webnovel

Scandal (8)

Editor: LiberReverieGroup

Halos limang minuto niyang pinakiramdaman ang paparazzi at nang

magkaroon siya ng pagkakataon, sinadya niya itong titigan para masindak.

Pero dahil sanay ito sa ganitong kalakaran, mabilis itong nakapagtago kaya

paglingon ni Qiao Anhao, nagmukha siyang nakatulala sa kawalan.

Kaninang umaga, pumutok ang balita ni Qiao Anhao kaya kung makukunan

ang kaibigan niya ng hindi magandang litrato, tyak na gagawa nanaman ito ng

panibagong tsismis.

Hindi pwede! Siguradong ikakasira nanaman ito ni Qiao Qiao at bilang

kaibigan, ayaw niya itong mangyari kaya dali-dali niya itong tinignan para

balaan ito, pero noong magsasalita na siya, bigla naman itong tumayo na para

bang may nakita itong multo.

"Qiao Anhao, nasisiraan ka na ba ng…." Habang nasa kalagitnaan si Zhao

Meng ng pagsasalita, biglang sumulpot si Lu Jinnian…. Huminto siya sa

harapan ni Qiao Anhao, na para bang wala siyang pakielam sa mga

nakapaligid sakanila na lantarang kumukuha ng picture. Sa totoo lang, walang

siyang pinangangambahang kahit ano dahil para sakanya, si Qiao Anhao lang

ang mahalaga. "Qiao Qiao."

Hindi maitatago ng mga mata ni Lu Jinnian ang naguumapaw niyang

pananabik, na kahit sinong makakita ay mararamdaman na kung wala lang sila

sa pampublikong lugar ay yayakapin niya talaga si Qiao Anhao ng sobrang

hipit.

"Mr. Lu?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zhao Meng. Gusto niya sanang

itanong kung anong nangyayari pero noong napansin niyang nakatingin ang

lahat sa dalawa, dali-dali niyang itinikom ang kanyang bibig at nagtatakang

tumingin sa assistant.

Nabasa ng assistant kung anong iniisip ni Zhao Meng kaya bilang sagot,

nagkibit balikat siya na para bang gusto niyang sabihin na "Hindi ko rin alam."

Noong mga oras na 'yun, parang biglang tumigil ang mundo nina Qiao Anhao

at Lu Jinnian… Pero hindi naman pwedeng magtitigan nalang sila, tama?

Pagakalipas ng isang minuto, nagmamadaling tumayo si Zhao Meng para

sensyasan ang assistant na umupo at paalalahanan ang kaibigan niyang

nakatulala. "Qiao Qiao, diba kakauwi lang ni Mr. Lu galing America?

Siguradong hindi pa siya kumakain.

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at noong narealize niya na ang tagal

niya na palang natulala kay Lu Jinnian, bigla siyang namula at nahihiyang

gumilid para paupuin ito.

Kanina pa walang ganang kumain si Qiao Anhao, kaya hanggang sa mga oras

na 'to, halos wala pang bawas ang mga inorder nila, pero hindi naman

hahayaan ni Zhao Meng na pakainin ng tira-tira si Lu Jinnian kaya tinawag

niya ang waiter para humingi ng dalawang menu at dalawang bagong ng pares

ng chopsticks.

Kakatapos lang mananghalian ng assistant, kaya Sake nalang ang inorder nito

samantalang si Lu Jinnian naman ay nagdagdag lang ng konting sushi.

Pagkaalis ng waiter, biglang humirit si Zhao Meng, "Mr. Lu, malungkot lang si

Qiao Qiao dahil…."

Kabisado ni Qiao Anhao ang takbo ng isip ni Zhao Meng kaya alam niyang

magsusumbong ito kay Lu Jinnian na pinaparinggan siya ni Lin Shiyi sa

internet. Totoong malungkot siya pero wala naman siyang balak na idamay

ang asawa niya sa mga pinagdadaanan niya kaya dali-dali niyang sinipa ang

binti ni Zhao Meng sa ilalim ng lamesa at tinignan ito para tumigil.

Agad din namang itinikom ni Zhao Meng ang kanyang bibig at huminto sa

pagsasalita.

Pero huli na ang lahat dahil narinig na ni Lu Jinnian ang key word…

Maungkot?

Biglang kumunot ang kanyang noo at nagaalalang tumingin kay Qiao Anhao.

"Anong nangyari?"

Kung ngayon ang paguusapan, hindi na siya malungkot dahil napawi na ni Lu

Jinnian ang lahat ng bigat na nararamdaman niya lalo na alam niyang umuwi

ito sa kalagitnaan ng mahalagang trabaho para lang puntahan siya.

Mahigit fifty hours palang silang magkalayo, at mula noong lumapag si Lu

Jinnian sa America, dumiretso kaagad ito sa trabaho. Alam niyang hindi biro

ang pagod Lu Jinnian kaya ayaw niya namang bigyan ito ng dagdag na

problema dahil lang nagpapaapekto siya sa mga inosenteng tao sa internet at

sa mga walang kakwenta-kwentang pagpaparinig ni Lin Shiyi.