webnovel

CHAPTER THIRTY-THREE

SABAY silang pumasok ni Cole sa abandunadong barkong iyon. Ma-ingat ang bawat hakbang nila ni Cole. May hawak itong baril na ikinagulat niya. Meron pala itong ganoon sa kotse. Nasa likod siya ni Cole at nakahawak sa braso nito. Paakyat na sana sila ng hagdan ng biglang may ilaw na tumutok sa kanilang dalawa. Nagulat sila at nanigas sa kinatatayuan.

"Guess who was here to save their daughter." Isang malademonyong halakhak ang narinig nila pagkatapos magsalita ng babaeng ngayon ay nakatayo sa itaas.

"Trixie." Malakas na banggit ni Cole.

Biglang may naglabasang mga lalaki na nakapalibot sa kanila. Agad siyang itinago ni Cole sa likuran nito. Nakaramdam siya ng takot para sa kaligtasan nilang dalawa. Mukhang walang balak si Trixie na buhayin isa sa kanila ng binata.

"Trixie, nasaan ang anak ko?" galit na sigaw ni Cole.

"OW! Your daughter?" Isang nakakalukong ngiti ang sumilay sa labi ni Trixie at suminyas ito.

Napatingin siya sa bilang side nila ng bumukas ang isang malaking kurtena. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang anak na nakatali sa isang upuan. May takip din ang mga mata nito ng pulang tila. Tatakbo na sana siya palapit sa anak ng biglang may bumaril sa paanan niya.

Mabilis siyang napatili at napayakap kay Cole.

"Oh! Oh! Oh! Wag kang gagalaw sa kinatatayuan mo, Clara. Baka biglang magbago ang isip ng mga tao ko at anak mo ang mabaril nila."

Galit niyang itinuon ang mga mata kay Trixie. "Hayop ka talaga, Trixie. Wag mong idamay dito ang anak ko. Pakawalan mo si Jewel."

Isang tawa lang ang iginanti sa kanya ni Trixie. "Pakawalan? Bakit ko naman pakakawalan ang anak mo kung hindi ko pa nakukuha sa iyo ang nais ko?"

"Stop this, Trixie. Ano pa ba ang gusto mo? Pinaghiwalay mo na kami ni Clara. Sinira mo na kami pareho. Why don't you---"

"Ikaw ang tumigil, Aries." Putol ni Trixie sa iba pangsasabihin ni Cole. "Ikaw ang dapat tumigil sa pagmamahal mo kay Clara. Sinaktan ka niya ng paulit-ulit. Mas pinili niya si Kurt kaysa sa iyo. Pero nariyan ka parin at nagmamahal sa kanya. Siya pa rin ang nilalaman ng puso mo. Ako ang kasama mo sa mga panahon na puno ng kadaliman ang buhay mo pero si Clara pa rin ang pinili mo. Kaya dapat ikaw ang tumigil. Stop loving her." Galit na sigaw ni Trixe. Umaapoy ang mga mata nito sagalit.

"Ikaw ang dapat na tumigil. Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo kay Cole? Hindi ka niya mahal at kahit kalian ay hindi ka niya mamahalin. Kaya tanggapin mo na lang na hindi siya ang para sa iyo. Tigilan mo na kami ni Cole. Hayaan mo na kaming sumaya, Trixie."

"Hayaan kang sumaya?" Tumawa nang parang baliw si Trixie. "Bakit kita hahayaan sumaya, Clara pagkatapos mong kunin ang lahat sa akin?" Isang baril ang tinutok bigla sa kanya ni Trixie.

Agad na humarang si Cole. Itinago siya nito sa likuran. Mahigpit din nitong hawak ang kanyang kamay. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Oo nga at may baril din si Cole pero anong laban nila sa mga kalalakihan na may mga hawak na baril at pinapa-ikutan sila. Lahat sila ay nakatutok ang baril sa kanila at bago pa nila maligtas ang anak ay siguradong babarilin din sila nito. They need to think how to save their daughter.

