webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Adolescente
Classificações insuficientes
71 Chs

Chapter 29

Chapter 29: I saw him Again

Agad akong nakarating sa punong mangga, sa may likod ng bahay nila Tita Bella. Nakita ko naman 'yong mga kaibigan ko sa ilalim nito habang nagtatawanan.

Nang makarating ako ay agad akong napansin ni Claire. "Oh? Nakapagluto agad kayo? Ang bilis naman."

"We're not yet done. Naiinis lang talaga ako kay Mokong." Lumapit ako sa kanila at nakiupo rin sa duyan. Apat na kaming nakaupo rito at mukhang kaya pa naman kami ng duyan na 'to.

"Pinakilig ka lang, e." Jess nudged. Gulat akong tumingin sa kanya. Ito na naman siya, mang-aasar na naman sa akin.

"Pati ba naman ikaw. D'yan na nga kayo. Pupuntahan ko na nga lang si Tita." Tumayo ako at naglakad papaalis, narinig ko pa silang nagtatawanan ngunit bigla ring nawala nang makarinig ako na parang may nahulog mula sa itaas.

"Aray!"

Narinig ko si Jess na parang may iniinda kaya humarap agad ako sa kanila. Nakita kong hinihimas-himas niya 'yong ulo niya.

"What happened?" I asked them.

"May nalaglag na mangga at saktong tumama sa ulo ng kaibigan mo." Sagot ni Aivin. Tumingin ako sa itaas ng punong mangga and I saw Rico there. Nalaglagan niya yata si Jess ng mangga habang nangunguha siya rito. Bilis ng karma.

"Rico!" Tawag ko sa kanya, tumingin din sina Claire, Aivin at Jess kay Rico sa itaas.

"Hi, happy fiesta! Bakit?"

"'Yong kaibigan ko, nalaglagan mo ng mangga sa ulo."

"Ha? Sorry. Wait, I'm coming down." Agad naman siyang bumaba mula sa hagdan nang nasa likod lang ng puno. Nang makakaba ito ay nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Jess. "Hindi ko sinasadya, hindi ko alam." Saad ni Rico.

"You're acting like an innocent. Hindi mo manlang kaming naririnig na nagtatawan? You're impossible." Tumayo si Jess mula sa duyan at naagcross-arm sa harapan ni Rico. Wait? Nahulugan lang siya ng mangga but I don't know why she's being like that, napaka mahiyaan niyang tao pero bakit ngayon ay nagtataray na agad siya sa hindi naman niya kilala?

Natuwa naman ako sa inaarte niya. Tama 'yan, Jess. Sana hindi ka lang ngayon mawalan ng hiya.

"Hindi. Sorry talaga. Ako nga pala si Rico Reyes." Nakangiti nitong pagpapakilala kay Jess. Ang lupit talaga nitong si Rico. Nagpakilala agad. Napakamot na lamang ko ng ulo at bahagyang umiling-iling.

"Pagkatapos mo 'kong hulugan ng mangga sa ulo ay magpapakilala ka sa akin agad? You're too fast."

"Okay lang 'yon. Kasabay ng paghulog ng mangga sa ulo mo ay kasunod lang din ng paghulog ng puso ko sa 'yo." Nakangiti nitong saad. Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Wala pa rin talaga siyang pinagbago simulan pa lang noon. Ang hilig niyang magbitaw ng mga salita na alam niyang makakahulog ng damdamin ng isang babae. No'ng elementary pa lang kami ay mga apat na ang nagiging girlfriend niyan dahil sa attitude niyang ganyan. Ewan ko lang ngayon, siguro, hindi na mabibilang sa kamay.

"Kadiri ka." Umirap si Jess kay Rico at nagsimula na maglakad papunta sa bahay namin. Sinundan pa siya ng tingin ni Rico bago ulit ibinaling ang tingin sa akin.

"Why your friend so beautiful? Na-love at first sight yata ako. Gago." Nakangiti niyang sabi habang kinakamot ang ulo. "Pero gano'n ba talaga siya? Mataray?"

"No. Well, actually mahiyain talaga siyang tao kaya nga nagtataka kami kung bakit nagtaray agad siya sa 'yo." Sagot ni Claire kay Rico. "I'm Claire, Jamilla's friend too. At 'yong babae kanina ay si Jess."

"I'm Rico." Nakangiti nitong saad. "Ang ganda rin pala ng niligawan mo, p're."

"Oo, hindi lang maganda. Napakaganda." Inakbayan ni Aivin si Claire kaya halos hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan nito dahil siguro sa ginagawa ni Aivin. Napakunot ako ng noo nang bigla akong may nabuong tanong sa utak ko, do I look like that when Oliver's putting his arm around my neck? Ang awkward pala talaga.

