webnovel

CHAPTER 4

Gabe na ng makauwe si Zeigh at nakita nya ang kuya nyang si Hanagata sa labas ng gate na hinihintay sya. "Kuya bakit gising kapa?" tanong ni Zeigh sa kuya nya.

"Ikaw bakit ngayon ka lang? Nagpasa ka lang ng requirements sa KAINAN inabot ka ng gabe." panenermon ni Hanagata at sabay silang pumasok sa loob ni Zeigh.

Hindi alam ni Zeigh kung ano bang idadahilan nya kung bakit sya ginabe. "Ano nag iisip ka ng idadahilan mo sakin....

Napangiti tuloy si Zeigh dahil nabasa ni Hanagata ang nasa isip nya. "Sinadya ko talagang magpagabe ng uwe kuya kasi nga alam kong late ka rin uuwe. Kaya lang maaga ka pala hehehe." ngiting sabe ni Zeigh.

"Bukas wala kaming practice ihahatid kita sa KAINAN." seryosong sabe ni Hanagata.

"Sunduin mo na rin kaya ako kuya para masaya. Jusko naman kuya high school na ako ihahatid mo pa ako. Ano nalang sasabihin ng mga taong makakakita satin." reklamong sabe ni Zeigh.

"Kailangan ko rin pumunta sa KAINAN bukas kasi kailangan kong kausapin si Kiyota at Jin dahil may pinapasabe si Fujima sa kanila." paliwanag ni Hanagata.

"Ako nalang magsasabe sa kanila para hindi mo na need pumunta ng KAINAN." ngiting sabe ni Zeigh at tinignan sya ng masama ni Hanagata.

"May ginawa kabang kalokohan kaya ayaw mo kong pumunta sa KAINAN?" tanong ni Hanagata sa kapatid.

"Wala kuya. Ayoko lang mahirapan ka bukas syempre mamamasahe kapa para lang pumunta sa KAINAN kaya ako nalang kakausap kay Kiyota at Jin." anya ni Zeigh

"Paano mo kakausapin si Jin at Kiyota eh hindi mo naman kilala yun." takang sabe ni Hanagata.

"Ano kaba kuya madali nalang yun. Basta wag kana pumunta ng KAINAN magpahinga kana lang dito sa bahay." sabe ni Zeigh saka ngumiti kay Hanagata.

Wala ng nagawa pa si Hanagata kundi pumayag nalang sa kagustuhan ng kapatid nyang si Zeigh.

_______

Kinaumagahan maagang nagising si Hanagata para ipagluto ng breakfast si Zeigh. Pagkatapos magluto ginising na nya si Zeigh para sabay na silang kumain.

"Gumising kana Zeigh tanghali na...

"Pwede ba kuya lumabas ka ng kwarto ko. Inaantok pa ako." inis na sabe ni Zeigh habang nakapikit.

"Kapag hindi ka tumayo dyan sasama ako sayo sa KAINAN.

Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Zeigh kaya naman hindi napigilan na matawa ni Hanagata.

"Akala ko ba inaantok kapa?

"Gising na gising nga ako kuya eh." sagot ni Zeigh saka bumaba.

Pagkatapos kumain at maligo nag ayos na si Zeigh. Wala syang ibang nilalagay sa mukha nya kundi powder at lip tint.

"Kuya aalis na ako." pasigaw na sabe ni Zeigh saka kinuha ang bike sa labas.

Dahil busy sa panonood si Hanagata hindi na nya napansin na umalis na si Zeigh.

"Good morning KANAGAWA." masayang bati ni Zeigh habang nagbabike papuntang KAINAN.

Pagdating sa KAINAN nakalimutan nanaman ni Zeigh na dalin ang ID nya at hindi na nya pwedeng ulitin ang ginawa nya kahapon. "Paano to. Mayayare ako kay kuya kapag umuwe ako." sabe ni Zeigh habang nakatingin sa guard.

"May problema ba?

Nagulat si Zeigh ng makita si Kiyota. "Hah wala naman." pagsisinungaling ni Zeigh. Ayaw nyang sabihin kay Kiyota na nakalimutan nanaman nya ang ID nya dahi ayaw nyang maturn off ito sa kanya.

"Sumabay ka sakin. Okay lang ba hawakan ko ang kamay mo para isipin ng guard ng magka classmate tayo." sabe ni Kiyota at hindi naiwasan ni Zeigh na kiligin.

Nakapasok nga si Zeigh ng walang kahirap hirap sa tulong ni Kiyota. "Next time wag mong kalilimutan dalin ang ID mo kasi importante yun. Sige alis na ako." anya ni Kiyota saka iniwan si Zeigh.

Hindi na sya nakapagpasalamat kay Kiyota dahil nagmamadali itong pumunta ng gym. "Ano ba yan unang araw palpak agad. Di bale may maganda naman nangyare." ngiting sabe ni Zeigh saka naglakad para pumunta sa klase nya.