webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · Realista
Classificações insuficientes
27 Chs

Chapter 23

Ram's POV:

**Bus terminal

Kasalukuyan akong nandirito sa terminal ng bus dito sa may cubao,papuntang Batangas.Ngayon kasi ang team building ng call center company na pinagtatrabahuhan ko.

Alas diyes na ng gabi,pero wala pang dumarating na bus na may byaheng pa batangas.Marami na kaming mga pasahero na nagaantay dito sa terminal.May mga nagiinit na ang ulo.Yung iba naman napipilitan nang umalis na lamang sa terminal na ito para maghanap ng ibang masasakyan.

Naiinip na rin ako.Marami na rin akong natatanggap na mga text at tawag mula sa mga katrabaho ko na nauna na sa batangas,nagpahuli kasi ako dahil dinaanan ko pa ang letcheng Tristan na yun.Kung umasta nga ang isang yun kanina akala mo may ibubuga sa akin,e hamak naman na mas malakas ako sakanya at sya?lalampa lampang totoy.Hindi ko na dapat pag aaksayahan ng panahon ang mokong na yun pero kailangan kong siguraduhin na ang pag aari ko ay akin lamang.Hindi ako papayag na maagaw nya sa akin si Lyrics.

Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko.Naalala ko na ngayon gabi rin pala ang gig nya sa foodpark kasama ang ilang sikat na mga banda dito sa Pilipinas.Tatawagan ko sya ngayon para kumustahin.Pinuntahan ko sa speed dial ang pangalan at number nya at agad itong dinial.

"The number you dial is out of coverage area.Please try your call later."

Makailang beses kong tinawagan si Lyrics,pero hindi ko sya macontact.Marahil walang signal ang  venue na pagpeperforman nya.

Minabuti ko na lamang na itago muli  ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.Pinagala ko ang aking mata at napansin na wala pa ring dumarating na mga bus.Nag antay pa ako ng mga ilang minuto at ng wala na talaga akong makitang pag asa na may darating pa na bus,nagpasya na akong lisanin ang terminal na ito.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Kasalukuyan akong nasa byahe papunta sa foodpark.Sosorpresahin ko na lamang si Lyrics,Nagtext na rin ako sa mga katrabaho ko na hindi na ako makakasama sa team building dahil sa kawalan ng masasakyan papuntang batangas.Nung una ay pinipilit pa rin nila akong sumunod duon pero kalaunan ay nakumbinsi ko na rin na sa susunod na team building na lang ako sasama sa kanila.

Mabilis ang naging byahe ko mula cubao hanggang dito sa foodpark,tantya ko hindi tumagal ng 30minutos ang naging takbo ng sinasakyan kong taxi.

Pagkababa ko ng sasakyan,napansin ko agad na may kalakasan na ang pagpatak ng tubig mula sa kalangitan.Nagmadali akong naglakad patungo sa kung saan naroroon ang backstage na kinalalagyan ni Lyrics.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalakad ng biglang lumakas ang ulan.Napansin ko rin na nagsisipag silong ang mga taong nandirito sa foodpark,narinig ko rin ang host ng event na ito na ititigil na muna nila ang lahat ng performance ng mga bandang kasali sa kadahilanang sobrang lakas ng ulan.

Patakbo na akong naglalakad,at kung mamalasin ka nga naman,kailangan sabay sabay?una?walang bus pa batangas tapos ngayon naabutan pa ako ng malakas na ulan.Nakakabadtrip talaga.Inis akong nagpatuloy sa paglalakad.

Basang basa na ako ng ulan ng makarating ako sa backstage.Napansin ko na nakatent ang karamihan dito,saan kaya nag stay si Lyrics at Roan dito?Naglakad lakad ako at kahit hindi ko alam ang eksaktong kinaroroonan ng girlfriend ko ay nagpatuloy ako sa pag hahanap,sinisilip ko ang loob ng mga nadadaanan kong tent.Patuloy pa rin sa pagbuhos ang malakas na ulan.Bahagya akong tumigil sa aking paglalakad para kuhanin ang cellphone ko sa bulsa ko.Mabilis kong Dinial ang number ni Lyrics.Nagring naman na ito agad.

"Hello.."-sya

"Babe?where are you?nandito ako sa backstage?puntahan kita."-ako

"Really?Ako na lang ang pupunta sa kinalalagyan mo.Palabas na rin kami ni Roan."-sya

Nabatid ko ang kalungkutan ng boses nya.

"Babe?you okay?"-ako

"Yeah.Pupunta na ako dyan,saan ka ba banda?"-sya

"Uhmm,malapit ako sa.."-ako

Pinagala ko ang aking mata para ibigay kay Lyrics ang landmark na kinalalagyan ko .

"Malapit ako babe sa tent ng callaLily"-sabi ko

"Sige,malapit lang ang tent ko dyan,puntahan kana namin."-sya

"O sig..."-ako

Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng mapadako ang aking mata sa lalaking nakatayo sa harapan ko.Basang basa rin sya ng ulan at nakikisilong sa isa sa mga tent na nandito.Si Tristan.Anong ginagawa nya dito?alam ba nyang nandito rin si Lyrics?Nagkita na ba sila?hindi maaaring mangyari yun.Hindi ako papayag.

"Babe?saan ka exactly naka tent?ako na lang ang pupunta dyan?malakas ang ulan baka mabasa ka pa?babe?hello?hello?."-ako

Inend call na pala ni Lyrics,marahil papunta na yun dito.Hindi maaring magkita o magkausap sila ng Lalaking ito.Ayoko nang magkaroon pa sila ng ugnayan.Hindi ako papayag na bawiin pa sakin ni Tristan ang pag aari ko na.

Napagpasyahan ko na lapitan si Tristan na sa mga oras na ito ay hindi napapansin na papalapit ako sakanya.

"Anong ginagawa mo dito."-ako

May kalakasan ang boses ko ng sabihin ko yan,sanhi para mabaling sa akin ang atensyon ng mokong na ito.

"Binibwiset mo talaga ako?ilang beses ko ba sayo sasabihin na layuan mo na ang girlfriend ko?"-ako

Tinitigan ako ni Tristan.Pakiwari koy nabigla sya sa biglaang pagsulpot ko at maging sa mga sinabi ko.

"Ilang beses ko din ba sasabihin sa makitid mong utak na matagal ko nang nilayuan si Lyrics?hirap ka bang maintindihan yun?"-Tristan

"Ginagago mo ba ako?nilalayuan mo ba talaga?o baka naman stalker ka?na kahit saan magpunta ang girlfriend ko nandoon ka."-ako

"Haha ?galing! Ako pa ngayon ang stalker?hindi ba ikaw yun?nung nalaman mo lang kasi na naghiwalay na kami,umaksyon ka agad!Ang bilis!Sinusundan at inaalam mo kasi noon ang nangyayari sa amin!Tama ako diba?Manunulot ka kasi!haha"-Tristan

"Gago ka ah!!"-ako

Kasabay ng pagkasabi ko nyan ay isang malakas na sapak ang ibinigay ng kamao ko sa mukha ng taong ito.Napaupo sya sa kinatatayuan namin.

"Sinalo ko lang ang sinayang mo!Gago!"-ako

"Haha!yan lang ba ang kaya mong iganti sa akin lagi Ram?ang sapakin ako?Yan naba lahat yun?Sabagay?sa paanong paraan mo pa ba ako sasaktan?e kung sa tingin ko naman mas nakalalamang ako sayo!"-Tristan

"Kahit kailan hindi moko nalamangan?Wawasakin ko yang pagmumukha mo sa abot ng makakaya ko!"-ako

"Edi gawin mo!Pero tatandaan mo ito,hanggat hindi natatapos ang koneksyon na nagbubuklod sa amin ni Lyrics,mananatili akong lamang sayo!"-Tristan

Sa sobrang pagkabanas at pagka insulto ko sa taong ito.Mula sa pagkakaupo nya sa kinatatayuan namin ay muli ko syang itinayo.Hinawakan ko ang kwelyo nya at muling binantaan.

