webnovel

Codename Gamma: Faye the Corrupted

Faye led a ruthless life. Isa siyang miyembro ng pamosong assassin society paid to kill anyone the Facility puts a tag price into. Kilala siya sa pagiging kilabot ng underground world at binansagan pa ngang 'the executioner' dahil sa galing nito. But Faye came to a point where she craves for human interaction. Gusto niyang maramdaman uli na tao siya taliwas sa malamig na katauhang kaniyang isinasabuhay sa kasalukuyan. Nagpasya siyang balikan ang dati niyang buhay na matagal na niyang kinalimutan. There, her long plotted revenge for decades started to materialize. Kasabay ng kaniyang paghihiganti ay ang pag-usbong muli ng mga katanungan, kasinungalingan at kasagutan na akala niya ay matagal nang nakabaon sa limot.

Jaguitar · Urbano
Classificações insuficientes
9 Chs

Mistress' Love

"Sino ka at ano'ng ginagawa mo rito sa pamamahay ko?" tanong ni Arturo sa mahinahong tinig.

I admired his composure given his current situation. He's wounded but he seemed to be not minding it plus add the fact that his daughter is my hostage. I know he's just trying to be calm.

Mas idiniin ko pa ang patalim sa leeg ng kaniyang anak.

"Daddy!" palahaw nito. Mas lalo pang nanginig sa aking kamay.

"It's okay sweetie. Daddy's here. I'll protect you, don't worry okay? It's okay. It's alright," pang-aalo nito sa anak. Tumingin siya sa akin na may halong galit at pagpapaawa. "Please I beg of you. Gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin sa akin, 'wag mo lang idamay ang anak ko. Maawa ka," sabi nito sa tinig na nakikiusap.

Hindi ako kumibo. Gamit ang paa ay isinara ko ang pinto at patulak na hinila ang bata papunta sa isang sulok.

"Pasensiya na Arturo Rodriguez, trabaho lang."

Gamit pa rin ang bata bilang pananggalang ay sinugod ko siya. I kicked his wounded thigh and slashed the other arm using the knife. Sapul. Umagos ang dugo mula rito. Napasigaw ito sa sakit. Umigik naman ang bata.

"Daddy!" sigaw nito na umiiyak na.

"Shhh, it's okay darling. It's okay. Just close your eyes, okay?" pag-amo nito. "I can handle this, okay? Just close your eyes," utos nito sa bata. Pumikit naman ito habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

Something within me snapped. Sumugod uli ako. This time, itinulak ko ang bata palayo at iniumang uli ang kutsilyo kay Arturo. I have to render him immobile. I can't go for a killing stroke.

Nakita ko siyang na-distract sa ginawa ko kaya hindi na niya napigilan ang pag-atake ko. I swooped in for another slash on his other thigh but to my amazement, he just easily dodged it and kicked me on the groin. A grunt came out of me.

"I'm still giving you a chance, lady. Get out of my house or I have no choice but to kill you." His voice is dangerous which stopped me from attacking him again. I tried to recall when did I hear such tone and feel such power.

I shook my head and charged. This is not the time for contemplation.

"Well, you leave me no choice," he said.

With my off-hand in a vertical position and the other one gripping the handle of the knife in a thrust motion, I began my assault.

In a swift motion, I managed to mount up on him to target his neck. I was about to plunge the knife when he forcefully wriggle me out of his body and slumped me in the floor. A loud thud followed. I heard my bones creaking but then, I immediately regain my composure and stood up. I'm beginning to understand what they meant earlier. This was no ordinary man I'm facing.

Mistress, who is this formidable man?

Hindi pa man ako masyadong nakakabawi mula sa pagkakalugmok ay heto na naman siya. Hinawakan niya ang aking mga balikat gamit ang dalawang kamay at tinuhod ako sa sikmura. I spit blood. Dinaganan niya ako at ipininid sa pinto nang ubod ng lakas. Nabitawan ko ang kutsilyo nang suntukin niya ako sa sikmura nang ilang ulit.

