ISINASAYAW NI Clara si Jewel ng pumasok sa sala ang kanyang ina kasama ang ama niya. Ayaw ng anak niya sa kwarto kaya heto siya ngayon sa sala. Napatingin siya ng umupo sa mahabang sofa ang mga magulang.
"Kamusta po ang pagkikipag-usap niyo kay Leo John?" tanong niya sa ina.
Napabunting hininga ang ina bago siya sinagot. "Tama nga ang sabi mo anak. Hindi sapat ang DNA test at testimone ni Beatriz para maipakulong natin si Lincoln. Masyadong makapangyahiran ang pamilya ni Cole para kalabanin natin."
Napayuko siya. "Sinabi ko naman sa iyo, mommy. Ayaw ko ng magsampa ng kaso laban kay Cole. Sapat na ang TRO na inihain natin para magbagong buhay kami ni Jewel."
"Pero anak, nais namin ng Daddy mo na ibigay ang hustisya na nararapat sa iyo. Hindi kami makakapayag na nasa labas si Cole at maaring gumawa na naman ng masama sa iyo. Baka kunin din niya sa iyo si Jewel."
"Hindi iyon magagawa ni Cole." Tinitigan niya ang anak. Hindi niya alam kung bakit ang nasabi niya. Siguro ay dahil alam niyang mahal siya ng binata. Cole wanted her forgiveness and if he wanted too, he won't do crazy thing that make her mad to him.
"Paano ka nakakasigurado anak? Alam mong may problema sa pag-iisip si Cole. Anumang oras pwe---"
"Hindi siya gagawa ng ikakagalit ko, mommy. Kilala ko si Cole. Magaling na siya. Nais niya---"
Natigil siya sa pagsasalita ng biglang may nag-flash na report sa T.V nila. Nakita niya ang larawan ni Cole. Nasa magkabilang bahagi nito ay ang mga pulis na hawak-hawak ito. Napatingin siya sa kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakaposas ito. Anong nangyayari? Bakit nasa T.V si Cole at may kasamang pulis?
Nagimbal ang buong business world ng bumutok ang balitang kusang pumunta sa pulisya ang kilalang business man na si Lincoln Aries Cortez-Saavadra. Kilala ang binata bilang tagapagmana ng Saavadra Empire. Ang familya Saavadra lang naman ang isa sa mga nagmamay-ari ng malaking wine distributer ngayon sa buong bansa. Nagulat ang lahat ng inamin ng binata ang ginawang krimin noong nakaraang taon. Inamin nito na may ginahasa itong babae. Hindi pinangalanan ng mga pulisya kung sino ang babae sa paki-usap daw ni Mr. Saavadra pero itinanggi ni Mr. Saavadra ang pagpatay sa taxi driver na si Mr. Arevalo. Ito kasi ang tinuturo ng pamilya ng Taxi Driver na pumatay.
Naramdaman niya ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Cole... Cole turns his self in. Inako nito ang lahat ng kasalanan. Hindi nito hinintay na magsampa sila ng kaso laban dito. Maliban pa doon ay hindi nito hinayaan na lumabas sa media ang pangalan niya. Bigla ay nakaramdam siya ng pananakip ng dibdib niya. Muli na naman siyang nasasaktan dahil sa nangyayari sa buhay niya. Bakit ba kay hirap maging masaya? Bakit kailangan gawin iyon ni Cole? Hindi naman siya magsasampa ng kaso. Sapat na sa kanya ang paghihirap na dinaranas nito para makuha niya ang nais na hustisya. Alam niyang masakit dito ang mapalayo kay Jewel. Kitang-kita niya kung gaano nito kamahal ang anak nila.
"Anak..." Agad na lumapit sa kanya ang ina ng marahan siyang umupo sa sofa.
"Mommy!" Umiiyak niyang sabi sa ina.
Agad naman siyang niyakap ng ina. "Magiging maayos din ang lahat. Makakamit mo na rin sa wakas ang hustisya na nais natin."
Alam niyang masaya ang ina sa balitang narinig nito ngunit siya ay hindi. Hindi niya magawang maging masaya sa kaalaman na nasa kulungan si Cole at maari itong mahirapan doon. Ngayon palang ay sumisikit at nasasaktan na ang puso niya. She loves him. She loves him so much despite of what he did to her. Alam niyang maling mahalin pa rin si Cole pero iyon ang sinisigaw ng kanyang puso. May pagkamuhi man ay naruruon pa rin ang pagmamahal na meron siya para dito. At hinihiling niya na matakpan na iyon ng galit sa binata.
