webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Adolescente
Classificações insuficientes
71 Chs

Chapter 42

Chapter 42: Finally, He Responsed

Ngayon araw in-announce sa buong campus na sa friday na pala 'yong Acquiantance Party. Actually, late na nga iyong ibinalita sa amin kasi malapit na 'yong friday. Pero okay lang iyon dahil wala naman akong balak pumunta. I'd rather to stay at home and read than to attend that kind of event. 

Nakauwi na ako't lahat ngunit umaasa pa rin ako na magpaparamdam na si Oliver. Itinigil ko na 'yong pangungulit ko sa text sa kanya dahil napagtanto ko na sayang din 'yong load ko, hindi naman siya tumutugon, eh. Kaya mas mabuti pang hintayin ko na lang siyang makita.

Nandito ako ngayon sa storage room ng bahay namin because there's a something that I'm looking for. Medyo mainit dito at maalikabok ngunit kailangan kong tiisin. Ngayon ko na kasi sisimulan gawin 'yong canvas paiting project ko, sa thursday na kasi iyon pasahan no'n. Napahinga ako nang maluwag nang makita ko na 'yong hinahanap ko. Kundi, 'yong wood easel stand. Gagamitin ko para patungan ng canvas.

Kukuhanin ko na sana iyon pero may pumukaw ng atensyon ko, may nakita akong isang malaking box. Because of my curiosity, kinuha ko iyon at pinagpagan dahil sa sobrang daming alikabok nito. Hindi na ako magtataka kung mamayang gabi ay sisipunin ako dahil sa alikabok na nalalanghap ko ngayon.

I gradually open the cover, I felt confuse when I saw something strange from the inside. Parang kagamitan ng isang lalaki. Parang kagamitan ng isang tatay.

Inilabas ko 'yong ibang kagamitin ng mula rito at ipinagpatuloy ang pangangalkal upang malaman kung sino may ari nito. May nakita akong I.D. lace, hinila ko iyon para makita ko 'yong dulo nito. Pagkabasa ko no'ng pangalan, napangiti ako bigla. Kay Papa pala itong mga gamit na nandito. Mga bagay na naiwan niya no'ng nasa Laguna kami na dinala lang ni Mama rito at itinambak sa storage room, siguro'y pinagsama-sama lang ni Mama sa isang malaking kahon.

Hays. I suddenly remember the last time when I met my Father again. Until know, hindi pa rin alam iyon nina Mama at Kuya. Hindi ko pa rin mahanap 'yong tamang daan para ipaalam ko na iyon sa kanila. Kapag nasabi ko na iyon sa kanila ay sana hindi sumama 'yong loob nila sa akin.

Sa gitna ng pangangalkal ko ay bigla akong may nakitang letter, ito 'yong last letter na iniwan ni Papa noon. Binuksan ko iyon at binasa ulit. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot nang makitang nandito pa rin 'yong bakas ng patak ng luha namin nila Mama at 'yong gusot na parte nito dahil sa pagkakahawak niya. Ito 'yong panahon na sobrang nasaktan si Mama, na kahit 'yong buhay niya ay kaya niyang isuko.

Kapag talaga mahal mo 'yong isang tao ay kuntento ka na. Hindi ka na maghahanap pa ng iba kasi siya pa lang ay sobra na. Kahit nasaktan ka man niya, hindi mo pa rin kaya siyang palitan.

Katulad ni Mama, hindi na niya binuksan muli ang puso niya para sa iba. Dahil alam kong nakasara pa rin ito para kay Papa. Ang daya ng mundo, mapanakit.

Ibinalik ko na lahat ng laman ng kahon at kinuha na 'yong wood easel stand bago lumabas ng storage room.

-

Bago muna ako mag-paint ay pumunta muna ako ng garden ni Mama para picturan 'yong pinakapaborito kong bulaklak niya. Ito 'yong susubukan kong i-paint. Abstract Painting Theme 'yong gusto kong gawin at 'yong gladiolus flower ang pinaka-subject habang may kamay na nakahawak dito.

Isang oras ang lumipas nang magsimula ako when I heard my phone suddenly vibrated. Agad ko iyon kinuha dahil umaasa ako na si Oliver 'yong nag-text. Excited kong binuksan iyon at binasa agad 'yong nasa screen.

"Gosh! Siya nga!" Tumayo ako sa aking kinauupuan at tumalon-talon dahil sa saya at kilig na nangingibabaw sa akin. For almost 1 week that he didn't reply to my messages, mabuti't ngayon ay nag-reply na siya.

Oliver:

I'm fine, Tiger Girl. Don't being too paranoid. Ako tuloy 'yong nag-aalala para sa iyo. Baka sakalin mo na ako pagkabalik ko? Haha. Biro lang. Miss you.

