"Ma, ipapadala ko lang po to.." paalam ko sa kanya. Tinanong nya kung ano iyon. Sinabi ko sa kanyang larawan iyon ni Bamby. Natuwa sya't tinapik ang likod ko. "Masaya ako at nagkaayos kayong muli anak.. wag nang uulitin iyon ha.." anya. Tinutukoy ang nakaraan.
"Ma naman.. pinaalala mo pa eh.." kamot ang likod ng ulo. Alam kong nagkamali ako. Inaamin ko din na nadala ako ng tukso. Pero, pinagsisihan ko na iyon. Kaya nga kahit sinong babae pa ang lumapit sakin ngayon. Di na ako nagtitiwala. Iniiwasan ko na agad. Pwera lang si Karen na kabarkada ko din.
"Sya sige na.. mag-iingat ka.." ginulo nya pa ang aking buhok bago iniabot sakin ang susi ng motor ko.
Kagabi. Nagsend lang ako ng larawan namin ni Niko sa kanya. Pareho kami ng suot na pajama. Syempre, mukha ni Naruto. Hanggang doon lang. Di na ulit ako nagbukas ng data dahil kailangan ko na namang irush ang school papers ko na di ko naaaikaso sa pagiisketch.
"Kuya, sama ako.." Ani Niko na dumungaw pa sa bintanan ng aking silid. Nandun na naman sya. Naglalaro sa computer.
"Saka nalang Niko.. balik din ako agad.." sagot ko habang sinusuot ang helmet. Inilagay ko ang susi bago pinaandar. "Basta take out ko.. " huling hirit pa nya kasabay ng bahing.
Oh!.. Kung bakit pa sya bumahing ngayong paalis na ang tao?. Naman po!.
"Oo na.." paalam ko nalang. At mabilis na pinaharurot ang motor ko.
Sana lang magustuhan ni Bamby ang larawang iginuhit ko. Hindi kasi ako sigurado kung magugustuhan nya ba nya o hinde. Ito lang ang kaya kong ibigay sa ngayon e. Wala pa akong tamang ipon at trabaho para bigyan sya ng mamahalin na regalo.
Tuwing nakikita ko ang masaya nilang pamilya sa larawan mula Australia na nasa mamahaling lugar. Nanliliit ako. Lagi yang nangyayari sakin. Di ko lang maiwasang isipin na mababa ako kumpara sa estado nila sa buhay. Ganunpaman. Kahit kailan, hindi nila ipinakita sakin na mababa ako. Na mas nakaka-angat sila. At wala ako, kumpara sa kanila. Ako lang itong nag-iisip ng ganun.
Kaya hanggat maaari. Hindi ako pwedeng sumuko sa pangarap ko. Oo, gusto kong maging doktor. Pero kung ang pagiging arkitekto ko ang sagot para maging pantay ako sa kanya. Sa pamumuhay nya. Titiiisin ko lahat ng yun para sa future naming dalawa.
Ilang ulit ko nang sinabi sa kanya na magpakasal na kami. Gusto ko nang matali kaming dalawa. Gusto ko na syang makasama habang buhay. Sigurado na ako doon. Pero, sa kanya ay biro lang iyon. Ginagawa nyang biro. Pero sakin, hinde. Seryoso talaga akong pakasalan sya. Kahit civil lang muna. Saka na ang simbahan. Nasa kanya na ang lahat ng katangian ng babaeng hinahanap ko. Mabait pero may pagkabully minsan. Nasasakyan ko rin naman. Kaya swak lang. Matulungan pero may katamaran din. Lalo na kapag masakit puson nya. Alam mo na. Babae. Naiintindihan ko iyon. Pinapahalagahan ang pamilya kaysa sa iba. At higit sa lahat. May takot sa Diyos. Mahirap nanag hanapin iyon sa iisang babae ngayon. Maswerte ka na kung mayroon kang ganun na kasintahan. Ang dapat mo nalang gawin ay ang pahalagahan at ingatan sya. For keep na ang babaeng kakaiba, tulad ni Bamby. Kaya behave na.
Sa malalim na pag-iisip ko. Di ko napansin na nasa intersection na pala ako. At eksaktong pagliko. Palabas ng aming barangay. Ay may isang humaharurot na van ang papunta na sakin.
Nanuyot na ang lalamunan ko. Biglang nalito kung hihinto ba ako o liliko rin upang maiwasan ito pero huli na. Dire diretso itong pumunta sakin. Pumikit ako sa takot. Naramdaman ko nalang na lumipad na pala ako sa ere. Kasabay noon ay ang suot kong helmet. Tumilapon na rin sa kung saan ang motor ko. Bago pa ako bumagsak sa sahig. Niyakap ko ng mabuti yung larawan nya.
Dugo ang una kong nasilayan matapos kong lumagapak sa mainit na semento. Agad dumaloy ang dugo sa kung saan. Maraming nagdaraan pero wala man lang huminto para ako ay tignan. Umubo na ako ng dugo pero wala pa ring tumulong sakin. Yakap ng isang kamay ko ang nakabalot na larawan. Hinihiling na sana, sa araw na itinakda ko. Makakarating sa kanya ito.
Subalit, sa sitwasyon kong to. Mukhang parang mahirap sakin ang bagay na iyon.
Ngayon ko masasabi na. Naniniwala na ako sa pamahiin. Kung may bumahing bago ka umalis. Wag ka na munang tumuloy. Palipasin mo ng ilang minuto bago umalis para iwas disgrasya. Wala namang mawawala kung susubukan mo diba. Subukan mo lang. Para atleast, safe ka pa rin.