webnovel

Sino Nagpapasok Sayo Dito? (3)

Editor: LiberReverieGroup

Matapos painumin ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ng gamot gamit ang kanyang bibig, nakatulog na ito ng mahimbing, marahil ay epekto ito ng gamot. Nagising si Qiao Anhao sa kanyang pagkatulala.

Kinumutan niya si Lu Jinnian at binasa ang manual para sa gamot. Nakatala na dapat uminom ulit ng gamot matapos ng apat na oras kung magpapatuloy ang lagnat.

3 am na pagkatapos ng apat na oras…

Nais ni Qiao Anhao na mag-alarm ngunit maari nitong magising si Lu Jinnian, nanatili siyang gising.

Paminsan-minsan niya hinawakan ang noo nito habang naghihintay upang maramdaman kung bumaba na ba ang lagnat nito. Matapos ng apat na oras, 3am na. Hindi na mataas ang lagnat nito.

Nag-alala si Qiao Anhao na baka bunalik ang lagnat nito kaya pinainom niya ito ng gamot gaya ng ginawa niya nung una. Ngunit, pinatagal niya ito ng ilang segundo.

Nang humiwalay ang kanyang labi, saka naman biglang may humila sa kanya pabalik sa labi ni Lu Jinnian at nagkadikit muli ang kanilang mga labi.

Alam ni Lu Jinnian na may nag-aalaga sa kanya ngunit pakiramdam niya ito ay isang panaginip. May naglagay sa kanyang bibig na mapait na bagay at gusto niyang idura. Ngunit, may pumigil na malambot na labi sa kanyang bibig.

Pakiramdam niya ito ay pamilyar.

Hinalikan siya ni Lu Jinnian at nabigla siya sa takot. Nablanko ang kanyang isip, hindi niya namalayan na malalim na ang ginagawa nilang halik.