Frustrated with what I dreamt last Saturday, I still attended my class like it wasn't tiring at all.
It was our last period in the morning, Applied Economics.
Dahil hindi naman ako maka-relate, nakatitig lang ako sa gurong nagsasalita sa harap ng klase. As if I am listening and as if I understand everything she says.
I looked at my wrist watch.
5 minutes...
"Class dismissed. Thank you and goodbye." The teacher uttered.
"Thank you and goodbye, Ms. Barnavejo!" My classmates and I cheerfully replied before she finally walks out of our classroom.
It's lunch time!
"Yannie, May assignment ka na?" Pagkalabit ni Loren-isa sa mga kaibigan ko.
My close friends call me Yannie as an endearment for me, from my real name, Dyana.
Nagliligpit na ako ng gamit at palabas na sana nang kinalabit niya ako.
"Meron na, Ren. Nandu'n sa bag ko, yung green na notebook. Ikaw na bahala. Reverse reverse mo na lang baka makahalata si Ma'am." At binuntunan ko pa ng tawa.
Tinawanan niya rin ang sinabi ko.
"Sige, sige. Teka, saan ka pupunta? Wala kang dalang lunch? Bumili na ng lunch sina Aiza at Guia." Tanong pa niya bago ako makalabas ng classroom.
"The usual, Ren. Pakisabi na lang sa dalawa. Gotta go!" at kinindatan ko pa siya bago tuluyang umalis ng classroom.
The usual means, me stalking my ultimate crush, Kenneth B. Aguirre. Alam naman ng mga kaibigan ko 'yon-sina Loren, Aiza at Guia.
Ganito usually ang ginagawa ko sa mga free time ko, hindi kumakain at pinapanuod mula sa di kalayuan ang love of my life kong si Kenneth.
Naiintindihan naman yun ng mga kaibigan ko kasi mahal nila ako at suportado pa sila sa mga kabaliwan ko.
Nagmamadali akong pumunta sa field kung saan naglalaro ang Wild Wolves-ang varsity soccer team ng campus kung saan si Ken baby ko ang team captain.
Naupo ako sa isa sa mga bench na malapit sa field. Wala masyadong mga estudyante kasi lunch break pa at halos lahat ay nasa cafeteria at kumakain. Natanaw ko siyang nakikipaglaro ng soccer kasama ang team niya.
Alam ko lang ay wala sila masyadong klase dahil sa training nila. Nalalapit na rin kasi ang annual sports festival kaya todo practice na lang ang ginagawa nila.
Nakakahumaling talaga ang pagiging sporty niya. Nakikita kong masayang-masaya siya sa ginagawa at nag-e-enjoy siya sa paglalaro. Di kasi siya palangiti o palatawa sa personal. Makikita ko lang siyang masaya o nakangiti kapag naglalaro ng favorite sports niya na soccer.
Nakaupo lang ako doon at pinagmamasdan siya.
Makita ko lang talaga siya o di kaya ay masilayan, buo na ang araw ko.
"Dyana!" Nagising ako sa pagdi-daydream nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko.
Lumingon ako sa may-ari ng boses na yun at nakita ko si Dion na mabagal na tumatakbo papunta sa direksyon ko. May dala-dala siyang supot.
Nang makarating ay iniabot niya sakin ang supot na hawak niya.
Nakatayo siya sa harap ko habang nakatingala ako sa kanya, nanatiling nakaupo sa bench.
"Pinapaabot nina Guia. Baka raw kasi hanggang ngayon ay hindi ka pa kumakain." Medyo hingal niyang sabi at may ngiti sa kanyang labi.
Isa siya sa mga kaklase ko at minsan ay nakakasama namin siyang tatlo nina Loren. Hindi siya kagwapuhun pero masasabi kong cute siya lalo na at masiyahin at magaling makisama.
Nagiging 'one of the girls' siya kapag kasama niya kami.
Tinanggap ko ang supot at tinignan ang laman nito.
Rice toppings at ulam.
"Salamat, Dion" nakangiti rin ako sa kanya habang nagpapasalamat.
"Halika, upo-" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang tunog ng paglagapak ng isang bagay at ang pagdaing niya.
"Arghh!" Nagulat ako nang bigla na lang siyang napaluhod sa harap ko. Hawak-hawak niya ang kanyang likod.
Nakita ko naman sa kanyang likuran ang soccer ball na pinaglalaruan ng soccer team kanina na gumugulong sa direksyong palayo samin.
"Dion!" Puno ng pag-aalalang tinawag ko ang pangalan niya. Dali kong inilapag sa bench ang supot ng pagkain para daluhan siya at inalalayang makaupo sa bench.
"Anong nangyari sa'yo? Tinamaan ka ba ng bola? Dadalhin na ba kita sa Infirmary?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"I'm sorry, dude. Naglalaro kasi kami ng kagrupo ko. The ball slipped."
Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ang boses ng nagsalita. Parang tumigil ang mundo ko. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso kong naghuhuramentado na.
Halos hindi ko magawang tumingala para tignan ang nagmamay-ari ng napakalalim na boses na 'yon. Napako lang ang tingin ko sa kanyang sapatos.
Red and black sneakers with an initials, K.B.A.
Imposibleng siya 'to.
"K-Ken. Hindi naman masyadong malakas yung pagkakatama ng bola. Ayos lang." Bakas rin sa boses ni Dion ang pagkabigla habang kausap ang taong nasa harap nila.
Pigil ang hiningang unti-unti akong nag-angat ng tingin.
Siya nga!
Kenneth B. Aguirre.
The love of my life is in front of me, in flesh. With sweat flowing from his forehead to the soft skin of his face, to the sharp shape of his jaw, to his neck entering his shirt.