"Stop this, Trixie. Ano bang kailangan mo para tumigil ka na?" sigaw ni Cole.

Tumingin si Trixie kay Cole. "Anong kailangan ko? Well, first I want Clara to sign that paper." Itinuro nito ang isang mesa na malapit sa anak nila. Nagtatanong ang mga matang tumingin sila kay Trixie. "Second, I want you back in my life Cole. Ikaw ang tatayong ama ng anak ko. Ibibigay mo sa kanya ang apelyido mo at ang kompanya mo. Ang huli ay ang magpakasal tayo. Nasa mesang din iyon ang marriage certificate natin."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nababaliw na nga talaga si Trixie. Talagang nais nitong makuha si Cole sa kahit anong paraan. She is sick. Sasagotin na sana siya ng bitawan ni Cole ang kamay niya.

"C-Cole."

"I will give you what you want just free my daughter. Kung anuman ang nais mo ay susundin ko, wag mo lang ulit pakiki-alaman ang anak ko at si Marie." Seryusong sabi ni Cole.

"No, Cole. Hindi ako makakapayag." Tanggi niya. Hindi siya makakapayag na mapunta sa baliw na ito si Cole. Hindi niya ibibigay dito ang kasayahan na nais.

Pumatak ang mga luha niya. Bibitaw na ba talaga si Cole. Tuluyan na ba talaga siya nitong bibitawan? Bakit ba laging nakiki-alam si tadhana sa pagitan nila?

Humarap sa kanya si Cole at masuyong pinunasan ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. "I will do this to save our daughter. I promise to you that I will save her and if this is the only way, so beat it. Lagi mo lang tandaan na mahal na mahal kita, Clara. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito." Masuyo siyang ginawaran ng halik ni Cole sa noo.

"Oww! How sweet of you two? Patayin ko na kaya ang anak niyong dalawa?" tinutok ni Trixie ang baril nito kay Jewel.

"No! Stop it!" Sigaw nila ni Cole. Pareho silang napatingin sa babaeng baliw na ngayon ay may galit na nakatingin sa kanila.

"Wow! Talagang mahal mo ang anak ng babaeng iyan. Mamahal mo pa kaya siya kapag sinabi kong hindi naman talaga ikaw ang ama ng batang iyan."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Anong sinasabi ni Trixie? Napatingin siya kay Cole. Kitang-kita niya ang paninigas nito sa kinatatayuan. Napansin din niya ang pagdilim ng mukha nito.

"Let see. Nang araw na kinidnap mo si Clara ay sinundan kita. Alam kung may binabalak ka kaya naman tinawagan kita at sinabing kailangan kita sa tabi ko ngayon dahil ang step-brother ko ay balak na naman akong pagsamantalahan. You rush to me. You come to me to protect me but you didn't know that Brix was there and he rape your Clara. He's the one who rape Clara and not you. Kaya alam kung hindi ikaw ang---"

"Shut up! Tumigil ka na. Papatayin kita, Trixie." Itinutok ni Cole ang baril na hawak nito sa kay Trixie.

Ngunit hindi natakot si Trixie, pinagtawanan lang nito ang galit ni Cole. Lalong bumuhos ang mga luha niya. Hindi si Cole ang gumahasa sa kanya ng gabing iyon kung hindi ibang lalaki. Nakaramdam siya ng pangdidiri sa sarili. Ibang lalaki ang gumawa ng masama sa kanya. How could this happen to her?

"What, Aries? You want to kill me. Go on!" Isang putok ng baril ang narinig nila. Nanlaki ang mga mata nila ng makitang pinapatukan nito si Jewel. Hindi naman tinamaan ang anak niya pero natakot pa rin siya sa kaligtasan nito. "I can kill her without a second thought."

"Nababaliw ka na, Trixie."

