ka na sa asawa mo, anak." Pabulong na sabi nito sa kanya.

Pinalis niya muna ang mga luha bago hinarap ang father-in-law niya.

"Salamat, dad."

Ngumiti lang ito sa kanya at agad na siyang iniwan sa loob ng kwarto ng asawa niya. Pagkatapos maingat na sarhan ang pintuan ng kwarto ng asawa ay agad na niyang hinubad ang T-shirt at tumabi dito. Pinatakan niya muna ng isang magaang halik ang mga labi nito bago niya dahan-dahang inayos ang pwesto nila para mayakap niya ito ng mabuti.

He fucking missed her so much.

Finally, he's home now.