webnovel

Carrying the Billionaire's Baby

Amanda has nothing but to agree with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Nagipit siya at kailangan niya ng tulong ng binata. Wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang alok nitong tulong. At bilang kapalit... She will be carrying the billionaire's baby.

Journialisqui · Urbano
Classificações insuficientes
12 Chs

Chapter Seven

Chapter Seven

Our Baby

[A/N: Hello guys :) Sana po magustuhan niyo :) Enjoy reading <3]

***

Nang mahimasmasan ako mula sa pag-iyak ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nahihiyang tinignan siya. Pinahid niya ang natitirang luha saking pisngi at hinalikan ako sa noo saka muling hinaplos ang pisngi ko at tinignan ako.

"Are you okay now?" marahang tanong niya. Tumango ako sa kanya. Kinagat ko ang pang ibabang labi saka siya tinignan. Kitang-kita ko ang pag-iingat sa mga mata niya. "Kailangan mo ng mag-ayos, Lucian." sabi ko sa kanya. Tumango siya.

"Even I don't wanna..." he laughed softly. "Even I don't wanna too." sabi ko rin at hinaplos ang pisngi niya. Ayokong umalis siya. Gusto ko dito na lang siya dahil lagi siyang wala. I mean... Sa gabi na lang kami halos napang-aabot. Minsan tulog na ko kapag dumadating siya sa sobrang busy niya. Kaya gusto ko dito na lang siya dahil kung tutuusin ay pahinga niya ang araw na ito. Alam kong lagi siyang pagod at stress sa trabaho kaya kailangan may pahinga talaga siya.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niyang hinaplos ko at ibinaba iyon. Nilagay niya ang kamay ko sa baywang niya. Gusto niyang yakapin ko siya roon kaya iyon ang ginawa ko. At ang isa ko namang kamay ay ipinulupot ko sa kanyang leeg saka isinandal ang aking baba sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang kamay niya saking baywang at marahang hinahaplos iyon.

"Shit! You're making it hard for me to leave..." aniya. Tumawa ako at tinanggal ang pagkakasandal sa balikat niya. Tinignan ko siya. "C'mon. I need to go down para matulungan na kita sa pag-aayos." sabi ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap sa baywang niya para makababa na ko. Hindi siya natinag at nakasimangot lang sakin. I laughed at bahagya siyang itinulak.

"Dali na!" sabi ko. Umigting ang panga niya. Mas lalo lang siyang naging gwapo. His perfect jaw that blend his manly features as if he was a model from a top model agency. "Lucian?" nakangising sabi ko as I tilted my head. Mabilis niyang hinalikan ang aking labi at marahan akong ibinaba mula sa lamesa. Natawa ako sa ginawa niya. Halatang nagpipigil siya dahil paniguradong mahihirapan siyang umalis kasi baka pigilan ko na lang din siya at manatili na lang kami rito sa unit niya.

Nanatili ang isang kamay niyang nakapulupot saking baywang nang maibaba ako. Hinila niya ako palapit sa kanya. "Stop teasing me babe. I might lock you in our bed and stay their whole day without getting up." he said playfully. Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ng husto ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko talaga maiwasang lagi ang magulat sa mga sinasabi niya. Pinalo ko siya sa dibdib. "Silly!" sabi ko at umiling pero di maiwasan ang ngiti sa mga labi.

Naputol ang pagkukulitan namin doon nang tumunog ang kanyang cellphone para sa isang tawag. Umungol siya bilang protesta pero walang nagawa kung di sagutin iyon. Hindi pa rin siya lumalayo sakin. He's still holding me close to him. "Yes?" pambungad niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang pag-igting ng kanyang panga. He's serious now. Ano kayang sinasabi sa kanya ng kausap niya para maging ganito ang reaksyon niya?

"I am coming over. Make sure that it is already settled. I don't want it to be late. Hindi ko sinayang ang dapat na day off ko for nothing!" seryosong sabi nito. May init na bumalot sa puso ko nang marinig iyon sa kanya. Even him... Nanghihinayang siya dahil may pasok siya kung tutuusin ay wala dapat.

"What?" may bahid ng iritasyon ang pagkakasabi niya. Nangunot ang noo ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Tinignan niya ko telling me that he need to take the call seriously. Tumango ako sa kanya. Tumalikod siya at nakapamaywang habang nakikinig sa kausap. Kitang-kita ko ang tamang hubog ng mga braso niya habang ginagawa iyon. His sexy back facing me now.

"I already told you to resched that fucking meeting right? You know I don't wanna wait...! If he cannot present the meeting on the day I want him to present then cancel his proposal!" inis na sabi niya. Hinilot niya ang kanyang sentido. Muli niyang pinakinggan ang sinasabi ng kausap. High blood? It is his side of being a businessman. His very strict when it comes to it. At nalaman ko iyon base sa mga nakikita ko this past few days kapag trabaho na ang usapan. "No! Just fucking resched my meeting!" anito. You can hear his frustration. "Anong hindi pwede? Damn it! Then I need to adjust then?... Okay... Fix this..." sabi niya sa kausap bago pinutol ang tawag. Hinilot niya ang sentido at ginulo ang buhok. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang kamay ko sa likod niya.

"What happened?" tanong ko. Tumingin siya sakin. May nakita akong iritasyon sa mga mata niya dahil sa pakikipag-usap pero pumungay iyon nang tignan ako. Umiling siya. "It's just the office." sabi niya. "Anong bang ire-resched mo? Can't you make it kung di mo na siya ire-resched?" tanong ko. "Baka pwedeng hindi mo na siya i resched para di ka mahirapan." dugtong ko.

Bumuntong-hininga siya. "It's my meeting today. I told him to resched the meeting because it's should be our time." may inis na sabi niya. Hindi ko maiwasang matawa pero nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Kahit ang sarap nun sa pandinig may kirot akong nararamdaman saking puso. I never thought being cared by someone is happy. I never thought na makakaramdam ka ng sakit kahit masaya ka na.

He's so thoughtful. He always make sure na kahit isang beses lang sa isang linggo may ilalaan siyang araw para sakin. And it always makes my heart warmth.

My parents are always busy with their works too. Lagi silang wala sa bahay. Bihira lang kami nagtatagpo sa bahay ng mga magulang ko. Lagi silang out of the country dahil sa trabaho. Even I want them to stay... Wala. Hindi pwede dahil hindi rin sila papayag. Business is business. Uunahin nila iyon. And I am longing for their attention and care pero wala. Hindi nila kayang maglaan ng kahit isang araw para samin... Mabibilang sa daliri na nagkakasama kami sa bahay.

"It's okay Lucian. Pwede namang sa ibang araw." sabi ko sa kanya at isinantabi ang kalungkutang nararamdaman while remembering my parents. Masaya ko dahil ganito ang trato sakin ni Lucian. Masaya ko sa atensyong ibinibigay niya sakin. Masaya ko sa pag-aalaga niya. Masaya ko pagpapahalaga niya sakin. At hindi ko alam na darating kami sa puntong ganito ni Lucian. I never thought I would be happy staying with him even it just for business.

Alam ko naman kung bakit ganito si Lucian. He's sweet. At di ko maiwasang paniwalain ang sarili ko na ginagawa niya iyon dahil iyon ang gusto niya... Pero alam ko hindi lang iyon... Hindi lang ganoon. He was doing all of this to make me content with him so I could not ask anything about his offer which is I should bare his child. At sumasakit ang puso ko sa tuwing naiisip ang bagay na iyon.

Na lahat ng ipinapikita niya sakin ay dahil lang may kailangan siya sakin. Na dahil may pakinabang ako sa kanya. Na dahil kailangan niya ko para may magdala ng anak niya... At dahil binayaran niya lang ako.

And Yes. Business. Alam ko namang business lang ang namamagitan saming dalawa. Iyong pagpirma ko sa kontrata ang dahilan kung bakit ako nasa poder niya.