"Nagkamali ka ng bahay na pinasok," sabi nito sa nag-aapoy na mga mata.

Bigla niya akong binuhat at itinapon sa side table na nawasak dahil sa malakas na impact. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Pinilit kong bumangon at hinagilap siya sa nanlalabo kong paningin. Nakita kong dinampot nito ang kutsilyo sa sahig.

"Whoever sent you here must have come from my past," ani nito na animoy nakasisiguro.

Napatawa ako. "You can kill me now or you can still save your family." I sat down and leaned on the wall.

Kumunot ang noo nito. "What do you mean?"

"I don't intend to kill you Mr. Arturo. I only need a part of you."

Huminga ako ng malalim. I shouldn't be doing this. Tiningnan ko ang orasan. 10:30.

"Mapatay mo man ako ngayon, wala ka ring kawala at ang pamilya mo. Ikaw na rin ang nagsabi. Inutusan ako ng taong galing sa nakaraan mo."

Napaubo ako ng dugo. Geez. My mask is already soaked with blood.

"You should know I have reinforcement waiting for me outside. If I don't come out any minute from now, they'll kill your wife and your daughters."

Nagtagis ang mga bagang nito at galit akong sinipa sa tiyan. "Punyeta! Ano ba ang kailangan niyo sa akin? Bakit niyo kailangang idamay pa ang pamilya ko?!!"

"Relax. We can opt not to go there basta ibigay mo lang sa akin ang iniuutos nila. After that, you can resume to your ordinary normal life." Napaubo ako uli ng dugo.

Natahimik naman ito sa sulok na nag-iisip pa rin. Tanging ang mga pagsigok lang ng bata ang maririnig sa silid.

"What does she want from me this time?" tanong nito matapos ang mahabang sandali.

"Your eyes," I replied with a grin. My resolve is getting stronger. The plot is thickening.

Wala ni anumang bakas ng pagkabigla sa kaniyang mukha. Masasabi kong inaasahan na niya iyon.

"How many? The two of it? Hindi pa rin siya nagbabago. Still the loving girl I know," he said sarcastically. Umiling ito pagkatapos ay naupo sa kama at ipinaikot-ikot sa kamay ang kutsilyo. Huminga ito ng malalim.

"Trisha, stay right there. Close your eyes and cover your ears. Kahit anong mangyari, wag na wag kang lalabas. We never know if they're already outside."

"Daddy...I'm scared," umiiyak nitong saad.

Lumambot ang mukha ni Arturo. "There's no need to be afraid, sweetie. Daddy's here. I'll protect you, princess okay? Just hang in there. Now be a good girl and do what I said okay? Sing your favorite song. Is it by One Direction baby? What's the title? Ah, One Thing. So get out get out get out of my head," he sang.

"Daddy! Huhuhuhu!" palahaw ni Trisha.

"Shhhh. Baby, do what I told you. Now!" pasigaw nitong utos.

Pumikit naman ang bata at kagat-labing tinakpan ang mga tenga at kumanta. Patuloy pa rin ang pagluha.

"Now do what you came here to do lady."  Iniitsa nito ang kutsilyo sa akin. Nabigla man ako sa agaran niyang desisyon pero di ko ipinahalata.

Tumayo ako at napangiwi. Mukhang nabali ang buto ko sa kaliwang braso kanina. Hindi ko ito masyadong maigalaw. Marami rin akong sugat na tinamo mula sa bubog ng nabasag na baso na nasa ibabaw ng side table na nawasak. Shit. These clothes are not even protecting me even for a bit.

Pinulot ko ang kutsilyo at naglakad papunta sa nakaupong si Arturo. Wala akong nakikita na sakit sa kaniyang mukha at hindi niya iniinda ang mga sugat.

Who are you, old man?

"Why?" I asked.

He smiled while looking at me. "20 years ago, I loved a very beautiful woman. I love everything about her especially her eyes that speak to me a thousand emotions. I thought our love was enough for us to last our lifetime but I was wrong. I wanted freedom. I longed to have a family, something I cannot have with her. In the end I betrayed her." He spoke as if it only happened yesterday. He spoke as if the memories are still so vivid to him.

Hindi ako kumibo. Pagod na ang katawan ko at malapit ko nang maabot ang limit ko. I need to finish this once and for all.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa patalim bago dahan-dahang ibinaba tungo sa kaliwang mata niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan at pinigilan.

"Take the necklace from my neck to compensate for my eyes. I want them intact for my burial. Magtataka ang asawa't mga anak ko kung saan sila napunta." Tinitigan niya ako sa mga mata kaya kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha ni Arturo.

"Tell the mistress, tell my dearest Meg, my sweetest love, that I love her. Hindi iyon nawala kahit kailan. I just have to protect our child that's why I left her. Tell her I'll be waiting for her on the other side." Still with tears rolling down his eyes, he smiled at me before unceremeniously plunging the knife into his heart.

Nabigla ako sa kaniyang ginawa kaya sinubukan kong hugutin pero malakas si Arturo. Hindi niya ako hinayaan sa gusto kong mangyari. Sinigurado niyang hindi ko matatanggal ang kutsilyo. Moments after, I felt his grip on my hand loosened until he fell flat down to the bed. Blood is oozing out of the fresh wound on his heart.

Arturo is dead.

"So get out get out get out of my head and come into my heart instead," patuloy pa rin ang pagkanta ng bata.

Nagdalawang-isip pa ako kung kukunin ba ang mga mata niya pero sa huli ay nanaig ang kutob ko. Itinaas ko ang suot niyang pantulog at hinablot ang isang kuwintas na may malaking gold pendant.

Kinuha ko rin ang camera at pinindot ang stop recording button bago nilapitan ang batang nakapikit at nakasiksik sa isang sulok. I removed her hands from her ears and whispered something. Namilog ang mga mata nito at muling inilagay ang mga kamay sa tenga at bumalik sa pagkanta.

I stood up and with one last look, I went out of the room. Nadaanan ko pa ang isang portrait ni Arturo na nakasabit sa dingding malapit sa sala set. I stopped on my tracks when something caught my attention. I leaned to take a closer look at the picture. The revelation left me in a state of confusion that quickly turned to an enlightenment. I smiled. What I found out today confirmed what I just postulated from the beginning.

That night, with the help of the faint light from the nearby lampposts, I walked out from the house of the man I just killed. Technically I did not kill him but  a part of me still did it. The camera and the necklace together with something I can't quite put a word into are the glaring evidences.

"WHY?" tanong ko kaagad sa mistress pagkalapag ko ng kuwintas sa kaniyang mesa.

Mula sa subdivision ay bumalik kaagad kami sa facility pagkatapos i-alert ang control team na tapos na ang mission ko para masimulan na nila ang paglilinis.

Nagsasalimbayan ang iba't ibang katanungan sa aking isipan patungkol sa katatapos lang na kaganapan sa buong durasyon ng biyahe. Hindi na ako nagulat na mukhang nabigla ang tatlo sa pagbalik ko ng buhay sa sasakyan. May kutob at teorya na akong nabubuo pero kulang pa ang mga detalye.

Pero mahalaga ba talagang malaman mo iyan, N18? Iyan ang tanong na paulit-ulit na umuukilkil sa kaibuturan ko na palaging nauuwi sa sagot na oo. Wala ng kasunod. Wala ng dagdag na paliwanag. Gusto kong malaman bakit.

"I wanted his eyes," malamig ang tinig na sabi sa akin ng mistress. "You failed in your first mission N18. I'm disappointed." She looked at me sternly.

Binalewala ko ang pagkirot ng lahat ng sugat sa buo kong katawan at naupo sa kaibayong silya.

