"Selective mutism," anya ni Francis ang best friend kong tutok na tutok sa paglalaro ng kanyang cellphone. Biglang napahinto ako sa pagsipsip ng aking iniinom na milk tea at tyaka ko siya tinignan. Naka upo kami sa labas ng isang high class na cafeteria at halos pa lubog na ang araw sa mga oras na ito. "yun daw ang tawag sa mga katulad niya," pagtukoy niya kay Jade.
"ang ibig sabihin hindi siya pipi ayaw niya lang makipag socialize o kaya ay makipag usap sa mga taong..."napahinto ito sa pagsasalita at ibinaling ang tingin sa akin. "ano? bakit ka huminto? ba't di mo ituloy?" sabay pagsalubong ng aking mga kilay. "sa mga taong hindi niya kilala at hindi siya komportable, yun ang ibig kong sabihin," sabay pagsimangot nito at ipinagpatuloy ang paglalaro sa cellphone niya.
Alam ko kung anong ibig sabihin ni Francis ayaw niya lang akong saktan gamit ang mga masasakit na salita dahil bata pa kami alam na niya kung pa ano ako ituring ni Dad. Madalas niya akong makitang pinapagalitan at sinasabihan nang masasakit na salita ni dad at laging nandoon si Francis para e-comfort ako bukod kay kuya.
Pareho kaming may halong dugong amerikano at halos magka edad lang kami. I'm 22 and he's 23 ilang buwan lang ang pagitan namin. Sa edad namin lahat ng kalokohan ay nagawa na namin, except lang sa bawal na gamot ni minsan hindi pumasok sa utak namin yun at syempre, binata na kami kaya madalas kaming gumala kung saan man namin gustohin.
Abot din namin kahit ano mang klaseng luho, mapagamit man o sasakyan o kung ano-ano pa, madali lang sa amin bilhin ang mga ganitong malilit na bagay dahil lang naman, kami ay galing sa mga bigating pangalan at ma impluwensyang pamilya, na may malalaking kompanya lalong lalo na si dad, tinitingala at ginagalang kahit saan man siya mag punta dahil sa husay at sa sipag nito sa negosyo. Pero para sa akin maraming kulang sa kanya bilang isang ama.
Parehong fil-am ang mga ama namin but my dad is more on filipino, dito na kasi siya lumaki sa pilipinas at dito narin siya ikinasal. Magkaibigan din ang mga pamilya namin, family friends kung baga, ang magkaiba nga lang buo ang pamilya nila, habang single parent naman si dad.
May bumosena ng dalawang beses galing sa isang sasakyan hindi kalayuan sa amin. Isang magara at mamahaling kotse at kulay pink ito. Bumokas ang pinto nang sasakyan at may babaeng lumabas at kumaway sa amin.
Si Natalie ang girlfriend ni Francis na ubod ng ganda. Matangkad, morena at sexy lahat ng katangian na gusto ni francis sa isang babae ay nasa kanya na. Pogi, matangkad at matcho naman si Francis katulad ko na kadalasan kong naririnig sa mga tao, pero maalaga si Francis sa kutis niya hindi ka gaya ko na halos natatakpan na ng tattoo ang kaliwa kong braso.
Oo, meron akong tattoo sa kaliwa kong braso hanggang sa likod ko. It is a black feather sorrounded with thorns. It has a meaning and it's about my past.
"sandali lang bro, puntahan ko lang si baby ko" sabay ngisi nito. "alis na," agad ko namang sinabi sa kanya. Agad namang pinuntahan ni Francis ang girlfriend niya. Nag palitan ng halik silang dalawa at sobrang sweet nilang tignan. Habang nakatingin ako sa kanila, may biglang pumasok sa isip ko.
Mabuti pa tong si Francis nahanap na niya ang forever niya, habang ako na ikakasal sa babaeng hindi ko naman naging girlfriend, ni hindi ko nga nakitang maayos ang kanyang mukha. Ano kaya ang magiging buhay naming dalawa? pano ko kaya siya pakikisamahan kung pangalan ko nga hindi niya mabangit, pano kung maldita siya, siguradong hindi kami magkakasundo...hay naku!, bahala na nga.
Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon upang mahinto ang mga iniisip ko. Tumayo ako at dali-dali akong umalis. Alam ko na matatagalan pa si Francis sa kalalambing niya sa girlfriend nito, kaya nagpasya nalang akong umalis. Pumunta ako sa parking area kung saan naka park ang kotse ko. Bago ako makalapit sa kotse ay biglang may humaplos sa aking balikat. Bigla akong nagulat at tinignan ko kung sino ito.
"!" napaka ikli ng damit niya na halos nakikita na ang sumasabog na dibdib nito, kaya lang hindi ko kilala ang babae kaya nagbangit nalang ako bigla ng pangalan. "Kate?" pangalan ko sa kanya. "who is kate?" tanong naman niya sa akin sabay pagsimangot nito. "ahhm...Gina?..Rika?.." nagbanggit ako ng iba't ibang pangalan kaya na turn off siya at umalis nalang bigla habang nanlilisik ang mga mata nito patungo sa akin.
Sinadya ko ito para lubayan niya ako, siguro isa siya sa mga babae na nakilala ko lang sa isang bar o di kaya'y sa isang party. Madalas kasi ako nandoon kapag gusto kung mag good time pero hindi sa babae, sila lang tong kusang lumalapit sa akin kaya hindi ko na kasalanan yun. Sa totoo lang, sa alak ko idinadaan kung gusto kong mag good time dahil best friend ko rin ang alak, kasi kahit pa pano ay nilulunod nito sa limot ang aking mapait na nakalipas at pati narin ang problema ko sa aking pamilya.
Dinukot ko sa bulsa ang aking keyless remote at pinatunog ko ang aking magarang sasakyan. Pumasok ako at sabay kong pina andar ito at tuluyan nakong umalis. Habang nagmamaneho ako ay gusto ko sanang pumunta sa isang bar para maglibang muna kahit sandali lang, ngunit bigla kong natandaan ang sinabi sa akin ni dad, na hindi ko na pwedeng gawin ang madalas kong ginagawa.
"So what?" mahina kong sinabi sa sarili. Agad kong binilisan ang takbo ng kotse para pumunta sa isang bar na madalas kong pinupuntahan. Ilang minuto palang ay nakarating na ako dito. Hindi ako bumaba ka agad, tinignan ko muna ito habang may unti unting pumapasok na tao sa loob. Binuksan ko ang side window at nakita ako ng isang bouncer na nag signal sa akin kung papasok ba ako. Napangiti ako sa kanya, madalas kasi ako dito kaya halos lahat na nagtratrabaho dito ay kilala na ako.
Lalo na si James isa sa mga bouncer sa bar. Malaki ang kanyang katawan, itsura palang ng katawan niya ay pwedeng tumomba nang apat na tao o higit pa, kung sino mang magtangkang mang gulo sa bar ay siguradong lagot sa kanya. Pero mabait ito lalo na pag dating sa akin kaya siguro naging close kami.
Naghihintay siya sa akin nang sagot at ang magiging sagot ko lang ay sa paraan ng pag bosena ng aking sasakyan. Kung isang bosena lang ibig sabihin ay Oo, at kung hindi naman ay dalawa, at kung tatlo ay nagdadalawang isip akong pumasok sa bar. Ito lagi ang gingawa namin satuwing pumupunta ako dito para malaman ka agad ng bouncer kung papasok ako o hindi.
Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at nag signal siya ng dalawa at sabay itinaas ang kanyang kilay. Binigyan ko siya ng malamig na tingin dahil alam kong nagbibiro lang siya. Bomosena ako nang isang beses kaya ibig sabihin ay papasok ako at mag go-good time. Nag signal nalang siya ng "okay" gamit ang kanyang kamay ngunit, iba ang istura nito para bang hindi siya sang ayon.
Itinabi ko ang kotse sa parking area at pagkatapos ay lumabas ako at tuluyan nakong pumasok sa loob nang bar kasama si James. Nung naka pasok na kami sa loob biglang nagsalita si James "bakit ka nandito? akala ko ba ikakasal ka na?", tanong nito. Bigla akong napatigil sa paglalakad at nagulat sa sinabi niya sabay tingin sa kanya.