Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang tiyuhin at asawa nito. Gayumpaman, ramdam niya ang tunay na pagmamahal at kalinga ng isang ama at isang ina sa mga ito kaya naman kontento na siya rito. Bilang isang normal na kolehiyala; pag-aaral, paglabas kasama ang mga kaibigan, kaniyang mga libangan, at pagkakaroon ng crush paminsan-minsan ang regular na takbo ng buhay niya. Ngunit minsan sa buhay ng tao, nadadamay tayo sa kagagawan ng iba kahit na wala tayong kamalay-malay at lingid sa ating kaalaman na ito pala ang magbabago sa takbo ng ating buhay habambuhay. Kagaya nalang ng nangyari sa kaniya. Kung paano? Halina't tunghayan ninyo.
¤¤¤
Juliet
"Sigurado ka bang siya 'yun?" tanong ko.
"Oo, siyang-siya 'yun! Nung dumating siya, biglang nabuhay ulit 'yung inannounce nang patay ni doc!" sagot ni Trisha habang ingat na ingat sa pagtatago sa likod ng shelf.
Jusko po. Hindi ko rin alam bakit nandito kami't nangs-stalk ngayon. Pero in fairness ha, gwapo itong si mysterious kuya.
Sandali pa namin siyang pinagmasdan hanggang sa lumabas siya sa shop kaya't nagtago ulit kami.
"Teka, Trish. Hindi ko na talaga alam ano pa'ng ginagawa natin dito, hindi ba mas okay nga 'yun kasi naligtas niya 'yung pasyente?" tanong ko with matching pamewang pose pa.
"Well... oo nga. Pero 'di ba? Ang weird lang." sabi niya at tumingin ulit doon sa iniistalk namin kaya ibinalik ko rin ang tingin ko roon sa lalaking pumasok sa restroom ng mga lalaki.
Nang makita ko 'yung signage ng restroom, feeling ko naiihi na rin ako kaya sumunod na ako at maghihintay daw si Trish doon sa lalaki.
Hay nako, bakit ba kasi ang liit ng pantog ko eh.
Saktong pagkatapos ko, nakasalubong ko 'yung lalaki at nagtama ang mga tingin namin. Ewan ko ba pero parang may kakaiba akong naramdaman. Parang... bigla akong kinabahan.
Pabalik na sana ako kung nasaan si Trish nang makitang may nahulog mula sa bulsa nung lalaki paghugot niya ng panyo niya kaya dali-dali ko 'yung pinulot.
Nagkatinginan kami sandali ni Trish atsaka niya ako binigyan ng sundan-mo-na-dali look kaya ginawa ko nga at nakita kong sumunod din sa akin si Trish.
Habang tumatakbo papunta sa lalaki sa kabila ng dami ng tao, napansin kong nagpalit pala siya ng damit. Nakacoat na siya at suit sa loob. Jusko ang kapal ng suot niya eh ang init-init dito sa Pilipinas, teh!
"Kuya!" tawag ko pero mukhang hindi niya ako narinig sa ingay ng mga tao at dahil hindi siya huminto sa paglalakad.
Habang tumatakbo ako palapit sa lalaki, narinig kong palakas nang palakas ang tunog ng hawak ko kaya't napatingin ako sa bagay na nahulog ng lalaki at ngayon ko lang narealize na relo pala 'to. Makalumang relo na may lace pa, 'yung parang relo ng mga konduktor sa tren sa mga movies. Basta ganun!
"Kuya!" tawag ko ulit at this time, lumingon na siya sa direksyon kung nasaan ako pero hindi dahil sa narinig niya ako kundi parang may hinahanap siya. Kinakapa niya bawat bulsa ng damit niya habang iniikot ang paningin niya sa paligid.
Napansin kong medyo malayo na kami sa mga tao kaya't hindi na gano'n kaingay kaya tatawagin ko na sana ulit 'yung lalaki pero napatingin nalang ako sa relong hawak ko. Sobrang lakas na ng tunog nito kaya kinilabutan na ako. Halos tik-tok nalang ng relo ang naririnig ko sa buong paligid.
"K-Kuya!" kinakabahang sigaw ko at nakita ko siyang lumingon sa akin.