"Yes, Clara. Nababaliw na ako pagkatapos ng mga nangyari sa buhay ko. At ikaw ang may kasalanan noon. Lahat na lang ng nais ko ay nasa iyo. Mula pagkabata ay inggit na inggit na ako sa iyo. Mula kay Cole, sa karangyaan mo sa buhay at sa mga magulang. Alam mo ba kung ano ang nakasulat sa papel na iyon?" Itinuro nito ang papel sa mesa. "Nakasulat lang naman doon na ibinibigay mo sa akin ang kompanya ng mga magulang mo. Kompanya na dapat sa akin dahil ako ang panganay."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Isang ngisi ang binigay sa kanya ni Trixie. "News flash, Clara. Anak ako ng ama mo sa ibang babae. Your father got my mother pregnant."

"NO! Hindi iyon totoo." Sigaw niya.

"Your irresponsible father got my mother pregnant. Ayaw pa kasi ng mommy mo magbuntis kaya naghanap ito ng iba na makapagbibigay dito ng anak. Katulong ang mommy ko sa bahay niyo na agad na natipuhan ng ama mo. They had secret affair. Nalaman iyon ng mommy mo kaya nagpabuntis din siya sa ama mo. Nang malaman ng ama mo na buntis ang mommy mo agad niyang pinalayas si mommy. Pinalayas niya ito ng ganoon na lang. Hindi man lang nito binigyan ng pagkakataon si mommy na sabihin dito na buntis ito. Walang kwenta ang ama natin." Galit at umaapoy ang mga mata niTrixie habang sinasabi iyon.

Gulat na gulat naman siya sa sinabi nito. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi nito. How could her father do that to her mother? Paano nito niluko ang kanyang ina? Tahimik lang si Daddy at napakabait nito sa kanya. Pinakita nitong mahal na mahal siya nito. Bakit kailangan maging ganoon ang lahat sa kanila? Her life, why her life is a mess? Buong buhay niya ay nababalot ng kasinungalingan.

"Now, Clara and Aries, sign that paper and I let your daughter go. Maayos naman akong kausap. Makakaalis ka ng maayos dito, Clara. Kapatid naman kita kaya hahayaan kitang makalaya, kayo ng pamangkin ko." Isang ngisi ang ibinigay nito sa kanya.

Naguguluhan man sa nangyari ay sinunod niya ang nais nito. Nakataya dito ang kaligtasan ng anak niya. Sabay silang naglakad ni Cole sa mesa na malapit sa anak nila. Habang naglalakad ay hinawakan ni Cole ang kamay niya at pinisil. Napatingin siya sa taong mahal.

"Everything will be alright, Clara. Ililigtas natin si Jewel."

"Cole, hindi..."

"Anak ko siya, Clara. Naalala mo ang DNA test ni Kurt? Walang dumaya doon dahil pinsan nito ang gumawa ng test. Kaya anak ko si Jewel. Don't think too much, we get out of here with our daughter."

"Cole..." muli siyang napa-iyak sa sinabi nito. He really knows everything. Tumungo siya at mas hinigpitan ang pagkakahawak dito.

Nang makalapit sila sa mesa ay agad niyang binasa ang nakasulat. It is true that Trixie wants her share to the company. Her parents already give the company to Jewel. Pagsumapit na si Jewel sa edad na Eighteen ay dito na ipapangalan ang buong hotel at bilang ina ng bata ay siya muna ang tatayong CEO ng kompanya. Did Trixie know about her parent's last well? Madali na lang sa kanya ang pirmahan iyon dahil wala naman talaga siyang authority sa kompanya. Wala siyang karapatan na baguhin ang last well ng kanyang mga magulang.

Agad niyang pinirmahan iyon. Itinaas niya ang papel at ipinakita iyon kay Trixie. She won't get away with her parents' wealth after what she did to her family.

"I already do the beadings. Now it's your turn. Pakawalan mo ang anak ko." Galit niyang sigaw.

"Ang bilis mong kausap, Clara. But--" Itinutok nito ang baril sa kanya. "Ahas ako, Marie. Hindi ako marunong sumunod sa usapan. Now, die my sister."

