webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · Urbano
Classificações insuficientes
35 Chs

Chapter 20 – Viral Post

Pucha sabi ko talaga study first tayo ngayong first day ng school pero nauwi ako sa pag-tugis ng mga drug dealer, buti nalang nakasama ko si Rouser kaya nadalian ako kahit papaano. Nakabalik ako ng school na matatapos na ang oras ko sa Major namin, kaya himbis na pasukan ko yung class… inabsentan ko nalang. And one more thing, may grade 4 na nakakita saakin nung bumaba ako mula sa kaulapan, Wendell daw name nya, basta bata sya na… muka namang di madaldal? Loner na bata sort of.

Pabalik na ako ng classroom non nang makita ulit ako nina Queenie at Alex…

"BEH!!! POTEK KA SAN KABA GALING HA?! FIRST DAY NA FIRST DAY NG PASOK NATIN NAG-CUTTING KA NANAMAN! Mabuti sana kung nag-aya ka eh, hehehe" –Queenie

"Nasa clinic ako (deny) kasi ang sakit tiyan ko kanina grabiii" –Ako

"Nag-assign lang prof natin ng sched para sa reporting, pero attendance pa din yun" –Alex

"Buti naman yun lang yung ginawa kanina?" then tinawag ako nung grade 4 na nakasama ko kanina!

"Ate Claudine!! Uuwi na ako hehehe thank you sa pag sama sakin kanina, andyan na sundo ko babye poooo!" –Wendell

"Ah sige-sige ingat 😊"

Pag-alis nung bata… "Teka kala namin nasa clinic ka?" –Alex

"Pagkalabas ko ng Clinic saka ko lang nakita na di nako makakapasok kaya sinamahan ko nalang yang bata"

"Nag-aalala lang kasi kami, chinachat kita di mo naman siniseen" –Queenie

..

Saka ko naalala yung phone ko na naiwan ko sa bag, buti nalang walang malikot ang kamay sa classroom namin. Pagka-open ko ng data ko, halos mag-hang yung phone ko sa dami ng chat nila ni Alex at Queenie, pero nakita ko agad yung balita sa newsfeed ko. Na merong 'Dalawang drug dealer timbog ng pigilan ni Rouser at Cloud Girl'. Like wow, kani-kanina lang to and nagawan agad ng article, but unreliable source tho.

In the end, nakauwi ako ng bahay ng matiwasay kasi sundo ulit ako ni Kuya Benjo, okay na kami ng mga frenny ko at wala namang ulap na hugis arrow sa kalangitan ngayon, talagang napa-cutting classes lang ako kanina kasi may kailangan maipahuli.

..

Matutulog na sana ako pero nang chineck ko saglit yung FB ko, parang nagiging wild nanaman ang mga netizens at kung ano-anong meme ang nasa news feeds ko, karamihan shared post ni Queenie, napa-wtf ako kasi shiniship nila ako kay Rouser! Na kesho love team daw kami but nang alamin ko yung pinag-ugatan ng mga memes na to, and what the fuck! AHAHAHAHAHA!!!

Sa mismong FB page nya pinost nya to:

"Cloud Girl, meet tayo. PM moko where and when, punta agad ako"

Tang inang yan hahaha!! Halo-halo reacts eh pero mas madaming nag-HAHA at LOVE, as usual laughtrip lagi sa comment section at yun nga, memes… taeng mga memes yan. Himbis na makatulog tuloy ako ng maaga, lalo tuloy akong hindi makatulog right now. Thinking about…

Anong meron? Bakit nya gusto makipag-meet saakin?

Magrerespond ba ako?

I'm not sure pa, but ang alam ko mabait namang tao siguro si Rouser in person…

..

Kinabukasan, dito sa school syempre kasama ko nanaman yung dalawang fan ni Rouser at ni Ako I mean si Cloud Girl at talagang di sila maawat sa kakausap about nga dun sa post na yun kagabi.

"Beh laughtrip kagabi yung post ni Rouser hahahaha!!! GAGI GUSTO NYA MAKA-DATE SI CLOUD GIRL!!!" –Queenie

"Kakapost nga lang nya kaninang umaga eh, eto sabi nya oh 'Andaming nagpakilala saakin na sila daw si Cloud Girl kaso ang hirap paniwalaan kung sino yung totoo' tama nga naman kasi parang nangtitrip lang naman yung iba" –Alex

"Minessage ko nga sya sa fake account ko eh, sabi ko ako po si Cloud Girl. HAHAHAHAA!!!" –Queenie

AKO: "LUH HAHAHAHAHA!!!!"

