(YINGLONGGU CITY)
"akin na yan.. akin na sabi ako ang naunang kumuha niyan, isusumbong kita kay itay!" pag banta pa ng isang matabang bata kay xingyun at malakas na itinulak ito sa lupa dahilan upang magkaroon ng galos ang paa nito. Hindi ma atim ni xuangzang ang kanyang Nakita nais niya itong tulongan naawa siya sa anak ng prensepe akmang lalapitan na sana niya ito ng makita niyang lumapit ang isang magandang babae natigilan siya at napatitig sa binibini hindi niya akalaing ganito pala ka ganda ang ina ng bata mas maganda pa sa ginuhit na larawan. Pinanood niya ito ng maigi
"xingyun, ana kayos ka lang ba may masakit ba sayo?" napakunot ang noo ni xuangzang ng marinig nito ang pangalan ng bata.
"xingyun, magandang pangalan" bulong pa niya sa sarili at patuloy na pinanood ang mag ina
Iniyuko ni yue li ang kanyang ulo sa isang matabang bata wala naman itong sinabi habang hawak hawak ang kanyang sarangola.
"ginoo.. patawarin mo sana ang aking anak hindi niya intension na kunin ang sarangola" pag papaliwanag pa ni yue
"huh…? H..hindi ko naman sa..sasabihin kay itay" at mabilis na tumakbo papalayo sa bakuran nila
Ibinaling niya ang tingin sa kanyang anak at mabilis siyang tumayo at pinadpadan ang kameso nito
"sa susunod wag na wag kang kukuha ng laruan na hindi sayo maliwanag?"
"opo inay." Tumango naman si yue
"inay bakit po ba ang mga bata dito sa yinglonggu may kanya kanyang ama tapos ako wala?" natigilan si yue sa sinabi ng anak, napakagat labi na lamang siya at saglit na inalala ang malagim na nangyari, hindi pa ito ang oras upang makilala niya ang tunay niyang ama
"ma..matagal ng namayapa ang iyong ama anak na.. namatay siya sa isang digmaan tatlong taon na ang dumaan" halos habulin niya ang kanyang hininga dahil sa kanyang pag sisinungaling sa kanyang anak.
Nanlaki ang mga mata ni xuanzhang sa narinig niya mula sa bibig ni yue hindi niya sinabi ang totoo na hindi naman patay ang ama ng kanyang anak at isa itong prensepe, bakit kinailangan niyang mag sinungaling sa bata gayong malalaman rin naman niya ito. Agad siyang tumalikod at umalis na ang mahalaga ay Nakita na niya kung saan ito nakatira at ang importante buhay ang bata kailangan niyang ibigay lahat ng nalaman niyang empormasyon sa mag ina nito.
(YANG XI RESEDENCE)
Maganda at malinis ang pagkakaguhit ng larawan napangiti ang katulong ni yang gayon din ang dalaga.
"tapos na?! patingin ako" hindi magkamayaw na sabi niya sa mang guguhit
"narinig mo ba ang sinabi ni binibini yang?"
"sa..sandali" hindi na nakapalag pa ang matandang lalaki ng kunin ng katulong ang larawan at dali daling ibinigay kay yang
"napakaganda niyo dito binibini siguradong mabibighani sayo ang prensepe at hindi siya mag dadalawang isip na piliin niya bilang asawa" sabay tawa na para bang nag tagumpay na talunin ang kalaban sa digmaan.
Napaawang ang labi ni yang xi sa kanyang Nakita ganito na pala siya ka ganda at ang kagandahang mayroon siya ay sapat na upang mapili siya.
"napakahusay! Hindi ko akalaing ganito ka kahusay gumuhit mas maganda kung lalagyan mo ito ng kulay gusto ko masiglang masigla" at ibinigay niya sa kanyang katulong ang kanyang larawan upang ibalik ito sa mang guguhit.
"binibining Yang xi nandito ho si ginoong huan fang" nagagalak na anunsyo ng isang katulong napatayo si yang xi dumating na mula sa America ang kanyang kapatid kumaripas siya ng takbo upang makita ito pagkababa niya ng hagdan ay sumalobong sa kanya ang isang malapad na ngiti mula sa kanyang kapatid iniwat nito ang magkabilang kamay sinyalis ng pagyakap tumakbo si yang at mahigpit na niyakap ang kanyang kapatid. Masaya naman ang naging reaksyon ng mga katulong.
"kapatid! Sa wakas ay umuwi ka na rin" saad pa niya at kumalas na sa pagkakayakap
"nasaan si ama? Hindi ko siya nakikita nong dumating ako"
"umm.. abala si ama sa ating Negosyo mamayang dapit hapon pa siya uuwi, tumuloy ka kapatid" tumingin kay wewe
"dalhan mo kami ng minatamis at maiinom" tumango naman ito at agad nag tungo sa kusina.