"A-Anong... nangyayari..." nasabi ko habang nakatingin pa rin sa relong hawak ko.
Naramdaman ko ang paglapit ng lalaki sa akin pero kasabay noon ay biglang lumindol. Napakapit ako sa lalaki nang makaramdam ako ng hilo. Napapikit nalang ako dahil kahit nakatayo lang, pakiramdam ko nakasakay ako sa roller coaster na biglang nahulog mula sa peak nito.
Pagkadilat ko, pakiramdam ko masusuka ako kaya agad akong tumakbo papunta sa kung saan at nang may maramdamang railings, sumuka ako kahit hindi ko alam kung anong masusukahan ko.
Nakaramdam ako ng malamig na hangin na nagpagaan sa pakiramdam ko kaya kinuha ko na ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang bibig ko. Eeergh... kadiri ako, shet.
Pagkatapos kong magpunas, naglakad ako pabalik sa lalaki. 'Yung itsura niya parang gulat na gulat. Ngayon lang ba siya nakakita ng taong nagsuka? Atsaka grabe, gano'n pala 'pag lindol? Ngayon lang kasi ako naka-experience.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko at tinignan siyang mabuti. Mukha namang ayos lang siya.
"Ikaw," sabi niya at nag-cross arms.
"Ayos ka lang ba?" balik niya ng tanong sa akin na nakakunot pa ang noo.
"Oo, medyo nahilo lang. Ngayon lang kasi ako naka-experience ng lindol, grabe! Gan-Oo nga pala, relo mo oh." Abot ko sa kaniya ng relo niya.
"Anyway, back to the topic. Grabe, ilang magnitude kaya 'yun? Nakatayo lang tayo eh." sabi ko pa at inilibot ang paningin ko. May mga natumba o nasira kayang infrastructures? Nako, delikado 'yun.
"Narealize mo na?" tanong ng lalaking nasa tabi ko habang pinagmamasdan akong pagmasdan ang paligid.
"Ha?" tanong ko at nabalik ang atensyon ko sa kaniya.
Nang makita ko siya, bigla kong naalalang may kasama nga pala ko... si Trisha!!!
Tumakbo ako pabalik nang marealize kong wala na kami sa labas ng mall kung saan ko siya hinahabol kanina. Nasa open area na kami, malamig ang simoy ng hangin. Kahoy na ang tinatapakan kong kanina lang ay semento. At higit sa lahat, wala ako sa lupa kundi sa karagatan. Nasa barko ako!
"Paano... pa-"
"Hindi ko rin alam." putol agad niya sa sasabihin ko.
"Ang alam ko lang... matatagalan pa bago ka makabalik dahil-"
This time, ako ang pumutol sa sasabihin niya.
"Saan ba papunta 'tong barkong 'to? Siguro naman may biyahe rin pabalik atsaka bakit ba kasi tayo napunta rito? Atsaka nasa Pilipinas pa naman siguro tayo, 'no? Kung hindi, nako hindi ko pa naman dala passport ko, hindi ako makakapag-eroplano."
"Alam mo, kahit dala mo passport m-"
"Pero okay na rin. First time ko sumakay ng barko." sabi ko at tumakbo papunta sa edge ng barko at kumapit sa railings. Kaya pala may railings kanina dahil nasa barko na ako.
Sa totoo lang, hindi maganda ang pakiramdam ko dahil ang wirdo lang talaga. Kanina nasa mall lang kami pero ngayon nasa barko na ako? Sa kabila ng kaba, pagtataka at halu-halong emosyon, pinili ko nalang i-appreciate ang paligid dahil sobrang ganda nito.
Grabe, nalulula ako pero natutuwa ako sa view na nakikita ko. Ang lawak ng karagatan, parang walang hangganan at marami pa palang mga bundok na sagana pa sa puno. Sa ibang lugar kasi halos kalbo na ang mga bundok pero rito, parang ni hindi pa nagagalaw ng mga tao ang kalikasan.
Naramdaman kong lumapit ang lalaki sa akin kaya humarap ako sa kaniya.
"Saang lugar 'to? May ganito pa pala kayamang kabundukan dito sa Manila." sabi ko pero 'yung mukha niya mukhang 'di maipinta.