Shit. I must say that his sweat is so lucky that for a minute, I thought that I want it to be me.
Silly, Dyana.
"Sigurado ka? Baka gusto mong tulungan ko kayo na pumunta ng Infirmary? Sorry talaga, dude." Puno ng pagsusumamo at malumanay ang kanyang boses kahit na walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.
Ang bait-bait niya talaga. Gusto ko nnag mahimatay!
"H-Hindi. Ako na lang ang pupuntang infirmary, Kenneth. Haha. Kaya ko naman."
Nawala ang atensyon ko sa pagkakatitig kay Ken baby ko nang marahang tumayo si Dion habang daing pa rin ang likod.
"Wait, Dion. Samahan na kita." Alok ko. Nag-aalala ako para sa likod niya. Baka kasi matumba pa siya papuntang infirmary at walang umalalay sa kanya.
"Kaya ko na, Yan. Kainin mo na lang ang lunch mo. Kanina ka pa dapat kumakain." Baling niya sakin.
"Pero-"
"Sige na. Baka pagalitan pa ako mamaya nina Guia. Alam mo naman ang mga 'yon pagdating sa'yo, lahat kayang banggain. At saka kaya ko naman." Nakangiting aniya.
"Sigurado ka, ha?" paninigurado ko pang tanong sa kanya.
"Oo nga." Natatawa pa niyang sabi. Bumaling siya kay Kenneth na tahimik lang na nakadungaw samin.
"Sige, Kenneth, dude. Aalis na ako." Tumango lang ito.
Nakaramdam ako ng awkwardness ng nakaalis na si Dion at kaming dalawa na lang ni Kenneth ang natira.
"Uh... kain tayo?" Nahanap ko ang mga salita nang natuon ang atensyon ko sa pagkaing pinaabot nina Guia sakin kanina.
Naririnig kaya niya ang kasing lakas ng tambol na pagtibok ng puso ko?
"No, I'm not hungry. Thank you. You should eat now. Malapit nang matapos ang lunch time niyo." Nakatayo siya at nasa bewang ang kaliwang kamay.
Nakatingala lang ako sa kanya at hindi alam ang sasabihin. Pilit kinakalman ang pusong nagwawala. Hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain at wala nang plano lalo pa't nasa harapan ko siya. Seryosong nakatingin sakin.
"Oh. Oo nga. Haha." Shit. Ang awkward siguro ng tunog ng tawa ko. Halatadong pilit.
Nabibingi na ako sa lakas! Stay still, heart! Wag mo akong ipahiya, please!
"By the way, I'm sorry about what happened to your friend earlier." Seryosong sabi niya at walang emosyon ang kanyang mukha.
Normal na sa kanya 'to pero parang may kakaiba.
I shrugged the thoughts away. Kung ano-ano ang iniisip ko.
"Hindi mo n-naman sinasadya tsaka sinabi niya naman na ayos lang siya kaya..." Binigyan ko siya ng nag-aalangang ngiti.
Napatango-tango naman siya at nagilat ako sa paglahad niya ng kanyang kamay.
"I'm Kenneth. You are?" He asked for my name! I'm hyperventilating!
Napatitig ako sa kamay niyang nanatiling nakalahad.
Parang mas maganda pa ang kamay niya kesa sakin!
Tumayo ako at kahit nakatayo na ay hindi pa rin ako umabot kahit balikat niya lang. I stood five feet two while he stood six feet one. Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya and I felt an unfamiliar static feeling when I got to hold his hand. At parang nakiliti ako dahil dun.
Mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko at parang gusto na nitong magpaikot-ikot ng takbo sa soccer field dahil lang sa tinanong ni Ken baby ko ang pangalan ko at dahil lang sa nahawakan ko ang kamay niya!
His hands were rough but I don't know why it made me admire him more.
"I-I'm Dyana K-Keith..." I am so nervous that I'm stammering while saying my name! Nakakahiya. I even faced palm mentally because of embarrassment.
"Captain! Laro na tayo!" Pareho kaming napabitaw sa kamay ng isa't isa at napalingon ni Kenneth sa tumawag sa kanya, si Alvin, kaibigan at isa sa mga ka-team niya sa Wild Wolves. Hawak-hawak na nito ang bolang gumulong kanina.
"Tinatawag ka na nila," marahan kong sabi sa kanya.
Napatingin siya sakin at tumigil na naman ang paghinga ko!
"Okay. I got to go, Dyana Keith. See you when I see you." Pinakatitigan niya pa ako nang ilang segundo bago siya tumakbo papunta sa ka-team niyang kanina pa pala siya hinihintay.
Parang tanga lang akong nakatitig sa likod niyang papalayo sakin.
He called me by my full name!
Oh, my God! Napabuga ako ng hangin at napahawak sa aking dibdib.
Kanina ko pa pala pinipigil ang hininga ko. He will be the death of me, I swear!
Napangiti ako at pinigilan kong mapasigaw sa kilig.
Hindi ako makapaniwalang nakausap ko ang ultimate crush kong si Kenneth! Nahawakan ko pa ang napakaganda niyang kamay!
Gusto kong magtatalon sa tuwa, tumambling at sumayaw-sayaw pero pinigilan ko ang sariling gawin ang mga bagay na 'yon dahil baka mapahiya lang ako. At isa pa, ayaw kong isipin ni Ken baby ko na nababaliw na ako.
I'll mark this day! March 30, 2020.
This time, hindi na 'to panaginip. Totoo na 'to.
Alam na ni Ken baby ko na may isang Dyana Keith na nag-e-exist sa mundo!
P.S. Unedited, sorry.
🦋
uncrushyou