"I NEED you right now, Alex." Sigaw ni Timothy sa pinsan.
Sumasakit ang ulo niya sa problemang kinakaharap ngayon ng kompanya dahil sa ginawa ng kapatid. Hindi niya lubos akalain na gagawin iyon ng kapatid para sa babaeng nilalaman ng puso nito. Inaasahan na nila iyon pero hindi nila akalain na magiging ganoon ang kalalabasan ng lahat. Alam niyang tama lang ang ginawa ni Cole. Dapat naman talaga nitong pagbayaran ang ginawa nito kay Clara. His brother is now facing the consequences of the action he did.
"How's Cole? I will ready my chopper now but I need to go back for Anna."
Napabuntong-hininga siya. Hindi lang pala si Cole ang may problema ngayon kung hindi pati na rin si Alex. Si Ashley ay may problema din sa pamilya nito kaya hindi din siya masamahan. He has his own problem but he needs to step it aside for his family. Mas kailangan siya ngayon ng pamilya niya. Tita Ivy is quite this past few weeks. Ito ang nag-aayos ng problema na ginawa ng kapatid.
"Bakit hindi mon a lang isama pabalik ng Maynila si Anna. Hindi ko alam kung hanggang kailan itong problemang kinakaharap ni Cole," aniya.
Hindi nagsalita ng ilang sandali si Alex. "I can't. Hindi ko pwedeng isang bahala ang kaligtasan ni Anna. Alam mo ku-"
"Sa mansyon siya tutuloy. Mas mahigpit ang security sa mansyon kaya pwede siya doon. I ask Jacob help if you need it."
"Kuya..."
"Cole needs us, right now. Pwede ba natin unahin muna siya bago ang ibang tao? Alam natin na mali ang ginawa niya kay Clara pero nangako tayo na walang iwanan. Na kapag may problema ang isa ay nasa likod tayo. Cousin, Cole is weak right now and he needs someone to hold on. Natatakot akong baka tuluyan mawala sa amin ni Tita si Cole." Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya.
Alam niyang mahina siya. Mula pa noon at hanggang ngayon pero hindi pwede ng mga sandaling iyon ang kahinaan na meron siya. Sumandal siya sa pader at pumikit.
"Calm down. Lilipad na kami ni Anna pabalik ng Maynila. Tawagan mo na agad si Jacob."
"Thank you, Alex."
"How about Ashley? She knows?"
Napapikit siya ng mariin. "Ashley facing a problem right now. Tito wants her to marry Alter Quin."
"But Alter is Peter's boyfriend." Narinig niya ang galit sa boses ni Alex.
"I know. Hindi ko alam kung paano ito lulusutan ni Ashley. Iniisip pa rin nila na nagluluksa si Ashley sa pagkamatay ni Daniel pero alam natin na tanging ang asawa niya lang ang mamahalin niya."
"Kailangan din ba ni Ashley ng tulong natin?"
"She said she can handle. May naisip na siyang paraan pero habang ganito daw ang sitwasyon ni Cole ay hindi niya muna magagawa ang plano."
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Alex. "Tell Ashley to handle her own problem. Tayo naman ang bahala kay Cole. I will be there in two hours. Let's talk how to handle the situation."
"Okay. See you soon, Alex."
Pinatay na niya ang tawag at sumandal sa pader. Nasa Red Wave siya ng mga sandaling iyon. Sinamahan niya si Tita Ivy dahil may meeting ito. Hindi niya ito pwedeng iwanan ngayon. Alam niyang matapang si Tita pero hindi niya alam kung ano ba talaga ang nilalaman ng puso nito. Nagmulat ng mga mata si Timothy ng may tumayo sa harap niya. Tita Ivy is standing in front of him with Mr. Prado, Cole's secretary. Umayos siya ng tayo.
"Tita, how's the meeting?"
"Follow me, Timothy." Tumalikod na si Tita.
Tumingin siya kay Mr. Prado. Umiling at bigyan lang siya ng malamin na paghinga bago sumunod kay Tita Ivy. Mukhang hindi maganda ang kinalalabasan ng meeting. Sumunod siya kay Tita Ivy. Pumasok sila sa loob ng opisina ng kapatid. Agad na umupo si Tita Ivy sa pulang sofa at tumingin sa kanya.
"I will be the temporary CEO of Red Wave while there's no decision for Cole's replacement." Panimula ni Tita.