Pinigilan ko ang luhang nagbabadya saking mga mata dahil sa sakit na bumabalot sa buo kong sistema. Hindi ko kayang isipin ang bagay na iyon dahil nasasaktan lang ako. Nasasaktan ako kasi may nagpapahalaga sakin kahit alam kong may kapalit iyon. At kahit alam kong may kailangan lang si Lucian sakin kaya ganito siya kung alagaan ako.

And it breaks my heart thinking that people only want me because they need me. That they will be benefit kaya kailangan nila ko.

"What are you thinking Amanda?" sabi niya. Bahagya akong napatalon ng haplusin niya ang pisngi ko. May pag-aalala sa mga mata niya. Pwede ko bang isipin na lang na mahalaga talaga ko sa kanya kaya siya ganito sakin?

"Nothing." ngiti ko. Isinasantabi ang kalungkutan at sakit na nararamdaman. Ayokong sabihin sa kanya ang mga naiisip ko dahil magbibigay lang iyon ng ibang kahulugan. It will only look like an emotional remark na hindi dapat sa relasyong mayroon kami.

"Sige na. Mag-ready ka na. May meeting ka pa. Ayaw mong nale-late diba? Saka kapag maaga ka natapos.. Eh, di maaga ka makakauwi." sabi ko sa kanya drifting away all my thoughts. Tumango siya. "I think that sounds great. I should really done that meeting early." sabi niya. Tumawa ako at umiling.

"Hay naku, Lucian! Dali na..." sabi ko. "Yes, ma'am!" sabi niya. Tumawa na lang ako kahit kinukulit pa rin niya ko.

Nag-ayos na siya. Tinulungan ko siya magprepare para sa pagpasok niya sa office. Simula nang maging okay kami ni Lucian ay laging ganito na ang ginagawa naming bonding. Ako nagpi-prepare ng mga kakailanganin niya kapag papasok na siya sa trabaho niya.

"Good luck sa meeting kahit alam kong di mo na kailangan iyon dahil magaling ka sa kahit ano," ngiti ko sa kanya habang nilalagay ko ang tie ng suit niya. Ngumuso siya. "I'm a Griffin babe. Of course. It's chicken." mayabang na sabi niya. Tumawa ako at umiling sa kayabangan niya even he was just joking. "What? If you're a Griffin. Everything will be easy and perfect, Babe." sabi niya pa.

"Oo na po. Yabang." sabi ko. Tumawa siya at hinila ako para mahalikan. Nanatili ang mga titig niya sakin. Titig na nagpapawala sakin sa mga mata niya.

"And I want our baby to be a Griffin. A better kid." sabi niya. Hindi ako nakasagot agad. May nagbara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Mukha siya rin nagulat sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

May mainit na bagay ang humaplos sa puso ko nang sabihin niya ang salitang 'our baby'. Ang magiging baby namin. Ang sarap pakinggan ng dalawang salitang iyon pero bakit nasasaktan ako?

Kasi alam ko... Kapag dumating na ang anak namin... Kailangan kong iwan iyon sa kanya dahil iyon ang kabayaran ng lahat hindi ba?

Nararamdaman ko ang sakit na unti-unting humihiwa sa puso ko. Unti-unting nagpapahina sa sistema ko. Unti-unting nanonoot sakin ang katotohanang...

I am just carrying the billionaire's baby as a payment for my debt to him.

Shit! How could that truth hurt so damn much?

How could that truth makes me weak?

How could that truth makes my hope disappeared?

Hindi ko alam... Pero masakit palang maging masaya...

***

Waaahhhh! Ayan! Bitin na naman hahaha. Jusko bes. Gusto ko pa sanang dagdagan kaso bakit ganoon? Bakit ang drama hahaha. Wala. Ewan. Gusto ko lang na mailabas ni Amanda iyong nararamdaman niya. Bakit nalulungkot ako para sa kanya? huhuhu.

Sana nagustuhan niyo guys. Sana magcomment kayo about sa reaksyon niyo para alam ko hehehe.

Iyon lang. Sana nagustuhan niyo. Sa susunod na lang ulit :) First time na ganitong oras ako mag-update hahaha. Salamat <3