webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · História
Classificações insuficientes
98 Chs

XLIII

Juliet

"Sa susunod na buwan?" Suggest ni Don Luis na nakapag-panic sa akin.

Ghadd! Kanina usapan sa susunod na taon around January tapos naging December, naging October, tapos ngayon next month na??!!!

Kanina pa kami dumating ni Niño at masigla rin naman kaming sinulubong ng mga magulang namin. Grabe ang kaba ko kanina habang papunta rito na naimagine ko pang masasabunutan ako ni Ina pero total opposite ang nangyari. Tuwang-tuwa sila nang makita kaming magkasama ni Niño na pumasok sa mansion ng mga Enriquez at inasar-asar at kung anu-ano pang mga malilisyong tanong at salita ang binitawan nila, jusko.

Bakit ba parang tuwang-tuwa silang ipakasal ang anak nila huhu kung sa present 'to malamang nakalbo na ako ni Tita Mommy at nalibing na nang buhay ni Tito Daddy si Niño.

"Kailan ang iyong kaarawan?" Pasimpleng bulong ni Niño na katabi ko lang sa akin kaya binigyan ko siya ng seryoso-ka-ba-sa-tanong-mo look at based naman sa expression niya ay hindi niya talaga alam.

Ghad! Magpapakasal ako sa lalaking hindi man lang alam ang birthday ko, jusko po!

"Papakasalan mo ako eh ni hindi mo nga alam kung kailan ako pinanganak?" Sumbat ko sa kaniya.

"Kapag kinasal na tayo'y mayroon tayong habang buhay upang malaman ang mga ganiyang bagay kung kaya't ang pinagtutuonan ko ngayon ay kung paano ko masisigurong makakasama kita habang buhay." Sagot naman niya na nakatitig sa akin.

"Setyembre..." Simula ko sa sagot ko at inisip ang Tagalog o kahit Spanish man lang ng 30 pero dahil likas na tungaks ako sa ganito...

"Basta 'yung huling araw ng Setyembre."

Tumangu-tango naman siya at nakita kong sumenyas siya kay Kuya Ernesto niya.

"Bakit hindi natin pagdesisyunin ang mga ikakasal?" Biglang sabi ni Kuya Ernesto na kapalitan ni Niño ng mga makahulugang tingin.

So mukhang kanina pa sila nagsesenyasan dahil ang gulo nga ng mga magulang namin na inabutan na kami ng dinner at sa point na petsa nalang ng kasal eh hindi pa mapagdesisyunan. Napatingin sa amin ang mga thunders atsaka nagsalita si Ama.

"May naisip na ba kayong petsa, hijo? Juliet?"

Tumingin sa akin si Niño bago sumagot. "Nais po sana naming sa huling araw ng Setyembre." Saad ni niya at muling sumulyap sa akin pagkatapos magsalita.

What??! Nais 'NAMIN'??? Eh siya lang naman nagdecide niyan atsaka huling araw ng Setyembre edi 30... birthday ko 'yun ah!

"Nais niyong ganapin ang kasal niyo sa kaarawan ni Juliet?" Tanong ni Caden at um-oo naman si Niño.

"Kaarawan naman ni Niño sa unang araw ng Setyembre. Mukhang maganda nga ang buwan ng Setyembre at ang araw na napili nila." Nakangiting saad ni Doña Isabela na mukhang sang-ayon sa prinopose naming araw.

September 1 birthday ni Niño?

Gaga ka rin Juliet at hindi mo rin naman alam ang birthday ng papakasalan mo!

"Bueno! Ang kasal ay magaganap sa huling araw ng Setyembre." Desisyon nila Ama na sinang-ayunan agad ni Don Luis at ng iba pa.

Tumuloy kami sa pagkain ng panghimagas at nagdaldalan pa sila sandali at nagpaalam na rin kami.

Pagkapasok ko sa karwahe ay siyempre, si Niño ang sinilip ko mula sa bintana. Nakatingin din siya sa akin at nakangiti, the usual slight but genuine smile ng isang General Enriquez Luis Enriquez IV. Nang umandar na ang karwahe ay sinundan pa namin ng tingin ang isa't-isa hanggang sa hindi na kami magkakitaan kaya umayos na ako ng upo.

Nagulat naman ako dahil nang makaayos na ako ng upo ay nadatnan kong nakatingin ang buong pamilya ko sa akin na may mapang-asar na mga ngiti, lalo na si Caden.

"Buti hindi naiwan ang mata mo roon." Pang-aasar ni Caden at bahagyang natawa sila Ama at Ina pero inirapan ko nalang si Caden. Lagi nalang nang-aasar eh. Maganda ang mood ko ngayon kaya ayaw ko na sirain.

Somehow, ang gaan ng pakiramdam ko sa mga nangyayari ngayon. Para bang smooth sailing lang ang lahat at para bang wala na akong problema sa buhay although kung iisipin ko ay medyo nabobother pa rin ako sa fact na ikakasal ako sa edad na 22 years old or well, technically 23 na ako no'n but still 'di ba?

Atsaka naiisip ko rin na... paano kung bigla na akong bumalik sa present? Nasanay na ako rito at parang... ewan. Parang gusto ko na ring magstay kahit pa sobrang miss ko na sila Tita Mommy at Tito Daddy. Parang gusto kong bumalik sa present pero ayaw kong iwanan ang buhay ko rito.

Minsan naiisip ko paano kung panaginip lang ang lahat? Kasi feeling ko, this is too good to be true pero kung panaginip nga ang lahat, may part sa aking gusto nalang matulog habang buhay.

Napailing-iling ako. Gusto kong i-enjoy lahat ng nandito habang nandito pa ako. E-enjoyin ko ang smooth sailing na buhay ko rito sa ngayon kahit pa may part sa akin na nagsasabing baka isa lang itong calm before the storm.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts