webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · História
Classificações insuficientes
98 Chs

XXIII

Juliet

"Maraming salamat po talaga, Binibining Cordova." Sabi ng matandang pasyente at ng apo niya sa akin.

"Walang anuman po 'yon. Basta't inumin niyo po sa oras ang gamot ninyo at huwag niyong kakalimutan." Nakangiting tugon ko at nagpaalam na rin sila.

June 8, 1899.

Ninth day ko na ngayon sa taong 'to at fourth day ko nang tumutulong sa ospital na 'to. June 5 noong tinuruan akong magburda ni Pia at nung araw rin na 'yun ako dinala ni Caden dito para tumulong at yung araw rin na 'yun ang parang unang araw ng trabaho ko rito.

Although cover lang ang pagtulong ko kuno rito noon para makapagmasid-masid si Caden para hanapin yung taong mamamatay nang walang nagtataka kung bakit siya nandito, naisip ko na mas okay na ring may ginagawa ako nang hindi naman ako mabulok sa panahong 'to.

Hindi rin naman naging matagumpay ang misyon ni Caden dahil iba pala ang nagmamay-ari nung kailangan niya sa misyon niya kaya wala na naman siya ngayon sa San Sebastian. Pumunta siya sa Maynila kahapon para maghanap-hanap na naman kung nasaan na yung kailangan niya at para makipag-usap tungkol sa business.

Hindi kagaya ng ibang mga araw, wala masyadong pasyente ngayon dito sa pagamutan kaya pumunta muna ako sa terrace para magpahangin.

Grabe, 9th day ko palang dito pero parang sobrang tagal ko nang nandito.

Nakuha ang atensyon ko ng mga lalaking nakauniporme sa baba. Mga pito lang sila kaya pinagmasdan ko silang mabuti. Naka-blue na uniform sila at armado. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi nagtagal ay dumating sila Fernan, Andong, at Niño na mga nakauniporme rin. Nag usap-usap sila pero hindi yung casual na pag-uusap kasi halata sa mga mukha nilang lahat na seryoso sila. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagsimula na rin silang maglakad.

Nang makarating sa tapat ng terrace kung nasaan ako, napatingin sa akin si Andong at mukhang nagulat siya nang makita ako. Agad niyang kinalabit si Niño na nasa harap niya kaya tumingala rin sina Niño at Fernan sa akin.

Tumigil sila sa paglalakad. Nagtitigan kami sandali ni Niño pero ni hindi man lang kumurba kahit slight ang labi niya, nanatiling seryoso ang mukha niya at nagpatuloy na sa paglalakad na mukhang ikinagulat ni Andong at pinagtaka ni Fernan pero sumunod nalang rin sila kay Niño at iba pang mga sundalo.

Hindi ko alam kung bakit pero habang patuloy na naglalakad palayo sa akin si Niño, parang unti-unting nadudurog ang puso ko.

Pinagmasdan ko lang ang likod niyang palayo nang palayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

Bumalik na rin ako sa loob at nagtrabaho pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang likod ni Niño na naglalakad palayo sa akin.

Hindi man lang niya ako binati...

Napailing-iling ako.

Bakit ko ba 'yun iniisip? Dapat ba lagi niya akong nginingitian? Binabati? Gano'n? Hay nako, Juliet! Ang demanding mo masyado kay Niño!

Galit kaya siya sa akin kaya hindi man lang niya ako nginitian?

Bakit naman siya magagalit?

Teka... ang tagal na nga naming hindi nag-uusap dahil naging abala rin ako rito sa pagamutan. 'Yun kaya yung dahilan bakit siya nagalit?

Napailing-iling ulit ako.

Bakit naman siya magagalit dahil lang doon? Boypren ko ba siya? Hay nako!

"Binibini, ayos ka lang ba? Mukhang kanina ka pa wala sa iyong sarili. May bumabagabag ba sa iyo?" Tanong ni Josefina na isa rin sa mga tumutulong dito.

"Ah... wala, wala. Wala lang 'to." Sagot ko at nginitian siya pero mukhang hindi siya kumbinsido.

"Umuwi ka muna't magpahinga, binibini. Ako na ang bahala rito. Baka mapagalitan pa kami ni Ginoong Angelito kapag masyado kang napagod at isa pa, maraming ginawa noong isang araw at kahapon kaya sigurado akong pagod ka." Sabi niya pa at wala na akong nagawa dahil mukhang desidido talaga siyang pauwiin na ako kaya umuwi na nga ako kahit pa nagtataka ako bakit naman siya papagalitan nung Angelito na doktor dito kapag napagod ako. Grabe, daig pa si Caden sa pagpapaka-kuya?

Pagkababang-pagkababa sa karwahe'y sinalubong ako ni Manang Felicitas at Adelina.

"Mabuti naman at maaga kang umuwi ngayon, Señorita!" Saad agad ni Adelina.

"B-Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko.

