webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · Realista
Classificações insuficientes
27 Chs

Chapter 11

Tristan's POV:

Kasalukuyan akong nag lalunch dito sa right side ng coffee shop.Nasa counter naman sina Lia at Hikari,samantalang busy naman si Miguel sa pagbubuss,medyo may kasipagan kami ngayon dahil may kasungitan ang bago naming manager sa isang buwan nya dito sa shop hindi pa namin sya nakakasama kumain sa labas maging ngumiti kasi hindi nya ginagawa nakaka hiya syang kausapin minsan.

"Can i join you?"

Napatingin ako sa nagsasalita,nagulat ako sa aking nakita,Si Sir Asher pala,nakatayo sya sa gilid ng lamesang kinakainan ko hawak hawak ang isang silver na lunch box at silver na tumbler.Nakatingin sa akin at nag aantay ng isasagot ko.

"Oo naman Sir Asher,upo ka."-sagot ko

" Thankyou."-Asher

Naupo na si Sir Asher sa harap ko,inilapag sa kaliwang parte ng lamesa ang daladalang tumbler at binusan ang tatlong layer na lunch box nya,tocino,kamatis at fried rice ang nakita kong pagkain na baon nya,nakita ko rin na may kinuha sya sa bulsa nya na isang inumin,yakult kung di ako nagkakamali.May ilang minuto na rin si Sir Asher na kumakain sa harap ko.Tahimik syang kumakain kaya nagpasya na rin akong ituloy ang pagkain ko,bibilisan ko na nga mukha kasing hindi approachable ang bago naming manager.

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo dahil natapos na akong kumain nang biglang..

"Ang bilis mo palang kumain?"-Asher

" A-ako Sir?"-tanong ko?

"May iba pa ba akong kasama dito sa lamesa?"-Sagot ni Asher

Bahagya akong napalunok sa tono ng pagsasalita ni Sir Asher,pilosopo pa pala ang isang to.Hindi na ako nakasagot sa tanong nya at akma na talagang aalis,nang magsalita muli ang pilosopong ito.

" Sa tingin mo Tristan?Mahirap ba akong pakisamahan?."-tanong ni Sir Asher

Napalunok ako sa sinabi nya at napatitig.

"Mahirap diba ?haha."-asher

" Uhmm Sir Asher hindi naman po"- sagot ko

"Hindi? E halata naman sayo nung nagtanong ako na mahirap talaga akong pakisamahan dahil sa ugali kong hindi pala ngiti at may pagka istrikto,alam ko at ramdam na naiilang kayo sa akin,alam ko rin na ibang iba ang naging trato sainyo dito ni Miss Joan,."-Asher

"Hindi naman sa ganun Sir,lahat naman po kami dito inaantay ka lang po mag open up sa amin,nahihiya lang po kami siguro sayo at naninibago at the same time."

Bahagyang nanahimik ang scenario na ito,napansin ko na tumingin sa malayo si Sir Asher.

"Can you help me Tristan?"-asher

" Para saan po sir?"-Ako

"Gusto ko sanang tulungan mo akong makilala ang mga iba mo pang kasamahan dito, sina Lia,Hikari at miguel.Tulungan mo kong mapalapit sakanila,gusto ko sanang gayahin ang ginawa sainyo ni Miss Joan noon.Matutulungan mo ba ako Tristan?."-Asher

" Yun lang ba Sir Asher?haha"-tanong ko

"Oo,nakakahiya pero aaminin ko sayo,mahirap sa akin na makipag halubilo sa ibang tao,wala akong msyadong kaibigan,Tingin ko naman sayo matutulungan moko."-Asher

" Oo naman Sir,No worries.Magbonding tayong lahat Sir,para mawala na yung wall sa ating lahat."-ako

"Salamat,Tristan.Gusto ko talaga kayong makilala lahat,lalo kana."-asher

Napangiti ako sa mga sinabi ni sir asher.Naeexcite tuloy ako na makabonding si Sir,mukhang pag nawala na ang hiya nito sa amin e makakasundo rin namin sya.

Nagpaalam na ako kay Sir Asher dahil tapos na ang break ko na 30 mins lang dapat pero dahil nakakwentuhan ko si Sir,inabot tuloy ng isang oras.Nagmamadali na akong pumunta sa counter,nakita ko kasi ang mukha nina Lia at Hikari na pazombie na gutom na gutom na siguro.

