webnovel

Chapter V

Kanina ko pa gustong magalit sa aking mga magulang but I chose to calm myself. Nasa hapagkainan kami and that's one of my parents' house rules. Walang magsisigawan sa harap ng pagkain. At iba ang ipinunta ko rito. I'm raising my white flag temporarily. I'll ask for their forgiveness for giving shame to this family. For breaking their trust. For the respect I lost because of what happened.

Nang magtagpo ang aming mata ng aking nakababatang kapatid ay inirapan niya lang ako. I know she's still mad at me. She treated Eevie as her own sister. Ang nakakatawa nga ay mas kapatid pa yata ang turing nito sa aking asawa. Kahit ano yatang gawin ni Eevie ay pinupuri nito. Ganon siya naging malapit sa kanya.

"What brought you here, hijo?" magiliw na tanong ng aking ina ngunit kitang-kita pa rin sa kanyang mga mata ang tampo at lungkot dahil sa nangyari. Hindi ko rin naman siya masisisi sapagkat una palang ay gusto na nito si Eevie para sa akin. Lagi nitong sinasabi kung gaano ako kaswerte para maging kabiyak si Eevie. Kung magkakaroon kami ng fans club ay malamang si mama at ang kapatid ko ang presidente at bise-presidente. Ganon sila sobrang kaboto sa kanya noon. Minsan nga naghahanap din ako ng maipipintas kay Eevie para asarin ngunit wala akong makita.

"Just visiting, mom. I miss being here. Matagal na noong huli akong nakabisita rito." Ngumiti ako ng mapait. "Welcome pa ba ako rito?"

My eyes landed at my father. He just gave me his stoic face but I didn't falter. I met his gaze and I couldn't even see any positive emotion towards me. Sa utak yata ng aking ama ay paulit-ulit na niya akong itinakwil dahil sa aking ginawa. I need to get their trust back. I know my father is greatly disappointed ngunit hindi lang nito ipinapakita.

"Mabuti at naisipan mo pang tumapak rito after all what happened?" maanghang na sabi ni dad. Mom hold my dad's arm but he just shook his head.

"Hanggang kailan tayo magmamaang-maangan sa lahat ng katarantaduhan niya, Felicidad? Kaya hindi nagtatanda, eh."

"Hon, nasa hapagkainan tayo. Mamaya na yan."

Ibinababa nito ang hawak na kubyertos at akmang tatayo nang bigla akong magsalita.

"You're hiding her, right?" I stated. Hindi ko na kailangang magtanong sapagkat alam ko naman na ang sagot. Ayokong magpaliguy-ligoy pa. Nakita ko kung paano rumehistro ang gulat sa mukha ng aking kapatid.

"At ano naman sa iyo kung itinatago nga namin siya? Wala ka namang pakialam sa kanya, di ba? Why bother looking for her? You even drove her away," malamig na ani ni daddy and even raised his eyebrow at me as if challenging me to answer back. Matthew Monteverde could be a monster but I won't back down. Ano pa't naging anak ako ng isang Monteverde.

"I want her back."

Biglang natawa ang aking kapatid sa sinabi ko. "You want her back? Seriously, kuya? She's not a thing na kapag kailangan mo ay kukunin mo ulit at kapag ayaw mo na ay saka mo itatapon. She doesn't deserve that," she sarcastically said and gave me a disappointed look.  Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi.

"Hayaan mo na lang siya, hijo," my mom pleaded.

Masaya? Dahil ba sa lalaking iyon? Kung napapasaya nito si Eevie ay kaya ko rin.  I need her in my life. I need to fix what I've broken. Kung kailangan kong ipakita sa kanila na seryoso ako ay papatunayan ko sa kanila lalong-lalo na sa aking asawa.

Inis kong ibinaba ang hawak kong kutsara't tinidor. Wala na akong ganang kumain. "At bakit niyo kinukunsinti na may kasama siyang ibang lalaki? Damn! She's still my wife at alam niyo yan! She's mine and nobody touches what's mine. I can't assure you na kapag nakita ko ang pagmumukha ng lalaking iyon ay hindi ko babasagin. That bastard!"

"She's not yours anymore, son. The day she left your house ay nawalan ka na ng karapatan sa kanya bilang asawa," my dad coldly told me. His words were like daggers to me. Totoo naman kasi ang mga sinasabi nito.

"But I still have the right. She's my wife. She has my surname. And I will never sign any annulment papers. I will get her back kahit kayo pa ang makalaban ko."

"If I were you, just give up already. I'm telling you she won't come running back into your arms."

My dad is really good on pissing people. He knows where to push the buttons. He's been in the business world so what do I expect? Pero anak ako ng isang Monteverde. Giving up is not on my vocabulary.

"I don't think my mind will change. I will find her. I will get her back. Walang makakapigil sa akin." After I said those ay naoagdesisyunan ko nang umalis.