webnovel

Cradled Hearts

Saint3D · Realista
Classificações insuficientes
21 Chs

Chapter 9

SURRENDERING everything was never an easy job to do for Rafael. Bunga ang mga files at ebidensyang hawak niya sa mga paghihirap niya sa trabaho. Ibinigay niya ang lahat ng makakaya niya. Isinantabi niya ang personal na bagay mapagtuunan lang ng pansin ang kaso. Hindi siya sumuko kahit na pinatitigil na siya ng ina. Halos ibuwis niya ang kanyang buhay. Sa isang iglap, kung kailan pang marami na silang nagawa, nawala ang lahat ng iyon.

Sa umagang iyon ay wala siyang kabuhay-buhay hindi tulad sa mga normal niyang araw. Para siyang nabalian ng isang pakpak at hindi na alam kung paano siya ulit makakalipad pabalik sa itaas. Pabalik sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng hepe. Iyon ang nararamdaman niya. May bigat sa dibdib.

Pinipilit lamang niya ang sarili na magmukhang walang problema sa harap ng kanyang mga magulang at mga kasama sa mansyon, lalo na at wala pa siyang lakas ng loob na sabihin sa mga ito ang nangyari. Hindi niya alam kung saan magsisimula.

Kung para kay Agnes, alam ni Rafael na magiging masaya ang kanyang ina. Sa wakas ay mailalayo na siya sa kapahamakan gaya ng lagi nitong sinasabi sa kanya. Pero kung para sa kanya, hindi iyon ang nararamdaman niya. And he has no idea how to deal with it. Mahirap.

"Kumpleto ba ang lahat, Mr. Del Vista? Huwag mong gino-good time ang isang Patrimonio. Wala akong oras para makipaglokohan sa 'yo." Parang may pagbabanta sa tinig ng babaeng nakatayo sa harapan ng mesa ni Rafael.

Kaninang pagkarating pa lamang niya sa istasyon ay nakamasid na ang mga mata ni Officer Naoimi Patrimonio sa kanya. Kung saan siya pumunta, kung saan siya magsususuot ay nakasunod ito sa kanya. At nakakatawang isipin na sa paglabas niya sa banyo, naroon, nakasandal sa kabilang pader ang babae. Nakakrus ang mga braso nito habang nakatingin sa kanya nang seryoso.

Aywan ba niya pero iba ang pakiramdam niya rito. Pero hindi tulad ng nararamdaman niya kay Hannah. Sa babaeng kaharap niya, masama ang palagay niya. Nagsawalang-kibo na lamang siya. Isinara na lamang ni Rafael nang tahimik ang pinto ng banyo at walang imik na umalis.

Dumiretso siya sa kanyang mesa sa ikalawang palapag ng istasyon upang iwan ang mga gamit niya. Ngayon ang simula ng bago niyang trabaho. Naabutan niya roon si Liam, na tulad niya ay wala ring kabuhay-buhay.

"You can check it yourself," walang buhay na sabi niya kay Officer Patrimonio. Minabuti na lamang niyang huwag itong tingnan sa mukha. Natitiyak niyang nakangisi na naman ito na parang nang-aasar, bagay na nakasanayan nitong gawin —noon pang nasa unibersidad pa sila— sa tuwing may napapahiyang kaklase. "Nariyan na ang lahat ng hinihingi mo. Kung nagdududa ka pa rin, you can inspect my things freely."

He reached his phone on his pants and handed it to Officer Patrimonio. "Baka gusto mo ring i-check ang phone ko? There it is. Walang password ang mga applications diyan. You can browse on my social media accounts too kung gusto mo. You can read the conversations there. You can do anything you want. Mawala lang ang duda mo sa akin."

Kimi siyang ngumiti at mas lalong inilapit ang cell phone sa babae. Ngunit tinitigan lang nito iyon. Her face was blank. At sa loob-loob ni Rafael ay napahiya niya si Naoimi. Sa iisang unibersidad nag-aral sina Rafael, Liam, at Naoimi. Kaya kilalang-kilala na niya nang lubos ang babae.

Ayaw na ayaw nito ang nalalamangan. Ang gusto, lahat ng papuri ay mapupunta kay Naoimi. Very self-centered. Naninigurado. Wala namang masama roon, Rafael thought. Ang kaso, ang hindi nito alam, may mga taong naaagrabiyado. At dahil ayaw niyang makakita ng taong malungkot, he will do his best to make them feel okay again.

"Get this phone now. Nangangalay na ang kamay ko," magalang pa rin niyang sabi. "O sige, ganito na lang. Ilalagay ko na lang ito sa bag ko. Late na kasi. Kung ayaw mong i-check, ire-reformat na lang natin mamaya. Now, may I excuse myself... we still have a job to do. Tara na, Lee."

He tossed his phone on his bag, like he was not afraid of breaking its screen, saka tinalikuran si Officer Patrimonio. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga at mabigat ang mga paang naglakad siya palayo. Sumunod naman sa kanya ang kaibigan. Parang bula ring nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Huh! Ikaw pa talaga ang may ganang mang-insulto, ha?!" Narinig niya sabi ni Officer Patrimonio. "Kunsabagay, kung sa akin siguro nangyari iyan, mas malala pa siguro ang gagawin ko kumpara sa iyo. Naaawa ako sa iyo pero isang malaking thank you dahil kung hindi dahil sa kapabayaan ninyo, hindi mapapasaakin ang kasong ito. Sigurado ako, kapag nalutas namin ang kaso, mas lalaki ang tiwala sa amin ng hepe at baka ma-promote kami. Anyway, sana ay mag-enjoy kayo sa trabaho!"

Parang natililing ang mga tainga ni Rafael sa mga sinabing iyon sa kanya ng katrabaho. It was a punch in the head to him. Kaya naman ay napahinto siya sa paglalakad, pilit na pinahinahon ang sariling kaunti na lang ay mapupuno na.

"Brod, huwag mo na lang siya pansinin," bulong ni Liam sa kanya. "She's just insecured. Ang mahalaga, alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat. That's it."

Alam niyang may punto ang kaibigan niya. Gaya nga ng madalas na habilin ng ina noong mga bata pa lamang sila ni Eris, 'Pasok sa kaliwa, labas sa kanan'.

Pinuno niya ng hangin ang baga at ibinuga iyon nang isahan.  Hindi na siya nag-abalang lumingon. "You can say whatever you want to say," magalang niyang sabi. "At hindi mo na kailangang ulitin pa ang sinabi ng hepe."

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad.

"Sandali lang, Mr. Del Vista!"

Umigting ang panga ni Rafael nang muli na naman siyang tinawag ni Officer Patrimonio. "Ano na naman ang problema?"

"Bakit walang USB sa bag mo?" tanong nito.

"I don't have one," sabi na lamang niya at tuluyan nang umalis bago pa siya ulit nito hanapan ng kung anu-ano.

~•~

"GRABE, Brod, hindi pa rin nagbabago ang taong 'yon," nakangising asik ni Liam sa kanya habang naglalakad sila pababa ng hagdan.

Napangisi na lang din siya. "Sa tingin mo, Lee, is it reasonable to do that to her? Look, hindi ako pumapatol sa mga babae, but degrading me when not in mood, hindi na ako nakapagpigil at nasagot ko siya nang gano'n. I want to apologize to her."

Dinukot ni Liam ang susi ng Police Mobile sa bulsa ng pantalon nito. "Naku, Brod, kung ako siguro ang nasa posisyon mo kanina, baka wala sa oras ay nakarinig ka ng pinakamalutong na mura. Like seriously? Bakit hindi na lang siya nagpasalamat at ibinigay mo lahat sa kanya ang ebidensya? Kung ako lang siguro ang lider —huwag mong mamasamahin, ha, Brod— baka hindi ko ibinigay ang mga 'yon. Aba, ang lagay ba niyan, e, ako ang nanligaw pero iba ang sinagot! Pwe! Mukha niya! Kailangang-kailangan niyang magsimula sa umpisa, huh!"

"Tama na, Lee. Baka may makarinig pa sa 'yo," sita niya sa kaibigan. Napakalakas kasi ng boses nito habang nagpasalita. "Pareho naman natin sigurong gustong malutas ang kaso, hindi ba?"

Nakangising tumango si Liam. "Sino ba naman ang hindi, Brod? Kaya nga ginusto nating maging isang pulis, e. Gusto nating pakawalan ang mundo laban sa mga kriminal."

"You already answered your question." Pagkalabas nila sa istasyon ay dumiretso sila sa mobile na nakaparada sa isang tabi. Naroon na rin ang ilan pa sa kanilang mga kasamahan.  "It's the least I can do as of the moment. Masyado nang maraming naperwisyo ang grupong iyon. I am hoping that Naoimi will finally stop their agenda."

Pumunta siya sa kabilang gilid ng sasakyan, sa may passenger's seat, at binuksan ang pinto. Habang hinihintay ang iba pang kasama nila sa pagbabantay sa checkpoint ay isinandal niya muna roon sa pinto ang kaliwang siko at ipinamaywang ang isa, saka iginala ang paningin sa paligid.

Nagsisimula nang maghari ang araw sa kalangitan. Pasado alas-otso pa lamang nang umaga ay ramdam na niya ang alinsangan ng panahon. Maaliwalas ang kalangitan at nagsisimula na namang maging abala ang daan sa hindi kalayuan.

"Kunsabagay, may punto ka ro'n, Brod. Pero... nakapanghihinayang pa rin. Hanggang doon na lang ba talaga?"

Napakunot ang noo ni Rafael. Nilingon niya si Liam na naroon na sa may driver's seat, nakapahinga ang ulo sa mga nakakrus na braso, na nakasandal sa manubela. Sa kanya ang atensyon nito. "What do you mean?"

"Alam mo na 'yon, Brod," Liam answered. "Wala na ba talaga tayo sa kaso? Hindi pa rin kasi nagsi-sync in sa isip ko ang mga nangyari."

Iyon din ang isang katanungan na gumugulo sa isip ni Rafael. Hanggang doon na lang ba ang lahat? Hindi na niya tatapusin ang nasimulan? Magsasawalang bahala na lamang ba siya?

But he can't afford to break a rule. Gusto niyang tumulong sa paghahanap sa mga suspek. May parte sa sarili niya na gusto niyang magpatuloy kahit na mayroon siyang malalabag. Pero mas malakas pa rin ang puwersang pumipigil sa kanya na lumabag.

Ihininga na lamang niya nang malalim ang mga isiping iyon. Nakapanliit ang mga matang tiningnan niya si Liam. "A rule is a rule, Lee. Let's get stick to it. Right?"

Ilang saglit pa ay dumating na rin sa wakas ang mga hinihintay nila. Pinaandar na ni Liam ang sasakyan. Pasakay na sana si Rafael nang may biglang humagip sa paningin niya.

Muli na namang nagsalubong ang mga kilay ni Rafael. Muli na namang dinagsa ng mga katanungan ang isip niya. Sa umagang iyon, hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng taong iyon sa istasyon? Nagmamadali ito na para bang may hinahabol. Hindi niya nakita ang mukha nito pero hindi siya maaaring magkamali. Sa pananamit nito, sa haba at kulay ng buhok nito, sa tangkad nito, sigurado siya.

What are you doing here, Hannah?

"Brod, sakay na."