" Hoy!tukmol! Ano close na kayo ng Supladong manager natin?"-tanong ni Hikari

"Mabait naman Si Sir." -nakangiti kong sagot

"Wow?nagbago ata ang ihip ng hangin?Akala ko ba hahayaan mo syang mag adjust sa atin?"-Hikari

" Oo sinabi ko yun Alien,pero naisip ko rin na ang unfair naman natin kung hindi natin sya bibigyan ng chance para makilala natin kung sino talaga sya?Suplado sya masungit pero tingin ko yun ang ugali nya kapag nagtatrabaho,at hindi ibig sabihin nun hindi na natin sya magugustuhan."-ako

"Sows,napaka sungit nya kapag tinatanong ko sya kung mag oorder na tayo ng asukal ang isasagot sakin **MALAMANG TRABAHO MO YAN DAPAT ALAM MO NA KUNG KUKULANGIN NA SA ASUKAL**nakaka asar diba?ang taray ?tss."-hikari

" Ang pogi kaya ni Sir Asher kapag nagsusungit,namumula mula pa yung pisngi tapos ang bango bango nya yieee"-Singit ni Lia

"Taglandii ka Thalia?ano?kakampi ka na rin kay Tukmol?friendship nyo na rin yung SuPlado na yun."-hikari

" Hala?hindi naman dapat natin syang bullyhin."-Lia

"Ayy dahil pogi Lia?friendship over na ba?"-tanong ni hikari

" Luh grabe hikari agad agad?."-Lia

Hindi ko maiwasan na mapatawa sa reaksyon at pagtatalo ng dalawang to,ito naman kasing bespren ko akala mo tao kung mainis kay Sir Asher.

"Hayaan mo na sila Hikari,kung kakampi man sila sa supladong manager nila,I got you back,ayoko sa Asher Jalbuena na yan."- miguel

Nagulat ako sa biglaang pag sulpot ni Miguel paano ba naman mula sa likuran ko bahagya nya akong tinulak.

" Talaga?kahit impakto ka makikipag kampihan ka sa tulad kong dyosa.?"-hikari

"Oo naman noh,kahit dyosa ka pa ng mga impakta kakampihan kita."-sagot ni miguel

" Yung totoo Miguel kakampi kita o kalaban?paka epal mo talaga e"-hikari

Bago pa man nagmagka asaran ang mga ito pinaalala ko na kay Lia at Alien na maglalunch pa sila,at ayun na nga nagmamadaling lumabas ng shop.Habang Si Miguel naman nakangiting aso habang nakatitig sa akin,hanggan ngayon hindi ko pa rin alam ang problema ng taong yan.

[End of Tristan's POV]

Asher's POV:

Katatapos ko lamang mag lunch at makipag usap sa isa sa mga crew ko dito sa coffee shop.Maayos naman palang kausap si Tristan,akala ko tulad din sya ng ibang kasamahan nya na kapag talikod sa akin nag memake face pa lalo na si Hikari,mukhang mahihirapan talaga akong makuha ang loob nya.

"Hoy!Tukmol!Ano close na kayo ng Supladong manager natin?"

Bahagya akong lumingon sa pinangagalingan ng boses ng nagsalita.At hindi nga ako nagkamali kay Hikari nga ang tinig na yun,hindi nga nya talaga ako magugustuhan bilang manager nya.Ibinaling ko muli ang aking paningin sa labas ng shop na ito,buti pa sa labas maaliwalas ang paligid pero dito sa loob ng coffee shop na ito para akong magkakasakit sa mga naririnig kong komento.

"Shiit"-bulong ko sa sarili ko

Matutulungan kaya ako ni Tristan na kunin ang loob ng mga kaibigan nya?kung sa mga naririnig ko e,puro negative agad.

" Oo sinabi ko yun Alien,pero naisip ko rin na ang unfair naman natin kung hindi natin sya bibigyan ng chance para makilala natin kung sino talaga sya?suplado sya,masungit pero tingin ko yun ang ugali nya kapag nagtatrabaho at hindi ibig sabihin nun hindi na natin sya magugustuhan."

Muli akong lumingon sa direksyon ng mga crew ko kung saan sila naguusap,Si Tristan pala ang nagsabi nun.Masarap pakinggan mula sa kanya na bigyan ako ng chance para mailapit sa mga kasamahan nya.Nabuhayan tuloy ako ng loob kahit papano sa mga sinabi ni Tristan.Oo,mahirap akong pakisamahan,suplado ako at mahirap tantyahin ang ugali lalo na kapag nagtatraho ako pero kapag nakilala naman nila ako,isa akong tunay na kaibigan.Hirap lang talaga akong makisalamuha sa mga tao para, akong tanga diba?pero yun talaga ko.Sana matulungan ako ni Tristan,gusto ko silang kilalanin at kaibiganin lalong lalo na siya.

Inayos ko na ang pinagkainan ko at babalik na sa managers office ng makabungguan ko si Hikari.

"Sorry sir."-hikari

" No.Its alright."-sagot ko

"Sir Asher,nga po pala maglalunch lang po kami ni Hikari sa labas gusto nyo po bang sumama?"-Pag aanyaya ni Lia

Habang nagsasalita si Lia,napansin ko na hinahatak na sya ni Hikari na nakasibangot pa.