"Wala ka nang aasahan!Itigil mo na ang pagiilusyon mo!-ako

Isang mainit na titigan ang namamagitan sa amin ni Tristan sa mga sandaling ito.Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang mainit na hidwaan sa pagitan namin ng gagong ito.

"Hindi ako nagiilusyon."-Tristan

"Huwag ka nang magkunwari!Ramdam ko na aagawin mo sa akin si Lyrics!"ako

"Wala akong aagawin sayo dahil simula pa lang ang tinuturing mong sayo ay Akin!"-Tristan

"Gago!!"-ako

Inambahan ko muli ng aking kamao si Tristan,handa akong basagin ang makapal na pagmumukha ng taong ito.Hindi napapatid ang pagkakatitig nya sa akin,wala akong makitang takot sa mukha nya.Habang ako nilalamon na ng pagka asar at galit.

"Ram!!!Huwag!"

Hindi ko naituloy ang nais kong gawin kay Tristan ng makarinig ako ng isang sigaw mula sa aking likuran.Ang boses na yun ang tanging nakakapag pahina sa akin.

"Itigil mo yang ginagawa mo!"

Binitawan ko ang kwelyo ni Tristan at patulak syang binitawan sanhi para mapaupo muli sya.Hinarap ko ang taong pumigil sa gagawin ko sa mokong na yun.At hindi nga ako nagkamali.Si Lyrics.Ang girlfriend ko.Pinigilan nya ako sa kung ano mang gagawin ko sa exboyfriend nya.Nakita ko sa mga mukha nya ang labis na pag aalala na may halong kagalakan.Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko,pakiramdam ko sinasagasaan ni Lyrics ang pagkalalaki ko.Nakatingin lamang ako sakanya habang ang atensyon nya ay na kay Tristan.

Galit ang tanging nararamdaman ko.

[End of Ram's POV]

------------------------------------------------------

Tristan's POV:

Kasalukuyan akong nakaupo sa basang basang lupa dito sa backstage ng isang event.Nagpapatuloy kasi ang malakas na ulan at kasabay nito ang paghaharap muli namin ni Ram.Isang mainitan na pagtatalo ang nagaganap sa pagitan naming dalawa.

Inaamin ko natatalo nya ako kapag pisikalan na ang nanaig.Hindi ako yung klase ng tao na kayang makipag basag ulo.Sa makatuwid talunan ako.

Ngunit hindi ko iniinda ang sakit na nadarama ko mula sa kamao ni Ram sapagkat sa mga oras na ito,alam kong panalo pa rin ako.

Isang tinig kasi ang nagpatigil sa pananakit sa akin ni Ram.Isang tinig na pareho naming inaasam.Isang tinig na nagpapatigil ng mundo ko.Isang tinig na matagal ko nang inaasam na muli kong mapakinggan.

Ang tinig ni Lyrics.

Pinigilan nya ang tangkang pananakit ni Ram.Sanhi para itulak ako ng huli sa kinalalagyan ko ngayon.

"Itigil mo yang ginagawa mo!"

Napalingon sa kanyang likuran si Ram,nasa bahagi kasing iyon si Lyrics.Wala akong naririnig na kahit ano mang ingay sa pagitan naming tatlo,tanging ingay lang na nagmumula sa mga patak ng ulan ang nagsisilbing musika sa sitwasyon namin ngayon.

Kagalakan ang tanging nadarama ko sa nangyayaring ito,hindi ko maipaliwanag.