Hala, oo nga pala! Hindi nga pala niya ako kilala. Ano ba 'yan, Juliet! Malamang kaya ganito ang itsura nito kasi kanina ko pa siya dinadaldal eh hindi naman niya ako kilala. Baka hindi sanay makipag-usap sa strangers.
"Juliet." Abot ko ng kamay ko sa kaniya para magpakilala. Para naman hindi na siya ma-awkwardan.
"Alam mo-"
"Ginoong Cordova! Narito ka na pala at... sino itong... magandang binibining kasama mo?" biglang bati ng lalaking may katabaan at bigote, bumababa siya mula sa itaas ng barko. May kasama siyang mga lalaking nakacoat.
Bakit ang init-init, ang kakapal ng coat nila? Ito ba ang latest trend ngayon?
Napansin ko ring may mga babae rin silang kasama na naka baro't saya. Woah! Sasayaw ba sila? Mukhang magandang barko 'tong nasakyan namin ah.
"A-Ah... G-Ginoong Alba, kararating ko lamang sa daungan ng Maynila kahapon at dumiretso rito upang makaabot sa pista ng San Sebastian. At ito..." sagot nung lalaki at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Siya ang a-aking..." Lumingon ulit siya sa akin na para bang naghahanap ng sagot.
"Siya ang aking kapatid. Si-"
"J...Juliet!" sabi nung Ginoong Alba na nakatingin sa leeg ko. Mukhang binasa niya 'yung kwintas ko kaya napahawak ako sa kwintas ko na nagsuplong ng pangalan ko.
"O-Oo... galing pa siya sa tahanan namin sa Inglatera kung kaya't kailangan na muna niyang magpahinga." Hila sa akin nung lalaki.
Ngayon ko lang napansin na pinagtitinginan pala nung mga kasama nung Ginoong Alba 'yung suot ko kaya naconcious ako bigla. Grabe, ngayon lang ba sila nakakita ng jeans?
"Ganoon ba... o sige. Magpahinga kayo nang mabuti at magkuwentuhan tayo sa susunod nating pagkikita. Namamangha ako sa bagong paraan ng pananamit ng mga tao sa Inglatera, nais kong makarinig tungkol dito." sabi nung Ginoong Alba at unti-unti na akong nilayo nung lalaki habang nagpapaalam din siya.
"Caden at Juliet Cordova... tunay na maganda ang lahi ng mga Britong iyon." rinig ko pang sabi nung Ginoong Alba bago ako tuluyang hilahin nung lalaki.
So, Caden pala ang pangalan nito. Pero bakit niya ako pinakilalang kapatid niya atsaka... Briton?? Mukha ba akong British??!!
Nagulat nalang ako nang nasa isang kuwarto na kami tapos nilock niya ang pinto. Omg. Anong gagawin niya sa akin?
"Hindi mo pa rin ba narerealize?" tanong nitong Caden at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Ha? Ano bang dapat kong marealize?" tanong ko.
I mean okay, medyo magulo like hindi ko alam paano ako napunta sa barko eh lumindol lang napunta na ako sa barko tapos feeling ko ang wirdo ng tingin ng mga tao sa akin kanina at ang weird din ng pinagsasabi at pananalita nila.
"Itigil mo muna lahat ng iniisip mo, naiingayan ako." sabi ni Caden na nakapikit, mukhang may malalim na iniisip habang hawak pa rin ang magkabilang balikat ko.
"Bakit ka naman naiingayan sa iniisip ko eh iniisip ko na nga lang." sabat ko.
"Exactly! Iniisip mo nga kaya nga ako naiingayan kasi naririnig ko lahat ng iniisip mo." iritableng sagot niya kaya natahimik ako.
Okay... ang creepy niya...
"Okay, I'm sorry. Hindi ako creepy. It's just that... I don't know how to bring you back... to the present." mahinahong saad niya at binitawan na ako. Sinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok niya habang paikot-ikot sa loob ng kuwarto.
Teka, anong... hindi niya alam paano ako ibalik sa present?
"Ang ibig mo bang sabihin..." sabi ko at tumangu-tango siya.
"Nasa 19th century ka ngayon, Juliet."
How's the beginning of the story so far? Drop your feedbacks in the comment section!
- E