"Dumaan kanina si Heneral Niño at nag-iwan ng liham para sa iyo. Nasa loob rin ngayon si Heneral Guillermo na halos kakarating lang din at naghihintay sayo, binibini." Sabi ni Manang at inabot sa akin ang sobreng may seal pa.

Para Juliet Cordova

Departe de Enrique Enríquez y Sebastian el cuarto

Mga ilang segundo ko ring tinitigan lang yung sobreng hawak ko dahil sa dalawang kadahilanan.

Una, kinakabahan ako at hindi ko alam kung anong magiging response. Pangalawa, HINDI KO MAINTINDIHAN YUNG NABASA KO!

Pero dahil matalino naman ang lola niyo, malakas ang kutob ko na 'To' at 'From' lang naman 'yung nakasulat sa labas ng sobre kasi nandito ang mga pangalan namin.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad si Heneral Guillermo na nakaupo sa sofa. Agad naman siyang tumayo at nagbigay galang nang makita ako.

"Magandang araw sa iyo, Binibining Juliet." Nakangiting bati niya at nagbigay galang. Binati ko rin naman siya at nagbigay galang.

"Uhm... pwede bang sandali lang? May gagawin akong sandaling-sandali lang sa taas." Paalam ko at mukhang napilitan nalang siyang pumayag kasi kumaripas na ako ng takbo paakyat at dali-daling binuksan ang sobre pagkapasok ko sa kwarto ko.

Nang hawak ko na 'yung mismong papel kung nasaan nakasulat ang message ni Niño sa akin, natigilan ako.

Ready na ba akong malaman kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin?

Dahan-dahan kong binuksan yung papel...

'Señorita Juliet,

Perdone mi repentina partida de San Sebastián porque escuché la repentina muerte de mi colega general en manos de mi compañero soldado. Estaba tan preocupado que tuve que irme inmediatamente. Espero que mi regreso me encuentre con tu dulce sonrisa y tus ojos francos que conozco y seguramente te causará mi soledad. También espero que en mi regreso obtendré tu dulce sí, porque no tengo nada más que preguntar en este mundo sino estar contigo. Sé que está ocupado con su ayuda en el hospital en los últimos días debido a nuestra falta de conversación y reuniones, pero aún así creo que llegará el día en que lo despertaré al comienzo de mi mañana. Cuídate y espera mi regreso porque volveré contigo.

~Niño'

Wow...

Ano raw?

Binasa ko ulit word per word pero mas nawalan lang ako ng dugo sa kakanose bleed kaya tinupi ko na ulit 'yung letter.

Ghadd! Paano ko mababasa 'to? May pagka eng-eng rin kasi 'tong si Niño, may pa Spanish-Spanish pa eh.

Tinago ko na 'yung letter sa damit ko at pasimpleng bumaba at pumunta kay Adelina na ikinagulat naman niya dahil bigla ko siyang hinila papunta sa kusina.

"Adelina! Pakibasa nga." Bulong ko at inilabas 'yung letter atsaka tinapat sa mukha niya.

Kinuha niya sa akin 'yung papel at tinupi na ulit kahit na hindi pa nga niya natitignan.

Whaat? Tumatanggi ba siya huhu.

"Hindi po ako maalam magbasa, binibini." Tawa niya sa akin.

"Gano'n ba? Eh paano ko maiintindihan 'to?" Napakamot ako sa ulo ko.

"Hindi rin po ba kayo maalam magbasa, binibini?"

"Kaya ko 'tong basahin pero hindi ko maintindihan. Tagalog at English lang naiintindihan ko eh." Sagot ko naman nang bigla akong makaisip ng idea.

"Nandiyan pa ba yung heneral??" Tanong ko kay Adelina.

"Si Heneral Guillermo po ba? H-Huwag mong sabihing ipapabasa mo—" Hindi na natapos ni Adelina ang sasabihin niya dahil tumakbo na ako papuntang sala.

Napatayo naman agad si Heneral Guillermo nang makita ako at bumati.

"Heneral, pwede mo bang basahin 'to?" Tanong ko sabay abot sa kaniya ng papel na may sulat ni Niño at kinuha naman niya.

Biglang nagbago ang expression sa mukha niya nang magsimula na siyang magbasa. Bigla siyang naging seryoso kaya kinabahan ako.

Shocks! Mukhang bad news yung nasa letter ah.

"Hindi kayo nag-uusap at nagkikita nitong mga nakaraang araw?" Tanong niya habang tinutupi ulit 'yung letter.

OMG! Paano niya nalaman?

Teh! Malamang nabasa niya jusko, Juliet tungaks ka rin eh.

"S-Sinabi ba niya 'yun sa sulat niya?" Tanong ko.

Tumangu-tumango naman siya atsaka inabot na sa akin yung letter.

"Sinabi lang niya na ayaw ka na niyang makita pa." Sabi ni Heneral Guillermo na nakapagpahinto sa pag-ikot ng mundo ko.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts