webnovel

Chapter 13

Lakad-takbo akong pumasok sa University. Late na akong nagising. Sa kamamadali ko, 'di ko na naiwasan pa ang taong nakasalubong ko.

"Sorry! Sorry!" Hinging paumanhin sa nakabangga ko. Narinig ko naman ang mura nito. Pinulot ko 'yong bag niya tsaka inaabot. "Sorry po talaga. Pero kailangan ko ng umalis. Excuse me."

Hindi na siya pa nakapagsalita. "Sorry!" Sigaw ko ulit sa kaniya habang lakad-takbong pumuntang room. Hiningal pa ako kaunti pagdating.

"Sorry, I'm late." Hinging paumanhin ko kaagad. Naputol pa ang discussion nila sa pagpasok.

"Take your seat time, Ms. Mendez and fix yourself. Paakyat na rito ang owner." Seryosong sabi ni ma'am. Nakikita ko pa ang pag-aalala sa mukha nila Maui ngunit ngumiti nalang ako sa kanila.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay kumatok si Dean. "Dean, tuloy po kayo." Pumasok naman siya kasama ang owner.

"Owshit." Mahinang mura ko ng makilala ang isang babae.

"Attention class. This is Ms. Catalina Cox, the owner of Flame University." Ngumiti naman siya.

Shocks siya ang owner? Siya 'yong nabangga ko kanina. Sophisticated and professional ang dating. Tindig pa lang para ka ng manginginig. Pero napansin ko lang, she smile yet her eyes is cold.

Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga sinasabi si ma'am.

'Wait, Catalina Cox? Bakit sobrang pamilyar 'yong pangalan niya?" Tanong ko sa isipan. Winaglit ko na lang ang mga iniisip ko at nakinig.

"She's a famous businesswoman. Marami na rin siyang program at tinulungan. Isa na ro'n ang mga batang kalye. Dinala sa ampunan upang may matirhan."

" She's also a fashion icon. In fact, she own a clothing line and she design it herself."

Marami pang sinabi si ma'am tungkol kay Ms. Cox pero 'di na ako nakinig. Hindi maalis-alis ang tingin ko sa kaniya.

Kaya ba siya pamilyar dahil kilala siya? Pero, may parte sa akin na nagsasabi na higit pa ro'n ang dahilan kung bakit pamilyar siya. Hindi ko nga lang mawari kung ano 'yon.

Nilibot niya ang tingin sa buong room. Napako naman ang tingin niya nang magtagpo ang tingin namin. Tiningnan niya ko na para bang kilala niya ko. Baka naman naalala niya na ako 'yong nakabangga niya.

May sinabi siya sa katabi niyang babae. Tingin ko'y secretary niya base sa pananamit nito. Tumingin naman sa'kin 'yong babae. Bahagya pa siyang nagulat ng makita ako o baka naman guni-guni ko lang 'yon.

Iniwas ko nalang ang tingin sa kanila at nakinig sa sinasabi ni ma'am.

"For a while, gusto muna ni Ms. Cox na libutin ang buong University. Instead na isang teacher ay isang student ang magiging tour guide niya." Ramdam ko naman ang kaba sa ilang kaklase ko.

Narinig ko pa sa likod na nagdadasal na sana hindi siya mapili. Well, 'di ko rin sila masisisi. Her looks is intimidating and strict. Parang isang mali mo pa lang hindi na maganda ang mangyayari.

"Ms. Mendez, your the one who will guide Ms. Cox to tour in the University." Walang salitang tumango na lang ako.

Hindi rin naman kasi maganda kung tatanggi ako. Maliban sa nakakahiya kay Ms. Cox ay alam kong magagalit lang si Ms. Salarzon. 'Cause hello, ikaw pa talaga tatanggi noh.?

Tumayo ako at lumapit sa pwesto nila. "Ms. Cox, she's Reign Mendez and she will the one who will guide you." Tinanggap ko naman ang kamay nito para sa shake hands.

"It's nice to meet you Ms. Mendez."

"It's also nice to finally meet you Ms. Cox." I smiled.

