webnovel

Patawarin mo ako (11)

Editor: LiberReverieGroup

Habang nagpapalit ng sapatos si Lu Jinnian, bigla niyang naalala na nagtatanong sakanya si Madam Chen, na kasalukuyang nililigpit ang mga pinaghubaran niyang sapatos. Hindi niya pa rin ito tinignan ngunit habang buhat-buhat niya si Qiao Anhao ay sinagot niya ito, "Wala namang dapat alalahanin, may period lang ang Missus."

Natigilan si Lu Jinnian at bigla niyang naalala ang mga ibilin sakanya ng doktor. "Gawin mong mas masustansya ang mga kakainin ng Missus para lumusog ang katawan niya."

Nang malaman ni Madam Chen na may period lang si Qiao Anhao, sa wakas nakampante na rin siya at walang alinlagan siyang tumungo bilang sagot sa utos ni Lu Jinnian.

Napalitan na ni Madam Chen ang kubrikama at kumot ng kanilang kama kaya agad na inihiga ni Lu Jinnian si Qiao Anhao. Kinumutan niya ito at hindi niya rin nakalimutang pataasan ng two degrees ang kanilang central heating. Hindi nagtagal, lumabas na siya sa kwarto at dumiretso sa labas ng bahay kung saan naghihintay ang kanyang assistant.

Tumingin lang si Lu Jinnian sa kanyang assistant at walang imik siyang naglakad papunta sa hardin na nasa likod ng bahay nila.

Nagmamadaling humabol sakanya ang assistant. 

Malayo na si Lu Jinnian sa mansyon nang maisipan niyang huminto sa paglalakad. Wala pa siyang tulog kaya bumunot muna siya mula sa kanyang bulsa ng sigarilyo. Sinindihan niya ito at humithit ng dalawang beses na magkusod bago niya kausapin ang kanyang assistant, "Hindi muna ako papasok sa office ng ilang araw. Kung pwedeng iatras ang mga bagay-bagay, gawin mo pero kung nagmamadali talaga, magsend ka nalang ng email sa akin at gagawin ko ang mga kailangan sa gabi. Iwasan mo ring tawagan ako."

Muling humithit si Lu Jinnian bago niya idagdag, "Gusto ko munang maatili ng ilang araw sa bahay para samahan siya."

Alam ng assistant na ang "siya" na sinabi ni Lu Jinnian ay walang iba kundi si Qiao Anhao kaya tumungo siya at sinabi, "Naiintindihan ko, Mr. Lu."

Pinagisipan muna ni Lu Jinnian kung ano pa ba ang kailangan niyang sabihin bago siya muling magsalita, "Isa pa, pakiatras din ang mga eksena niya sa 'Alluring Times' para sa susunod na limang araw. Sinabi ng doktor na kailangan niyang magpahinga ng hindi bababa sa pitong araw."

"Tatawagan ko ang direktor."

Wala ng ibang sinabi si Lu Jinnian.

Hinihintay ng assistant kung may sunod pang sasabihin si Lu Jinnian pero nang maramdaman niyang mukhang wala na itong balak magsalita ay kusa na siyang nagtanong, "Mr. Lu, mayroon pa ba?"

Napatingin si Lu Jinnian sa isang bulaklak ng rosas na hindi naman kalayuan mula sa kintatayuan nila. Matagal siyang nakatitig rito bago niya muling tignan ang kanyang assistant at sinabi, " Ang tungkol sa kanyang….miscarriage, huwag mong hayaang malaman niya…"

"Pero paano kapag naramdaman ni Miss Qiao na may mali?"

"Sasabihin ko kay Madam Chen na may period lang siya at kakausapin ko rin ang ospital. Hindi sila maglalabas ng kahit anong impormasyon. Isa pa, tignan mo kung may nakasunod sa amin at nakunan kami ng litrato. Kung meron man, pigilan mo sila. Nakausap ko na ang doktor at sinabi nito na pagkatapos ng operasyon, bukod sa manghihina siya, medyo magiging bloated din siya na wala namang pinagkaiba kapag nagkakaroon ng period ang isang babae."

Muling humithit si Lu Jinnian at ramdam sa kanyang boses ang lungkot nang muli siyang magsalita, "Kahit anong mangyari, gawin mo ang sinabi ko sayo. Hindi ko kayang isipin kung anong mangyayari sakanya kung sakali mang malaman niya pag nagising siya na namatayan siya ng anak, at hindi ko kayang…"

Sa puntong ito, naramdaman ni Lu Jinnian na parang may bumara sa kanyang lalamunan. Sobrang sakit nito kaya medyo matagal siyang natigilan. Nang subukan niyang magpatuloy, nanginginig ang kanyang boses habang sinasabi, "Kasalanan ko naman talaga ang nangyari, hayaan mong ako nalang ang magdusa. Hindi ko talaga kayang makitang malungkot siya.

Ang iniisip ni Lu Jinnian ay kung hindi dahil sakanya, siguradong hindi mangyayari ang trahedya kagabi.

Buong gabing walang malay si Qiao Anhao kaya wala rin itong kaalam-alam sa mga nangyari at 'yun nalang ang gustong panindigan ni Lu Jinnian.

Ang pagkamatay ng anak. Isa itong walang kapantay na sakit.

Para sa ganitong klaseng sakit, siya lang dapat na magbayad nito.