webnovel

Chasing the Serene

Dana, a loud and cheerful student of ABM, met Clyde, a quiet student of ABM, and started chasing him just to get his attention. *** A KATHNIEL FANFIC! Please support my first story here in webnovel. Thank you!

jaeun · Celebridades
Classificações insuficientes
17 Chs

Chapter 13

"Girlfriend na kita? Boyfriend mo na 'ko?"

Tumango ako kay Clyde. Ilang beses na ba niya 'tong tinanong ngayong araw? Nakakaasar na rin ha! Ngayon, nararamdaman ko na rin kung ano 'yung pakiramdam niya habang kinukulit siya noon.

"Totoo ba talaga?" Ang kulit! Tumawa na lamang ako at hinarap siya. Nakabuntot kasi siya sa'kin ngayon habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

"Ayaw mo?" Taas kilay kong tanong. Lumapit siya kaagad sa'kin at niyakap ako sa bewang.

"Hindi sa ganoon," malambing niyang sabi. "Nakakagulat lang talaga, iniwan mo kasi ako kagabi doon pagkatapos mong sabihin na mahal mo rin ako.

Malakas akong tumawa at hinila na siya papunta sa kotse niya. Kung ano-ano pa kasi ang sinasabi, mas maganda kung masanay na siya.

"Sa inyo muna tayo?" Sabi niya kasi ipapakilala na niya ako kila Tita as girlfriend niya kaya sabi ko 'yun rin sana ang balak ko ngayon.

"Anong mas gusto mo?" Tanong niya rin pabalik sa'kin.

Gusto ko sana ngayon ko na siya maipakilala kaso baka hindi umuwi ng maaga ngayon sila Daddy kaya sige, sa kanila na lang muna.

"Sige, sa inyo na lang,"

Hindi na siya nagsalita at pinagbuksan na ako ng pinto. Buong byahe ay wala lang sa amin nagsasalita kaya pagdating namin sa bahay nila ay bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko naman first tine na pumunta rito pero bakit kinakabahan ako? Siguro dahil ipapakilala na ako ni Clyde as girlfriend!

"Let's go. They're waiting for us," hinawakan niya 'yung kamay ko at sabay kaming naglakad papasok sa bahay nila.

"Ate!" Tumakbo sa'kin papalapit si Calvin kaya umupo ako para magkapantay kami. Hawak pa rin ni Clyde ang isang kamay ko, ayaw bitawan kahit nagpapabuhat ang kapatid niya sa'kin.

Kaya ang ginawa ko ay binuhat ko na lang si Calvin gamit ang isang braso ko. Napatingin ako sa hagdan nila nang makita kong pababa roon si Ate Caily habang nakangiti sa amin.

"Dana," she said while walking towards us. She kissed my cheeks before kissing Clyde's cheeks too.

"Nandyan na sila Mommy?" Tumango si Ate Cailyn at kukunin na sana sa'kin si Calvin pero agad siyang umiling sa Ate niya.

"Calvin," umiling lang ulit si Calvin kahit si Clyde na 'yung kumukuha sa kanya.

"Okay lang," tumawa ako at hinayaan na nila akong buhatin ang bata. Ang tagal rin naman kasi naming hindi nagkita kaya ganito na lang din siguro sa'kin ang bata.

"Tara na," hinila na ako ni Clyde papunta sa dining nila at nakita ko roon na nagluluto si Tito habang si Tita ay pinapanood lang si Tito.

"Mom," napalingon si Tita sa amin at agad sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Lumapit siya sa amin agad akong hinalikan sa pisngi.

"Calvin, pinapahirapan mo na naman ang Ate Dana mo," ngumuso si Calvin dahil sa sinabi ng ina pero hindi pa rin siya bumaba sa'kin.

"Okay lang po, Tita," sabi ko na lang. Pinaghila ako ng upuan ni Clyde kaya naupo ako doon at pinaupo sa lap ko si Calvin.

"Ano pala 'yung sasabihin mo, Clyde?" Natigil tuloy ako sa pakikipaglaro kay Calvin at biglang tumingin kay Clyde na tumingin rin sa'kin. He reached for my hands at pinakita 'yon kila Tita.