"Haha, ang swerte mo, Claire. Dahil nakakilala ka ng napakabait na lalaki. If I were you, sasagutin ko na 'yan agad."

"Tumigil ka nga, Rico. Nakakahiya." Suway ni Aivin kay Rico. Aysus.

Tumawa lang si Rico at dumako ulit sa akin 'yong tingin niya at may biglang tinanong. "Kamusta na ang napakasikat kong kaibigan na may boyfriend na author?" Gosh.

"Sira, pero okay lang naman ako. Ikaw?"

"Okay lang naman din. Napapadalas na ang pagpunta sa gym. Look, lumalaki na ang braso, oh. Haha." Bahagya niyang itanaas 'yong braso niya at ipinagmalaking pinakita sa akin.

"Kadiri ka!"

"Luh? Kadiri agad? Haha." Tumigil muna siya sa pagsasalita bago nagpaalam. "Sige, pasok muna ako sa loob ng bahay. Bibigyan ko ng mangga 'yong magaray niyong kaibigan."

"Magaray?" Sabay namin tanong ni Aivin.

"Maganda na mataray."

"P're, ang corny mo." Saad ni Aivin, ningitian lang siya ni Rico bago ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay ni Tita.

-

3 PM na, kaya medyo nawawala na 'yong nga bisita ni Tita Bella, pero sabi naman niya ay meron pa raw darating mamayang gabi. Niyaya na rin kami ni Tita na pumunta sa harap ng bahay nila para raw mag-videoke, wala na raw kasing nagamit kasi nga umuwi na 'yong ibang mga bisita niya. Kasama na rin namin sila Jess at Oliver ngayon.

"Kanta ka, Jamilla." Napakunot ako sa sinabi ni Jess. Wala akong talento sa pagkanta tapos papakantahin niya pa ako. Ayoko nga, baka marindi pa sa akin 'yong mga kabitbahay namin.

"No way."

"Dali na, please." Pagpupumilit naman sa akin ni Claire.

"You can't please me, guys."

"Kahit para kay Oliver?" Gulat akong tumingin kay Jess. Gosh, kasama lang namin si Oliver, pwedeng bang tumigil sila sa pang-aasar sa akin? Nakakahiya.

"Mas lalong ayoko, 'no."

"Kung ayaw ni Jamilla. Ako na lang ang kakanta." Napatingin ako kay Oliver na biglang tumayo at kinuha 'yong song book na nakalagay lang sa ibabaw ng TV. Agad siyang pumindot sa videoke nang makahanap na siya ng kantang gusto niya.

Sana ikaw na nga by Marlo Mortel

"Para kanino 'yan, Oliver?" Tanong ni Claire habang hindi pa nagsisimula si Oliver kumanta.

"Kung sino iniisip niyo, para sa kanya nga ito." He take me a glance and nictitate. Gosh.

"Si Jamilla 'yong inisip namin! Ayie!" Bahagya akong siniko ni Jess. Parang sira. Nakakabwiset naman.

"Kinikilig ako!" Hirit ni Claire.

"Tumigil nga kayo!" Suway ko sa kanila ngunit sadyang nang-aasar pa sila kasi imbes na tumahimik na ay tumawa pa nang malakas. Gosh, mga kababaeng tao, gano'n tumawa. Magpakadalagang pilipina naman sila.

Napatingin ulit ako kay Oliver nang magsimula na siyang kumanta.

Nakahimlay sa iyong tabi

Minamasdan ang iyong ngiti

O sana nga ikaw na

O sana nga ikaw na

Pagkayakap nang kay higpit

Tibok ng puso mo'y dinidinig

Sana nga, ikaw na

O sana nga ikaw na

Napahawak bigla ako sa parte kung nasaan 'yong puso ko. Gosh, ang bilis na naman ng tibok nito.

Pagod na sa mga laro

Hangad ko lang ay iyong totoo

Sana ikaw na 'yon

'Yong bang habang-buhay

'Di na maghihiwalay

Sana ikaw na 'yon

Alam kong masyado pang maaga

Ngunit ang puso ko'y umaasa

Sana ikaw na nga

O sana ikaw na nga

Kailanma'y hindi ka bibitawan Habang-buhay ipaglalaban

Hindi susukuan

Hindi iiwanan

Hindi ka pababayaan

Sana ikaw na nga

Nakatitig lang ako sa kanya habang pinapanood siyang kumakanta. Ang ganda ng boses niya, mas lalo tuloy akong nahuhulog. Gosh, What are saying, Jamilla? Jusko.