"What? Aalisin nila si Cole bilang CEO ng kompanya." Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Tumungo si Tita Ivy. "After what he did, the company needs a new CEO."
"Pero gagawin pa rin naman natin ang lahat para makalaya si Cole. Bakit kailangan ipa---"
"Hindi agad makakalaya si Cole." Putol ni Tita Ivy sa iba pa niyang sasabihin.
"What? Anong sabi mo, Tita?" Nanlalaki ang kanyang mga mata. Tumingin siya kay Mr. Prado para kompermahin ang sinabi ni Tita Ivy. Yumuko lang ang sekretarya ng kapatid. "Hahayaan niyong makulong si Cole? Tita naman?"
"Cole needs to face the consequences of his action, Timothy. Masakit din sa akin ito pero kailangan pagbayaran ni Cole ang ginawa niya kay Clara."
Napahawak siya sa sariling buhok. "Pero alam natin ang totoo. Hindi man sabihin ni Cole ay alam natin na wala siyang ginawang masama. Kaya bakit kailangan niyang pagdusahan ang kasalanan ng i---"
"Dahil iyon ang tama. May ginawang mali si Cole kay Clara. Hindi ito mangyayari kung hindi niya iyon ginawa. Mahirap din sa akin ang nangyayari ngayon, Timothy. Nakapagdesisyon na ako at ganoon din si Cole. He will pay for the mistake he did to Clara. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang kasalanan sa kulungan."
Hindi siya nagsalita. Naglakad lang siya palapit sa pader at sinuntok iyon. Muling pumatak ang mga luha niya. He fails as a big brother. Hindi man lang niya na protektahan ang kapatid. Nang siya ang may kinakaharap na problema ay nandoon ang kapatid para tulungan siya tapos ngayon ay siya naman ang walang magawa para dito. Sinuntok niya ang pader at walang paki-alam kung masaktan man ang kamay.
"Timothy stop it!" sigaw ni Tita.
Pinigilan naman ni Mr. Prado ang braso niya sa ginagawang pananakit sa sarili. Hinarap niya ang pangalawang ina.
"Bakit kailangan si Cole pa, Tita? Hindi pa ba sapat ang mga pinagdaanan niya noon? Bakit kailangan niyang maranasan ito ngayon? Tanging nais niya lang naman ay makasama si Clara." Sigaw niya.
Niyakap siya ni Tita Ivy. Mula noon at hanggang ngayon, napakalakas pa rin ni Tita Ivy. Kahit isang beses ay hindi ito nagpakita ng kahinaan sa kanila. Hinagod nito ang kanyang likuran. Para siyang batang pinapatahan nito.
"Magiging okay din ang lahat, Timothy. Kailangan natin ngayon magpakatatag para kay Cole. He did this for us. Kaya kailangan natin gawin ang lahat para ingatan ang dapat sa kanya. We need to be strong for him. I need your help."
Pagkarinig ng huling sinabi ni Tita ay kumalas siya sa pagkakayakap. Tumingin siya sa mga mata nito. "What do you mean, Tita?"
Huminga ng malalim si Tita Ivy. "Gusto ng board na naging CEO si Mr. Franzo at kapag wala akong mahanap na kapalit ni Cole ngayong linggo ay ibibigay nila ang posisyon ni Cole dito."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Nabuhay ang galit sa dibdib niya. "But the company is own by us."
"Alam natin pero wala akong karapatan na maki-alam. Ako nga ang asawa ng dating may-ari at anak ko ang CEO ngayon pero wala akong share sa kompanyang ito. Kaya kailangan ko ng tulong mo, Timothy." Hinawakan ni Tita ang kamay niya.
"How can I help?"
"Alam ng board na may isa pang-anak si Carl at hinihintay nila kung kailan mo iyon kukunin. I want you to embrace the Saavadra name, Timothy. Sa gagawin mo ay sa iyo mapupunta ang posisyon ni Cole. Kayo lang ni Cole ang may karapatan si Red Wave. You need to be the CEO of the company while Cole is in jail."
Nanigas si Timothy sa kinatatayuan nito ng marinig iyon.
"WHY you did this?" Iyon ang bungad sa kanya ng Kuya Tim niya ng dinalaw siya nito sa kulungan.
Napayuko siya. Bakit nga ba? Dahil sa mahal niya si Clara at gusto niyang ibigay dito ang hustisya na sinisigaw nito. Tama nga talaga ang sinasabi nila na kapag mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para dito.
"Hindi ba kayo nag-usap ni Jacob at LJ? Hindi ba nila sinabi sa iyo ang nalalaman nila?"
