webnovel

Codename Gamma: Faye the Corrupted

Faye led a ruthless life. Isa siyang miyembro ng pamosong assassin society paid to kill anyone the Facility puts a tag price into. Kilala siya sa pagiging kilabot ng underground world at binansagan pa ngang 'the executioner' dahil sa galing nito. But Faye came to a point where she craves for human interaction. Gusto niyang maramdaman uli na tao siya taliwas sa malamig na katauhang kaniyang isinasabuhay sa kasalukuyan. Nagpasya siyang balikan ang dati niyang buhay na matagal na niyang kinalimutan. There, her long plotted revenge for decades started to materialize. Kasabay ng kaniyang paghihiganti ay ang pag-usbong muli ng mga katanungan, kasinungalingan at kasagutan na akala niya ay matagal nang nakabaon sa limot.

Jaguitar · Urbano
Classificações insuficientes
9 Chs

Hall

Attention to all Neophytes, proceed to the hall immediately.

Attention to all Neophytes, proceed to the hall immediately.

Itinigil ko ang pagtatasa sa hawak na kahoy nang marinig ang pamilyar na tinig. Hindi ko alam kung maiinis ako o sasaya kapag naririnig ko ang tinig na iyon. Iisang bagay lang kasi ang nangyayari kapag umaalingawngaw sa buong dungeon ang boses.

Minsan, kinaaaliwan ko na ang paggaya sa boses. Kabisado ko na kasi ang pagtaas-baba ng tinig na iyon. Pati ang pagtigil upang sumagap ng hangin ay alam na alam ko na. Memoryado ko na rin ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Ngali-ngali ko nang hanapin ang babaeng iyon at sungalngalin dahil may naaalala ako sa kaniya.

Kinuha ko ang hinubad na gloves at isinuot. Bumaba ako at dinukot sa ilalim ng bunk bed ang aking kutsilyo. Bawal ang mga ganitong armas sa loob pero naipuslit ko naman ng hindi namamalayan ng mga red guards. Inililis ko pataas ang suot na pantalon. Isinuksok ko ito sa strap sa may baba ng aking binti at ibinaba rin ang laylayan ng pantalon. Kinuha ko ang tinasang kahoy at inililis pataas ang aking suot na black t-shirt.

Hiniwa ko ang laman sa aking tiyan gamit ang kahoy. Nang makitang maganda ang pagkakahiwa ay kumuha ako ng bulak at nilagyan ng alcohol. Pinahid ko ang dugo gamit ang bulak. Diniinan ko rin ang sugat para maampat ang pagdurugo nito. Dapat tama lang ang timpla ng pressure dahil kung masosobrahan ay mas lalong dudugo. Hindi natin gustong mangyari iyan.

Nang matapos ay tinapalan ko ng malinis na tela at nilagyan ng scotch tape ang mga gilid para hindi malaglag. Ibinaba ko na ang t-shirt.

May nagbukas ng aking cell.

"N18, out to hall," saad ng isang red guard. Nakasuot ito ng pulang combat outfit.

Lumabas na ako at humilera ayon sa aking numero kasama ang iba pang mga neophytes. Diretso lang ang tingin ng lahat. Dalawang metro ang pagitan ng bawat isa. Bawal ang makipag-usap. Sa facility, walang puwang ang relasyon, ang pakikipagkaibigan. Hindi ka dapat nagbibigay ng ibang emosyon maliban sa kagustuhang pumatay ayon sa utos ng Taas dahil hindi mo alam kung sino sa mga ito ang susunod mong papatayin o susunod kang papatayin.

Umusad na ang pila. Bawat linya ay may red guard na nakaantabay. Nakasuot sila ng mga combat suits at kompleto sa battle gears. Lahat ay kulay pula. May pulang head gear na nakatakip sa kanilang buong ulo at mukha. Bawat isa sa kanila ay may dalang taser. Nakasuksok naman sa belt holders ang batutang ginagamit nila na latigo. Isang maling hakbang, kukuryentihin ka na. Isang salita mula sa kung sinumang neophyte na hindi pinahihintulutang magsalita, lalatiguhin ka. Wala kang pag-asa kung pipiliin mong maging mahina.

