webnovel

Chasing the Serene

Dana, a loud and cheerful student of ABM, met Clyde, a quiet student of ABM, and started chasing him just to get his attention. *** A KATHNIEL FANFIC! Please support my first story here in webnovel. Thank you!

jaeun · Celebridades
Classificações insuficientes
17 Chs

Chapter 05

"How did you know my father, Clyde?"

It's the nth time I asked Clyde that question but he still did not bother to look or answer me. Kahit ganon, hindi ko talaga siya tinigilan na sundan. Kahit nga nung nag-aaral din kami, hindi ko maalis sa isip ko kung paano niya nakilala si Daddy.

Okay, hindi ko naman kasi nagawang tanungin si Daddy dahil baka kung ano na lang ang isipin niya kaya minabuti kong sa kanya na lang itanong.

"Stop following me," naiinis niyang sabi sa akin at mas binilisan pa ang paglalakad. Syempre, hindi ako nagpatalo at binilisan ko rin ang lakad ko.

"No, not until you answer me," pagmamatigas ko. Kahit anong pilit niyang pagtataboy sa akin ay hindi ko ginagawa dahil gusto ko talagang malaman kung paano niya nakilala si Daddy.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad habang ako ay nakasunod pa rin sa kanya. Uwian na kasi kaya malakas ang loob kong sundan siya sa kung saan man siya magpunta, isang text o tawag ko kay Manong may sundo na ako.

"Clyde!" Nasigaw ko na lang tuloy 'yung pangalan niya habang nakasunod pa rin ako sa kanya. Naka-labas na kami sa school pero patuloy pa rin siya sa paglalakad at patuloy ko lang rin naman siyang sinusundan. "Saan ka ba pupunta?"

Hindi pa rin niya ako sinagot at kung saan-saan lang siya nagsusuot kaya hindi ko na alam kung nasaan kami ngayon. Ano ba 'tong ginagawa nitong lalaki na 'to ha?!

"Really, Clyde!" Nagpunas ako ng pawis ko sa noo dahil kanina pa kami naglalakad at mukhang wala siyang balak na huminto. "Hindi ako mapapagod na sundan ka, bwisit,"

Maya maya ay huminto siya sa isang bahay at binuksan ang gate noon. Nanlaki ang mata ko at biglang napahinto, wala naman sa plano 'to! He looked at me and smirked.

"Shit," bulong ko at agad na tumalikod sa kanya. Aalis na ako! Mabilis akong naglakad pabalik kung saan kami galing kanina pero napahinto ako dahil hindi ko kabisado 'yung daan kanina.

"Where are you going?" Napalingon ako kay Clyde nung magsalita siya sa likod ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, nakapamulsa rin ang dalawa niyang kamay habang nakasabit pa rin sa kanang balikat 'yung bag niya.

"Uuwi na 'ko," sabi ko at tumalikod na ulit sa kanya. Maglalakad na sana ako pero bigla niyang hinawakan 'yung kaliwang braso ko.

"Hindi mo alam 'yung daan," sabi niya sa'kin kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Akala ko ba gusto mong malaman kung paano ko nakilala Daddy mo?"

Nagliwanag ang mukha ko at humarap sa kanya. Akala ko hindi niya talaga ako sasagutin! Thank God! May makukuha rin pala ako sa pagsunod ko sa kanya dito.

"Finally, you're going to answer me," hindi ko intensyon na alisin 'yung hawak niya sa braso ko pero dahil sa pagtaas ko ng kamay ko para punasan 'yung pawis ko ay naalis 'yung hawak niya. "Kailangan pa pala na umabot tayo sa bahay niyo, sana sinabi mo para sana nakapag-prepare ako sa meet the parents and siblings."

Biro lang.

"Then prepare yourself habang hindi ka pa nakakapasok," nagkibit balikat siya kaya pinaypay ko 'yung kamay ko sa mukha ko.

"Dahan-dahan naman," biro ko pa rin. Parang naninibago ako kasi sagot ng sagot sa'kin si Clyde. Tumalikod na siya sa akin at naglakad pabalik sa bahay nila. Napatakbo tuloy ako at sumabay sa kanya, ayokong maiwan doon lalo na't dumidilim na rin.

"Text your Daddy that you're here, baka hanapin ka niya." Utos niya sa akin kaya nilabas ko 'yung cellphone ko para itext si Manong.

Pasaway ako kaya hindi ko siya sinunod.

To: Manong

Manong, malalate po ako ngayon ng uwi. Huwag niyo na po akong sunduin sa school, nandito po ako sa bahay ngayon ng kaklase ko

From: Manong

Osige po, Maam. Sa Daddy niyo na lang po ba kayo magpapasundo?

To: Manong

Opo, Manong. Paki sabi na lang din po kay Daddy hehe

Tinago ko na ang cellphone ko nang makita kong hinihintay ako ni Clyde na matapos. Hindi pa rin siya napasok at nakatayo lang doon habang nakatingin sa akin, hinihintay ang sasabihin ko.

"He said okay," ngumiti ako sa kanya.

Pinanliitan niya ako ng mata, hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Hindi siya nagtaka?" Talagang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya napatawa na lang ako. Okay, I give up.

"I didn't text my Dad," amin ko sa kanya at nagkibit balikat lang. He sighed and took out his phone in his pocket.

"Seriously," bulong niya sa sarili niya habang nagtatype sa cellphone niya. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay binaba na niya ang cellphone niya at tumingin na ulit sa akin. "Pumasok ka na."

"Ayoko nga! Mauna ka, susunod lang ako." Umirap siya sa akin at nauna nang pumasok sa bahay nila. Hindi naman yata pwedeng mas mauuna akong pumasok kaysa sa kanya, bakit ako ba may ari noon ha?

"Nakauwi na po ako," rinig kong sabi ni Clyde nang makapasok na ako sa bahay nila. Ang ganda! Ang simple lang pero sobrang nakakamangha 'yung ganda nung living room nila.

"May bisita ka pala," napatingin ako sa babaeng pababa ng hagdan nila kaya ngumiti ako sa kanya. Ang bata pa niyang tignan, halos kaedad lang siguro siya ni Mommy. Siya siguro 'yung Mommy ni Clyde.

"Good evening po," bati ko at yumuko ng kaunti. Ngumiti siya sa akin at bumaba na ng hagdan. Sinalubong siya ni Clyde at hinalikan ito sa pisngi.

"Sa iyo din, iha. What's your name?" Magsasalita na sana ako kaso inunahan naman ako ni Clyde.

"She's Tito Gerald's daughter, Dana." Pakilala sa akin ni Clyde kaya nanlaki naman ang tingin ni Mrs. Hernandez. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay.

"Nice to finally meet you, Dana. Wow, I didn't expect to meet you here." Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti, mukhang may sasabihin pa kasi si Mrs. Hernandez kaya hindi lang ako umimik. "Ang sabi kasi sa amin ng Daddy mo ay ayaw mong sumama sa kanila kapag may events na pinupuntahan sila ng Mommy mo."

"Hindi po kasi ako mahilig magpunta sa mga events," paliwanag ko. That's quite true, I'm not really into events. Mas gusto ko pang humilata sa kama ko kaysa tumayo buong gabi at makipag-usap sa mga tao doon.

"I heard it from your Mom," natatawang saad ni Mrs. Hernandez. Pati si Mommy kilala nila, siguro ito 'yung kabayaran ng hindi ko pagsama kila Mommy sa mga events. Makaka-encounter ako ng mga taong malalapit pala sa kanila.

"Mrs. Hernandez, uh," hindi ko matuloy 'yung tanong ko dahil nahihiya ako. Nakatingin lang naman sa amin si Clyde na mukhang walang balak na tulungan ako dito. Akala ko siya ang magpapaliwanag kung paano niya nakilala si Daddy, 'yun pala Mommy niya!

Najinx na talaga 'yung sinabi ni Jean na meet the parents na ang susunod!

"Oh come on, Mrs. Hernandez is too formal. You can call me Tita or whatever you please," sabi niya sa akin habang natatawa pa. Binitawan niya na rin ang kamay ko at lumapit na ulit sa anak.

Awkward lang akong tumawa at tumingin kay Clyde para humingi na ng tulong. Masyado na akong nahihiya dito! Nakita kong huminga siya ng malalim at kumapit sa braso ng Mommy niya.