Nahagip ng kanyang mga mata ang pagkuyom ng mga palad ng kapatid. Alam niyang galit ito. Hindi nito matanggap ang ginawa niyang desisyon. Kuya Timothy tells him, he is crazy.
"Sinabi na sa akin ni Jacob ang totoo. LJ is Clara's lawyer and he told me that you did is wrong. Bakit kailangan mong magsakrispisyo para sa kanya? Malapit ka na Cole."
"So, alam mo na pala ang totoo." Tumawa siya at nagtaas ng tingin. "Parang kailan lang ng sabihin mo sa akin na maling ni-rape ko si Clara. Kuya, I'm paying now the mistake I did to her. Pinagbabayaran ko ang panggagahasa ko sa kan---"
"Bullshit, Cole!" sigaw ni Kuya Timothy na siyang ikinatingin ng ibang tao. "Don't told me what to believe. I had enough of your lie. Hindi kami nagsalita dahil iyon ang gusto mong ipaniwala sa amin pero nagsasawa na ako. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa amin na marinig sa ibang tao ang sinasabi nila patungkol sa iyo. Hindi naming matanggap at gusto naming ituwid ang maling akala nila pero wala kaming magawa dahil inamin mo. So stop saying bullshit in my face."
Natigilan siya sa sinabi ng Kuya Timothy niya. Iyong galit sa mga mata nito ay umaapoy.
"I'm sorry if all of you are hurting because of me. Gago nga talaga siguro ako. Pero Kuya, alam natin na may ginawa pa rin akong mali kay Clara at sa akin nagsimula ang lahat. If I didn't kidnap her that night, this won't happen to her. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko sa kanya. Tama lang na makulong ako." Buo na ang desisyon niyang pagbayaran sa kulungan ang ginawa kay Clara.
Umiling si Kuya Timothy. "Alam kong mali ang ginawa mo pero hindi naman tamang akuin mo ang kasalanan ng iba. Hindi ikaw ang naggumahasa kay Clara. Hindi ikaw ang totoong ama ni Jewel."
Yumuko siya at napakuyom. "Alam ko pero ito lang ang tanging paraan para tigilan na siya ni Trixie." Nagtaas siya ng tingin. "Trixie won't stop hurting Clara if I won't stay away. Hindi lang ito ang kaya niyang gawin sa amin ni Clara. Mapanganib na tao si Trixie. Nalaman ko ang totoo, Kuya Tim. Iyong taong nasa likod ni Trixie ngayon ay hindi basta-bastang tao. Mas nakakatakot pa sila kaysa sa ama nito dahil hindi natin sila kilala. Hindi ko pwedeng isabahala na lang ang kaligtasan ni Clara at Jewel. Pati na rin kayo ni Mommy."
Umiling si Kuya Timothy. "We can protect ourselves. Anong ginagawa ng pera natin kung hindi na—"
"It's not about the money anymore, Kuya. Talk to Jacob. He knows something happening to the company. Kasama na rin doon ang flower farm ni Mommy. Si Ashley at Alex ay parehong may kinakaharap na problema ngayon. Sa tingin mo ay nagkataon lang. Trixie knows that Ashley and Alex are my cousin but she doesn't know that you are my brother. Kaya wala kang problema ngayon sa Saturn ay dahil hindi ka niya kilala. Think about this Kuya. Hindi natin alam kung sino talaga ang ka-away natin ngayon, tangin si Ashley lang."
"Bullshit!" Tanging nasabi ng Kuya Timothy niya.
Alam niyang nahihirapan ito ng mga sandaling iyon pero wala silang magagawa. Hindi basta-basta ang kinakahrap nilang problema. Ito lang ang tanging paraan para maprotektahan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kinamumuhian niya si Trixie sa panggugulong ginawa nito pero alam niyang may kasalanan din siya. Sa ngayon ay kailangan nilang mapaniwala ito na hindi na siya makikipagrelasyon kay Clara. Na nanalo ito sa larong sinimulan nito.
"Kuya, alam kong kina-usap ka na ni Mommy tungkol sa posisyon ko. Anong desisyon mo?"
Nagtaas ng tingin ang kanyang Kuya Timothy. "Tita Ivy will introduce me this coming Friday as the new heir of Saavadra Empire."
Doon lang ngumiti si Cole. Hinawakan niya ang kamay ng Kuya Timothy nito. "I'm at your back. Let's pretend for now that we are weak."