Isa-isa nang naglalakad ang mga neophytes patungo sa hagdanan na magdadala sa amin sa hall. Ikalabing-isang araw ngayon ng buwan kaya tinitipun-tipon ang lahat sa hall. Hall ang tawag pero mas angkop tawagin na sabungan. Hindi nagkakasama ang lahat para kumain o manood ng palabas. Mas masarap pa doon ang nakalatag na putahe. Mas kaabang-abang pa ang mga mangyayari.

Sa bungad ng pinakatuktok ng hagdan ay may kahon na nakalagay. Ang lahat ay kailangang dumukot ng numero mula dito. The number will correspond to the number of your sparring partner.

Dalawang laban kada isang neophyte. Lalaban ka kontra sa numerong nabunot mo at lalaban ka rin sa taong nakabunot sa iyong numero.

Nang marating ko ang kahon ay inilublob ko ang kamay sa pinakailalim. Nang makapili ay dire-diretso kong inihaon ang kamay ng hindi na tinitingnan ang numerong aking nakuha. Iniiwasan kong malaman ang aking magiging kalaban dahil gusto kong enjoyin ang mga mauunang laban. Nakakawalang-ganang manood kung iniisip mo ang magiging taktika mo mayamaya. Chill lang. Makakarating din tayo diyan.

Naupo na ako at inilibot ang eyeballs sa hall. Pabilog ang pagkakalagay ng mga upuan na pinalilibutan ang gladiator's stage kung tawagin. Naaalala ko ang amphitheater sa Roma tuwing titingnan ko ang paligid. Hindi nga lang kasinlaki at kasing-liwanag. Pero higit na maliwanag naman ito kumpara sa dungeon.

"Attention neophytes."

Nagbaling ang lahat ng tingin sa lalaking nasa pinakamataas na bahagi ng hall. Nakatayo ito hawak ang isang microphone. Katabi nito ang mistress na katabi si C1 sa gilid.

He is the magistrate. The jury. The judge. Ang tagahatol. Sa kaniya napupunta ang lahat ng pagpapasiya sa aming mga neophytes.

"It is the 11th day of the month again. The day where we see and judge your growth and capabilities as brothers and sisters of our organization. Impress us and you'll be given the rights to become one of us."

Iyon lang at bumalik na ito sa kinauupuan. Tumango ito sa head red guard hudyat na magsisimula na ang laban. Nilamukos ko ang papel na hawak at ibinulsa.

"Let us start the tournament," sabi ng head red guard.

Sa harap ng entablado ay may isang napakalaking parang raffle machine. Sa loob ay naka-encode ang lahat ng numero ng mga neophytes. Dinidisplay naman sa monitor nito ang neophyte na mauunang lumaban.

Bawat ikot ng roleta ay torture para sa karamihan. Pero para sa mga katulad ko, kasiyahan ang makita ang sariling numero na nakasulat sa pulang titik na ipinapakita ng monitor.

Nagsimula na ang pag-ikot ng machine. Mabilis ang pagpapalit-palit ng numero. Napapahigit ng hininga ang lahat sa tuwing tumitigil ang kamay na ibinubuga rin nila kapag muling gumagalaw ito.

"N89."

Tumayo ang tinawag at umakyat sa stage. Ibinigay nito ang papel na hawak sa head red guard.

"N32," basa nito sa papel.

Lumapit ang tinawag na nakaupo lang sa unahang bahagi ng hall.

"N32 versus N89," pagpapakilala nito sa unang pares.

"You know the drill. Fight until the bell rings," anang head guard.

Pumuwesto na ang dalawa sa magkabilang panig. Naka-fighting stance na.

Pinagmasdan ko si N32. Nanginginig ang mga tuhod nito. Makikita rin ang pamumutla ng mukha habang pilit na kinukuyom ang mga nakataas na kamao bilang panangga sa mukha. Baguhan.

