Sa sunod na araw, halos pagalitan ako ng may-ari ng boarding house namin. Hindi kasi ako nakapag-paalam na hindi ako uuwi. Nag-alala daw sila.
Nang tanungin ako mung saan ako nagpunta. Nagsinungaling ako at sinabi kung inumaga ako sa paghawa ng school stuff. Buti nalang naniwala agad sila sa akin. May anak din kasi silang nag-aaral sa same na university na pinapasukan ko at madalas ito umuwi ng madaling araw.
Spoiler, lumalandi din pala anak nila. Nabuntis din nang walang ama.
Nang matapos akong maligo at matutulog na sana pero tinext ako ni Kenric.
Kenric: Nakauwi ka na?
Me: Oo.
Kenric: Good. May pasok ka ngayon?
Me: Wala. Ikaw?
Kenric: Meron.
Kenric: Sorry kagabi kung medyo aggressive ako.
Me: Okay lang.
Kenric: Sana sinabi mo na first time mo.When will I see you again?
Napaisip ako. Medyo busy na ako kasi malapit na ang midterms namin. Cancelled kasi 'yong klase namin nun kaya naafford ko na imeet siya.
Me: Di ko alam. Mag-mimidterms na kasi kami.
Kenric: :(
Me: After midterms nalang
Kenric: Kelan 'yon?
Me: Siguro after two weeks.
Kenric: Tagal naman.
Me: Sorry
Kenric: Okay lang.
Me: Matutulog na ako. Bye.
Kenric: Ok.