"Remember, Cortez is not an easy enemy."
Sabay silang napatingin sa taong nagsalita noon. Alex and Ashley are standing near them. Seryuso ang mukha ng dalawa niyang pinsan. Lumapit ang mga ito sa kanya. Alex taps his shoulder while Ashley hugs him.
"We are here, Cole." Bulong ng pinsan.
Tumungo siya at hinimas ang likuran nito. Pagkatapos siyang yakapin ni Ashley ay umupo ito sa tabi ni Kuya Timothy habang si Alex ay umupo sa tabi niya.
"Why are you two here? Akala ko ba ang nasa isla ka? At ikaw, kamusta ang problema ng Casa Pilar at sa kay Tito?" Tanong niya sa dalawang pinsan.
"I bring Anna here. Nasa mansyon siya ngayon." Unang sumagot si Alex.
"Casa Pilar is doing good. Malapit ko ng malaman kung sino ang traitor sa kompanya ko. Iyong tungkol naman sa pagpapakasal ko kay Alter, naka-usap ko na sila ni Peter. They will help me get away with this situation." Sagot naman ni Ashley.
Tumungo siya. Mabut naman at naayos na rin ang gusot sa pagitan ng kanyang mga pinsan. May tiwala naman siyang magiging okay ang mga ito. Tumingin siya kay Alex.
"Kamusta naman ang kompanya mo? Wala bang kahinala-hinala?"
"So far, wala pa naman. I personally monitor the security in the company. Wag kang mag-alala sa akin." Hinawakan siya ni Alex sa balikat at pinisil iyon.
"Ikaw ang inaalala naming. You are not safe here. Maaring may tao dito si Trixie at maaring gawan ka ng masama." Ashley said with a worried tone.
"Don't worry about me, Ashley. I can take care of myself. Si Mommy ang bantayan niyo. Hindi pwedeng mapahamak si Mommy."
Nagkatingin ang mga kasama niya sa mesa. "Don't worry, Cole. Kumuha na kami ng taong magbabantay kay Mommy. Jacob personally hire him for mom."
Tumungo siya. May tiwala naman siya sa referral ni Jacob. Mula pa naman noon ay nasa pamilya na nila ang loyalty nito. Ganoon din ang mga Dela Costa. Nagkataon lang na si LJ ang kinuhang lawyer ni Clara. Well, he doesn't need a lawyer to depend him. Ginusto niyang makulong.
"Kailangan natin malaman kung sino ba talaga ang may kagagawan nito kay Clara para makalaya ka dito," wika ni Ashley.
"We doesn't know. Isa lang ang alam ko, may kinalaman si Trixie sa nangyari kay Clara. Kung tama ang pagkaka-alala ko. Tumawag sa akin si Trixie ng gabing kinidnap ko si Clara. May taong sumusunod sa kanya at kailangan niya ang tulong ko. I leave Clara that night. Alam kong safe siya sa room na iyon kaya hindi ko lubos ma-isip kung paano nakapasok ng kwartong iyon ang demonyong may gawa noon sa kay Clara." Napakuyom ang dalawang kamay ni Cole.
Naalala pa niya ang nangyari ng gabing iyon. Nang malaman niya ang nangyari ay nais niyang patayin ang sarili. Kaya nga ilang buwan siyang hindi nagpakita kay Clara. Sinabi niya lang na pumunta siya ng ibang basta pero ang hindi alam ng lahat ay nagkulong siya sa kanyang kwarto at nagpakalasing. Hindi niya matanggap na pinabayaan niya ng gabing iyon si Clara. That his plan turns out to be the nightmare that will remain on Clara's heart forever.
Kaya naman pinilit niyang tulungan si Clara na makabangon para alisin ang guilt sa dibdib niya ngunit kahit anong gawin niya ay nanatili pa rin iyon. He hates his self. Kahit siya ay sinusumpa ang sarili. Gusto pwede lang kitilin ang sarili ay ginawa na niya ngunit hindi niya kayang gawin. Sa tuwing pumapasok ang ganoong ka-isipan ay nakikita niya ang umiiyak na mukha ng ina pati na rin ang Kuya Timothy at dalawa niyang pinsan.
He needs to be strong for his family and for Clara.
"We will get him. Wala pang gumagawa ng masama sa isang Cortez na nakakalusot. Magbabayad sila sa ginawa nila sa iyo at kay Clara. Maling tao ang kinabangga nila." Galit na galit na wika ni Alex. Napakuyom siya. No one mess with Cortez and get away with it.