webnovel

Sino ba ako para sayo? (7)

Editor: LiberReverieGroup

Wala ng sinabi si Lu Jinnian, hinawakan niya ang kumot. Bahagya itong naging malumanay at sumagot ng "mmm" kay Qiao Anhao. Kinuha niya yung script sa lamesa at binigay sa kanya.

"Script mo."

Hindi pinansin ni Lu Jinnian na pumasok si Qiao Anhao sa kuwarto ng walang permiso at ang pagbukas ng bintana. Kaya naka hinga ng maluwag si Qiao Anhao at tagong tumingin kay Lu Jinnian.

Kinuha niya ang script ng sinabi ni Lu Jinnian, "Salamat."

Nagulat si Qiao Anhao kaya lumingon ito sa kanya.

Bago pa sila ikasal, hindi sila ganon nag-uusap sa nakalipas na 5 taon. Bago pa 5 taon hindi rin ito mapagpasyensya sa kanya. Matapos nilang ikasal, hindi siya pinapansin nito pagnagsalita siya o galit itong sasagot. Sa loob ng anim na taon, hindi ito nagsalita ng kalmado sa kanya.

Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao ang pakiramdam niya dahil ito ang unang beses maayos itong nagsabi, "Salamat."

Tinignan saglit ni Qiao Anhao si Lu Jinnian hanggang sa bahagyang sumakit mata niya at yumuko. Yakap niya ang script at mahinang sinabi, "Walang anuman."

Hindi sumagot si Lu Jinnian.

Kaya kalmado at matiwasay niyang sinabi, "Gabi na, Mauna na ko."

Tumango si Lu Jinnian at sumagot ng "mmm." Tumalikod na si Qiao Anhao. Biglang naalala ni Lu Jinnian ang ginger na dala ng assistant niya; ang alok ni producer Sun para sa bagong drama.

"Sandali, isang bagay pa."

Nagtatakang lumingon si Qiao Anhao.

Dumaan ang tingin ni Lu Jinnian sa lamesa at eleganteng sinabi, "Nito lang, nag-invest sa historical drama ang Huan Ying Entertainment. Tulad ng 'Alluring Times'. Hindi pa inanunsyo kung sino mga karakter dahil hindi pa pinal. Maganda ang line up, screenwriter at direktor. Magsisimula ito matapos ang shooting ng 'Alluring Times'. Nilagay kita bilang leading aktress kaya gawin mong bakante ang iskedyule mo.