Narinig ko sa usap-usapan ng mga red guards ang data ni N32. Noong isang buwan lang dumating. Dating PMA cadet sa loob lang ng isang buwan bago na-recruit ng manager. Sumama sa recruiter matapos makumbinsing para sa bayan ang ginagawa ng organisasyon.

Mga kabataan nga naman. Perfect breeding ground. Kay daling magpadala. Mga pusong kay aalab. Akala nila mababago na nila ang mundo dahil ginusto nila. Mga hunghang. Hindi nila alam na sila ay nagagantso na para sa pansariling kapakanan ng mga nasa Taas.

Nalipat ang aking tingin kay N89. Kilala ko siya. Halos sabay lang kaming dumating sa facility tatlong taon na ang nakararaan. Naaalala ko pa ang aming unang paghaharap. Ah, nostalgic.

Nakangisi lang ito habang ngumunguya ng gum. Nakapaskil sa mukha ang malapad na ngiti. Hindi nilulubayan ng titig ang kaharap. Napangisi ako. The intimidation tactic. Ipaparamdam sa kalaban ang kawalan nito ng karanasan. A tactic to overwhelm the opponent into believing that he or she is more experienced and knowledgeable. Maiisip ng kalaban kung ano ba ang kaniyang laban sa harap ng isang taong obvious na mas malakas at marahas.

"At the count of three, commence. 1, 2, 3! Fight!"

Nagsimula na ang laban. Unang umatake si N32. Sumuntok at sumipa agad ngunit nailagan lahat ng iyon ni N89. Sunud-sunod na ang pag-atake nito pero nasasalag ang lahat ng iyon ni N89. Humihingal na si N32 pero nakangiti lang si N89. Tila pinagtatawanan nito ang futile attempts ng kalaban laban dito.

Muling umatake si N32. This time, he is looking for an arm lock. Pero ang kaniyang planong pagpilipit ng braso ni N89 ay nabalewala nang magpakawala ng upper cut si N89. Sapul si N32 sa panga. Mukhang natunugan ni N89 ang balak nito kaya nag-counter attack agad.

Sargo ang dugo sa panga ni N32. Napaatras ito habang sapo ang parteng nasaktan.

Ngumisi lang si N89. Pinalobo pa nito ang kinakain na chewing gum at pinaputok rin. Itinaas pa nito ang gitnang daliri at hinahamong pinapalapit si N32 dito.

Galit na ang masasalamin sa mukha ni N32. Wala na ang panginginig ng katawan. Pinunasan nito ang dugo sa panga gamit ang sleeves ng t-shirt bago sumugod kay N89.

He released a flying high kick and a combination of punches. Wala ni isa ang tumama. Malakas ang depensa ni N89. Isa siya sa mga pinakamagaling sa facility pagdating sa defense mechanism. I haven't try her skills on hand but sa pag-aaral ko sa kaniyang mga laban ay walang dudang magaling nga ito sa ganyang larangan.

Hmmm.... Interesting. Kayang-kayang tapusin ni N89 ang laban kung susumahin pero hindi pa niya ginagawa. Kilala ito bilang isa sa mga neophytes na tinatapos agad ang laban. Hindi nagpapaliguy-ligoy.

Pero iba ang kaniyang pinapakita dito. It looks like pinaglalaruan niya lang si N32.

Makes me wonder why. Ibinalik ko ang tingin sa entablado. Hingal na hingal na si N32 habang nakauklo at nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Tagaktak na ang pawis na tumutulo sa semento.

Nakatayo lang sa may kalayuan si N89. Naghikab pa ito at pinaypayan ang bibig.

Nang walang sabi-sabi ay biglang tumakbo si N32 patungo rito. Nilundag ang babae at isinalya sa sahig sabay kagat ng tenga nito habang pinapaulanan ng mga suntok ang sikmura.

Savagery. He resorted to this Neanderthal way because he knows he is no way on par with his opponent. Nice. But...

