webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · História
Classificações insuficientes
98 Chs

XXXVII

Juliet

"Hijo, baka naman malusaw ang anak ko sa kakatitig mo."

"P-Pasensiya na po." Sabi ni Niño at yumuko nang kaunti atsaka nagpatuloy sa pagkain. Mahinhin namang napatawa si Ina at napailing-iling nalang si Andong na katabi ni Niño.

"Nakaka-agaw po kasi ng atensyon ang kagandahan ng anak ninyo." Biglang banat ni Niño at kinilig naman ang lola niyo. Sabi sa inyo, ang haba talaga ng hair ko eh!

"Kung gayon ay mamamatay ka sa lagay na iyan sa anak ko, hijo." Sabi ni Ama at what?! Grabe naman, Ama!

"Ni hindi ka makakain dahil kamo sa kagandahan niya?" Pambabara ni Ama sa banat ni Niño kaya muntik-muntikan ko nang takpan ang bibig niya kaya lang sumagot muli si Niño.

"Hindi po totoo iyan, Don Horacio sapagkat simula nang makilala ko ang inyong anak ay siya na ring naging dahilan ng aking bawat paghinga." Ani ni Niño at sandaling sumulyap sa akin.

Ewan ko ba pero tuwing nagkaka-eye contact kami feeling ko nagniningning lagi 'yung mga mata niya at 'yung mga tingin na 'yun... I don't know. It just melts my heart.

Kinikilig na pangiti-ngiti nalang si Ina habang napangiti nalang din si Ama sa kakornihan nitong si Niño at nagpatuloy na rin sa pagkain.

Pagkatapos kumain, hinatid namin sila Andong at Niño palabas ng bahay. Nang makita ko silang dalawa na magpaalam sa amin, feeling ko may kulang. Siguro kasi nasanay na ako na palaging magkakasama 'yung tatlong itlog, hay.

Nang makaalis na sila ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nadatnan si Adelina na nagpapalit ng bed cover.

"Ang weird pala na wala si Fernan 'no?" Tanong ko kay Adelina at umupo sa tapat ng lamesa kung nasaan nakapatong ang mga sinusulat ko araw-araw.

Nakita ko namang napalingon sa akin si Adelina na nakakunot ang noo. "Ano po ang ibig sabihin ng wird, binibini?"

Omygosh! Shunga ka talaga, Juliet! Hindi nga pala alam ni Adelina ang salitang weird huhu.

"Ang ibig kong sabihin ay... parang ano... kakaiba? Kasi 'di ba... parang hindi sila kumpleto ngayong wala si Fernan." Sagot ko habang patuloy lang si Adelina sa pag-aayos ng bed cover ng kama ko.

"Kung sabagay... pero maaari ko po bang itanong sa inyo kung nasaan si Koronel Fernan, binibini?"

"Pupunta raw ng Dagupan ang mga Fernandez para bisitahin 'yung mga kamag-anak nila tapos meron pang nabanggit si Pia tungkol sa... batang heneral ba 'yun?" Sabi ko at mukhang biglang na-excite si Adelina na nabitawan pa niya 'yung isang dulo ng bed cover.

"Si Heneral Goyo po ba ang tinutukoy niyo, binibini?" Tanong ni Adelina na may mga sparks na sa mga mata niya ngayon.

"Oo... yata?" Sabi ko at napangiti naman nang sobra si Adelina.

"Napakakisig po ng batang heneral, binibini! Nakita niyo na po ba siya?"

"Hindi pa eh, may picture—este—larawan ka ba niya?" Tanong ko at napailing-iling naman siya.

"Pero... mas lamang ba siya kay Niño?" Tanong ko at umiling ulit si Adelina.

"Wala po ako sa posisyon upang husgahan kung sino ang mas makisig sa kanila ngunit nang makita ko noon sa Bulakan ang batang heneral ay napakarami po talagang mga dalagang humahanga sa kaniya at bali-balita rin na... may pagkababaero ito." Sabi ni Adelina na halos pabulong nalang 'yung huling parte ng sinabi niya.

"Lahat naman yata ng heneral sa panahong 'to." Buntong-hininga ko na malinaw na narinig ni Adelina.

"Huwag po kayong mag-alala, Binibini. Kapag naging heneral na si Koronel Fernan ay magkakaroon na rin ng heneral na mahusay, maginoo, makisig, at tapat sa iisang dalaga." Ngiti ni Adelina.

"Alam mo naman nang hindi totoong magkasintahan kami 'di ba?" Tanong ko.

"Opo pero hindi naman po ibig sabihin nun ay hindi na rin totoo ang nararamdaman niya para sa'yo, hindi ba?"

What? Anong pinagsasabi nitong si Adelina?

"Adelina, ang ibig kong sabihin ay wala talagang kami ni Fernan meaning—este—ibig sabihin, wala talaga kaming gusto sa isa't-isa." Explain ko.

"Maaaring magsinungaling ang mga salita ngunit kailan man ay hindi makakapagsinungaling ang iyong mga mata." Biglang preach ni Adelina kaya natawa ako.

"Saan mo naman nakuha 'yan ha? Nabasa mo ba sa libro?"

"Hindi po ako marunong magbasa, binibini..."

Ay shocks! Oo nga pala huhu.

"Oo nga pala, sorry—este—paumanhin." Saad ko.

"Ayos lamang po pero ang mga katagang sinabi ko kanina ay galing mismo sa labi ni Koronel Fernan."

"Si Fernan ang nagsabi nun?" Tanong ko at tumangu-tango si Adelina.

"Sinabi niya po iyon ilang taon na ang nakakalipas sa isang patimpalak ng mga tula na pinanalo rin naman niya. Napakahusay po talaga ni Koronel Fernan sa lahat ng bagay, binibini kaya... sa tingin ko po ay hindi dapat naudlot ang inyong kasal." Sabi ni Adelina na nakapagpaalala sa akin ng sinabi naman ni Pia na ayos lang na hindi natuloy ang kasal namin ni Fernan dahil magkakagulo at may masasaktan na malapit din sa kaniya.

Ano ba 'yun? Ano ba talaga? Dapat bang natuloy o tama lang na hindi? Hay nako!

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts