webnovel

Suspected Love (3)

Editor: LiberReverieGroup

Isang product endorsement contract para sa isang national Chinese restaurant chain ang pipirmahan ni Cheng Yang. Ang chain ay parang KFC na may twenty four hours delivery service at ang kanilang specialty ay crayfish.

Ang manager ni Cheng Yang at ang copyright department ng Huan Ying Entertainment ay nagkasundo na sa contract clearance, kaya wala ng problema. Ang kailangan niya lang gawin ay basahin ito konti, kumuha ng pen, at pirmahan ito.

Pagkatapos pumirma ni Cheng Yang, iniangat niya ang kontrata at sinilip ito ni Qiao Anxia. Nakita nito na ang sweldo para sa endorsement ay may napakaraming zero. Hindi ito nagsalita at tumingin kay Cheng Yang tapos itinuro ang litrato ng masarap na crayfish na nasa kontrata.

Biglang nagsalita si Qiao Anxia at sinabi, "Crayfish ang paborito ni Qiao Qiao. Kahit sobrang gabi na, niyaya niya pa rin akong pumunta sa Ghost Street para kumain niyan."

"Talaga?" Tumingin si Cheng Yang kay Qiao Anxia at nginitian ito. At nagpatuloy siya sa kanyang pagpirma.

"Ang company na irerepresent ko ay nagluluto ng masarap na crayfish. Kung gusto niya nito, pwede kong ilbre kayong dalawa. Kumain kayo ng kahit gaano karami.

"That's great," masayang tumango si Qiao Anxia. "Kapag nalaman yan ni Qiao Qiao, sigurado matutuwa yun."

Hindi nagsalita si Cheng Yang habang patuloy na tinitignan at pinipirmahan ang kontrata. Matapos niyang masiguro na napirmahan niya na lahat, agad niyang ibinigay ito sa copyright manager na nasa harap niya. "Pasensya na sa abala"

Nginitian siya ng copyright manager at sinabing, "That's fine, Mr. Cheng."

Tumungo si Cheng Yang at nagpaalam bago niya hawakan ang kamay ni Qiao Anxia palabas ng copyright department office. Paglabas, nakita nila si Lu Jinnian na nakatayo na parang may hinihintay na kontrata. Napahinto si Cheng Yang at tinawag si Lu Jinnian, "Mr. Lu!"

Lumingon si Lu Jinnian nang marinig ang boses ni Cheng Yang. Noong nakita niya si Qiao Anxia, hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon at binati lang nito ang dalawa at bahagyang tumungo.

May isang staff member na nakatayo sa harap ni Lu Jinnian na saktong nakita na ang kontratang hinahanap ni Lu Jinnian. Iniabot ito ng staff member gamit ang dalawang kamay at sinabing, "Mr. Lu, nakita ko na."

Nakatingin lang si Lu Jinnian at hindi nagsalita habang tinatanggap ang kotrata. Kinumpirma niyang iyon ang kontratang hinahanap niya matapos niya itong tignan ng dalawang beses. Pagkakuha niya nito, agad din siyang lumabas ng copyright department office.

Alas otso na ng gabi nang matapos ang meeting at iba pang mga kailangang gawin ni Lu Jinnian. Tumawag siya sa internal line para sabihin sa kanyang assistant na ihanda na ang kanyang sasakyan. Bago niya ibaba ang phone, naalala niya noong nakita niya si Qiao Anxia at Cheng Yang sa copyright department. Naalala niya yung sinabi ni Qiao Anxia kaya bigla niyang sinabi habang nasa phone, "Sandali lang."

"Mr. Lu, mayroon ka bang gusto?"

Mahinang kumatok si Lu Jinnian sa kanyang lamesa at sinabi, "Magorder ka ng crayfish galing sa restaurant na ieendorse ni Cheng Yang at dalhin mo sa set. Sakto malapit na silang matapos magfilm, para makakain ang lahat ng gabihan."

Madalas naman sa set na ang mga procuder, direktor o kung sino man ang may pera ay nanlilibre ng pagkain. Kahit hindi mahilig makisalamuha si Lu Jinnian, nanlilibre pa rin siya kapag kailangan. Kaya naman hindi nagsuspetsya ang kanyang assistant at agad itong sinunod nang marinig ang utos niya.

Pumunta ang assistant niya sa pinakamalapit na chain restaurant sa Huan Ying Entertainment at binili ang lahat ng natirang crayfish. Napuno ang lahat karton na dinala nito.

Kagaya ng inaasahan ni Lu Jinnian, halos five minutes lang at nakarating na ang sasakyan sa set, at tamang tama kakatapos lang din nila.

Mabilis na naglakad ang assistant papunta sa direktor para bulungan ito. Kinuha ng direktor ang microphone at sumigaw, "Kayong lahat, wala munang aalis. Dinalhan tayo ni Mr. Lu ng gabihan."