"Kami na po," he calmly said.

Muntik ko pang mabitawan si Calvin sa biglang pagsigaw ni Tita at Ate Cai. Napaharap tuloy sa kanila si Tito at tinanong kung anong nangyari sa kanila. Alam kong narinig ni Tito ang sinabi ni Clyde dahil nakangiti ito nang harapin niya sila Tita.

Wala namang kaalam-alam si Calvin sa pinag-uusapan namin kaya nagtataka lang siyang nakatingin sa amin habang hawak niya 'yung cellphone ko at nanunuod na naman doon ng pambatang videos.

"Kailan pa?" Curious na tanong ni Ate Cailyn. Binaba ni Clyde ang kamay naming dalawa at tumingin sa'kin, senyales na ako ang sumagot.

"Kahapon ko lang po siya sinagot," awkward akong ngumiti sa kanila dahil nahihiya ako. Sino bang hindi? Kahit naman makapal ang mukha ko at maharot, may natitira pa rin naman akong kahihiyan.

"Super happy ako for the both of you!" Kinikilig na sabi ni Tita. Natatawa na lang tuloy ako sa kanya at ganoon din kay Ate Cailyn.

Nang matapos si Tito na magluto ay agad niyang inihanda ang nilutong ulam kaya masaya kaming kumain ng hapunan. Hindi na rin sa lap ko naka-upo si Calvin at doon na sa tabi ko. Tulad nung nasa bahay kami ay minsan sinusubuan ko si Calvin.

"Hatid ko lang po siya," paalam ni Clyde. I bid them goodbye before following Clyde who was getting his car keys.

Nang makarating na kami sa bahay, humalik muna ako sa pisngi niya bago bumaba sa kotse.

"Wait up, babe," agad nag-init ang pisngi ko dahil sa tinawag niya sa'kin. Marupok ako! "Are you free this friday?"

Tumango ako. "Why?"

"Nothing. Ipagpapaalam kita kila Tita," he said before kissing me on my cheeks and nose. Hindi ako nakapagsalita at natulala lang doon.

"Anong oras tayo pupunta roon?"

Hindi ko kasi alam kung anong oras kami pupunta kila Jiro. Ito pala 'yung dahilan niya kung bakit niya 'ko tinanong kung free ako ngayong Friday kasi magchi-chill silang barkada.

Sabi kasi ni Clyde, nag-aya raw ng mini reunion si Evan dahil ilang buwan na silang hindi nagkikita. Naging busy raw kasi sila sa pag-aaral kaya 'yun naisipin nila.

"I don't know, it's up to them kung anong oras sila magpapasundo." He answered, eyes closed. I looked at my phone to see what time is it and it's already 6:40 PM. Baka mga 7 PM na sila magpasundo.

Nandito na kami sa kanila, sa living room. Naka-upo ako sa sofa na hinihigaan niya habang nakayakap siya sa bewang ko. Wala naman si Tito at Tita dahil nasa trabaho pa tapos si Calvin ay tulog na kasi maaga siyang pinatulog ni Clyde.

Tumunog ang cellphone ni Clyde kaya binukas niya ang mata niya at tinignan ang nagtext sa kanya. Sinilip ko rin 'yon at nakita ang text ni Evan sa kanya.

From: Evan

Bro, sunduin mo na kami

Nagsend lang si Clyde ng 'Okay' bago niya 'ko hinila patayo. Feeling ko naman ay magkakasya kami sa sasakyan na dadalhin ni Clyde dahil base sa kanya ay kasama rin daw nila Evan ang kanilang girlfriends.

Kailan ko lang din nalaman na girlfriend na pala ni Evan 'yung nakita kong kasama niya noon sa library.

"Sila Evan muna susunduin natin," tumango lang ako at kinuha ang plastic bottle sa cup holder niya para uminom roon. Gawa ko lang din 'to kanina 'no.

Nakarating kami kila Evan at kaagad niyang binuksan ang pinto sa backseat. "Yo, Dana,"

I nodded at Evan. Kumaway ako kay Flare na ngumiti lang sa'kin, doon siya sa may bintana nakapwesto.

"Sino sunod?" Umalis na kami kila Evan at hindi ko na alam kung saan kami napunta ngayon. "Si Achi na ba?"

"Ikaw lang bahala," sagot naman ni Evan sa kanya.

May kumalabit sa likod ko kaya lumingon ako. "How are you?"

"Better," tumawa ako kaya tumawa rin siya. Buti na lang medyo madaldal 'tong si Flare kaya habang naandar ang sasakyan ay may kausap ako.

Huminto ang sasakyan kaya napatigil kami ni Flare sa pag-uusap. Bumusina si Clyde kaya napatingin kami ni Flare sa labas. Bumaba si Evan gamit ang kabilang pinto at sinalubong ang kaibigan na may kasama.

Nakita kong nagkamayan pa sila roon bago dumeretso dito sa kotse.

"Flare si Achi," pakilala ni Evan sa kaibigan. Kilala ko na siya dahil pinakilala na siya sa'kin ni Evan noong birthday ni Kyle. "Achi si Flare, girlfriend ko."

Ngumiti si Achi at hinapit papalapit sa kanya ang kasamang babae. "Si Thalia, girlfriend ko."

"Hi, I'm Flare." Kumaway si Flare at ngumiti ng maliit. Tumingin naman sa'kin si Thalia kaya ngumiti rin ako.

"Dana," I said. Kinalabit ko si Clyde kaya tumingin siya sa'kin. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil nagmumukha siyang rude kay Thalia.

"And that's Clyde, ang pinakamaingay sa amin," natatawang pagpapakilala sa kanya ni Achi.

Natawa nang mahina si Thalia at doon rin siya naka-pwesto sa tabi ng bintana kaya ang magkatabi ay si Evan at Achi.

"Okay, sila Nico na." Mabilis ulit na pinatakbo ni Clyde ang sasakyan at maya maya lang rin ay nakarating na kami sa isang malaking bahay.

Bumusina ulit si Clyde at lumabas na si Nico na may kasamang babae. Magkahawak kamay pa silang lumabas sa bahay at kumatok naman si Nico sa bintana ni Clyde.

"Long time no see, bro," nakangising bati niya kay Clyde. "Si Xyrille, girlfriend ko,"

"Hi," bati ni Clyde bago bumaling sa'kin. "Si Dana, girlfriend ko,"

"Baba muna tayo, babe," rinig kong bulong ni Evan kay Flare kaya binuksan ni Flare ang pinto at bumaba silang pareho. Bumaba rin si Clyde para ibaba ang upuan sa likod.

Nang matapos sila roon ay mabilis naming tinahak ang hindi pamilyar na daan. Naging maingay rin sila sa kotse dahil sa pagkukwentuhan nilang mga lalaki. Nakikisabay rin kaming mga babae sa kwentuhan nila at minsan ay tumatawa.

"Tanong niyo kay Jiro kung pwede na ba," sabi ni Evan kaya nilabas naman ni Nico ang kanyang cellphone.

"Nakalimutan pa ata niya itong plano! Magpapaalam pa lang kay Tita." Reklamo niya nang mabasa niya siguro ang reply sa kanya.

"Open kayo dali!" Naglabasan naman sila ng cellphone. Binigay sa'kin ni Clyde ang cellphone niya kaya napatingin ako roon. Sumulyap siya sa'kin at tinanguan. Kinuha ko naman 'yon at agad na binuksan para tignan ang group chat nilang magkakaibigan.

Jiro: San na kayo mga ugok?

Achi: Pakyu, papunta na kami.

Evan: Hayop ka talaga, Jiro! Bakit mo nakalimutan 'to? Handang-handa pa naman na kami.

Jiro: Sorry, may nakasama lang.

Achi: Aba! Aba! At meron ka ng babae ngayon ha?

Jiro: Reyna ko 'yon, taena ka. Si Clyde ba nagd-drive?

Achi: Oo, nagpasundo na lang kami. Kasama niya girlfriend niya.

Evan: Tanga, parang ikaw wala.

