webnovel

Close Your Eyes (TAGALOG)

It is really true that "Love is Blind". Not only figuratively, but also literally. I love him not because of his appearance. I love him because he let me feel that i am loved by someone. -*-*- Errors ahead! Credits to the awesome artist that made the picture. I just added some texts to it. -Mie

Jamie_Yuri · Urbano
Classificações insuficientes
6 Chs

Chapter 6: Stargazing

NAGISING ako dahil sa malamig na hangin na bumabalot saaking katawan. Wari ko'y gabi na sa mga oras na ito.

I don't know what have gotten to me at pinilit kong tumayo. Kahit paningin lang ang nawala saakin ay parang pati katawan ko ay naglaho rin. Paika ika akong naglalakad at parang babagsak na ano mang oras.

Nararamdaman ko na ang doorknob nang biglang bumukas ang pintuan na naging sanhi ng pagkahulog ko. What the?! Ang sakit ng pang upo ko.

"Hey? Jewel? Ayos ka lang?" tanong ni Krayton na mahihimigan ang pag aalala sa boses niya. Ayos ba ako sa lagay na ito?

"Oo, grabe! Sobrang maayos ako." sarkastiko kong saad. Common sense naman Krayton! Pag ako nainis sayo sasapakin kita. Hayst!

"Halika nga dito. Tulungan na kitang makatayo at makabalik sa higaan mo. Dahan dahan lang ah."

Maingat niya akong inalalayan at iniupo sa higaan ko. Parang lalong sumakit buong katawan ko ah.

"Sayang naman. Hindi pa tayo pwede gumala sa ngayon. Nananakit pa ang katawan mo." nanghihinayang na sabi niya. Pakiramdam ko nakanguso niya itong sinasabi. Hindi ko alam kung paano ko ito naisip. Myghadd! Ano na ang nangyari sayo Jewel?!

"Uhm, pwede ba kahit lumabas lang tayo saglit. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin eh." Pagpilit ko sakanya. Sana pumayag siya. Nakakabored kasi dito sa kwarto.

"Sige, upo ka nalang sa wheelchair mo para di ka mahirapan." saad niya. May wheelchair pala ako pero ayaw naman ako palabasin.

"Di mo sinabing may wheelchair pala ako edi sana di na kita naabala at mag isa nalang akong lumabas." Nagtatampong panunumbat ko dito. Ang daya eh!

"Hindi ka naman nakakaabala eh. Lika na. Labas na tayo." Tugon niya at pinaupo sa wheel chair saka tinulak palabas.

"We are here at your garden. Mas sariwa ang hangin dito." Saad niya.

I looked up eventhough i can't see anything. Naiinis ako dahil hindi ko na makikita ang magagandang bituin sa langit pati na rin ang buwan. I really loved them since i was a kid. I thought they were a soldiers that are ready to protect me.

"Can you describe the sky right now?" I asked. Gusto ko talagang makita kung anong meron sa magandang kalangitan ngayon.

"The moon is shining so brightly while there is only a few stars that twinkles." He said meaningfully. Parang may iba pang kahulugan ang mga sinabi niya.

"Alam mo kung ano pa ang kumikinang?" He asked.

"What?"

"Your eyes" maiksing saad niya.

"It shines and twinkles beautifully but it is coated with sadness. If only i can erase those." Dugtong niya.

I will let you erase them but only if you can. I really hope so.