"She wants to know how did I and Tito knows each other," sabi niya sa Mommy niya kaya napatingin sa kanya ito. Her mouth formed an 'O' before smiling a little.

"His Dad and your Dad are friends," maikling sabi ni Mrs. Hernandez, she looks at her back kaya napatingin din ako doon. "Do you want to meet him?"

Napailing agad ako. Ang bilis-bilis naman!

"Why not? He's just upstairs," hindi ko alam kung kasiyahan ako ngayon ni Mrs. Hernandez kasi kanina pa siya tumatawa habang walang imik lang sa tabi niya si Clyde.

"Nako, hindi na po. Magpapasundo na rin po ako kay Daddy." Nahihiya kong sabi habang umiiling-iling pa.

"Hon, bakit ang tagal mo?" Napatingin ako sa taas ng may magsalita doon. Nakita ko ang Daddy ni Clyde at napatingin din siya sa akin habang medyo nakakunot ang noo pa.

"Oh, you have a visitor Clyde." Sabi niya sa anak at bumaba rin. Ano ba naman 'to! Meet the parents na nga 'to! Ang speed, Clyde ha! Hindi pa tayo pero may paganito ka na!

The fuck I am saying?!

"She's Dana! Gerald's daugher," masayang pakilala sa akin ni Mrs. Hernandez kaya napataas ang kilay ni Mr. Hernandez habang nababa sa hagdan.

"Ikaw 'yon iha?" Napatango na lang tuloy ako dahil wala na akong choice kung hindi ang sagutin siya. "Where's your Dad?"

"Nasa bahay po," sagot ko.

"Sino kasama mong nagpunta dito?" He asked.

"Me," napatingin si Mr. Hernandez ng magsalita si Clyde. "We walked from school,"

"Seriously, Clyde?!" Gulat na sabi ni Mrs. Hernandez habang napapailing na lang si Mr. Hernandez. "At talagang iniwan mo pa ang kotse mo sa school niyo?"

Tinaasan ng kilay ni Mrs. Hernandez ang anak kaya napatawa ako ng mahina. Kung iniiwasan ako ni Clyde, dapat ginamit na niya ang kotse niya para tuluyan akong maiwasan pero mas pinili niyang sundan ko siya.

"No, I text Ate to pick it up." Napapairap na sagot ni Clyde.

"At talagang inutusan mo pa ang Ate mo?" Inis na sabi ni Mrs. Hernandez. Natatawa lang si Mr. Hernandez sa pag-aaway ngayon ng mag-ina bago bumaling ulit sa akin.

"Is your Dad knows you're here?" Natigil lang sa pag-aaway sila Clyde nang magsalita ulit si Mr. Hernandez.

"He is. I texted him earlier," si Clyde na naman ang sumagot. Nanlaki pa ang mata ko pagkatapos niyang sabihin 'yon, so 'yun ang ginawa niya kanina? Tinext niya si Daddy? So text mate na rin sila ganon?!

"Are you his messenger or something?" May bahid na inis sa boses ni Mr. Hernandez nung sabihin niya 'yon kay Clyde.

"No," gulat na sagot ni Clyde.

"Bakit ikaw ang sagot ng sagot sa mga tanong ko sa kanya?"

"Okay lang po, Mr. Hernandez." Para hindi na mapahiya pa si Clyde ay tinulungan ko na lang siya.

"Tito na lang," pati ba naman ikaw, Mr. Hernandez! Huwag niyo akong pilitin baka ang itawag ko na sa inyo ay Mommy at Daddy!

Char.

"Sige po," sagot ko na lang.

Hindi lang rin nagtagal sa baba sila Tita dahil tumaas na ulit sila. Naiwan kami ni Clyde dito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na asarin siya.

"May kotse ka naman pala, bakit hindi ka doon sumakay? Akala ko ba iniiwasan mo 'ko? Pero bakit mas pinili mong maglakad pauwi habang sinusundan kita?" Sunod-sunod na tanong ko. Nakita kong napangiwi si Clyde dahil sa mga sinabi ko.

"You're loud," naiinis niyang sabi sa'kin. "Maupo ka na nga doon, magpapalit na ako para maihatid na kita sa inyo."

