webnovel

IKALAWANG YUGTO

3 YEARS AFTER

"Ang prensepe liu xu ay nandito na kasama ang kanyang ina ang mahal na esposa zhaojun"- anunsyo pa ng eunuco ng makita nila ng kanyang kasama ang pag dating ng mag ina sa palasyo, wala sa araw ang prensepe xu ilang gabi na rin siyang hindi nakakatulog at kung makakatulog naman siya ay hindi naman pang-matagalan dulot ng isang panaginip na ilang taon ng pabalik-balik. nakatayo silang dalawa ng kanyang ina at nag aantay na bumukas ang pintuan ng silid ng emperor kalmado naman ang prensepe ngunit ay naging  mausisa ang kanyang isipan kung bakit ipinatawag sila ng kanyang ina ng mahal na emperor at kung ano ang mahalaga nitong sasabihin.

"papsukin sila" - tugon ng emperor, dahan dahang binuksan ang pintuan sumunod na pumasok ang prensepe at ang mahal na esposa,huminto muna sila sa harapan upang mag bigay galang sa emperor.

"binabati ko kayo emperor" - natuwa naman ang matandang hari at tumango tango ito. hindi niya akalaing malaki na ang kanyang ika-apat na prensepe at ang bilis lamang ng panahon kung dati ay tumatakbo ito sa kanya at tumatago sa kanyang likuran dahil pinag hahabol siya ng mga eunco na katulad niya ring bata. ngayon ay nasa tamang edad na ang prensepe upang makapag-asawa at mag karoon ng sariling pamilya. 

"umupo kayo" pag aanyaya pa sa kanila agad silang tumayo umupo sa kanan si prensepe lui xu at sa kanan naman ang mahal na esposang zhaojun.

sinimulan ng emperor na mag lagay ng tsaa sa kanyang maliit na baso natingin ang prensepe sa tsaang umaagos mula sa lansangan ng tsaa, noong gabing iyon ang ministro nag lagay siya ng tsaa sa isang maliit na tasa upang i-alay ang pasasalamat napabuntong hininga ang prensepe ng hindi na niya maalala ang sumunod na nangyari. 

"ako'y patanda na ng patanda at may nakita na ring karamdaman ang maharlikang  mangagamot at ang sabi malala na ang aking sakit ngunit bago ako lumisan sa mundong ito nais ko munang matunghayan ang pagpapakasal ng aking ika-apat na prensepe" - napatingin ang mahal na esposa sa kanyang anak na tahimik lamang na naka upo at nakikinig sa sinabi ng kanyang ama . 

"nag handa ng listahan si eunuco fie we mga listahan ng mga maharlikang binibini na mga anak ng ministro" - umalma ang prensepe ng marinig niya ang katagang ministro.

"bakit kinailangan pang galing sa mga ministrong anak ako mamili ama kung mayroon namang mga maharlikang binibini na ang kanilang ama ay hindi ministro hayaan natin at bigyang pagkakataon ang mga anak sa ibang maharlikang estado ang lumahok sa pag susulit na ma ipanalo nila ang kanilang pag ibig at makatotoo sa akin" 

napatawa ng mahina ang emperor sa sinabi ng prensepe.

"ngayon lamang ako nakarinig ng ganyang pagtutul at mula pa saiyo aking mahal na anak siyang tunay na kakaiba ka nga sa tatlo mong kapatid dahil sila kung ano man ang nais kung desesyon sa kanila ay hindi sila tumututul" hindi naman nagustuhan ng mahal na esposa ang sinabi ng mahal na emperor tinignan niya ng isang masamang tingin ang mahal na prensepe at ibinaling sa emperor. 

"nais kung humingi ng paumanhin sa inasal at sagot ng aking anak sa inyo mahal na emperor, ang totoo ay hindi lamang makapaniwala ang mahal na prensepe dahil lahat ng mga anak ng ministro ay magaganda't matatalino hindi ba lu xu? kaya't hindi alam ng inyong anak kung sino sa kanila ang pipiliin kapag nakita na niya ang mga nagagandahang binibini." 

natatakot ang kanyang ina na baka palayasin sila sa palasyo kapag hindi sinunud nito ang nais ng kanyang ama para sa kanya kung kaya'y ganito na lamang mag salita ang kaniyang ina upang protektahan siya. lalo pa at napipilitan lamang ang emperor na mahalin at ituring anak si liu xu.

tumayo mula sa pagkakaupo ang prensepe na siyang ikinagulat ng kanyang ina.

"iyon na ang ating kasunduan kung hindi mo kayang gawin ang aking nais mangyari walang kasalan na magaganap at pag diriwang sa  palasyo" sabay pag bibigay galang.

"ako'y aalis na at nais kung ulitin ang aking paalala nawa'y tumatak sa inyong isipan ang aking sinabi" 

mabilis na tumalikod ang prensepe at lumabas ng silid habang naiwan namang naka bukas bibig ang kanyang ina.