Sa tinagal tagal na panahon na pag aantay ko,heto't nasilayan ko na muli ang napakagandang mukha ng babaeng pinakamamahal ko.Akala mo'y isang eksena sa isang romantikong pelikula ang tagpong ito sa buhay ko.Hindi ko ito inaasahan na muling mangyayari.

Nagtama ang mga mata namin ni Lyrics.Pansin ko umiiyak sya.Hawak hawak nya ang payong na nagsisilbing silungan nya laban sa malakas na buhos ng ulan.Ang kaliwa nyang kamay ay nakatakip sa maganda nyang labi,waring hindi makapaniwala sa nasasaksihan nya.

"Tristan.."-sya

Isang mahinang daing ang narinig ko mula sakanya.Napangiti ako.Hindi ito isang panaginip na inaakala ko.Totoo ito.

Napansin ko ang bahagyang paglapit ni Lyrics.Hindi ko alam kung sino sa amin ni Ram ang kanyang pupuntahan ngunit ng makita kong nilampasan nya ang pwesto ng kanyang nobyo ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.Animo'y isa akong batang matagal ng nawalay sa kanyang minamahal.Hindi ko maipinta sa aking mukha ang dapat kong ireaksyon.Napapangiti ako habang umiiyak.

Dahan dahang lumuhod mula sa kanyang pagkakatayo si Lyrics.Hindi nga ako nagkakamali umiiyak nga sya.Binitiwan nya ang hawak hawak na payong at unti unting nabasa ng ulan.Hinawakan nya gamit ang kanyang kanang palad ang parte ng mukha ko na kaninay nadampian ng kamao ni Ram.Bahagya akong napailag ng kanya itong mahawakan,ng alisin nya ang kanyang palad ay napansin ko na may bakas ng dugo ang naiwan sa kanyang mga daliri.Napuruhan na pala ako ni Ram.

"Lyrics,lumayo ka sa taong yan."-Ram

Yan ang pasigaw na utos ni Ram kay Lyrics ngunit hindi sya nito pinakinggan.

"Sorry sa lahat Tristan."-Lyrics

Nagulat ako sa sinabing yan ni Lyrics.Ngunit ng marinig iyon ni Ram ay agad sya nitong hinatak palayo sa akin.Napatayo naman si Lyrics sa ginawang iyon ni Ram.

"Ano ba Ram!Nasasaktan ako."-Lyrics

"Ano ba kasing kagaguhan ang pinakikita mo sa akin?Harapan harapan Lyrics?harap harapan mokong pinagpapalit sa gagong ito?"-Ram

"Ano bang pinagsasabi mo?-Lyrics

Hinawakan ni Ram ang braso ni Lyrics,kitang kita ko na nasasaktan sya.

"Ram,bitawan mo si Lyrics."-ako

Pinipilit kong makatayo mula sa aking pagkakaupo,may kaunting hilo akong nadarama sanhi ng mga nainom ko kanina at dala na rin siguro ng natamo kong suntok kay Ram.

"Babalikan mo ba itong hayop na to Lyrics!Ipagpapalit mo ba ako sa taong iniwanan ka lang noon?!!"-Ram

"Hindi ako iniwanan ni Tristan.Marami ka pang hindi alam Ram.Marami pa!"-sigaw ni Lyrics

"Sabihin mo sa akin!Sobra na akong nasasaktan sa pagpaparamdam mo sa akin na mas matimbang pa rin sa puso mo ang lalaking ito!!!"-Ram

"Hindi ko pinararamdam sayo yan!Ikaw lang ang nagiisip nyan Ram!"-Lyrics

Bahagya na akong nakatayo at nakatingin kay Ram at Lyrics.

"Tama si Lyrics.Ikaw lang ang nag iisip ng mga ganyan Ram,dahil ayaw mong mangyari sayo ang ginawa mong panunulot kay Lyrics!Matalik kitang kaibigan.Alam mo ang nangyayari sa amin noon pero anong ginawa mo?Nanamantala ka!"-Ako

Sa isang mabilis na kilos mula kay Ram ang umiral at muli nyang idinampi ang kanyang kamao sa aking mukha.

"Ram!Stop it!"-Lyrics

Muli akong napatumba at sa pagkakataong ito mas malakas na sapak ang iginawad sa akin ni Ram.Kitang kita ko na tumilamsik ang dugo mula sa aking labi.Bahagya akong nahilo.Napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon.Si Lyrics hinaharangan nya si Ram na pilit lumalapit sa akin.

"Umalis ka dyan Lyrics!Tatapusin ko na ang kagaguhan ng lalaking yan!"-Ram

"No!Hanggat nandito ako hindi mo sya pwedeng saktan."-Lyrics

Sa sinabing yun ni Lyrics.Kitang kita ko na nanahimik at bahagyang napahiya si Ram.

"Bakit Lyrics?Tama ako diba?Mahal mo pa rin si Tristan?diba?"-Ram

Nagulat ako sa tanong ni Ram.Parang ayaw kong marinig ang isasagot ni Lyrics.Muli na naman ba akong masasaktan?

Nananatiling nakatayo lamang si Lyrics,hindi mapakali.Hindi makasagot.

"Ano!!Sumagot ka !Mahal mo pa ba si Tristan?!''-Ram

Patuloy ang malakas na ulan.

"Ram..Im sorry."-Lyrics

"Anong sorry?Bakit ka nagsosorry ?bakit!!!!"-Ram

Nanatiling tahimik si Lyrics.Patuloy rin sya sa pagiyak.

"Mahal ko pa yata si Tristan.."-Lyrics

Nagulat ako sa naging sagot ni Lyrics.Nabuhayan ako ng loob sa narinig ko mula sakanya.Mahal pa nga ba nya ako?

Napaatras si Ram palayo ng kaunti mula kay Lyrics.Hindi maipinta ang mukha nya.Galit ang nakikita kong nangingibabaw sakanya.

"Napaka gago mo naman Lyrics.Kaya pala kung ituring moko ay parang hindi moko boyfriend ay dahil may nararamdaman ka pang pagmamahal sa ex mo.!!"-Ram

"Im sorry Ram.Kahit ako hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Mahal kita pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko kay Tristan.May mga bagay sya na nagagawa na hindi ko nakikita sayo.Marahil nagkamali lang ako noon sa naging desisyon ko na pakawalan sya,mali na pakawalan namin ang isat isa.Pero huli na ang lahat nangyari na ang hindi dapat.Pinili kita at hindi ko kayang masaktan ka  kaya..."-Lyrics

Hindi pa man natatapos magsalita si Lyrics ay nagsalita na ulit si Ram.

"Kaya nag iis-stay ka sakin?tama ba?Napipilitan ka lang?"-Ram

"Im sorry Ram.."-Lyrics

Patuloy pa rin sa pagiyak si Lyrics.Habang si Ram ay hindi mapakali sa mga naririnig nyang masasakit na salita mula sa nobya nya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nangyayari na pabor lahat sa akin?ayaw kong danasin ng kahit sino ang nangyari sakin noon.Higit sa anim na taon akong nilamon ng pagkakabigo ko.Alam kong masasaktan ng husto si Ram tulad ng nangyari sa akin.

Pinipilit kong muling makatayo pero kahit anong pilit ko ay hindi ko magawa.Hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na kalabog.Kitang kita ko ang pagbagsak ni Lyrics.Tulad ko napaupo din sya.Hawak hawak nya ang kaliwang pisngi at may kaunti itong dugo.

"Lyrics?"-ako

Hindi ako kinibo ni Lyrics.

Pinagala ko ang aking mata at nakita ko si Sir Asher na nakatayo sa harapan namin Lyrics.

"Yan ang bagay sayo!Hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang Huwag kang manakit ng kapwa mo."-Asher

Natigilan ako.Sinampal ba ni sir Asher si Lyrics?Bakit?

[End of Tristans POV]