Nagliwanag ang mga mata ko at mas lalong ngumisi sa kanya. "Now you're going to take me home. I can't understand you anymore,"

"Just sit there and wait for me," matalim niyang sabi sa'kin bago ako talikuran at tumaas.

Natawa ako at sumunod na lang sa sinabi niya. Umupo ako sa couch nila at nilabas ang cellphone ko para mag-open ng messenger. Ichachat ko si Jean para sabihin na najinx 'yung sinabi niya!

Dana Elisha Flores: GUESS WHAT

Jean Reyel Santos: what?

Dana Elisha Flores: nagkatotoo nga 'yung sinabi mong meet the parents na ang sunod!

Jean Reyel Santos: WHAT THE? YOU WHAT

Dana Elisha Flores: Uhuh, I meet his parents! And diba nakwento ko na rin sa'yo kanina 'yung tungkol sa nangyari kagabi sa party?

Jean Reyel Santos: Oo!!!

Dana Elisha Flores: Our fathers are friends!

Nag-angat ako ng tingin ng makarinig ako ng yabag ng paa na pababa ng hagdan. I saw a little boy and he's looking at me while his brows are furrowed.

"Who are you po?" Maliit ang boses niya kaya natago ko ang cellphone ko para tumayo at lumapit sa kanya. Naupo ako para magkapantay kami.

"Hi, I'm Dana. Uh," hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung kaibigan ba ako ng kuya niya o schoolmate lang niya. "Your Kuya's schoolmate,"

I chose the latter because it's true. Hindi naman ako kaibigan ni Clyde para 'yon ang sabihin ko sa bata.

"Talaga po? Hindi ka po niya girlfriend?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ang bata pa niya, saan niya 'to natutunan?!

"No, no." Umiiling ako habang sinasabi ko 'yan. Grabe na mag-isip ang mga bata ngayon, nakakagulat na.

"Really? You're the first ever girl he brought here though," mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko.

What? I am?

"Calvin." I looked up and saw Clyde. He's now wearing a simple white shirt and short, kitang-kita ko na rin ang ring necklace niya at maayos rin ang buhok niya.

"Kuya." Calvin looked at him and smile a little. "Where are you going?"

"Ihahatid ko lang siya," sabay turo niya sa akin.

"Can I come?" He made a puppy eyes that you can't resist. I cooed at him and pinch his cheeks.

"You can, right?" sabay tingin kay Clyde na mukhang hihindian pa sana ang bata. Napatingin rin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay, wala sa sariling napatango na lang siya kaya lumaki ang ngiti ni Calvin.

Tinaas ni Calvin ang mga kamay niya na parang nagpapabuhat sa akin. Nakita 'yon ni Clyde kaya agad siyang lumapit sa kapatid.

"No, Calvin." Suway niya rito. Ngumuso lang ang bata at tumingin sa akin.

"Next time," ngumiti ako sa kanya at naglakad sa may couch para kunin ang bag ko.

"Let's go," aya sa akin ni Clyde at buhat-buhat na niya si Calvin. Sumunod na lang ako sa kanya palabas ng bahay nila at nagpatunog siya ng isang kotse doon sa garage nila.

Wow, Mercedes Benz.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng passenger seat kaya napangiti na naman ako. Pagsakay ko ay tsaka niya naman binuksan ang pinto ng back seat para doon isakay si Calvin. Nang matapos ay agad siyang umikot para sumakay na sa driver's seat. Pag-upo niya ay agad akong nagsalita.

"Your brother said something earlier," simula ko pero hindi man lang siya tumingin sa akin kaya pinagpatuloy ko lang. "That I am the first girl you brought here in your house."

Napatigil siya sa paglalagay ng seatbelt pero agad din na nakabawi. Hindi siya nagsalita at pinaandar na lang ang sasakyan.

"Hindi mo naman sinabi na special pala ako," natatawa kong asar sa kanya habang nakatingin pa rin sa kanya. May nagbukas ng gate nung garage nila kaya agad na siyang nagdrive palabas.

"Silence means yes," pang-aasar ko pa rin. He rolled his eyes kahit sa daan siya nakatingin.

"Shut up," again, he rolled his eyes.

"Kids don't lie, Clyde."

________________________________________________________________________________________________________________

.