Jamilla:

Paanong hindi ako mag-aalala kung hindi ka nag-rereply sa bawat mensahe na pinapadala ko sa iyo. Nakakainis ka. Kailan ba kita ulit makikita? Miss you, too.

Lumipas ang ilang sandali ngunit wala na akong na-receive na mensahe galing sa kanya. Ito na naman 'yong pakulo niya, magpaparamdam siya ng isang beses ngunit hindi na ulit tutugon. Gosh. Sabik na akong makita siya.

Ibinaling ko na lang ulit 'yong atensiyon ko sa ginagawa ko ngayon. Konti na lang ay malapit na akong matapos.

Napalingon ako sa bandang main door namin nang marinig kong may kumakatok mula rito. Tinawag ko si Mama para siya na lang ang magbukas dito kaso hindi ko alam kung asaan siya at hindi siya nasagot, kaya ako na lang nagbukas.

"Oh? Hi, Prince," Bati ko sa kanya.

"Magandang hapon. Nagluto ako ng carbonara. Ito, oh. Para sa inyo."

Kinuha ko iyon. "Wow, mukhang masarap. Luto mo?"

"Oo."

"Naks. Marunong naman palang magluto. Haha," Puri ko sa kanya. "Pasok ka rito. Gumagawa kasi ako ng project, wala kasi akong kasama. Naboboring ako," Offer ko sa kanya.

"Sige ba. Pero teka lang, huhugasan ko lang muna 'yong mga pinaggamitan ko sa bahay," Tumango ako kaya nagsimula na siyang maglakad.

"Salamat pala!" Pahabol na sabi ko sa kanya.Tumango lang siya sa akin at ipinagpatuloy ulit ang paglalakad.

-

Katatapos ko lang kumain ng carbonara na gawa ni Prince at sobrang sarap nito. Hindi niya ako binigo. 'Yong gusto kong luto na carbonara ay nakuha niya naman. Good job, Prince.

Saktong katatapos ko lang kumain ay bigla siyang dumating. Pinapasok ko na siya sa loob ng bahay namin at ikinuha ko ng maaari niyang upuan.

"Ang sarap ng carbonara mo. Sobra," Puri ko sa luto niya habang umuupo siya upuan.

"Thank you," Pasasalamat niya habang pinapanood ako sa ginagawa ko. "Ano bang pini-paint mo?"

"Abstract ito. Then, this is what I imitate," Ibinigay ko sa kanya 'yong phone ko na may picture ng bulaklak na tinutularan ko.

"Ah. Hindi ko hobby iyan."

"Ako rin kaya. Pero para sa grades, kailangan gawin."

"Sabagay."

"Alam mo kanina? Sobrang bagot na bagot ako rito. Wala akong kausap. Mabuti't dumating ka."

"May I ask you something?"

"Ano iyon?" Itinigil ko muna 'yong pagpe-paint ko at tumingin ako sa kanya nang deretso.

"Uhmm.. Para may pag-usapan lang tayo. Hehe. Ano 'yong ayaw mo sa isang tao?"

"Sinungaling," Sagot ko at ipinagpatuloy ulit kung ano man 'yong ginagawa ko.

"Sinungaling?" Pag-uulit niya na tila'y hindi makapaniwala. Anong problema sa sagot ko?

"Oh? Ba't parang hindi ka makapaniwala?"

"Hays," Rinig kong bumuntong-hininga siya. "Uhmm.. Hindi, ah. 'Yon lang 'yong ayaw mo?"

"Ayaw ko rin 'yong taong mangangako pero bibiguin lang din pala ako. Ang hirap din kasing magtiwala. Kaya minsan, I didn't believe in pinky promise. Anong magiging silbi no'n kung babasagin din pala? Duh."

"Ahh, sabagay. May point ka naman."

"Why did you ask me about that kind of question?"

"Nothing. I just really want to know it para maging aware na ako."

"Huh?" Tumingin muli ako sa kanya.

"Basta. Sa akin na lang iyon," Mapait niyang sabi. Napapansin ko, pagkatapos kong sagutin 'yong tanong niya ay parang naging matamlay na siya. Nadismaya ba siya sa sagot ko?

Isang oras din kaming nagkuwentuhan ng kung ano-ano. Nalaman kong nakita na niya pala 'yong bagong asawa ng Tatay niya at balak pa raw nitong bisitahin 'yong bahay ni Prince. Kaya humihingi siya ng favor sa akin kung p'wede ko ba raw siyang tulungan sa paglilinis ng bahay nila sa next week at pumayag naman ako.