Nanlaki ang mga mata niya ng kinalapit nito ang gatilyo at isang malakas na putok ang narinig niya. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan ng sinundan ng tingin ang bumagsak na katawan sa harap niya. The man she loves lying in the cold ground. Nakahawak ang kamay nito sa balikat. Nanginginig ang paa na inihakbang niya iyon palapit sa taong mahal. Nang makita niya ang dugo sa balikat nito ay tuluyan ng pumatak ang kanyang mga luha.

"C-Cole!" sigaw niya at lumuhod sa harap nito. "No! No! No! This is not happening." Hinawakan niya ang ulo nito at inilagay sa mga hita niya.

Bumalatay ang sakit sa mukha ni Cole. "Stay with me, Cole. Please! Wag mo akong iiwan. Wag mo kaming iwan ni Jewel."

"I'm alright, Clara." Nahihirapang sabi nito.

Umiling siya. "Hindi! Hindi ka okay." Hinawakan niya ang braso nito at diniinan ang sugat nito para pigilan ang pag-agos ng dugo.

Isang tawa ang nagpaangat sa kanyang mukha. Mukha ni Trixie ang nakita niya. May luha sa mga mata nito ngunit tumatawa naman ang dalaga. Baliw na talaga ang babaeng ito. Bakit ba naniniwala siya na pakakawalan siya nito at ang anak kapag pinirmahan niya ang dukomento?

"Masaya ka na. You shot Cole. You will kill the man you love." Puno ng puot niyang sumbat sa babae.

"Well, nararapat lang naman iyan sa lalaking sinaktan at pina-asa ako. Kung hindi siya mapupunta sa akin. Hindi siya mapupunta sa iyo. Let's all be miserable for the rest of our life, Clara." Muling tumawa ng parang baliw si Trixie.

"You are crazy." Sigaw niya.

"Yes! Yes! Yes! I am crazy." Nanlalaki ang mga mata ni Trixie. "And I will kill you and your daughter." Itinutok nito ang baril sa kanyang anak.

Napatingin siya sa kay Jewel. Pareho silang gumalaw ni Cole na kahit may tama ng baril ay pinilit pa rin ang katawan na lumapit sa anak niya. Sabay nilang niyakap si Jewel pero wala silang narinig na kahit anong butok ng baril.

"If you kill my daughter, I won't hesitate to kill you, Trix."

Sabay silang napatingin ni Cole ng marinig ang boses na iyon. Nakita nilang may lalaking nakatayo sa likuran ni Trixie at nakatutok ang baril sa babae. Hindi lang din iyon ang napansin nila. May mga kasamahan din itong mga lalaki na ngayon ay nakakatutok ang mga baril sa mga tauhan ni Trixie.

"What are you doing here, Brix?" galit na sigaw ni Trixie.

"I'm here to protect my daughter and ask you. Where's my son? Nasaan si Troy?" Parang kulog na tanong ng lalaki.

Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpat ito ni Trixie pero alam niyang may lalaki sa likuran ng kapatid. Nawala ang atensyon niya sa dalawa ng may bumagsak sa tabi niya.

"Cole!" sigaw niya ng makitang nakahiga si Cole at hawak ang braso.

Walang tigil ang pag-agos ng dugo mula sa sugat nito. Walang nagawa si Clara kung hindi ang umiyak. Hinawakan niya ang sugat ni Cole at idiniin doon ang dalawang kamay. Hindi siya makakapayag na mawala ito sa buhay niya. Seeing him like this torn her heart. He will not die at her arms.

"Let's hold on. Don't leave me, Cole." Umiiyak niyang paki-usap dito.

"I-I w-won't leave you. H-hindi ko k-kayo i-iwan ni J-Jewel." Nanghihingang sabi nito.

"Don't speak."

