webnovel

Chasing the Serene

Dana, a loud and cheerful student of ABM, met Clyde, a quiet student of ABM, and started chasing him just to get his attention. *** A KATHNIEL FANFIC! Please support my first story here in webnovel. Thank you!

jaeun · Celebridades
Classificações insuficientes
17 Chs

Chapter 12

"Kamusta tayo dyan, Dana? Balita ko masaya ang love life mo ah?"

Tumawa ako nang malakas. Nandito kami ngayon sa bahay nil Ella dahil naisipan nilang mag-bonding ulit tutal ay Saturday lang din naman.

"Hanap ko kayo," biro ko.

"Huwag na, sis. Baka magselos pa 'yang boylet mo," natatawang sabi ni Lia. Umupo sa tabi niya si Una at kumuha ng kinakain niyang chips.

"Mag-bukas ka nga ng sa'yo!" Nilayo ni Lia ang chips niya kaya inirapan siya ni Una.

"Damot, punyeta," tumayo tuloy si Una at naupo sa tabi ko.

"Oo nga, kami na lang hahanap sa sarili namin." Tumawa ako nang pumatong si Chelsea kay Ella na nakadapa sa kama niya.

"Aray, putaena!" Reklamo niya agad. Mukha siyang hirap na hirap na sa pwesto niya kaya tumayo na si Chelsea at lumayo kay Ella bago pa siya nito mahampas ng unan.

"Share ko lang, may lumalandi pala dyan kay Lia." Tumawa si Una na parang may naalalang nakakatawang pangyayari. Nacurious tuloy kami kung ano 'yon! Paano ba naman kasi, magkaschool kasi si Lia at Una pero magkaiba rin sila ng strand.

"Who's the unlucky guy?" Curious na tanong ni Ella. Tumawa ako dahil sa sinabi niya. Unlucky guy! Haha!

"Anong unlucky? Gaga! Lucky siya, girl!" Giit naman ni Lia.

"Bakit naging lucky 'yon? Kami nga hindi ka natatagalan sa sobrang kaingayan!" Mas lalo akong natawa sa sinabi ni Chelsea. Ako rin naman maingay pero bakit siya ang pinagtutulungan nila?

"Kasi siya si Lucky!" Hindi na yata sila nagkakaintindihan dahil ang gulo-gulo nila mag-usap. Hindi na ako nakisama pa sa pang-aasar nila kay Lia, baka mamaya ako naman ang pagdiskitahan nila.

"Lucky kasi ang pangalan nung lalaki," paliwanag ni Una kaya napatango 'yung dalawa.

"Lucky nga," tumango-tango pa sila bago humilata sa kama ni Ella. Natigil na rin sila sa pang-aasar kay Lia at nag-iba na ng topic. Uminom ako ng tubig na nasa side table ni Ella at pinatong ulit doon ang baso pagkatapos.

"Okay, Dana. Hindi mo pa sinasagot ang tanong namin," lumingon ako kay Lia nang siya ang magsalita.

"Oo nga! Bakit kasi lumayo tayo?" Umiling ako sa kalokohan nila.

"Wala, masaya." Sagot ko na lang.

"Sana all!" Nagsigawan sila kaya umingay na naman sa kwarto. Buti nga hindi nagagalit sa amin si Tita dahil sa sobrang kaingayan namin at buti na lang ay hindi pa gabi.

"Kailan mo balak sagutin?" Nagkibit balikat ako bilang sagot kay Una. Hindi ko pa alam, humahanap pa ako ng tyempo.

"Hindi panliligaw ang pinatatagal, sis! Relasyon!" Tumawa ako sa sinabi ni Chelsea. Alam ko naman 'yon.

"Oo, hahanap lang ako ng tyempo." Sabi ko na lang sa kanila.

"Suggest ko lang. Sagutin mo siya habang nakasakay kayo sa kotse niya! Bago ka bumaba ganon!" Nakataas pa ang kamay ni Lia habang sinasabi niya 'yan.

"Ako! Ako! Suggest ko naman, sagutin mo siya habang nandoon ka sa bahay nila o kaya sa bahay niyo!" Sabi naman ni Ella pagkatapos niyang bumangon sa kama niya.

"Hindi! Kausapin mo kaya si Calvin tapos surprise niyo Kuya niya ganon!" Tumawa nang malakas si Chelsea sa suggestion niya.

"Or mas maganda kapag sinabihan ka na ng 'I love you' sis! Sabihan mo rin ng 'I love you too'! Diba ganon 'yung sabi mo? Sasagutin mo lang ang isang tao kapag sinabi na niyang mahal ka niya?" Sabi naman ni Una sa tabi ko.

Why not diba?

Wala kaming balak na umuwing apat kaya ang nangyari ay nag-sleep over kami kila Ella. Buti na lang lagibg prepared 'tong si Ella at may mga damit kaming naiwan dito sa kanila kaya walang hassle sa amin.

Kinabukasan, nag-text ako kay Calvin na nandoon ako kila Ella kaya huwag na muna siyang magpunta sa bahay. Sabi niya kasi ay lalabas kami ngayon at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Uwi na 'ko, may pupuntahan pa kami ni Clyde." Paalam ko sa apat. Ngayon, ako naman ang mauuna sa kanilang tatlo na umuwi. Nagpasundo na rin ako kay Manong at nandoon na siya ngauon sa labas.

"Pasalubong," habol ni Lia.

"Sige, ano ba gusto mo?" Sinakyan ko ang trip niya.

"Lalaki," tumawa ako.

"Wala kang makukuha na ganon sa'kin pagbalik ko," nilabas ko ang dila ko sa kanya at kumaway na sa kanilang apat. Tumawa pa sila bago ako tuluyang makalabas sa bahay.

Sumakay ako sa kotse at mabilis naman na pintakbo ni Manong ang kotse. Pagdating sa bahay ay dali-dali akong dumeretso sa kwarto ko para makaligo na. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya nagsuot lang ako ng black shorts at oversized na shirt, pastel color. Sinuot ko rin 'yung black kong rubber shoes at nagmedyas ng kakulay ng damit ko.

Binuksan ko ang phone ko nang tumunog 'yon.

From: Clyde

Hey, I'm already here. You done?

To: Clyde

Yeah, just a minute

Binilisan ko na lang ang pagma-make up, lip tint at blush on lang ang nilagay ko kaya natapos lang rin ako kaagad. Bumaba ako at nakita ko roon si Clyde na naghihintay sa labas ng kotse niya. Sinalubong niya 'ko nang halik sa noo kaya napangiti kaagad ako.

"I miss you," he said after the kiss. Tumawa ako kahit kahapon lang kami hindi nagkita. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at agad na sumakay sa kotse.

"Sa resthouse namin tayo pupunta," sabi ni Clyde.

"Saan 'yon?" Tanong ko habang hinahanap sa bag ko 'yung cellphone.

"Cavite," sagot niya. Nang makita ko ang cellphone ko ay binukas ko ulit ang instagram ko para mag-story. I took a photo of him and wrote a caption.

'To Cavite'

Pinatay ko na ang cellphone ko, baka may mga magreply na naman lamang doon sa story ko.

"Did you eat?" Umiling ako.

"Okay, dadaan na lang ako sa drive-thru. What do you want?" Nag-isip ako ng kakainin ko.

"Burger and drinks na lang," I said.

Hindi na siya nagsalita at dumaan na sa unang drive-thru na nakita niya. He ordered burger and drinks, sa'kin ay float habang 'yung sa kanya ay tubig lang.

"Ako na," inayos ko 'yung cup holder dahil may mga laman 'yon.

Nang maayos ko na, nilagay niya roon 'yung drinks namin at binigay naman niya sa'kin 'yung paper bag. Binuksan ko 'yon at agad kinuha 'yung isang burger para makakain siya. Ako na ang naghawak nung sa kanya dahil baka mahirapan pa siyang mag-drive.

Ang isang kamay niya ay nagdadrive habang 'yung isa nasa gear kaya pinapakagat ko na lang siya nung burger. Hawak ko rin sa isang kamay ko 'yung akin at minsan ay binaba ko para uminom nung float ko.