Nico: Ingay niyo, may mga kasama rin naman kayo.

Evan: Parang siya wala.

Jiro: Epal niyo, ipakilala niyo na mga girlfriend niyo.

"Sabihin niyo malapit na tayo," biglang sabi ni Clyde.

Nico: Lapit na kami, Ji. Maghintay ka na sa labas.

Maya maya ay nakarating na kami sa isang bahay at may naghihintay na roon na isang lalaki, siya na yata 'yung Jiro. Naunang bumaba si Evan at Flare, sumunod si Nico at Xyrille, sunod ni Achi at Thalia at huli kami ni Clyde.

"Ji!" Sigaw ni Evan at lumapit sa kaibigan. "Girlfriend ko nga pala, si Flare."

Hinila rin ako palapit ni Clyde kay Jiro. "Si Dana nga pala, girlfriend ko." Nilahad ko ang kamay ko at nagpakilala naman siya bago niya tanggapin 'yung kamay ko.

Mas matangkad ng kaunti si Clyde kay Jiro. Matangos rin ang ilong ni Jiro at hindi masungit tignan, hindu tulad ni Clyde. Sa kanilang magkakaibigan, ang pinakamaliit sa kanila ay si Nico pero hindi naman siya ganoong kaliit, matangkad pa rin naman siya.

Pagkatapos magpakilala ng mga babae kay Jiro ay pinapasok na niya kami sa loob. Nang makapsok kami ay tumigil kami sa living room at sinabi niyang tatawagin niya lamang ang Mama at Papa niya kaya naiwan kaming walo doon.

"You okay here? Hindi ka ba naaawkward-an?" Bulong sa'kin ni Clyde.

"Yeah, I'm okay. Your friends nice and of course, their girlfriends too," ngumiti ako sa kanya at may sasabihin pa sana pero may bumaba ng halos kasing edad lang nila Mommy.

"Tita, Tito, long time no see po," bati agad ni Clyde at lumapit sa mag-asawa. Ganoon rin ang ginawa nila Achi bago sila humalik sa pisngi nung kanilang Tita.

Pinakilala rin kami isa-isa at ngumiti rin sa amin ang Mama ni Jiro bago sabihin na Tita na lang rin ang itawag namin sa kanya. Sinabi sa amin ni Tita na may ipapakilala raw sa amin si Jiro pero hindi na niya natuloy 'yung huling pangalanan dahil pababa na sil Jiro na may kasamang dalawang babae.

Pinakilala niya sa amin 'yung kapatid niyang babae na si Claire at 'yung nililigawan niya na si Lorraine. Nang magpaalam na si Lorraine ay hindi ko mapigilan ang bibig ko.

"She's beautiful, Jiro." Napatingin sa'kin si Jiro at ngumiti.

"I know." Mahinang sabi niya pero rinig naming lahat. "Okay, tara na magsimula!"

Naging maingay kami roon habang nagkukwentuhan kami. Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan si Clyde na maasar habang nagkukwento si Evan ng mga kalokohan nila noong junior high. Napatingin ako sa oras nang makita kong bumaba na si Lorraine, malapit na 12 AM.

"Girls talk?" Tumayo kaming mga babae para pumunta sa kusina nila Jiro. May mga dala rin kaming alak, pero hindi naman 'yung isang bote. Tig-iisa kaming baso.

Napag-usapan namin kung paano kami mga nagkakakilala hanggang sa napagdesisyonan naming bumalik na lang doon para tignan kung ano na ang lagay nung mga lalaki.

Nang lumapit ako kay Clyde ay buti na lang hindi siya lasing kasi ang balak sana ay siya ulit ang magdadrive pauwi pero parang hindi na kaya pa nung tatlo na umuwi kaya ang suggest ni Lorraine ay dito na lang kami patulugin, sa guest room ng bahay nila Jiro.

"Are you happy?" Tanong niya sa'kin habang nakayakap sa likod ko. I leaned on him as I closed my eyes.

"Very happy. Thank you so much for making me happy, Clyde."

"No worries. It's my job to make you happy." He kissed my temple. "I love you."

________________________________________________________________________________________________________________

.