Kahit na hindi ito magsalita ay alam niyang lumalaban ito. Itinaas ni Cole ang isang kamay nito at pinunsan ang mga luha sa kanyang pisngi. Isang mabagal na ngiti ang sumilay sa maputlang labi ng binate. Alam niyang nahihirapan na ito pero kailangan nitong lumaban. She closes her eyes and feels his touch. She won't lost this man in third time.

"I won't lost you. Hindi kita hahayaan na mawala sa akin, Cole." Bulong niyo.

Mas diniinan pa niya ang dalawang kamay sa sugat nito. Bakit ba kasi wala pa rin sina Alex? Bakit wala pa rin ang back up nila? Napatingin siya kay Trixie para alamin na ang nangyayari. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mukha ng lalaking ngayon ay nakatutok pa rin ang baril sa kapatid niya.

The man standing is none other that Brix James Montemayor. Ang isa sa share holder ng kompanya ng pamilya niya. Brix is the owner of Monte Medical Center and he is a doctor. Nakaramdaman ng panghihinga si Clara. Ang lalaking nagpakilala at pilit na maging malapit sa kanyang anak ay siyang totoong ama ni Jewel. NO! Hindi ito totoo!

Brix has been a good friend to her. Naging malapit sila noong nasa U.S siya. Walang mintis ito kung makipagkaibigan sa kanyang anak. Naging kaibigan na rin ito ni Kurt.

"Brix!" Sigaw niya sa pangalan ng lalaki.

Napatingin sa kanya ang ama ng anak. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa ginawa ng binata. Naging daan iyon para mahawakan ni Trixie ang baril. Nag-agawan ang dalawa.

"Let the gun go, Trixie." Sigaw ni Brix.

"No! I won't let you all be happy. We all die here." Ganting sigaw ni Trixie.

Nakaramdaman ng takot si Clara. Lalo na ng magsimulang magputokan ng baril ang mga tauhan ng dalawang taong ngayon ay nag-aagawan sa baril. Walang paki-alam kung mamatay ba ng mga sandaling iyon. Para bang nagpapakamatay na lang din ang mga ito kagaya ng mga amo. They didn't care to here lifes. Clara look at Jewel. She needs to protect her daughter. Baka matamaan ito ng bala. Napatingin siya kay Cole na nanghihina na talaga ng mga sandaling iyon.

"Cole, don't close your eyes." Bulong niya.

Naririnig ang putukan sa paligid nila ngunit wala doon ang atensyon ni Clara kung hindi sa dalawang taong importante sa buhay niya. Nagmulat ng mga mata nito si Cole. Kaya hinawakan niya ang isang kamay ni Cole at inilagay iyon sa sugat nito.

"I need to hide Jewel. I need to protect our daughter," aniya rito.

Nahihirapan man ay tumungo ang lakai. Binalingan niya ang anak na nakaupo pa rin. Inalis niya ang tali nito at hinila ng marahan ang anak. Sinalo niya ang bigat nito. Pagkatapos masigurado na nakakulong ang anak sa kanyang bisig ay buong lakad niyang hinawakan ang paa ng mesa na nasa harap nila. Hinila niya iyon para mapalapit sa kanila bago itinumba para maging panangga nila. Hindi na siya sumilip sa mga pangyayari. She needs to focus on protecting the two person she loves.

Hindi alam ni Clara kung ilang minuto sila nasa ganoong sitwasyon hanggang sa mawala ang putokan sa paligid. Nakayakap lang siya sa anak at habang hawak ang buhok ni Cole. Na-umungol ng mga sandaling iyon. Clara wanted to see what's happening but she stop herself. Natatakot siya nab aka makita sila ng mga tauhan ni Trixie at barilin. Hindi purket tahimik na ay safe na.

"You are safe now."

Doon lang napataas ng tingin si Clara. Ang boses na iyon na kilala niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso, hindi dahil sa may nararamdaman siya para sa lalaking nakatayo sa tapat niya kung hindi dahil natatakot siya dito. Nanginig ang katawan niya. She wanted to shut but she can't find her own voice.

Yumuko ang lalaki. "Are you okay?"

