webnovel

Patawarin mo ako (2)

Editor: LiberReverieGroup

Kinahapunan noong ika-apat na araw ng pahinga ni Qiao Anhao, muling sumakit ang kanyang tiyan na medyo hawig sa period cramps.

Mula pagkabata, lagi na talagang nakakaramdam si Qiao Anhao ng period cramps. Hindi rin regular ang kanyang cycle kaya minsan may mga buwan na hindi siya nagkakaroon pero sinigurado naman sakanya ng doktor na wala siyang kailagang alalahanin. Uminom siya noon ng isang Chinese medicine para maitama ang kung anumang problema sa katawan niya. Halos kalahating taon din siyang naging normal pero matapos nito ay muli nanaman siyang bumalik sa pagiging irregular. Alam niyang masama sa katawan kapag masyadong marami ang iniinom na gamot kaya naisipan niyang naghanap ng ibang doktor pero gaya noong una, siniguro din nito sakanya na wala siyang dapat ipangamba.

Hindi naman sobrang sumakit ang tiyan ni Qiao Anhao at nawala rin ito kaagad.

Habang nagdidinner, tinanong siya ni Madam Chen, "Mrs. Lu, nasa ibang bansa ba si Mr. Lu ngayon? Bakit hindi pa siya umuuwi?"

Nagulat si Qiao Anhao sa biglaang pagtatanong nito kaya medyo natagalan bago siya nakasagot ng isang napakahinang "Yea" at muli siyang nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos niyang magdinner, pinag'init siya ni Madam Chen ng isang boteng swallow's nest na nanggaling kay Han Ruchu. Inubos niya muna ito bago siya umupo sa sofa para manuod ng TV. Nang sandali ding 'yun mismo, muli nanamang sumakit ang kanyang tyan kaya kumuha siya ng kumot na ipangtataklob niya sa kanyang katawan sa takot na baka magkasipon siya. Ilang sadlit lang ang lumipas, hindi niya namalayan at unti-unti na pala siyang nakatulog.

-

Nitong mga nakaraang araw, umuuwi si Lu Jinnian sa Mian Xiu Garden pero hindi niya dinadala ang kanyang sasakyan.

May dinner meeting siya ngayong araw pero masyado pang maaga noong natapos ito kaya naisipan ng host na imbitahin ang lahat sa ibang lokasyon para makapaglaro sila. Hindi na sumama si Lu Jinnian dahil hindi talaga siya mapalagay mula pa kanina. 

Pagkakuha ng kanyang assistant ng sasakyan mula sa underground park, lumabas ito kaagad para pagbuksan sana siya ng pintuan pero hindi siya pumasok. Matagal pa siyang tumayo sa labas bago niya utusan ang assistant, "Ibigay mo nalang sa akin ang susi at pwede ka ng umalis."

Pinauna niya munang makaalis ang kanyang assistant na sumakay ng isang cab bago siya pumasok sa kanyang sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Sinubukan niyang kumalma pero kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya mapalagay kaya binuksan niya ang mga bintana sa pag babakasakaling kumalma siya kapag nakalanghap ng sariwang hangin. Ngunit maging ang ideyang ito ay hindi pa rin nakabawas ng bigat na nararamdaman niya. Hindi nagtagal, binuksan niya na ang makina ng kanyang sasakyan at inapakan ag accelerator.

Sampung minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin gumagaan ang kanyang loob kaya sa pagkakataong iyon ay naisipan na niyang kunin ang kanyang phone para tawagan ang Mian Xiu Garden.

Noong nakita ni Madam Chen ang pangalan niya na tumatawag, hindi na ito nagalinlangan pang sagutin at binati siya ito, "Mr. Lu."

Sumagot lang siya ng isang mahinang "Yea" bago siya nagtanong na halatang sobrang kinakabahan, "Kamusta si Qiao Qiao?"

Nagulat si Madam Chen sa biglaan niyang pagtawag kaya medyo natagalan bago ito nagtatakang sumagot, "Ayos lang naman si Mrs. Lu, nanunuod lang siya ng TV sa taas,"

Nang marinig ni Lu Jinnian ang sagot ni Madam Chen, biglang kumalma ang kabang nararamdaman niya. Napabuntong hininga muna siya at sumagot ng isang mahinang "Oh" bago niya tuluyang ibaba ang tawag.

Gusto sanang bumalik ni Lu Jinnian sa trabaho para makapagovertime, pero noong nakarating na siya sa intersection, nanumbalik nanaman ang kabang naramdaman niya kahit na sinigurado na ni Madam Chen na ayos lang si Qiao Anhao. Dahil doon, hindi na siya nagalinlangan pa at dali-dali ng bumalik ng Mian Xiu Garden.

Alas diyes imedya na ng gabi noong makarating siya sa bakuran ng Mian Xiu Garden. Hindi pa nakakatulog si Madam Chen kaya agad itong lumabas nang sadaling marinig nito na papasok ang kanyang sasakyan.

Pagkababa niya ng sasakyan, hindi niya pinansin ang naging pagbati ni Madam Chen sakanya at nilagpasan niya lang ito habang pinipindot ang lock button na nasa susi ng kanyang sasakyan. Sa sobrang pagmamadali, hindi na rin siya nakapagtanggal ng sapatos dahil kumaripas na siya ng takbo paakyat ng kwarto nila at binuksan ng malakas ang pintuan nito.