webnovel

Pang-Blockbuster na Pag-arte (2)

Editor: LiberReverieGroup

Naurong ang filming ng apat na araw dahil sa importanteng gagawin ni Lu Jinnian. Ang eksena agad nila, ang kay Qiao Anhao at kay Lu Jinnian nang magbalik sila sa filming.

Maganda ang panahon ng unang filming katulad ng kaya ang buong filming crew ay pumunta ng mas maaga sa naka takdang oras.

Nasa lokasyon na si Lu Jinnian, naghihintay, habang si Qiao Anhao ay nagpalit at naglagay ng makeup. Gaya ng dati parang may 2 meters na invisible barrier si Lu Jinnian kaya walang lumalapit sa kanya. Gayumpaman, maraming aktress ang tumitingin sa kanya.

Nang makita ng direktor si Qiao Anhao, personal ito pumunta kay Lu Jinnian para sabihan ito. Ang lahat ay nagpunta sa kanila mga position at nagsimula ang filming.

Sa script, mabuting magkaibigan ang second female lead at second male lead, simula ng bata. Para sa lalaki siya ay isang kapatid pero para sa babae siya ang sikretong minamahal nito ng mahabang panahon. Nang araw na ikakasal na ang lalaki sa minamahal nito. Hindi napigilan ng babae kaya may nagawa itong masama para hindi ito makasal.

Ang eksena ngayon ay dadating ang babae para samahan ang lalaki dahil ang babaeng pinapangarap nito ay paalis na ng ibang bansa.

Tumutok lahat ng kamera kay Lu Jinnian ng sumigaw ang direktor ng "Umpisahan na."

Naka slouch si Lu Jinnian sa sahig sa isang magandang kuwarto, magulo ang damit at makalat, maraming walang laman na beer sa paligid niya. Ang mukha nito kita ang matinding sakit habang hawak ang isa pang bote ng beer.

Magaling umarte si Lu Jinnian kung gaano ito cold at walang emosyon sa totoong buhay. Perpekto naman ito kung humubog ng kahit anong ang karakter niya. Nawala ang cold at distant na panglabas. Isa na siyang lalaking dumadanas ng matinding kalungkutan. Naipakita niya ang matinding lungkot ng mabilaukan ito sa beer at umiyak.

"Magaling talagang aktor si Lu Jinnian, grabe sa isang eksena parang siya yung mismong karakter."

"Oh my god, pati yung pag-ubo at pag-iyak ang galing! Nagawa niyang buhayin ang karakter."

Hindi maiwasan na purihin si Lu Jinnian sa pag-arte.

Kahit si Lin Shiyi na biglang tumabi kay Qiao Anhao, hindi maiwasan na ngumiti at sinabi, "Miss Qiao, sigurado akong hindi mo bibiguin ang magandang pag-arte ni Mr. Lu."