(YUAN KINGDOM)
Sa isang malaking pabilion ng palasyo nag titipon tipon ang mga asawa ng emperor at ang mga anak nito lalo na ang apat na prensepe suot suot ang magagandang hanfu na gawa sa isang makinis na sutla iba iba ang kulay na kanilang sinuosout Ang susunod na prensepe na si prensepe wang ja mula sa angkan ng mga ja at anak ng inang Rayna ay naka suot ng kulay kahel na napapalibutan na mga guhit ng dragon ang pangalawang prensepe naman na si chen loung kulay puti at may markang ibon sa ibaba nito ang pangatlo ay naka suot ng kulay itim na walang desenyo, ngunit sa lahat ng magagandang sutla ang may pinaka magandang hanfu na suot ay ang ika apat na prensepe ang desenyo nito ay isang panit ng lion at makikita ito kahit pa nasa malayo dahil ang kulay ng sutla ay pula sapat na upang maantig ang mga kababaehan at mga katulong sa loob ng palasyo, nag titipon tipon ang mahigit labing anim na asawa ng emperor dahil sa anunsyo nitong mag papakasal na ang ika apat na prensepe.
"masaya akong marinig ang balita liu- xu sa wakas ay magkakaroon na ng isang maganda at matapang na babae sa inyong mansion" panimula pa ng taizi (crown prince)
"maraming salamat kamahalan," tugon naman niya rito
"sino kaya ang magandang binibini ang bibihag sa iyong puso" pang aasar pa ng ikatlong prensepe na naging dahilan upang mag tawanan ang mga konsorte ng emperor. Ngunit hindi masaya ang naging reaction ni liu-xu walang ibang gumugulo sa kanyang isipan ngayon kundi ang kanyang mag ina at kung ano na ang balita sap ag hahanap ni xuangzhang.
"magpahanggang sa kabilang pulo ay umabot ang balita at ikinatutuwa ko iyon mag kakaroon na naman ng isang napakalaking pag diriwang dito sa palasyo hindi ba mahal na consorte xu" natutuwang sabi ng inang Rayna tumingin naman ang mahal na konsorte at ngumiti
"tahimik ka yata prensepe liu – xu? May bumabagabag ba sa iyong isipan?"
"hindi na yan makapag antay pa na magkaroon ng babae sa mansion ng mga xu hindi ba liu?" pang aasar pa ng taizi.
"hindi iyon ang dahilan hindi lamang ako makapaniwala na dahil sa anunsyung iyon ay magkakaroon tayo ng panahon upang mag titipon tipon." Pag dadahilan pa niya kahit ang totoo ay hindi naman talaga yun ang iniisip niya sanay naman siya sa kanyang malungkot na buhay.
Napatingin siya sa labas at nahagip ng kanyang mata si xuanzhang. Nag balik na ang kanyang bantay. Kailangan niyang makai sip ng paraan upang maka alis sa pag-titipon. Iisa lamang ang rason na kailangan niyang ipakita na noong simula bata siya ay ito na ang kanyang ginagawa kapag nais niyang tumakas mula sa sermon ng emperor.
Hinawakan niya ang kanyang dibdib at nag papanggap na hindi maayos ang kanyang lagay na pansin naman agad ito ng emperor at kanyang mga kapatid.
"ayos ka lamang ba?"
"bumibigat ang pakiramdam ko nais ko sanang mag pahinga muna"
Tumango tango naman ang emperor at agad siyang tumayo at umalis
(XU RESEDENCE)
"marami akong nahanap na impormasyon mahal na prensepe kabilang na doon ang pag lipat niya ng bayan nasa yilonggu siya nakatira ngayon kasama ang anak niyo" sa puntong iyon napalingon ang prensepe.
"ibig sabihin totoo?"
"ang pinag tataka ko lamang ay bakit hindi niya at pinag takpan ka niya sa inyong anak"
"ginawa niya yun?!" napabuntong hininga na lamang siya
"at isa pa yung mukha ng binibini hindi mapagkakailang anak siya ng mahirap dahil sa ganda niyang taglay kahit gaano pa kagusot ang kanyang damit nangingibabaw parin ang kanyang ganda na para bang hindi siya purong tsinang babae kung sa tingin mo mas maganda siya sa larawan pero ang totoo mas maganda at makinis siya sa personal."
"ganon ba"
"anong susunod na plano?"
"oras na para makilala ko ang aking anak at ang babaeng iyon."
Napangiti na lamang ang kanyang bantay, tama nga ito na ang oras.
TO BE CONTINUED…..