Tinuhod ni N89 ang pagkalalaki ni N32 at hinead bang. Hindi pa nakuntento at kinagat pa ang pisngi ni N32. Hindi nilulubayan hanggat walang nakukuhang laman. N89 effortlessly tore the flesh on his face.

Napasigaw sa sakit si N32 at nabitiwan si N89. Kinuha naman ito ni N89 bilang pagkakataon upang makawala. Tumayo ito kagat-kagat pa rin ang laman ng pisngi ng kalaban. Kinuha nito ang chewing gum sa loob ng bibig nang hindi binibitiwan sa pagkakakagat ang laman. Fresh blood from the torn flesh trickled from it creating tiny puddles of blood in the floor. Idinikit nito sa loob ng suot na t-shirt ang gum at ipinalit ang laman upang nguyain. Dinilaan pa nito ang dugong naiwan sa gilid ng bibig all the while staring at N32 who just gaped at her.

Everybody on the benches looked with horror as they watched her eat and swallow the flesh.

Yep, N32 made the biggest mistake he can commit on his training life here. He just picked a fight with the most savage neophyte in the facility.

N89 came from a tribe of cannibals in the northwestern part of the country. After a white supremacist who claimed their ancestral land massacred her whole tribe leaving her as the only survivor, she vowed for revenge. Without power and money, she can't do anything to materialize her vendetta and so she embarked on this dangerous journey.

I've felt a connection with her. The moment our eyes met, I knew we wanted the same thing. To get back at those who wronged us. To see those beings who caused our unbearable pains perish. In our hands.

But my trainings in the facility erased my emotions. Contrary to what the mistress implied, I am now devoid of any of it. To serve the Above is my ultimate responsibility now but I need to pass my test first to be able to do that.

Sigaw ng sigaw si N32. Nagpapasag ito na parang alimasag na nahuli sa isang pukot. Hindi malaman ang gagawin kung hahawakan ba ang pisngi o iiyak sa sakit. Nakasalampak ito ng upo sa stage at nakatingin sa head guard. Sumusukong nagtaas ito ng kamay sa ere at ikinuyom.

A smile formed in the corner of my lips when the bell rings. Interesting. Now, who is this guy? Something is amiss here. Sa mga pagkakataong tulad nito, kadalasang nangyayari ay hinahayaan lang ng magistrate na tuluyang tapusin ng obvious winner ang lugmok nang talunan. Klaro naman sa takbo ng laban kung sino ang panalo. Hindi rin magandang senyales ang ginawang pagsuko ng binata.

Sa ilang daang beses ko nang pagiging sideline spectator, hindi isinasalba ng magistrate ang mga neophytes na sumusuko. Labag iyan sa panuntunan sa facility. Ang pagsuko sa ano pa mang laban ay tanda ng iyong kataksilan sa samahan. Dapat lumaban pa rin kahit tanaw na ang pagkatalo. Laban hanggang kamatayan. Ito ang katangiang hinahanap ng mga nasa Taas. More than the skills they could always foster and improve later, they look for the trainee's will to fight until the end.  It is so rare to find. One of a kind. But with a right enviroment and situations to muster, they could always make one. Sabagay, sino ba naman ang taong lalaban pa kung mas madaling tanggapin ang iyong katapusan?

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni N89. Sayang. Sayang talaga. Tataas sana ang kaniyang ranking kung napatay niya si N32.

May mga red guards na umakyat para kunin ang walang malay na si N32. Basta basta na lang na hinila ito sa kamay at paa pababa sa entablado.

Naiwang nagugulumihan at naiinis si N89. Itinaas pa nito ang palad at tumingala sa magistrate upang umapela ngunit hindi ito pinagbigyan. Umiling ang magistrate ng tatlong beses. Ibig sabihin final and irrevocable na ang desisyon nitong tapusin ang laban.

Wala nang nagawa si N89 kung hindi bumaba. Masasalamin pa rin ang galit at panghihinayang sa  mukha. Hindi inaalintana ang pag-agos ng dugo mula sa napilas na tenga.