ALEX: "The fuck?! Hahahahha!! Nireplyan ka naman?"

"Hindi. HAHAHAHAHAHA!!! Nuh ba kayo try lang naman eh" –Queenie

"Andami nga ata talagang nag-message sa kanya siguro" buti nalang di agad ako nag message sa kanya na ako si Cloud Girl

"Yung iba siguro talagang gusto lang makasama si Rouser noh, pero parang risky din move nya eh, pano kaya kung yung Cloud Girl kuno na nag-message sa kanya gusto pala sya patayin? Diba?" –Alex

"Oyyyy di ako yun ah!" –Queenie

"Kala ko ba maka-Cloud Girl ka? Hahaha!" –Alex

"Super fan nila ako both!! Sana nga eh may facebook page din si Cloud Girl hahaha! Tapos pag sya mag-aaya talaga ng ganun nakuuuuuu!! Makikipag-patayan talaga ako nyan! Dapat ako maka-date nya!! Hahahaha!!!" –Queenie

HAYYYYYY NAKO, KUNG ALAM LANG TALAGA NILA NA…. HAHAHAHAHA!!!

"Dapat di ginawa ni Rouser yun" –Opinion ko lang

"Oo nga eh, di ako basher ni Rouser noh pero parang naghakot lang sya ng reactors nang mabanggit nya si Cloud Girl eh. HAHAHAHA!" –Alex

"Bad nyo naman guys!" –Queenie

"Para kasing bumaba rating ni Rouser kasi parang Vigilante sya sa iba, while si Cloud Girl talagang legit sya eh, I mean may Superpowers sya saka ano eeeee… mas less yung violence na cause nya" –Alex

"At saan naman galing yang mga chika na yan?" –Tanong ko

"So maka-Cloud Girl kana rin? YIEEEEEEEEEEEEE!!!" –Queenie

"Ano lang, nakikita ko sa mga articles tapos mga comments sa post ng ibang tao, may sense naman eh, saka ko lang din na-realize yun. Mas sikat nga si Cloud Girl ngayun eh kesa kay Rouser" –Alex

Damn, nagkaka-knowledge ako sa dalawang to about sa comments ng mga tao saamin ni Rouser. Di ba ako masyado bayolente? I can't say kasi talagang suntok lang pang pisikalan ko eh. Yung practice ko pa nyan talagang sa bahay lang, bugbog punching bag lang. Si Rouser naman, total dalawang beses ko na sya nakasama makipag-laban talagang mas masakit sya maka-atake pero di naman to the point na nakakapatay sya ng tao.

"Uhhhhhmmmmm, may alam kayong mga downsides ni Cloud Girl? I mean mga panget or negative sa kanya?" tanong ko, kunwari di ako si Cloud Girl

"Parang wala naman eh?" –Queenie

"Sa tingin ko, ammmmmmm… di ko alam, wala rin akong idea eh. Kabaliktaran lang sya ni Rouser. Si Cloud Girl parang ayaw nya sa media eh, while si Rouser naman talagang makikita mo sya sa TV ini-interview pa nga dati eh, tapos may fb page pa sya na yun nga… biglang trending sya kasi binanggit nya si Cloud Girl. Oy di ako basher ah" –Alex

..

Then sa canteen, habang nakaen kami ng snacks nilapitan ako nung grade 4 kong nakasama kahapon.

"Yan yung kasama mo kahapon nung nag-cutting classes ka ah?! Hahaha! Hi babyyyyy! What's your name?" –Queenie

"My name is Wendell, grade 4 student" –Wendell

"Wow he is speaking in English and I'm so nosebleed hahahaha!!" –Alex

"I'm here for her, could you step aside please? I need her time?" sabi ni Wendell sa dalawa kong frenny hahahahaha!! TANGINA ENGLISH!!

"Aba taray ng batang to ah? Hahahahaha!!!" –Queenie

Ako naman "Why you want your Ate Claudine?" then lumayo kami saglit kina Queenie at Alex, parang may ibubulong sya na something secret kuno.

"Do they know that you're Cloud Girl?" –Wendell, kainis englisherong bata amp~!