Haplos mo na kay lamig

Pag-aalaga walang kasing galing

Sana nga ikaw na

Sana nga ikaw na

Di mapigilan ang kilig

Sa tuwing ika'y tumititig

O sana nga ikaw na

O sana nga ikaw na

Pagod na sa mga laro

Hangad ko lang ay iyong totoo

Sana ikaw na 'yon

'Yong bang habang-buhay

'Di na maghihiwalay

Sana ikaw na 'yon

"Aminin mo, maganda 'yong boses niya." Rinig kong saad ni Jess.

"Kaya nga, e." Tugon ko naman habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Oliver.

"Kilig ka naman."

"Siguro." Napatakip ako ng bibig nang malaman ko kung ano ang isinagot ko. Jusko.

Hindi ko na idedeny sa sarili ko na kinikilig ako kay Oliver. Hindi ko naman masisisi 'yong sarili ko kung bakit ako kinikilig sa kanya, because I know he's a kind of a person that no ones can't fall for him, kahit siguro matanda ay kikiligin pa rin sa kanya, boyfriend material kumbaga.

Alam kong masyado pang maaga

Ngunit ang puso ko'y umaasa

Sana ikaw na nga

O sana ikaw na nga

Kailanma'y hindi ka bibitawan Habang-buhay ipaglalaban

Hindi susukuan

Hindi iiwanan

Hindi ka pababayaan

Sana ikaw na nga

Hindi nagbibiro

Kapag napag-uusapan

Na ikaw lang ang tanging nais kong pakasalan

Puso mo ay iingatan

Hindi na kailangan pang pag-isipan Sigurado akong ikaw ang aking pangmatagalan

'Di kita bibitawan 

Hinding-hindi ka bibitawan

Alam kong masyado pang maaga

Ngunit ang puso ko'y umaasa

Sana ikaw na nga

O sana ikaw na nga

Kailanma'y hindi ka bibitawan Habang-buhay ipaglalaban

Hindi susukuan

Hindi iiwanan

Hindi ka pababayaan

Sana ikaw na nga

Sana ikaw na nga

Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti kaya ngumiti rin ako sa kanya nang pabalik, hindi ko alam kung bakit.

"Ayon. Kinikilig ka na d'yan?" Napakunot ako ng noo sa tanong ni Claire sa akin.

"Ako?" I asked.

"Of course."

"Hindi, ah." Tumango-tango sila sa akin bilang tugon pero alam ko rin naman na hindi sila naniniwala. Halata na siguro sa akin na kinikilig ako. Gosh. Kaya ko pa naman siguro itago 'tong nararamdaman ko.

-

Lumipas pa ang ilang sandali ay biglang may naggulo na naman sa amin.

"Sino 'to?!" Napatingin ako kay Jess habang tinatanggal niya 'yong kamay ni Rico na nakatakip sa mga mata niya. Napaka-jolly talaga nitong si Rico.

"Your future boyfriend."

"Let me go." Pagpupumilit ni Jess habang patuloy lang sa pagtanggal ng kamay ni Rico kahit hindi niya magawa.

"Hulaan mo muna kung sino ito."

"Oo na, ikaw si Rico." Tinanggal na ni Rico 'yong kamay niya mula sa mata ni Jess. Tinaasan siya ni Jess ng kilay at tumayo. "Ang baho ng kamay mo, ang lagkit."

"Huh? Nag-sanitizer naman ako before I put my hand on your face." Kunot noong tugon ni Rico.

"Still, ang baho pa rin."

"Ba't ba ng taray mo sa akin?"

"Eh, ikaw. Bakit ang kulit mo?"

"Kasi nga, gusto kita."

"Gosh, for just 4 hours? Gusto mo agad ako? Hello?" Inis na naglakad si Jess pabalik ulit sa bahay namin. Wala ba talaga siyang balak gawin kundi aalis na lang kapag kasama na namin si Rico? Hays. Ang lakas mang-asar sa akin pero kapag kinakausap lang naman siya ni Rico ay mag-wa-walk-out.

"Hays, hindi ako susuko para kulitin siya." Saad ni Rico sa sarili niya. Mukhang desidido talaga siya para kay Jess. Bahagya siyang nagulat nang napatingin siya kay Oliver "By the way, ikaw 'yong sikat na author sa wattpad 'di ba? I'm Rico."

"Nice to meet you, I'm Oliver." Bati rin ni Oliver.

"Nakakabakla ka naman. Ang gwapo mo!" Napatawa kami nina Claire at Aivin dahil sa inarte ni Rico. "Bagay talaga kayo ni Jamilla." Dagdag pa nito

"Puntahan mo na nga lang si Jess, ang dami-dami mong sinasabi." Inis kong sabi.

"Pinapaalis mo agad ako? Kakarating ko lang, ha." Malungkot niyang tanong sa akin.