" Thanks for you invitation Lia,pero katatapos ko lang din maglunch."-ako

Nagtry akong ngumiti ng kahit konti para naman kahit papano e gumaan naman ang loob nila sa akin.

"Ga..ganun ba sher asherr"-sagot ni Lia

Ano bang nangyayari sakanya at parang natulala sya nung sinabi ko yun?

" Hoy babae halika na wag kang kereng keng !"-sabi ni Hikari

Sa pagkakataong ito hinatak na ng tuluyan ni Hikari si Lia palabas ng shop.Ako naman pabalik na sa office ng mapansin kong nagiisa si Tristan sa counter halatang sanay na sanay na ito sa trabaho nya,iilan lang naman ang customer na inaassist nya pero nakikita kong alam na alam nya ang gagawin nya.Akma na akong aalis ng mapalingon si Tristan sa kinaroroonan ko.Isang magandang ngiti ang binigay nya sa akin.Nagulat ako sa ginawa nya kaya umiwas ako ng tingin at nagmadaling pumunta sa managers office.

Mabilis lumipas ang mga oras isang oras na lamang at matatapos na ang shift namin,actually kanina pa dapat ako umalis dahil hanggang 7pm lang ang duty ko pero minabuti ko nang sabayan ang mag coclosing na sina Hikari,Miguel at Tristan,tinapos ko rin kasi ang ilang inventory para bukas hindi ko na ito intindihan pa.

Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng office,halos  tapos na maglinis ang mga naka duty  para sa closing patay na ang mga ilaw,nakita ko na nasa labas na ng shop si Miguel.Iginala ko ang aking mata at nakita kong palabas na ng crew room si Hikari.

"Tukmol?sumabay kana sa amin ni Miguel tigilan mo na yang pag dadrama mo,food trip na lang tayo."-Hikari

" Mauna na kayo Alien.Kaya ko namang umuwi."-Tristan

"Bahala ka nga diyan.Una na kami ingat ka sa pag uwi tanga ka panaman."-Hikari

Pagka paalam ni hikari,wala na akong narinig na sagot mula kay Tristan.Napatingin naman sakin si Hikari ng madaanan nya ako malapit sa pinto ng Shop.

" Una na po ko."-matipid na paalam ni Hikari

"Ingat kayo ni..."-ako

Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay agad namang lumabas ng pinto si Hikari.

Napalunok ako ng konti dahil feeling ko napahiya ako.Ayaw nga talaga nila sa akin.Napatingin ako muli sa  direksyon papapunta ng crew room,nandun pa si Tristan ayain ko na kaya syang sumabay sa akin pauwi,pero baka ayaw nya,huwag na lang siguro.Akma na akong aalis ng marinig ko ang kanyang boses.

Darating ba ang mga sagot

Kapag nahanap na,wala na bang lungkot.

Pagibig nga naman ang nais makamtan.

Hahanapin ba o sadyang mag aabang.

Dahan dahan akong bumalik papunta sa crew room,kumakanta ba sya?pero hindi klaro ang boses nya?papalapit na ako sa pinto ng crew room.

Pipilitin ko,

Pipiliin mo kaya ako.

Kung piliin ko na,

Maghintay na maghintay..

Bahagya akong sumilip sa kaunting siwang ng pinto para silipin kung anong nangyayari sa loob ng crew room.Nagulat ako sa aking nakita,si Tristan nasa isang sulok,nakayuko may hawak na papel sa kanang kamay nya pakiwari koy isa iyong litrato.Umiiyak ba sya?Bubuksan ko na sana ang pinto ng maisip kong hindi ito ang oras para kausapin sya sa kung anong problema ang kanyang pinagdaraanan sa mga oras na ito,maybe some other time kakausapin ko sya,mukhang napakabigat ng pinagdaraanan nya.Mabilis kong nilisan ang kinaroroonan ko,lumabas na rin ako agad ng shop,sakto rin sa aking paglabas ang pag dating ng grab na pinabook ko.Isang asul na toyota wigo ang huminto sa kinatatayuan ko,agad naman akong sumakay at pinakita ko rin sa driver ang confirmation ng transaction namin.

Agad umalis ang sinasakyan ko.

Sa byahe iniisip ko pa rin ang nasaksihan ko kanina sa crew room,may pinagdaraanan kayang mabigat si Tristan?nakakainis naman ako kung sa ganung sitwasyon nya e dumadagdag pa ko?pwede namang ako na lang ang mag lapit ng sarili ko kila Hikari,Lia at Miguel.Hindi ko sya dapat abalahin.Lalo tuloy  akong na curious kay Tristan.Sana oneday mabigyan ko sya ng suporta gaya ng pagpapakita nya sakin ng suporta nya kahit may mabigat pala syang pinoproblema.

[End of Asher's POV]