"Thanks," maikling sabi niya.

Walang traffic kaya mabilis lang kaming nakarating sa Cavite pero mukhang medyo malayo pa ang resthouse nila kaya tumahimik na lang ako habang naglalaro sa cellphone ko. Nang ihinto na niya ang kotse ay saka lamang ako tumingin sa labas.

Napatitig ako sa bahay na nasa harapan namin ngayon. Ang ganda! Modern na modern ang dating niya kaya halos mapapatitig ka talaga dito. Bumaba si Clyde kaya sumunod ako sa kanya. Binuksan niya ang gate kaya kaagad akong sumunod ulit.

"Ang ganda," komento ko.

"Si Mommy ang nagdesign nito," sabi niya. My mouth formed an 'o' while nodding.

"Tita's good," Ginala ko ang mata ko sa loob ng bahay at namamangha talaga ako sa ganda ng bahay. Sana ganito rin ang maging bahay ko in the future!

"Anong gusto mo sa lunch?" Tanong niya sa'kin habang naglalakad papunta sa kusina. Kumunot ang noo ko, maaga pa para sa lunch ah? Pero sige, dahil nagtanong siya gusto ko ng tinola!

"Bakit? Magluluto ka?" Nang-aasar ko na tanong. Marunong siya?

"Yeah," umirap siya sa'kin, alam ang iniisip ko. "Do I look like who didn't know how to cook?"

"I didn't say that," depensa ko at tinaas pa ang dalawang kamay. "Tinola na lang lutuin mo,"

"Okay," he said before taking the chicken out of the fridge. Nilagay niya sa tubig 'yon para lumambot at agad siyang naghiwa roon ng mga sahog.

Pinapanood ko lang siyang magluto at minsan ay pinatitikim niya sa'kin 'yung sabaw para daw alam niya kung tama na sa'kin 'yung lasa o hindi. Nang matapos siya roon ay agad akong tumayo at naglagay ng kanina sa pinggan.

"Is it good?" Hindi kasi ako nagsasalita kanina habang tinatanong niya 'ko nung lasa nung luto niya. Ngayon na nakain kami ay hindi pa rin siya tumigil.

"Yeah," ngumiti ako sa kanya kaya huminga siya nang malalim dahilan para mapatawa ako. He's a good cook! "Sino nagturo sa'yo?"

"Daddy," napataas ang kilay ko roon. Akala ko si Tita!

"Seryoso?" Tumawa siya sa reaksyon ko.

"Oo nga," natawa ulit siya kasi hindi talaga ako makapaniwala. Akala ko talaga si Tita ang nagturo sa kanya. "Mom is uh... Bad cook."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi dahil sa itsura. Para bang may naalala siyang hindi kaaya-aya sa kanyang paningin.

"I remember, she once cooked adobong manok but it turned out to be sour. Kaya ang nangyari ay si Daddy na lang ang nagluto habang nakanguso sa kanya si Mommy." Ang cute naman!

Tumawa na lang ako at tinapos na ang pagkain. Nang matapos na kami pareho ay niligpit na namin ang aming pinagkainan bago kami dumeretso sa veranda ng bahay.

Mainit roon kaya naisipan lang din namin na pumasok kaagad. Tumaas siya kasi may kukunin daw siya roon, hindi ko alam kung ano. Pagbaba niya ay may dala na siyang album, baka photo album.

"Here," binigay niya sa'kin 'yung hawak niya na kaagad ko namang binuksan. Unang page pa lang ay baby pictures na ang nakita ko. Ang cute!

"Ikaw 'to or si Calvin?" Tinuro ko 'yung picture na naka-superman costume. Magkamukha kasi sila ni Calvin nung bata kaya hindi ko alam kung sino 'yon.

"Ako 'yan," he answered. "Ito, 'yan si Calvin." Tinuro niya 'yung katabi nung picture niya.

"Hala!" Napatakip ako sa bibig ko. "He's so cute!"

Calvin was a chubby baby! Hindi halata! Ngayon kasi sakto lang 'yung weight niya sa edad niya kaya hindi ko napansin.