"Oo, dali na!" Sinamaan niya ako ng tingin. Nararamdaman ko kasing baka asarin niya rin ako kay Oliver. Ano 'to? Lahat na lang sila ay aasarin ako kay Mokong? Hindi ako makakapayag.

"Teka lang, may I ask you something?"

"Ano?"

"Anong favorite color ni Jess?"

"Purple." Sagot ko.

"Thank you!"

-

Inabot na kami ng gabi sa labas ng bahay nila Tita, kung hindi lang dumating 'yong mg bago niyang bisita ay hindi na kami aalis doon. At ang sabi naman ni Tita ay nakapaghanda na raw siya ng dinner namin kaya pwede na raw kaming kumain at ang sabi niya pa ay hayaan na lang daw namin 'yong mga pinagkainan namin sa lamesa dahil siya na raw ang bahalang mag-ayos. No'ng una, hindi nga kami pumayag kaso 'wag na lang daw talaga.

"Ang daming pagkain." Saad ko nang makarating kami sa dining area. Nakita ko rin na si Jess ay nakain na. Ang utak talaga nitong babaeng na 'to, she didn't even wait us before she eat. Gosh.

Si Tita ba talaga ang nagluto ng lahat na ito? Sobrang dami naman para gawin niya ito. Paano niya kaya naiipagsabay 'yong pagluluto niya sa bahay nila at sa bahay namin dito? Para kasing imposible.

"Nag-solo ka na d'yan, Jess." Usisa ni Claire kay Jess.

"Nagulat nga ko kanina kasi natulog lang ako tapos pagkagising ko ay bigla akong nakaramdam ng gutom, then I saw many foods here."

Umupo na ako at nagsimula nang kumain. Inuna kong kainin 'yong favorite kong ulam, which is 'yong barbecue. Unang kagat ko rito ay bigla akong nagulat kaya dahan-dahan ko itong kinakain sa loob ng bibig ko. No, this is so impossible. Sabi ni Tita ay siya ang nagluto ng lahat ng ito, kaya iyon ang paniniwalaan ko.

"What's wrong?" Tanong ni Oliver sa akin.

"Para kasing gawa ni Papa itong barbecue. Tanda ko pa 'yong lasa no'n gawa niya, pero siguro imposible naman. Kasi sabi ni Tita, siya raw nagluto nito." Ramdam kong tumahimik bigla sila habang nakatingin sa akin. Lahat sila ay alam na kung anong problema ko with my father, kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit ganyan 'yong mga reaction nila.

-

12 midnight na but I still cannot be able to sleep. Gosh. Bakit hindi ako makatulog? Samantalang 'yong mga kaibigan ko ay sarap-sarap na ng matulog.

Lumabas ako mula sa kwarto namin at naisipan bumaba sa kusina para gumawa ng gatas. Ngunit nang pagbaba ko sa hagdan ay bigla na lamang akong kinabahan dahil sa nakikita ko. I saw a figure of man at the kitchen.

Sinubukan kong kalabanin 'yong takot ko at dahan-dahan naglakad papunta roon para tuluyan makita kung sino nga ba 'yong nandoon.

Nang pagkarating ko ay bigla akong napaluha dahil sa lalaking nakatalikod habang naghuhugas ng mga pinagkainan namin kanina. Bumalik muli sa isipan ko 'yong sakit na idinulot niya sa amin nila Mama dahil sa pag-iwan niya sa amin para sa bago niyang pamilya.

Napatiklop ako ng kamao dahil sa inis na nangingibabaw sa akin ngayon. For almost a 7 years that I've never been saw him again, makikita ko na ulit 'yong taong bumasag ng puso namin nila mama. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko ngayon.

"P-Papa?" Maluha-luha kong tanong sa kanya, dahan-dahan siyang humarap sa akin at bahagyang pinunasan 'yong kamay niya. Malaki na ang pinagbago niya, medyo pumuputi na ang kanyang mga buhok at mas nagiging matanda na ang itsura niya pero sapat na iyon para recognize ko siya.

"Anak?... Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin ngunit hindi ko iyon sinagot. Nakita kong unti-unti ng namumuo 'yong mga luha na nasa gilid na ng mga mata niya."I-I've really miss you, Jamilla"

Nararamdaman kong dahan-dahan siyang lumalapit sa akin ngunit nilayuan ko siya at tinakbuhan palabas ng bahay.  Hindi pa ako handa para harapin 'yong taong sumira ng mga pangako niya para sa amin. 'Yong taong minahal ni mama nang sobra na nagawa niyang iwanan at saktan. 'Yong taong ibinigay kay kuya 'yong obligasyon niya bilang isang tatay. 'Yong taong dapat hindi ko na lang nakilala. 'Yong taong pinakakinaiinisan ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin lahat ng 'yan.