Una naming pinuntahan ka ang garden. "Binubuo ng mga iba't ibang bulaklak. Hindi siya gano'n kalaki pero it can give peace of mind and fresh air to relax. You can also---"

" I know." Putol nito sa sinasabi ko. Nagtatakang tumingin naman ako sa kaniya. "Alam ko na ang pasikot-sikot sa buong University. You don't need to say or do that."

"Pero bakit niyo pa po kailangan ng tour guide?"

"I just wanna talk to you." Diritsahang sabi niya.

"Bakit po? Dahil ba sa pagkakabangga ko sa inyo kanina?"

"No, not about that. Alam ko namang nagmamadali ka at hindi mo 'yon sinasadya. I just want to ask you."

"You know Ms. Kaye Alvarez, right?"

"Yes po." Bat niya kilala si tita Kaye?

"I want to talk to her privately for business purposes. I know what your thinking. Siguro iniisip mo bakit hindi ko nalang i-gmail o kaya si Ms. Alvarez ang co-contact sa'kin. Response ko kasi ang pag-uusapan namin kaya kailangan ako ang mag-contact to her. But masyadong hectic ang schedule ko tapos madalas nakakalimutan ng secretary ko na mag set ng appointment. Kaya naman maybe, I can get her number?"

Tiningnan ko naman ang secretary niya. Mababakas sa mukha nito ang pagka-guilty. Maybe she's telling the truth. Ewan ko ba. May instinct says, don't trust her.

"Walang problema po." Kahit ayaw kong ibigay, no choice naman. Sure akong mahalaga 'to kay tita Kaye kaya pagbigyan na natin.

"Thank you, Ms. Mendez. I'm sure Ms. Alvarez appreciate your help."

"No problem Ms. Cox."

Naiwan naman akong mag-isa sa garden nang umalis na sila. Hinabol ko pa siya ng tingin. Phews!

I'm having a weird a feeling to her. I don't know why. Pero there's something na hindi ko kayang ipaliwanag kung ano 'yon.

Pagbalik ko sa room sila Nica and Maui nalang ang naabutan kong tao. Sinukbit ko na ang bag. Lunch break.

"Walang pasok mamayang hapon kasi aasikasuhin nila si Ms. Cox. Kaya naman pwede na raw tayong umuwi kung gusto natin." Balita ni Maui sa akin nang makarating sa cafeteria.

"Total wala namang pasok mamaya, bakit hindi tayo gumala ulit.?" Pag-aaya ni Nica.

"Game ako riyan. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kundi magkulong sa kwarto." Pagpayag ni Maui. Tumingin naman silang dalawa sa akin. Nag-aabang ng isasagot ko.

"Game rin ako. Wala naman akong pupuntahan."

"Sure na 'yan ha?" Tumango naman kami ni Maui.

"After nating kumain, gumala na tayo."

Natigil naman kami sa pagsasalita ng biglang tumunog ang phone ko

Unknown number's calling

Dahil pamilyar ang number ay hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin. Hindi na rin ako nag-abala pang tumayo at umalis sa table namin para sagutin ito.

"Hello?"

"Are you free this afternoon?"

"Yes." Alam kong mahalaga 'to kaya kailangan kong unahin 'to.

"Then, let meet at Gracie's Restaurant at exactly 1. There's already a reservation there. Just tell your name."

Hindi pa ako nakakasagot ay binaba niya na agad.

"Sorry pero hindi ako makakasama sa gala mamaya. May biglaang importante akong gagawin."

"Ayos lang. We understand you." Maui

"Isa pa, may susunod naman. Siguro kami na muna ni Maui ngayon tapos sa susunod tayong tatlo na." Ngumiti naman ako sa kanila.

Nagpaalam na ako at umalis ng University. Aabutin ng kalahating oras papunta sa restaurant. It's already 12:20 ng makasakay ako. Buti nalang hindi masiyadong traffic kaya exactly 1 at nasa Gracie's Restaurant na ako.

"Good afternoon ma'am. You have an reservation?"

