Chapter 8. Croquembouche
PARANG kailan lang noong mawala ang lahat kay Heizen. Hindi niya inakalang walong buwan na pala ang nakalipas at mula no'n ay naging "yaya" siya ni Ali.
Naiinip na siya sa mansion at wala nang magawa. Natuto na rin siyang maghugas ng plato sa tamang paraan. Noon kasi'y bara-bara lang siya sa pagsabon at pagbanlaw. Hindi niya alam na kailangang ipunin muna ang leftovers, tapos banlawin ang mga pinagkainan 'tsaka sabunin na, bago banlawin ulit. Hindi rin niya alam na kailangang maunang sabunin ang mga baso, sunod ang mga kubyertos, tapos ay ang mga plato. Pang-huli sa hugasin ang mga kaldero, na siyang tinuro ni Wella sa kanya noon.
"Ako na ang maghuhugas sa mga kaldero," si Manang Rica, ang mayordoma sa mansion.
"Ako na po, Manang. Para mas matuto pa ako."
"Hindi mo naman trabaho 'yan," sabad ni Wella.
"Ayos lang, wala naman akong gagawin."
"Aba, Miss, hindi ka na talaga conyo ngayon, ah?"
"Minsan na lang," nakangising sagot niya. Nasanay na rin siyang tawagin siya nitong "Miss" kaya hindi na niya tinatama.
Sa unang mga buwan ay hirap na hirap siyang ayusin ang pananalita. Hindi naman siya ganoon magsalita noon, pero noong nag-Senior High School siya ay napalapit siya sa dalawang kaklase niyang ganoon ang paraan ng pananalita, kaya na-adopt niya na.
Ah, she was glad she's not friends with them anymore. They turned their backs to her the moment she was named a Pauper.
"Ang mabuti pa, walisin mo na lang ang kwarto ni Ali," sambit ni Wella. Nalaman niyang ayaw magpatawag ng Sir ni Ali kaya lahat ng mga kawaksi ay tinatawag ito sa ngalan.
"Oo nga naman, hija. Siya lang naman ang dapat mong pagsilbihan dito."
Napanguso siya't tumalima na.
Umalis ang lalaki, maghapon daw itong wala. Imbes na isama siya ay iniwan siya nito dahil baka mainip na naman daw siya. Madalang na lang siya nitong isama, kung gusto niya lang.
She couldn't blame him tho. Talaga namang naiinip siya sa tuwing may voice lesson ito o dance practice. Napagtanto niyang hindi para sa kanya ang music. Kaya ganoon ang naging setup nila. Halos araw-araw itong wala at kung uuwi man ay tulog na siya, o 'di kaya'y gabing-gabi na, pero hangga't maaari ay hinihintay niya ito para pagsilbihan ng hapunan. Kung tutuusin ay hindi naman talaga niya pinagsisilbihan ang huli. Ilang buwan ding nawala sina Aliana at Lola Elizabeth, nagbakasyon ang mga ito sa mga kamag-anak abroad, at nitong nakaraang buwan lang umuwi. Kaya parang wala ring silbi ang pagiging "yaya" niya. Mabuti na lamang at nandito ang ilang mga kasama nila sa mansyon kaya hindi siya gaanong nabagot. She learnt to do some household chores. Sa susunod, magpapaturo siyang magluto kay Manang Rica.
Naalala niya ulit si Ali. Last two months, it was confirmed by his company that he'd debut as one of the members of Eclipse, on April. Hindi pa niya alam kung anong grupo iyon pero sigurado siyang P-Pop, o Pinoy Pop idol group ang Eclipse na magpo-promote din sa mga ibang bansa.
Hindi niya maipagkakailang sobra siyang namangha sa talento nito. Binabawi na niyang pinagtawanan niya ito noong malaman niyang magiging artist ito.
He looked sinfully handsome when he danced in front of her the very first time she went with him during his training.
"NAKAKAINIP naman pala rito, Ali. Sana pala, natulog na lang ako sa sasakyan." She yawned when they entered a Practice or Training Room. Silang dalawa pa lamang ang nandoon. "Nasaan ang mga kasama mo?"
"Parating pa lang. Umuwi na tayo?"
Nagtama ang paningin nila sa salamin. Umiling siya. "You said need mong mag-practice this noon?"
Tumango lang ito. "Sana pala hindi na kita sinama."
"Kaya nga." She yawned again, feeling really sleepy. "Bakit ba kasi you pulled me here?"
"Pinagtawanan mo ako kagabi. I just thought of redeeming my pride—"
"So it's just about your ego?" Nag-make face siya. "I didn't mean to laugh. Hindi ko lang kasi ma-imagine. Sorry if na-offend kita, Sir." Umupo siya sa upuan sa bandang likuran ng dance practice studio. May pader salaming nakapalibot doon. Nag-angat siya ng tingin at nakitang matamang nakatitig sa kanya si Ali. Ngumiti naman siya.
