webnovel

CHAPTER 3

"Goodmorning po." Bati ko sa mga katulong. Grabe talaga 'tong pamilya nila Kent, super yaman. Hindi ko mabilang kung ilan yung katulong. May maids sa iba't ibang station, pero ang pinaka-paborito ko, "Yaya Marie!"

"Hija! Hindi ko alam na dumating ka pala, anong oras ka dumating?" Bati niya.

"Kagabi pa ho." I said, "Ako na po dyan."

"Napaka-swerte talaga ng magulang mo at ikaw ang anak nila." Bigla nalang akong natahimik dahil hindi ko alam kung swerte ba talaga.

"Attention everyone!" Biglang sigaw ni Tita habang naglalakad papuntang dining, "As of today, dito na magsstay si Elize so treat her right and also, darating na si Andre mamaya soxmake sure iready na ang bedroom niya next to Elize's bedroom."

"Who's Andre?" Bulong ko kay Kent.

"My cousin na bago sa management — wait, you don't know Andre? Hindi mo pa ba napapanood videos niya?" Umiling ako, "Basta siya, you'll meet him anyway."

Hindi na ako sumagot at kumain nalang ako. After ko kumain ay umikot ikot ako sa bahay dahil di ako mapakali kasi gusto ko maligo, kaso wala nga pala yung gamit ko so in short, wala akong damit dito.

"Mom, punta akong mall. May papabili ka ba?" Sigaw ni Kent.

"Wala naman." Sigaw din ni Tita. Ang astig lang noh? Nagkakarinigan sila kahit malaki bahay nila.

"Ay wait — si Elize, you have to buy her things like damit and skincare and other essentials." Tita said, then naglakad siya palapit kay Kent. "Use my card."

"Wait what? I'm your son but you never let me use your card!" Reklamo ni Kent.

"Ganon lang talaga ako kamahal ni Tita." Singit ko habang nagpapacute. "Can I borrow a shirt? Maliligo lang ako saglit."

"Bakit di ka kumuha sa kwarto ng Ate? Bakit kailangan sakin pa?" Nag pout ako sa kanya, "Fine!"

Naligo ako at sinuot ang shirt na pinahiram ni Kent, nagbiker shorts ako and sneakers. Paglabas ko ng kwarto, umalis agad kami.

Pagdating sa mall, nagtaka ako bakit nagmask si Kent. "Mahirap na. Baka magkagulo."

"Yabang ah." Pero may point din naman siya.

Sa mga hindi nakakaalam, Kent Alejandré is one of the famous singer ng isang management. Bata palang kami, magkaibigan na kami since dating Talent Scout ang mom niya at mom ko.

"Where do you wanna shop first?" He asked, "You wanna start with under-garments or —"

"Alam mo ikaw talaga! Lets start with the tops ofcourse." I said.

Pumasok kami sa isang store at namili ng mga vintage shirts. Nagtataka na nga si Kent eh kasi bakit daw ang hilig ko sa mga shirts, anong gusto niya? Magdress ako lagi sa bahay? Baliw.

Bumili din ako ng mga tank tops and tube, bumili din ako ng mga hoodies. Malamig kasi sa kwarto, so I need it. Sumunod na pinuntahan namin mga pants, shorts and skirts. Bumili din ako ng maraming biker shorts, adik na adik ako sa ganito eh. "And now, we proceed to under-garments."

Habang naghahanap ako ng mga undies at bra, si Kent bumili ng coffee muna kaya binigay nya sakin yung card ni Tita. Binalikan niya ako after ko mamili and binigyan nya din ako ng coffee.

"So saan tayo next?" I asked, "Can we eat? I'm hungry."

"Nope, mahigpit na bilin ng Mommy na wag kakain sa labas kasi may welcome party for Andre sa bahay." He said, "Lets buy you some shoes and then, other skin essentials."

Binilhan niya ako ng sneakers and running shoes para daw may kasama na sya magworkout, also binilhan nya ako mga skincare products. "Alright, I'm all good. Pwede na natin gawin yung pinunta mo dito."

"Wala naman akong gagawin sa mall. Gusto ko lang talaga magvolunteer ka sumama." He said at nauna siya maglakad.

Okay? Thats weird.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya and sumunod na ako sa kanya habang bigat na bigat ako sa mga dala ko. Buti siya nagdala nung shoes kasi I'm no four arms to carry all that.

Pag uwi namin ay nagpahinga lang ako at naligo din agad, nagprepare ako para sa welcome party ng pinsan ni Kent. Balita ko, he'll be debuting to their management din daw AND SINGER DIN. So magkalaban sila ni Kent? I mean, they're both Alejandrè and they could sing too. Well, I'll be honest na maganda talaga boses ni Kent. Hindi ko lang sure don sa Andre.

Nagreready na lahat para sa welcome party, kanya-kanyang hawak ng party poppers at cake. See, this is what family means. Hindi yung pinapalayas yung anak dahil binastos yung step-mom.

"Nasa labas na kayo?" Sambit ni Andre while on the phone, "Mom nandyan na daw sila!"

Nagready na lahat, at pagbukas ng pinto "SURPRISE! WELCOME HOME ANDRE!"

Nastarstruck ako. I do believe sa love at first sight.