"Zombie!....?" gulat na gulat na pagkasabi ni Jan na para bang hindi ito posibleng mangyari.
Hindi siya maka-imik sa kanyang mga nakita. Animo'y parang dagat ng mga nabubulok na laman. Nabubulok at nagdudugo na laman na walang kabuhay-buhay na naglalakad sa tapat ng kanilang bahay. Hindi siya makapaniwala. Nasagi din sa isip niya na baka hindi ito totoo, na baka nagco-costume lng sila dahil nga ang araw na ito ay unang araw ng nobyembre. Hindi siya makapag-isip ng maayos, andaming salita at tanong na pumapasok sa kanyang isipan.
Habang si Jan ay nakatayo sa harap ng bintana at naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi niya namalayan ang kanyang Ama na dahan-dahang patungo sa kanya mula sa kusina. Hanggang sa bigla siyang sinunggaban nito. Nagulat si Jan at biglang napatumba. Sinubukan siya nitong kagatin. Agad naman niya itong napigilan gamit ang kanyang mga kamay. Hinawakan niya ang leeg nito gamit ang kanyang kanang kamay upang hindi ito maka-kagat at pinigilan niya ang kanang braso nito gamit ang kanyang kaliwang kamay. Nagpabuno ang dalawa hanggang sa sinipa ni Jan ang dib-dib nito at tumilapon.
Agad na tumayo si Jan. Muli na naman siyang sinugod nito at nagbuno ang dalawa hanggang sa pareho silang natumba. Sa pagkakataong ito, dahil narin sa gulo ng isip ni Jan ay sumagi sa isip niya ang sumuko. Naisip niyang kung nangyari ito sa Ama niya ay maari din itong mangyari sa ina at kapatid niya pati na rin sa lahat ng taong kakilala niya at ayaw niya na mag-isa.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay may biglang tumunog, TUMUNOG ng TUMUNOG!. Napansin niya na ringtone yun ng cellphone niya. Sa pagkakataong ito ay nabuhayan siya ng loob na baka meron pa siyang kakilala na tumatawag sa kanya. Nang akma na siyang kakagatin ay napigilan niya uli ito pero sa pagkakataong ito ay nahirapan na siya, dahil nga sa sobrang lakas at gilas nito. Nagpabuno ulit ang dalawa, hanggang sa nakita ni Jan ang bakal na tubo sa gilid ng hagdanan.
TUMUNOG ng TUMUNOG! ng malakas ang kanyang cellphone. Habang pinipigilan niya ang kanyang Ama ay dahan-dahan siyang gumapang patungo sa hagdanan. Samantala, sa labas ng kanilang bahay ay nagkakagulo na. Na para bang na-aattract sa maingay na tunog ng cellphone. Kinalampag ng kinalampag ang kanilang bakuran at dahil nga sa sobrang dami ay malapit na itong masira at bumigay.
Dahil sa sobrang ingay na sa labas ay nataranta at dali-daling gumapang si Jan. Pilit inaabot ang tubo gamit ang kanyang kaliwang kamay habang ang kanyang kanang kamay naman ay nakahawak sa leeg ng kanyang Ama. Nang maabot na niya ito ay agad niya itong inihinampas sa ulo at sabay sipa. Tumilapon ang kanyang Ama, agad na tumayo si Jan at hinampas niya ito ng hinampas ng malakas na walang anumang bahid ng awa hanggang sa madurog ang mukha nito at hindi na gumagalaw. Nagulat si Jan sa kanyang nagawa at biglang napaluha. Napatingin siya sa kanyang Ama at sa huling pagkakataon ay humingi siya ng paumanhin at nagpasalamat sa lahat ng ginawa ng kanyang Ama para sa kaniya at sa kanilang pamilya.
Patuloy pa rin sa pagtunog ang kanyang cellphone at sinubukan niya itong hanapin hanggang sa matagpuan niya ito sa baba ng hagdanan na nakatago sa likod ng malaking toolbox. Samantala, bumagsak ang bakod ng kanilang bahay at agad naman itong napansin ni Jan. Agad na kinuha ni Jan ang kanyang cellphone at pinatay. Dali-dali siyang sumilip sa bintana at doon ay nakita niya ang unti-unting pagpasok ng mga zombie.
Agad niyang nilock ang mga pintuan at hinarangan ng mabibigat na bagay, nagmadaling tumakbo papunta sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Naisipan niyang umakyat sa bubong upang doon makapagpahinga at mag-isip ng plano para makaSURVIVE.
Bago siya umakyat ay dumaan muna siya sa kaniyang kuwarto. Doon ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag at mga damit, pagkatapos ay pumunta sa terrace. Pagdating sa terrace ay may nakita siyang malaking problema! Mula sa bubong ng kanilang kusina hanggang sa bubong ng ikalawang palapag ay sobrang taas at hindi niya ito maabot at maakyat, ni wala siyang makitang mapapatungan.
Napa-isip si Jan kung anong gagawin niya. Habang siya ay nag-iisip mula sa terrace ng ikalawang palapag, sa baba naman ay sobrang gulo na parang nag-rariot at pilit pinapasok ng mga zombie ang naka-lock na pintuan. Hanggang sa may naisip siya. Dali-dali niyang hinanap ang hagdan na gawa sa kahoy na ginagamit noon ng kanyang Ama para maka-akyat at ayusin ang mga bubongan. Hinanap niya ito ng hinanap hanggang sa may narinig siyang malakas na tunog na para bang tunog ng bumagsak na pintuan.
Sa pagkakataong ito ay bumilis at lumakas ang tibok ng kanyang puso, nanginginig siya at pinapawisan ng matindi. Sa bawat kalabog ng kanyang naririnig ay sya ring bawat tibok ng kanyang puso. TIGDING..... TIGDING..... TIGDING.....
Animo'y natatarantang tupa na malapit ng lapain ng mga mababangis na lobo.....
------------------------------------------End of Part 2----------------------------------------------