webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
303 Chs

Chapter 43: Note

What the hell!. Tumingala sya sa may hagdan. Eksakto sakin. Damn!. Kinabahan ako bigla. Naasiwa sa aking itsura.

"Uy Jaden, andyan ka na pala?.." ani Ace. Pababa na rin ng hagdan. Kasunod ko sya. Tapos si Kuya Lance sa likod ko.

"Oo kanina pa bro."

"Pero gabi na. Di na tayo makapaglaro.." kinuha nya ang bola sa kamay ni Jaden saka umupo sa tabi nito.

"Ayos lang. Dumaan lang ako para kunin sana yung note ko kay Bamby.." nangunot ang noo ni Ace na tumingin sakin. Nagtatanong. Nagtataka kung bakit.

"Anong note yun?.." si kuya Lance ang nagsalita. Habang umuupo.

"Hijo, magmeryenda ka muna.." may nilapag si Mama na isang maliit na galon ng ice icream tsaka kutsara at baso sa mesang nasa gitna namin. Prenteng nakaupo si Kuya Lance sa kaliwang bahagi ni Jaden. Dun naman, nakatayo ako. Nakatingin sa kanya. Suot ang ngiting hindi kumukupas. Walang kurapang gingawa makita lang ang bawat galaw nya. Ampusa!. Gagi Bamby!.. Mag-iwas ka nga ng tingin. Mahalata ka ni Ace e. Mahot seat ka na naman.

"Bamby!. Anong note yun?.." kinalabit ako ni kuya. Duon lang nawala ang mata kong natuon sa kanya ng ilang minuto. Ssshhhh!t!..

Napalunok ako dahil sa kaba. Kaba na baka nahuli nya ako o ninuman sa kanilang dalawa.

Tumataas ang kilay sakin ni kuya. Tapos ang kanyang mata lang gumagalaw. Tinuturo ang gawi nya. Hell shit!. What is he doing!?.

"Ah.. oo pala. Wait. Nasa taas. Kunin ko lang..." kinontrol ko pa ang sarili kong wag mautal. Pero Ampusa!. Hindi nakisama ang malandi kong dila. Nagbuhulan pa kaya di maayos ang salita.

Kumaripas ako ng takbo pabalik sa itaas. Huminto sa huling hagdanan para huminga. Kabado sa bawat hakbang na ginawa ko kanina. Alam ko kasing nakatingin sya. Naiilang ako. Mabuti pa at di ako nadapa. Dahil kung nangyari yun. That's a big off for me to him. Big embarassment.

Mabuti nalang talaga.

"Breathe in. Breathe out.." paalala ko pa. Saka humugot ng malalalim na hininga. Maibalik lang sa normal ang aking paghinga.

"Ehem!.." isang tikhim ang nagpatalon saking diwa. Si kuya Mark.

"Kuya!?.." gulat kong bulyaw sa kanya hawak ang dibdib. Nakapamulsa sya. Suot ang pajamang kulay asul at plain white tee.

"Anong ginagawa mo dyan?.." normal nitong tanong. Yung kapal ng kanyang kilay. Mapulang labi. Matangos na ilong. Mas dumepina pa dahil sa ilaw na tumatama sa kanya galing sa ibaba. Sa side wall. Ibabang bahagi. Mismong sa mga tiles. Pinasadya iyon ni Papa para daw mas malinaw ang bawat sulok. Epektibo naman.

Naglakad ako patungong silid ko ng di sinasagot ang kanyang tanong. Kaya siguro ito sumunod sakin.

"Nasa baba ang bisita mo. Bakit andito ka?.." nakasandal sya sa hamba ng pintuan. Nakahalukipkip pa.

"Hinahanap ko yung notebook nya. Ibabalik ko na sana.." wala sa kanya ang paningin ko. Nasa mga hilera ng notebook na inilabas ko na dahil hindi ko mahagilap ang kanya.

"Anong ginawa mo sa notebook nya?.." para itong reporter kung makatanong. Ang dami.

Kamot na ang ulo. Wala kasi sa mga nilabas ko ang note nya. Asan kaya yun?. Sa tanda ko, nilagay ko pa yun sa bag ko bago lumabas ng room. Bakit nawawala ngayon?.

"Bamby?.."

"Hindi ko mahanap ang note nya kuya. Ang alam ko, nasa bag ko yun e. Pero wala naman dito.." nakatalikod ako sa gawi nya. Kunot na ang noo. Salubong na rin ang kilay. Hindi ko na alam kung saan napunta yun?. Ampusa!. Nawala ko pa ata. Damn!. Nakakahiya..

"Baka andyan lang yan. Namiss place mo.." lumapit sya't umupo sa harapan ko. Isa isang tinitignan ang cover ng notebook.

Yung ngiti kong walang kupas kanina. Mabilis naman itong naglaho na parang bula. Isang ihip lang, burado na. Ganun kabilis mawala ang saya. Kaya hangga't masaya ka, sulitin mo na. Dahil, isang kurap lang, maaari nang magbago ang lahat.