"Next set."

Muling umikot ang roleta. Nakakangilo ang tunog ng bawat pitik. Balik na naman ang mga daga sa dibdid ng nakararami. Balik na naman ako sa paghahangad na makita ang numero ko sa monitor o maski man lang ang matawag ay ang numero ko naman ang nabunot.

And then those red letters were on the screen again bearing the name of the next neophyte in line.

"N40," tawag ng head red guard.

Tumayo naman ang tinawag at umakyat sa gladiator's stage. Ibinigay ang papel.

"N74."

Nagsimula at nagtapos ang mga laban na hindi natatawag ang aking numero. Kapansin-pansin rin na walang namamatay sa mga lumalaban. Parang may sariling utak ang bell na tumutunog kapag nasa peligro ang isa sa dalawang lumalaban.

Karamihan ay relief ang nararamdaman sa mga pangyayari pero hindi lang ako ang nakakaramdam ng parang may mali. Ang mga neophytes na nandirito na sa facility ng mga isang taon pataas ay nagtataas na rin ng kilay. Weird. Hindi lang katanggap-tanggap na pinapakialaman na ng mga nasa Taas  ang outcome ng mga laban.

Recession came. Muli kaming bumalik sa aming linya at parang iisang taong sumunod sa senyas ng mga red guards.

Balik kami sa dungeon upang kumain. Hindi kami kailanman binibigyan ng pagkakataon upang magtipon maliban na lamang kapag ika-11 ng buwan. Iniiwasan ng Taas ang alinmang pangyayari na maaring humamon sa pamamalakad nito.

Matakot talaga sila. They are making monsters. When would that monsters wake up is just a matter of time.

Naririnig ko ang mahihinang pag-uusap ng ibang mga neophytes sa aking likuran.

"Iba talaga si N89. Ang bangis niya. Hindi ko papangarapin na makaharap siya sa susunod na buwan,"anang isa.

"Ako din. Napansin mo ba kung paano niya tinuklap ang pisngi ni N32? Parang isang leon. Ibang klase talaga siya. May naririnig na akong mga sabi-sabi tungkol sa kaniya. Inaahit daw niya ang kaniyang nga ngipin para maging matulis. Hindi ako naniniwala noong una pero nakita ng dalawang mata ko kanina kung paano niya pinatotohanan ang lahat ng iyon," sabi naman ng isa.

"Tahimik!" babala ng red guard.

Nanahimik naman ang mga sinuway.

So ganun pala ang nangyari. Nagtataka rin ako kung paano niya nagawa ang bagay na iyon nang hindi masyadong gumagamit ng pwersa. Napagmasdan ko pa ng maigi ang sugat sa pisngi ni N32 bago tuluyang nailayo ito kanina. Maganda ang pagkakahugot ng laman. Hindi diniinan. Hindi rin dinahan-dahan. Sakto lang. Makikita sa naiwang sugat na hindi lang ito basta kinagat ng isang ligaw na hayop gaya ng aking unang obserbasyon. Halatang pinag-aralan kung papaanong hindi madadamay ang ugat. Purong laman lang.

Hmmm... N89. I'm impressed. Now I understand how you interpret the art of torture. Mukhang dagdag ka sa listahan ko ng mga kailangan bantayan. Hindi ko hahayaan na mabaling sa iyo ang pansin ng mistress.

Sa naisip ay kinapa ko ang inside pocket sa jacket. Lukot na ang litrato pero wala pa rin akong natatanggap na utos mula sa Taas. Hindi na rin ako pinuntahan ni C1.

Ano ba ang iniisip ng mistress? Bakit niya ako binigyan ng trabaho kung hindi rin lang niya ito tototohanin?

Kumuyom ang aking kamao sa loob ng t-shirt habang hawak ko pa rin ang litrato.

Hindi. Hindi pwedeng maunsiyami na naman ang aking mga plano. Kailangan ko ang assignment na iyon para maisakatuparan ko na ang aking pangako.

Sana lang, mahintay pa niya ako.