"You're not really sorry, are you?"
"I am." She yawned again then slouched at the chair. "Just wake me up once you're tapos na."
Nagtangis ang bagang nito at ilang segundo nang pumikit siya'y pumailanlang ang malamyos na tinig ng musika. Nagmulat siya at napalunok nang makitang nakatayo na sa gitna ng studio si Ali.
In an instance, his aura became different. Mas tumigas at parang ibang Ali ang nakikita niya.
He started moving to the rhythm slowly and didn't cut their eye contact. Napalunok siya nang bumaba ang tingin niya aa katawan nito.
His muscles were effortlessly flexing as he's dancing with so much power. Napamaang siya nang bumilis ang pagkilos nito salin sa bumilis na tugtugin.
"Wow..."
Sa isang iglap ay nakaharap na ito sa kanya at nakangisi. Tutuwid na sana siya sa pag-upo nang bigla itong gumiling pero hindi iyon masagwa. Akmang-akma iyon sa pagbagal muli ng tugtog at nang magtamang muli ang mga mata nila ay nadulas siya sa kinauupuan.
"Ouch!" hiyaw niya't napapikit, hindi agad nakahuma.
"Hey, are you alright?"
Agad siyang dinaluhan ni Ali, ang tugtog ay pumapailanlang pa rin. Napahiga siya sa sahig at hinuli nito ang ulo niya 'tsaka bahagyang inangat.
Nang magmulat ay sinalubong siya ng pawisang mukha ni Ali habang hinihingal at nag-aalalang tumitig sa kanya.
"Ang handsome mo..." wala sa sariling sambit niya. Ang sexy pa, Naisip niya.
That was true. Kahit pawisan ito ay hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nito. Kaya nga ba muntik na siya nitong mauto nang alukin siya ng kasal.
Bago pa makahuma ay ngumisi ito. Nagtangis ang bagang niya nang maalalang pinaglaruan nga pala nito ang damdamin niya.
But, hey, he's your employer now. You said you should start anew. Move on na, Kastigo ng isip niya.
"Nakakadiri ka! Ang pawis mo!" singhal niya at tinulak ito nang makaupo siya ng maayos.
"Mukhang inaantok ka nga talaga." Nakangisi pa rin ito.
"Oo, kaya umuwi na tayo!" singhal ulit niya at sa huli ay umuwi na lang sila.
NAPABUNTONG-HININGA siya matapos mag-walis sa silid ni Ali. Hindi na yata siya masasanay na pumapasuk-pasok doon dahil may kung ano siyang nararamdaman sa tuwing nandoon siya sa.
"May nagmumulto kaya rito?" bulong niya. Tumaas na naman ang balahibo niya nang pagpagin ang kama nito at humalimuyak ang natural at panlalaking amoy ni Ali sa kanyang ilong.
She sighed and sat on the sofa. Kinuha niya ang cellphone at nagsimula nang manood ng Tutorial Videos kung paano maglinis ng glass window. Parang nag-fog na kasi iyong salaming pader na tumatabing sa shower area ng banyo.
Habang nanonood ay p-in-ause niya iyon at kinuha niya ang mga kakailanganin sa storage sa baba. Nang kumpleto na ay nagsimula na siyang kuskusin ang salamin. Patigil-tigil siya kaya nama'y natagalan siya. Kinailangan niya kasing ulit-uliting iyong panonood sa video.
Alas sais na nang matapos siya sa ginagawa. Umupo ulit siya sa sofa at nag-cellphone. Bigla ay natakam siya sa pinapanood na food blog video.
She decided to text Ali:
Ali, pauwi ka na ba? Gusto ko kasi ng croquembouche. Bilhan mo ako bago ka umuwi. Ibawas mo na lang ulit sa sahod ko. TY!
Nag-send pa siya ng heart react. Ganoon lagi, sa tuwing may ipapabili siya ay pinababawas niya sa kanyang sahod. Pero kadalasan ay sinasabi nitong libre nito iyon sa kanya. Bonus daw dahil masunurin siyang yaya.
Takam na takam talaga siya kaya paulit-ulit niyang pinanood ang mga videos related doon. Christmas season naman na kaya hindi mahirap maghanap niyon. Croquembouche is a French dessert made of pastry cream and caramel choux pastry puffs, arranged into a tree-like shape. Decorated with spun sugar and holiday decor. Yes, it's that decorated dessert that's composed of cream puffs piled up.
She typed in a message again:
Dagdagan mo na para sa mga kasama natin dito. Hati na lang tayo roon sa akin. Ingat sa pag-drive!
Sumandal siya sa sofa habang patuloy na nanonood. Maya-maya ay magsa-shower na siya para makakain na rin ng dinner.