"mahal na emperor wag mo na lamang pag tuonan ng pansin anng mga sinabi ng mahal na prensepe siguro ay pa---"

"siguro tama nga si lu xu hindi lang dapat ako sa mga anak ng mga ministro ako nakatutuk maari ring sa ibang maharlikang pamilya"

"ang ibig niyong sabihin mahal na emperor...." hindi makapaniwala ang mahal na esposa ito ang kauna unahang pagkakataong sumang ayon sa kanila ang mahal na emperor nais man niyang mag isip ng ibang dahilan ngunit tila sumang ayon na ang kalangitan sa kanila.

"eunuco fie wei!"

(XU RESENDENCE)

tahimk na nag babasa ng isang tulang libro ang prensepe habang nilalanghap ang preskong simoy ng hangin ngunit sa gitna ng kanyang pag babasa biglaang sumagi sa kanyang isipan ang isang panaginip na dumdalaw sa kanyang pag tulog bakit pakiramdam niya'y parang totoo at hindi panaginip, pilit niyang inaalala ang nangyari sa gabi ng pagdiriwang sa malaking pamamahay ng ministro bukod sa umonom ng tsaa ano pa ba? at yung babae..

"mahal na prensepe narito na ho ang larawan na inyong ipinaguhit" at ibinigay iyon sa prensepe mabilis naman niya itong tinanggalan ng tali at binuklat sa mesa napatitig siya sa larawan kamukhang kamukha niya ang babae na nasa panaginip nito. ang magandang labi mataas na itim na buhok at ang mga pilikmata nito na kay haba at ganda tingnan, 

"ohoy kaya pala ganon ka na lamang ka interesadong ipaguhit ang babaeng nasa iyong panaginip dahil tunay na maganda nga siya kamahalan, o baka naman ang babaeng iyan ay nakita mo na sa totoo buhay" napatingin siya sa kanyang bantay. at nilapitan niya ito

"hindi ba ikaw ang aking kasama noong pumunta tayo sa pagdiriwang?" napakunot naman ang noo ng kanyang bantay 

"sa pagkakakaalala ko pinauwi mo na ako dahil ang sabi mo kaya mo na"

nanlaki ang mata ng prensepe ibig sabihin ibang tao iyon at hindi ang bantay niya.

(Yínglónggu city)

"inay gutom na po ako" pagmamakaawa ng isang sete anyos na bata habang hawak hawak ang kanyang tiyan. naawang napatingin si yue sa kanyang anak, niyakap na lamang niya ito upang ma ibsan ang gutom na nararamdaman nila hindi pa kasi sila nababayaran sa pagtatanim kaya kinailangan muna nilang mag ina na mag tiis ng gutom tanging isang gasera lamang ang naiwang nakatayo sa lamesa na nag sisilbing ilaw nila sa maliit nilang kubo, matagal na siiyang umalis sa yuan at lumipat sa yinglonggo ng malaman niyang nag dadalang tao siya sa anak ng ika apat na prensepe natatakot siyang patayin ng emperor ang kanyang mga magulang na nag tratrabaho sa loob ng palasyo.

3 years ago

"yue anak anong nagyari at gusot na gusot ang damit mo nasaan ang pera?"- tanong pa ng kanyang ina 

tanging mga luha lamang ang lumalabas sa kanyang mata ni walang isang salita. maya maya ay hindi na mapigilan ni yue at kumawala siya ng isang malakas na hagulhol na ipinagtataka ng kanyang ina.

"ma..marumi.. marumi na ho ako inay wa..wag niyo ho akong hawakan" 

pag pupumiglas pa ni yue.

"tayka sandali anong nangyari sayo? yue sabihinmo sa inay may nangyari ba?" - nais man niyang mag sumbong ngunit naalala niya ang sinabi ng prensepe bago mangyari ang pag sasamantala sa kanya. hindi.... 

pinakalama muna niya ang kanyang sarili uminom ng tubig.

"ayos na ho ako inay.. hi..hindi ko ho naibigay sa nag diriwang ang alak na huli ho.. k..ang ibig kung sabihin ay nahulog ito sa kalsada at nagka biyak biyak patawarin niyo ho ako inay hindi ko kasi masyadong ma aninag ang daan dahil sa sobrang dilim"

"bakit ka umiyak?"

"ho a..ano dahil takot lamang ho ako inay"

natawa na lamang ang kanyang inay ang akala niya sa pag dadahilan niyang iyon ay doon na mag tatapos ang lahat ngunit malaking pagkakamali pala na naging dahilan upang mag layas siya at mag tungo sa ibang lugar kung saan walang makakaalam walang makakaalam na dindala niya ang anak ng ika apat na prensepe ng kaharian ng yuan,

end of the flashback

nasa harapan na niya ngayon ang bunga ng isang pagsasamantala ang isang sete anyos na madungis na bata at humihingi ng pagkain dahil nagugutom ngunit walang maibigay ang ina dulot ng kahirapan ang anak ng prensepe. tumulo na lamang ang luha ni yue bakit kailangan pa niyang maranasan ang ganitong bagay, napatingin siya sa kanyang anak na mamhimbing na natutulog sa kanyang balikat 

"balang araw makikilala mo rin ang iyong ama muwen, dahil ang ama mo ay hindi katulad natin isa siyang maharlika na anak ng emperor"

TO BE CONTINUED....