"He said he still loves you and that he'll wait for you on the other side. He offered me the necklace in exchange for his eyes. Now, why? Bakit ako ang inutusan mo? A field demonstration is supposed to be for low-profile missions. He's a fucking original member here. Your lover could have killed me in an instant! This is clearly a breach of the facility's protocol!" Nawala sa isip ko na ang mistress ang kaharap ko sa labis na pagtataka. Arturo Rodriguez is a full-fledged assassin in the facility. Patunay na ang marka sa likod nito.

Natigilan ang mistress sa sinabi ko at kinuha ang kuwintas. Tiningnan muna niya ako bago binuksan ang pendant. Nakita ko ang pagtakas ng kulay sa mukha nito at ang panginginig ng mga kamay. Namula ang gilid ng mga mata nito at namuo ang mga luha. Sa isang iglap, naglaho sa paningin ko ang malupit, walang emosyon at ang malamig na katauhan niya at pumalit ang babaeng nakakulong pa rin sa mga alaala ng nakaraan.

Idinantay nito ang kuwintas sa dibdib at ang mga sumunod na pangyayari ang gumulantang sa akin.

Umiyak ang mistress. Nakapikit ito habang tumutulo ang mga luha. Walang tunog. Walang paghikbing naganap. Pero sapat na ang diin ng pagkakadaklot nito sa suot na pantaas para maramdaman ko ang malalim niyang hinagpis.

"My love... Arturo..." sambit nito.

Nandoon lang ako sa harapan niya. Nakatungo. Hindi malaman kung paano magre-react. Bago sa akin ang lahat ng ito.

Makalipas ang ilang sandali ay napayapa na rin ang mistress. Pinahid nito ang mga luha at balewalang tumingin sa akin na parang walang nangyari. Na parang hindi niya ipinakita sa akin ang kahinaan niya kani-kanina lang.

"Nasaan siya? Nasaan si Arturo?" tanong nito. Wala na ang lungkot sa tinig. Balik uli sa malamig na nilalang.

Sinalubong ko ang kaniyang mga mata. "Wala na siya. He killed himself."

Tumango lang ito. "I knew it. Hindi pa rin siya nagbabago. Always doing the first thing that he thinks is right." Ngumiti siya sa akin. "Good job N18. I retract my previous assessment. You exceeded my expectation. Hindi mo man naibigay sa akin ang hiningi ko mula sa iyo, bumawi ka naman sa pagdadala nito sa akin," ani nito na tinutukoy ang kuwintas.

"Why?" repeating my first question. "Why me when you could do it yourself?"

She smiled revealing those dangling two golden front teeth again. "I told you already and I will say it to you again. You are special, dear. From the moment I laid my eyes upon you on that road, I knew you'd be someone I can trust. Someone who will be my extension."

"But there's your loyal servant, C1." I asked puzzled.

"Oh, silly. What I mean is someone who embodies me. C1 is a shadow. I'm his light. He is only seen through me and can never be revealed in the broad daylight. I get stronger because of him. So, you see, he's just a mere puppet. Dispensable at any minute. Many assassins are lining up to replace his spot." She looked at the necklace again and sighed dreamily.

Wala pa rin akong matinong sagot na nakukuha kaya nagpasya na akong tapusin ang usapan. I also have to attend to my wounds.

"Is there anything else, mistress? When will I be granted the rights as a full-fledged one? When will I receive my mark?" tanong ko.

She eyed me seriously. "I'm afraid that has to be delayed." Tumayo ito at kumuha ng kopita at nagsalin ng alak. "I want to reward you for your sensitivity towards Arturo." Nakatalikod siya habang nagsasalita.

Nagkibit-balikat ako. "Wala nang iba pang reward na gugustuhin ko kundi ang matanggap ang marka."

Humarap siya sa akin. "I'm sure you'll change your mind and thank me after I tell you." Bumalik ito sa pagkakaupo tangan ang wineglass.

"Seling is dead. Your most treasured Seling is not able to wait for you." Inisang-lagok nito ang alak at marahang inilagay sa mesa.

She looked at my face now contorted with pain.

"I'll let you see her for the last time. Fulfill your promise to her and then leave everything behind and move in with your new family, Faye."