Balak sana nitong hawakan si Jewel ngunit iniiwas niya ang anak. Unti-unting bumuhos ang mga luha sa pisngi. This man, that she treat as a friend is the one who did wrong to her. Siguro nga ay dapat hindi niya paniwalaan ang mga sinasabi ni Trixie pero kung sakaling totoo ang sinabi nito ay dapat siyang matakot sa lalaking ito.

"Clara...." He is about to touch her daughter again.

"DON'T!!!" sigaw niya. Hindi siya makakapayag na mahawakan nito ang anak niya.

"Let me check on her, Clara. Kailangan kung malaman kung okay lang ba ang anak natin." Mariin nitong sabi.

"Hindi mo siya anak." Umiiyak niyang wika. "Anak ko siya. Anak namin siya ni Cole."

Hindi niya matanggap na ito ang ama ng anak niya. Nandidiri siya sa kaalaman na nahawakan at nakita nito ang katawan niya. Rumehistro ang sakit sa mga mata ng lalaki. Huminga ito ng lalim.

"I'm sorry." Tanging nasabi nito. Tumingin ito kay Cole.

Hindi na nito sinubukan pang hawakan si Jewel. Tumayo na lang ito at lumapit kay Cole. Sinundan niya ito ng tingin. Nang yumuko ito at balak sanang hawakan si Cole ng mabilis niyang tinabig ang kamay nito.

"Wag na wag mong hahawakan ang taong mahal ko." Sigaw niya.

"Clara, I need to check his wound. He already lost too much blood." Hahawakan sana ulit ni Brix si Cole ng may sumigaw.

"Cole!!!" Tumatakbong lumapit sa kanila si Kuya Timothy.

Napatingin sila sa mga kalalakihan na dumating. Kuya Timothy is with Alex and Kurt. Hindi lang ang tatlo ang nakita niya kung hindi pati na rin si Jacob na pinsan niya. May mga kasama silang pulis at ilang kalalakihan na nakasibelyan. Nanginginig ang kamay na lumuhod si Kuya Timothy.

"Cole..." Hindi malaman ni Kuya Timothy kung hahawakan ba si Cole o hindi. "What happen?"

"Shit! Cole!" sigaw naman ni Alex.

"Medic! Medic! Someone shot here." Sigaw ni Jacob. "Cole, stay with us." Tinabig ng pinsan niya si Brix at ito ang tumingin sa sugat ni Cole.

"Can you check him?" Nakita niyang namilisbis ang luha sa mukha ni Kuya Timothy.

"He is losing to much blood. Kailangan na niyang madala sa ospital." Sagot ng pinsan niya.

Cole is already closing his eyes. Clara keeps on crying while holding Jewels at Her arms. Nang hihina siya at tanging sa anak na lang kumakapit. She can't lost Cole. Hindi niya kakayanin na mawala ito sa buhay niya. Kailangan niya ito. Kailangan nila ito ni Jewel.

"Clara are you okay?"

Napakurap si Clara at napatingin sa taong nagsalita. Kurt is siting next to her. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Tumungo siya at humahaghol.

"Kurt, si Cole." Tanging nasabi niya.

"He will be okay," anito at tiningnan si Jewel na yakap niya. Kurt check Jewel.

Nakita niyang nagsalubong ang kilay nito. Itinaas nito ang kamay na may bahid ng dugo. Nanginginig pa ang kamay ni Kurt habang nakatingin sa dugong bumabalot dito.

"Kurt...." Pabulong niyang banggit sa pangalan nito.

"Are you hurt?" nangingig ang boses na tanong ni Kurt.

Umiling siya. Tiningnan niya din ang anak. At doon niya nakita ang bahid ng dugo sa likuran nito. Jewel is bleeding. May tama ang anak niya.

"NO!!!! Jewel!!!" Sigaw ni Clara at niyakap ng mahigpit ang anak.

She can't lose them. Hindi pwedeng mawala sa kanya ang dalawang rason kung bakit nabubuhay siya.