"Yes. Reign Mendez." She check the reservation list.

"This way ma'am."

Tumango naman ako at sumunod. Umakyat kami sa ikalawang palapag. Marami-rami ang tao ngayon. Sa bandang dulo 'yong pwesto ko. Nag-order nalang ako ng juice habang hinihintay siya.

"I'm sorry, I'm late." Napaangat naman ang tingin ko sa nagsalita. Right in my front is a girl with a boy cut. Umupo siya kaharap ko at umorder.

"So, your a girl." Tumango naman siya. Akala ko talaga lalaki siya. No'ng nag-usap kami boses lalaki naman siya.

"Who are you?" Sumimsim siya ng frappe bago nagsalita.

"Nakita mo na ang mukha ko. Hindi mo na kailangan pang malaman ang pangalan ko. Sooner or later, malalaman mo rin naman by your own." Medyo gets ko ang ibig niyang sabihin.

"Gusto mo kong kausapin, why?"

"Bakit mo kilala sa mama? Anong alam mo tungkol sa kaniya at sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Bago ko sagutin ang tanong mo, let me ask you first. Gaano nga ba katotoo ang mga taong nakakasalamuha ng mama mo noon? Kakampi ba sila o kaaway?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot.

"Sorry to ask. Masyadong bata ka nga pala no'n kaya hindi mo alam ang bagay na gano'n." Hiniwa niya 'yong steak tsaka kumain.

"Ayaw mo bang mag-order?"

"Katatapos ko lang kumain. Bakit 'di mo nalang sagutin ang alam ko?"

"Kasi alam kong kaya mong sagutin 'yong tanong mo balang-araw." Tinapos niya muna ang kalahati ng steak bago tumingin sa akin ng seryoso.

"Alam kong may gusto ka ng gawin ngayon. Lalo na at hinahabol ka na nila. Pero pinipigilan mo lang ang sarili mo." Minabuti ko na lang makinig kesa magtanong ng magtanong.

"Hindi sa tinutulak kita sa panganib. Pero mas higit ka nilang paglalaruan kung babaliwalain mo lang sila."

"Pero bakit nga ba hinahabol ka nila? Despite the fact na wala na dapat silang aalahanin sa'yo kasi hindi ka naman magsasalita o gagawa ng hakbang. Panigurado 'yon."

"Ang sagot, kasi tuso ang namumuno sa kanila. Lahat ng may alam ng sekreto niya, magsasalita man o hindi, ililigpit at ililigpit niya. Hindi niya hahayaan na mahila siya pababa."

" 'Yan ang rason kung bakit pinagpatuloy pa rin ni Prosecutor ang pagkalaban sa kanila. Alam niya na kahit anong gawin niya ay hahantong pa rin sa gano'n ang kapalaran niya."

"Kaya nga hindi niya sinurender ang ebidensiya sa opisina e. Alam niyang kayang i-dispose ng kung sino man ang ebidensiya."

"Hindi mo siya kilala? 'Yong namumuno." Hindi ko na mapigilan pa na magtanong.

"Hindi. Tanging si Prosecutor lang ang nakakaalam. Hindi niya sinabi sa akin kasi sabi niya, kahit papaano magiging ligtas ang buhay ko kung wala akong masyadong alam.

"Pero alam mo bang, dapat buhay pa sana si Prosecutor ngayon?"

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"Gaano ka ba kasigurado na kakampi mo lahat ang nasa paligid mo?" Mas lalo lang akong naguguluhan sa tanong niya.

"Hindi basehan ang ilang taon na magkilala kayo para sabihing mapagkakatiwalaan ang isang tao. Hindi mo naman tiyak na hindi niya tatraydurin."

Napapikit nalang ako sa frustration. Mas lalong nagugulo ang utak ko. "Payo ko sa'yo, kumilos ka na. Sabayan mo ang laro at ipanalo ito."

"Teka." Awat ko ng tumayo siya.

"Huwag kang masiyadong pakampante. Hindi porket matagal mo na siyang kakilala ay mapagkakatiwalaan na talaga."