webnovel

Confiesa tu pecado, Padre

Walang taong banal. Walang taong perpekto. Walang taong ginagawa ang lahat ng bagay na na-a-ayon sa Diyos. Madalas, karamihan, napupunta sa daang karumaldumal. Madalas, karamihan, binubulag ang mga taong gustong makilala ang lumikha sa kanila ngunit ang daan na inilalahad sa mga harapan ng mga ito ay ang daan patungo sa malalim na bangin — mahihirapan kang makatakas.

"Father, mangungumpisal po ako."