"No, I won't told them yet?"

"That's good! But you messaged Rouser already?" –tanong nya nanaman

"Di ko pa sya minessage, undecided pa ako?" –pucha napatagalog nalang ako eh

"Nice, we still don't know his intensions yet. Remain calm" –Wendell

"You really care for me so much don't you?" –Ako

"Yes, because I know the truth about you. Don't worry, I'll never spread our secret" –Wendell

"Can you speak in tagalog na?"

"Opo, but I'm comfortable in speaking English ate Claudine! Basta that's for me. You have to think twice"

"You speak like you're older than me hahaha! Okay tatandaan ko yan! Salamat Wendell <3"

"My advice to you matters hehehe, welcome ate Claudine!"

NAPALABAN AKO NG ENGLISH KAY WENDELL HAHAHAHAH!! Kala ko naman kung ano yung gusto nyang pag-usapan namin, yun lang pala. Pero tama naman sya, yun din tanong ko sa sarili ko eh. Why? Bakit gustong makipag kita saakin ni Rouser?

"Taray naman ng bata mong friend beh, ininglish kami ng ganon? Natameme kami bigla ah?" –Queenie

"Wala yun, kwinento nya lang na nahawakan nya daw kamay ng crush nya tapos kilig na kilig sya. Mga bata talaga nowadays… hahaha!"

PERO KUNG MAKAPAG SALITA SAKIN SI WENDELL KANINA PARANG TATAY KO SYA OR WHAT NA ANG CONCERN NYA SAKIN.

"Sana all nahahawakan kamay ng crush nila" –Alex

"Oo nga Queenie, baka naman?"

"Sana mahawakan ko kamay ni Cloud Girl ng ganto oh!!!" sabay hinolding hands ako ni Queenie

Actually, hawak na nya kamay ni Cloud Girl hahaha!

"Parang gusto ko na din maging superhero, ayoko na maging teacher bigla ahahaha!" –Queenie

"Ako sidekick mo, kasi andito ako lagi para sayooooooo! <3" –Alex

"SANA ALL TALAGA HAHAHAHAH!!!!"

At natapos tong araw na puro tawanan at goodvibes lang kaming magkakaibigan, syempre pag lesson time, talagang focus lang sa pag-aaral. Kamiss yung gantong feeling, yung happy-happy lang kayo ng tropa mo. Di ako nagpaka superhero today hanggang sa ngayong makarating ako ng bahay. Walang danger indicator sa kaulapan eh, okay lang siguro yun.

Then sa fb page again ni Rouser, nagpost nanaman sya:

'Pano mo ako icoconvince na ikaw talaga si Cloud Girl?'

And naisip ko bigla na, the only para mapaniwala si Rouser is… etong powers ko. Dapat nyang makita to, which is ako lang ang meron neto.

But maski ako, undecided pa ako eh kung makikipag-kita ba ako or hindi, tama si Wendell sa part na di pa namin alam yung intentions nya, and yung sinabi ni Alex na mas gusto ako ng mga tao ngayon kesa sa kanya, baka aware din sya doon.

Pag-iisapan ko pa muna… basta, bawal nyang malaman na si Cloud Girl ay si Claudine Santos. So far, si Yaya Atria at Wendell pa lang nakaka-alam ng sikreto ko.

Think… think… think…

..

..

..

..

..

..

"Hayyyyysssssss… parang nawawalan na ako ng pag-asa mga pre, siguro di talaga makikipag-tulungan saakin si Cloud Girl. Alam ko, wala dito sa mga nagmemessage na to yung hinahanap natin" –Jackson Guillermo (Rouser)

"Okay lang yan boss, di kami susuko sa pag-moderate ng page. Kaya natin to" –Jolo

"Diba tayong tatlo lang naman admin neto bat parang may mali?" –Kenken

"Mukhang wala naman ah?" –Jolo

"Pahinga na muna kayo, yung iba halatang nangtotroll lang eh. Hayaan na muna natin si Cloud Girl…" –Jackson

..

..

"Good job, walang kaalam-alam si Rouser na minomonitor din natin ang official page nya, pag nag-message dito ang tunay na Cloud Girl… makikilala na natin kung sino talaga siya" –Carlos (Vanguard)

"Ipagpatuloy nyo lang yan, maaasahan ka talaga Carlos" –Sen. Xavier Dela Vega