"Marami pa 'yan," binuklat ko lang 'yung photo album at minsan ay tinatanong ko sa kanya kung anong edad niya roon o ni Calvin o ni Ate Cailyn. Simula yata pagkabata, hindi yata naranasan ni Ate Cailyn na maging insecure sa sarili niya kasi ang ganda-gands niya talaga.

"Wala na?" Tanong ko nang makita kong last na picture na 'yung kay Clyde. Tumango siya sa'kin.

"Nasa bahay na 'yung iba," sabi niya sa'kin at kinuha na 'yung photo album. Binalik na niya 'yon sa pinagkunan niya at doon na lang kami sa living room nagpalipas ng oras.

Nang maghapon na ay umalis na kami roon. Medyo traffic kaya naman halos maggagabi na nang makarating kami sa bahay. Nagpaalam na ako sa kanya bago pa ako bumaba sa kotse niya.

Kinabukasan, pagpasok ko sa room ay wala pa si Jean. Minsan, maagang napasok si Jean pero kadalasan ay medyo nahuhuli siya. Mabilis na natapos ang araw at hapon na naman.

"Sumunod ka lang sa'kin! Huwag ka na magtanong!"

Kanina pa kami tumatakbo ni Jean palabas ng school. Hindi ko rin alam kung nasaan si Clyde kasi paglabas pa lang nung last teacher namin ay hinila na kaagad ako ni Jean palabas. Maski si Evan hindi ko rin alam kung nasaan!

"Hindi ko alam kung anong plano mo pero saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Hindi niya 'ko sinagot kaya hinayaan ko na lang siyang hatakin ako.

"Sakay ka na, sis." Huminto kami sa kotse ni Clyde pero wala naman doon si Clyde. Binigay niya sa'kin ang susi ni Clyde kaya naman kinuha ko 'yon kahit nagtataka ako.

"Ano bang meron?" Curious na talaga ako! Ano tatanungin na ba 'ko ni Clyde na maging girlfriend niya? Kung ganoon nga, uunahan ko na siya.

"Basta, sumakay ka na lang dyan." Wala na akong nagawa kaya sumakay na lang ako. Isang 'I love you' mo lang, Clyde. Sasagutin na kita.

To: Clyde

Where are you?

Sinend ko ang text ko at naghintay ng ilang segundo bago ko mareceive ang reply niya.

From: Clyde

Malapit na 'ko, may binili lang

To: Clyde

Okay, nandito ako sa kotse mo. Binigay sa'kin ni Jean 'yung susi

From: Clyde

Yeah, I asked her to gave it to you

Kumunot ang noo ko, ano ba talaga ang plano nito?

Napatingin ako sa harapan nang makita ko siyang naglalakad na papalapit sa kotse niya. May dala siyang isang rose at may nakalagay pa roon na ribbon. Natawa ako dahil parang alam ko na talaga ang plano niya.

"Flowers," binigay niya sa'kin 'yung bulaklak pagkabukas pa lang niya nung pinto sa driver's seat.

Come on, Clyde. Say it.

"Tara na?" Tanong ko pagkatapos kong tanggapin 'yung bulaklak na binigay. Ngumiti siya sa'kin ng tipid at sumakay na sa kotse.

Mabilis siyang nagdrive papunta sa bahay habang tahimik lang kami. Pinaglalaruan ko 'yung bulaklak na binigay niya at minsan naman ay inaamoy ko. First time kong makatanggap ng bulaklak.

"Okay ka lang?" Pansin ko kasing hindi siya mapakali habang nagdadrive. May gusto yata siyang sabihin

Umiling lang siya sa'kin kaya hindi ko na lanh pinansin. Pagdating sa bahay ay pababa na sana ako pero hinawakan niya 'ko sa braso.

"Hey," sabi niya nang hindi nakatingin sa mga mata ko. Hinawakan ko ang mukha niya at tumingin ako nang deretso sa mata niya, hinihintay ang sasabihin niya.

"I love you," he finally said it. Ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. I kissed his cheeks before leaning on his ears.

"I love you too."

________________________________________________________________________________________________________________

.